webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 33: Grateful

"Comgratulations!.." sinalubong ako ng yakap ng aming adviser pati na rin ng mga iba pa naming guro ng makapasok na ako ng room.

Lihim kong pinunasan ang luhang naglandas saking pisngi. "Thank you po.."

"O bat ka umiiyak?.." si Sir Pete. Nasa bandang likuran. Nakikipagtuwaan sa grupo nina Ace at Jaden.

Ngumiti ako kahit yung pisngi ko, puno ng luha.

Kumalas sya ng yakap sakin. Kinuha ang panyo sa bag saka pinunasan ang aking pisngi.

"Hahahaha... tama na yan. Dapat nga masaya ka. Nanalo ka e.." tumatango ako habang nakangiti. Parang baliw lang. Pero siguro naranasan nyo na rin ito no?. Umiiyak na nakangiti. Patuloy na umaagos ang tubig galing saking mga mata, pababa.

Nilapitan ako ni kuya Lance. Iniwan sina Ace. Nang magpaalam sakin si Maam. "Are you sad?.." kinuha ang hawak ko pang bulaklak. May binigay na supot. Nginitian ko sya. Pinapakitang di ako malungkot. "Magtsinelas ka na. Baka mamaya mamaga na yang paa mo.." tsinelas pala ang laman ng supot. Kinuha nya ito sabay lagay sa paanan ko. Pinaupo nya ako bago tinanggal ang heel na suot ko.

"Ay pogi. Bakit ikaw gumagawa nyan?.." maarteng tanong ni Winly. Di na nya kasama sina Karen at Joyce. Gabi na rin kasi.

"Mga torpe kasama ko e. Walang lakas ng loob.. Hahaha.." isang palo sa likod ang natanggap nya. Heto na naman sya. Mang-aasar.

Lalo namang dinagdagan ng bakla ang pang-aasar nya.

"Ace narinig mo yun?.." biglang sigaw nito sa kaibigan kong tumatawa pa sa sinasabi ng kanyang mga kaklase.

Natigilan. Nalilito sa tanong.

"Ang alin?.." sagot nya lang kay Winly. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nalang. Damn Winly!. Burn please!...

"E ikaw Jaden?.." lumingon sya samin. Nakaupo ito. Pinapaligiran ng grupo ni Denise. Kaya pinatangkad pa ng bahagya ang kanyang ulo upang makita lang kami. Oh sorry!.

"Ha?. Ano yun Winly?.." bakas sa mukha nya ang pagtataka. Nagtatanong. Nalilito. Sakin sya tumingin tapos kay Winly tapos kay Kuya tapos sakin ulit. Damn!. Mabilis kong binaling sa iba ang atensyon ko. Kita kong inilingan lamang sya ni Winly.

"Di lang pala sila torpe pogi. Mga bingi pa..hahaha." minsan talaga ang hard netong bakla makalait. Wagas. Ang pinagtataka ko pa nga, ay kung bakit mabilis silang nagkasundo ni kuya Lance gayong itong kapatid ko sobra pa sa bakla ang linis. Di kaya pareho lang sila ng club?. Lol Bamby!.

"Uwi na tayo. Gabi na masyado.." si Mama ang nagsalita. Nasa balikat na lahat ni kuya Mark ang mga gamit ko.

Nagpaalam na ang lahat maliban sa dalawa. "Ace at Jaden, kay Lance na kayo sumabay. Winly sa kotse ka nalang nila Bamby sumakay.." deklara ni kuya Mark. Tahimik lang ako. Pinapanood ang bawat galaw ng taong nakapaligid sakin. Tamad akong magsalita dahil pagod ang buo kong katawan. Gusto ko nang matulog.

"Ah.. Ma, sakin na sya sasabay. Convoy naman tayo.." agaran akong tinulak ni kuya Lance papasok sa harapan ng kanyang sasakyan. Shitty boy!. Di man lang nag-iingat. Nauntog tuloy ako. Ang sakit. Pikit mata kong himas ang bumbunan.

Di ko na narinig kung sumang-ayon ba si Mama o hinde. Umandar na kasi ang sasakyan. Kasabay ng paghumiranda ng kabog ng aking dibdib. Kakapusin ata ako ng hininga. Di naman na unang sabay ko ng uwi kay Jaden. Pero tuwing kasama ko sya, nag-iinit ang buong paligid. Pinapawisan ako kahit malamig. Kinakabahan ako kahit wala naman syang ginagawa. Iba talaga ang epekto nito sakin. Ibang iba. Di ko matukoy kung ano.