webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 30: Umaasa

Kinagat ko na ang labi para pigilang magsalita. Dapat ko bang isagot iyon?. Ang layo ng sagot mo boy dun sa tanong nya. Sus naman?. Anong konek?. Ngayon, parang nawalan na sya ng koneksyon sa'yo. Naman po.

Humihiling na ako sa may Itaas na sana, hindi nya narinig yun. Na sana balewalain nya nalang. Na sana di sya magalit. Na sana, ang dami ko pang sana. Di ko na matukoy dahil sa gulo ng utak ko.

Kumurap ako. Binasa ang ibabang labi. Bago yumuko at ibinulsa ang dalawang palad na basa. Pinanood ang mga paang gusto ng maglakad palayo sa kanya. Nahihiya. Humihiling na sana kainin nalang ako ng lupa.

Masyado ka naman kasing mabilis Jaden. Dapat, kinausap mo lang muna. Tanungin kung maayos lang sya duon. Ikaw naman kasi.

"Kailan ka pa natutong magbiro?. haha.." may halong pag-aalinlangan ang kanyang boses. Kaya kahit nahihiya pa ako. Umangat ang aking paningin. Dumiretso sa mata nyang parang alak. Nilalasing ako. Todo na ang kalabog ng aking puso. Anong sinabi nya?. Nagbibiro ako?. Di kaya.

"Baka guni guni mo lang yan Jaden. Sige na. Balik na ako dun.." tatalikuran na nya ako pero mabilis ko syang pinigilan. May sariling isip ang katawan ko. Kusang gumalaw ng di nag-iisip. Hinigit ko ang braso nya dahilan para huminto sya't tapunan ako ng tingin. Sinuyod ng mata nya ang kamay kong nakahawak pa rin sa kanyang braso. Umawang ang labi nya pero itinikom. nya rin agad.

"Hindi ako marunong magbiro Bamby.." mahina kong sambit. Tama lang para marinig nya. Biglang tumahimik ang paligid. Lahat nakatutok samin. Pinapanood bawat galaw at gagawin.

Suminghap sya at itinikom ng mariin ang pino nitong labi. Gustong magsalita ngunit ayaw lang akong saktan. Oo inaamin ko. That's too fast. Pero, ngayon ko lang naisip na. Maraming taon na pala ang sinayang at nasayang ko. Kaya kung ano man ang mangyari ngayon mismo. It's now or never. Sasabihin ko lahat sakanya. Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

"Gusto pa rin kita.." hawak ko pa rin ang braso nya. Ayaw pakawalan. Baka di na bumalik e.

"Hinde e. Nagbibiro ka lang..." giit nya. Bakit ayaw nyang maniwala?. Bakit?. May iba na ba sya?. Please let me know.

"Kilala mo ako, hindi ba?.." iling ko sakanya. Sa iba sya tumingin. Tumitig ako sa mukha nyang hidni ko kayang tiisin.

Dahan dahan nyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang braso. Nalaglag ang panga ko. Wag naman ganito please. "Apat na taon na ang lumipas. Di ko alam kung kilala pa ba kita.." anya. Anong basehan nya para sabihin sakin na nagbago na ako?.

I'm damn speechless!..

"Wala namang nagbago sakin.. heto pa rin ako. Naghihintay... sa pagbalik mo.." nanghina ako ng wala sa oras. Naramdaman ang pagod at sakit sa loob ng apat na taong lumipas.

Umiling lang sya. Umatras pa palayo sakin. Nagbabadya na ang luha ko. Fuck!.

"Umaasang ako pa rin, sa'yo.." shet!... Tumingala ako para pigilan ang luhang gusto ng bumagsak. Bakit ganito?. Akala ko ba party ito?.

Mabuti nalang at pumagitna samin si Lance. Kinausap nya ang kapatid bago ako hinarap. Pinanood kong talikuran nya ako at layuan. Ganun nalang ba yun?. Pagkatapos ng pag-amin ko, ganun na lang yun sa kanya?. Wala man lang sagot?.