webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 31: Q & A

Kabadong kabado ako. Wala naman akong ibang ginawa pero, sobrang takot ko. Pati tibok ng puso ko'y daig pa nakipagkarera sa isang matulin na kabayo. Sobrang bilis nito. Nakakabingi pa ang bawat dagundong, na kulang nalang ay magiba ang ribcage ko.

"Daddy, daddy, daddy.. I have a daddy, mommy.." kinakanta yan ni Knoa. Nakahiga na sya at katabi ang bukambibig nyang tao. Patagilid na humiga. Nakatuko ang kamay sa kanyang ulo, mula sa unan, habang ang isa naman ay tinatapik ang tyan ng batang makulit.

Naupo ako sa gilid ni Knoa matapos suklayin ang aking buhok. Kakatapos kong maligo ngunit nang maramdaman ang paninitig ng mga matang iyon. Nag-init ako!

Hindi ko sya tinapunan ng tingin kahit na alam kong hinihintay nyang mangyari iyon. "Matulog na Knoa.." bilin ko sa kanina pang masayang bata. He just laughed at my remarks saka ako hinila sa braso pahiga. Sinuway ko sya subalit tinawanan nya lang at dinaganan pa ako sa tyan.

"Mommy and Daddy, I am your baby.." he giggled cutely. Maging si Jaden. Di mapigilang tumawa.

Kinagat ko nalang ang ibabang labi upang wag talagang ngumiti. Gosh!. Naging kamatis na yata ang pisngi ko sa pula nito.

"Knoa, stop it. Matulog na.." pinalis ko sya sa tyan ko. Inalalayan patungo sa gitna namin pero sa kabilang side ko sya pumunta. Tinulak ako papunta sa natatawang daddy nya. "Mommy and Daddy. I am your baby.." tinulak tulak nya ako papunta sa katawan ni Jaden. O gosh!

"Knoa, stop it!.." suway ko pero sa kulit nito. Di na naman makikinig sakin.

Nagpatuloy ang pagtulak nya sakin hanggang sa maramdaman ko na ang mainit na hininga ni Jaden sa aking batok. "Hahahaha.." maging ang kanyang pagtawa ay tumatayo balahibo ko. It gives shiver down to my spine.

Humalakhak itong si Knoa habang tinuturo kami. "Matulog na po tayo.." anya bigla kasabay ng isang mahabang hikab. Wala na syang sinabi at nahiga na sa gilid ko. Pwestong hihigaan ko sana. "Sana"

Babangon na ako ng bigla kong naramdaman ang palad sa likod ko. Naestatwa ako ng ilang segundo sa palad nyang mainit na nakawak saking baywang. Suminghap ako. Kinakabahan sa pwedeng mangyari. Suskupo Bamby!. Naglakbay na naman yang isip mo! Sobrang advance mag-isip.

Kagat labi kong sinabi na lilipat ako ng pwesto pero di nya ako pinakinggan. Imbes mas humigpit ang kapit nya doon. "Dito ka na please.. inaantok na ako.." mababa nyang sabi sa likod ng aking batok. Nagtayuan ang maliliit kong buhok doon ng lalo pa syang suminghap.

Lalayo sana ako pero nanaig sakin ang kagustuhang sundin ang gusto nya. Gosh! Lalagnatin ako neto bukas!

Hindi ako gumalaw o sumagot sa kanya. Basta't hinayaan ko nalang sya sa kung anong gusto nya. Sabi ko naman dati diba. Marupok ako pagdating sa kanya. Mahina ako kapag andyan sya. At talagang bumibigay ako sa tuwing hinihiling na nya. In short, sya ang kahinaan ko sa lahat.

Pinagalitan ko pa ang sarili ko kanina sa may banyo dahil heto na naman ako at maagang bumibigay. Ano namang gagawin ko?. Magpanggap na naman?. Magalit kunyari para suyuin ako?. Suskupo! Sorry pero iba ako. Hindi ako ganun. Hindi ko gagawin iyon dahil ako dapat ang sumuyo sa kanya. Ako dapat itong kumausap sa kanya at humingi ng tawad sa nangyari noong nakaraan.

