webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 33: Blueprint

"Mommy, kailan babalik si daddy?. he promised to me.." pangungulit ni Knoa sakin. Hinabol ako patungong closet. Nilalagay ko ang mga tinuping damit nya doon.

"Lolo old already said it that he's so busy baby.. just wait okay?.." Ayoko sana syang paasahin sa mga bagay na walang kasiguraduhan subalit naisip kong iyon lang ang tanging bala ko para di na sya malungkot pa. Lagi na syang nakabusangot. Nakatanaw sa may bintana. Tinitignan bawat kotseng dumaraan. Minsan pa nga. Sa gilid na ng bintana sya nakatulog. Kung di pa nakita ni kuya. Baka nahulog sya ng tuluyan. Di ko alam kung bakit iba ang epekto nya kay Jaden. Siguro, dala na rin ng lukso ng dugo. Ramdam nyang parehong dugo ang nananalaytay sa kanilang dalawa.

"I miss him so much.. he promised to me too that we will play taguan here.. with you mommy.." hinarap ko sya upang pakinggan. Umupo sya sa sahig at nakayukong nilaro ang kanyang mga lego. "What else did he promised to you?.." kinakain ako ng kyuryosidad sa kung ano pang mga sinabi nya sa bata.

"That we will travel po together and.."

"And?.." ginaya ko na rin syang nakaupo sa sahig. Dinampot ko ang iilan sa mga lego nya't pinatayo gaya ng ginagawa nya.

"And.. Hmmm.." matagal syang nag-isip. Mukhang nakalimutan na ang sasabihin.

"Hmmm?.." himig ko. Huminto sya sa kanyang ginagawa. Natulala.

Tiningala nya ako't nagpakyut sabay kamot ng ulo. "Hehe.. I forgot na po mom.."

Kumawala ang ngiti sa labi ko sa kakyutan nya. "Ikaw talaga.. you're so adorable.." Piningot ko ang tungki ng ilong nya. Napapikit sya sa kinilos ko. Noon ko napansin na hawig na hawig nya nga si Jaden. Ang mata, maging ng talukap at pilikmata nito'y nakuha nya sa mukha ng daddy nya. Ang ilong ay masasabi kong akin maging ang pino at mamula mula nyang labi. Ngunit sa kabuuan. He's small version of Jaden.

Humingi sya ng tawad sa di pag-aalala sa kanyang sasabihin. And I said that, it's okay dahil bata pa naman sya.

Binuhat ko sya nang pababa na kami ng hagdan.

"Lolo old!.." magiliw na tawag nya kay papa nang nasa huling baitang na kami ng hagdan. Agad binaba ni papa ang dala nyang bag. Lumuhod upang salubungin ng yakap ito ng bumaba sa akin.

"How's my little baby boy?.." halakhak nito sa batang kaharap nya. Tumulis ang nguso nito't bumusangot. "I miss my daddy, lolo old.. kailan po ba sya babalik?.."

Nilingon ako ni papa galing sa likod ni Knoa. I just shrugged my shoulders off. What's with the stare?. Bakit parang sa tinging ipinukol nya ay dapat ako ang sasagot. Why?. Wala akong ideya sa ginagawa ni Jaden. What will I answer?. Nagsinungaling na nga ako eh. Dadagdagan ko pa ba. "Daddy is still busy baby.." Anya nalang upang pagtakpan siguro ang kung anong "kinaaabalahan nya."

"I miss him po.." malungkot nya ng himig.

"Yeah.. and he is too.." ginulo nito ang buhok nya saka nya binuhat kahit mukhang nabibigatan na. May ibinulong pa sya rito na dahilan ng paghagikgik nya.

"Mommy, may ipapagawa ako sa'yo. " he said this like he's teasing me. I pouted. "What?.." kay papa.

"May blueprints akong kailangang idala sa office, I am tired hija.. can you bring it there for me?.." just like Knoa. Nagpacute ito sa akin. Alam ko na kung saan nagmana itong apo nya. "Pagod na ako at gustong makipaglaro itong alaga mo. kailangan kong bumawi.. you know.. take some time.. hahaha.."

"Fine.. fine.. saan at idadala ko na?.." suko ko. Kumapit ng mahigpit si Knoa sa kanyang leeg nang bigla nya itong bitawan. "Pa, mahulog!.." suway ko sa kanyang biro. Humalakhak sya na para bang katawa tawa talaga yung ginawa nya. Kung andito lang si mama, baka nakutusan na sya.

Binigay nya nga sakin ang blueprint na kailangan. Dalawa iyon. "Icheck mo nga hija..baka may mali eh.." idouble check ko raw dahil titignan raw ng engineer mamaya. E di chineck ko muna bago ako umalis ng bahay. Nagtaka nga ako kung bakit di umiyak si Knoa ng umalis ako. May sinabi yata si papa sakanya o may binili. Siguro nga.

Sa daan. Lumilipad ang isip ko sa taong dalawang linggong di tumupad ng pangako nya. Ang dami nyang binilin kay Knoa sa loob ng isang araw lang. Naniwala agad naman ang bata. "Tsk.. iba ka talaga boy!. Wala ka pa ring pinagbago.." bulong ko habang umiiling sa kawalan. Mukha akong baliw na kinakausap ang sarili.

Habang papalapit na ako sa matayog na gusali. Tumutubo naman ang kakaibang kaba sa akin. Suot ko ang floral dress na hindi aabot sa tuhod. Hapit iyon kaya tinakpan ko ng isang manipis na itim na coat. May belt iyon na nakatali sa may baywang. Hinayaan ko ring sumayaw ang mahaba at itim kong buhok. Pumasok ako sa entrada. Hawak ang blueprint. "Good afternoon ma'am.." bati sakin ng clerk sa harapan. Tinanong nito ang kailangan ko. I said, I need to see Mr. Jaden Bautista for his things.

At doon na umawang ng napakalaki ang aking labi. I didn't know na he's damn Ceo now! Gosh!. Really Papa?. Anong dahilan mo at di mo sinabi sakin?. Jaden?. You!?. Ugh!!

Tumawag sya sa intercom. May kinausap. Secretary yata. O heard that she called it Nicole.

"Ma'am, your name please?.." ngiti ng babae sakin. Inilayo ng kaunti ang telepono sa kanyang pandinig.

"Ah yeah.. It's Bamby Eugenio.." inulit nya ang pangalan ko sa kausap sa linya. Maya maya. Naghintay pa ako ng kalahating minuto bago tuluyang pinaakyat ng elevator pataas sa floor na kinaroroonan nya. Damn boy! Ano pang hindi ko alam sayo?.

Tahimik lamang ako. Malalalim na hininga ang kumakawala sakin sa tindi ng aking kaba.

"Ms. Eugenio. This way ma'am.." tinuro sakin ng kasama ko ang daan patungong office nya. Purong abo iyon at may kaunting puti sa taas at baba. It closes every edge of it. Agad tumayo ang babaeng matangkad at blondina sa tabi ng pintuan. It's his secretary. Tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa bago nginitian. Ugh girl easy!. It's not we're going to have a cat fight here! Like what the hell am I thinking?. Pumunta lang naman ako rito para kay papa. Sa kagustuhan nya at request nya. Tulong na rin para di na sya mapagod pa ng sobra.

Pinapasok rin ako ng secretary nya. Bumungad na naman sakin ang interior nitong kulay abo. Kung anong makikita sa labas ay ganuon rin dito. May mahabang mesa sa malapit sa salaming bintana. Nababalutan iyon ng naglalakihang kulay abo ring kurtina. Sa tabi noon ay kabinet na may nakapatong na iilang mga succulent. Sa gilid ding iyon ay may mahabang sofa at dalawang maliliit na magkaharap sa isa't isa. "Hmmm?.." nangilabot ako ng marinig ang boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon. Para bang may stiff neck na ako. Umawang na naman ang labi ko sa nakitang bulto nya. Suot ang kulay asul na suite. Kumikinang na sapatos. Magulong buhok at umalingawngaw na bango. Damn baby!! Ikaw na ba talaga yan!?.

"Missed me?." tumaas ang sulok ng kanyang labi. Kinalabutan na naman ako hanggang sa talampakan ko. Pakiramdam ko. Nagtayuan lahat ng aking buhok at lumipad sa ere. Maging ang tapak ko sa suot na sapatos ay di ko maramdaman. Namanhid ang buo kong katawan.

Gosh!.