Galit sya. I get it. Naintindihan ko iyon dahil may dahilan naman sya. We're on the same page but what I've done to him is not that easy. Masakit iyon at aware ako doon. Di madali ang umasa araw araw sa mensahe galing sa isang taong di mo alam ang dahilan nya kung bigla nalang syang nanlamig.

Gusto ko sanang iexplain iyon sa kanya ngayon subalit mahimbing na itong natutulog. Hawak na ang tyan ko. Subsob ang mukha nya sa sabog kong buhok.

Tulog na silang dalawa pero heto pa rin ako at di madalaw ng antok. Paano ba naman ako matutulog kung hanggang ngagon parang panaginip lang ang lahat. Di ako makapaniwala, na sa isang iglap. Darating sya rito. Sasabihin sa anak ko, namin, na okay lang syang tawaging daddy nito. Kakargahin at tatawa kasabay ni Knoa. Matutulog sa isang kwarto at lalo sa iisang kama.

"Still awake hmmm?.." inaantok nitong sabi. Dinungaw pa saglit ang mukha kong nakatagilid pa rin sa kanya. Kaharap si Knoa.

"Di pa ako dinadalaw ng antok eh.."

"Hmmm.. bakit?. Dahil ba sa katabi mo ako?.." mabilis kumaripas ng takbo ang puso ko palabas ng kwarto. Kalmado na ito kanina. Tapos, heto na naman sya. Jaden naman!

Oo! Sigaw ng isip ko. Pinipilit sabihin ng aking puso ngunit mabilis itong itinikom ng aking isip.

"Masyado ba akong gwapo para di ka dalawin ng antok?.." oh right!. May nagbago ba sa kanya?. Hmm.. parang wala ah! Yung joke nya. Di pa rin nakakatawa. Teka joke ba nya yun o nasabi nya lang?. Tsk! Ewan. Di na yan maintindihan ng puso kong ligaw. Nabihag nya noon pa.

Pinilit kong ikunot ang noo para makita nyang di ko nagustuhan ang biro nya. Suskonaman! Deep inside; patay na patay pa rin ako sa di nakakatawa nyang biro! Wala namang nagbago sa feelings ko. Ganun pa rin hanggang ngayon.

"Akala ko, di na kita mayayakap ng ganito.." ibinaon nya lalo ang mukha sa leeg ko. Ako rin naman. Ang akala ko, sa paniginip nalang mangyayari ito. But here we are! We're together. Suminghap sya sa mismong leeg ko. "I tried to forget you..."

Damn!. He tried?!. What the hell Jaden! Di ko rin sya masisisi. But the question is, bakit he tried?. Anong nangyari bakit di nya tinuloy?

Ang sakit isipin na sinubukan nya akong kalimutan. Masakit palang pakinggan iyon galing sa kanya. Parang nagbalik lahat ng alaala ko noong naghirap at nagpakalayo ako.

Tinulak ko ang kamay nya sa tyan ko paalis. Naramdaman nya yata iyon dahilan para humigpit lalo ang hawak nya doon. "But, baby.. It's not that easy.." iling pa nya. Pumikit ako sa sensasyong dulot ng dampi ng halik nya sa ibabang tainga ko. "It's not so easy because days went by, lalo lang kitang minahal.."

Napatango ako kahit hindi naman dapat. Huminga ako ng napakalalim sa kaba dala ng halik nyang paisa isa. "Bakit?.. bakit mo tinagong nabuntis kita?.. bakit, di mo sinabing nanganak ka na?. Bakit binigay mo ang pangalan ko kay Knoa?.."

DAMN! I don't know how to speak up!. I'm damn speechless and nervous at the same time.

Paano nya nalaman ang lahat ng iyon?.

I tried po to update kaninang tanghali but my migraine got me. Sumabay pa ang init ng panahon kaya di ko kinaya at tinamad ako. Hahaha.. ✌️

Kaya heto. Pambawi sa inyo. Enjoy! ?

Chixemocreators' thoughts