webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 30: Care

Tanghaling tapat na nang nagising ako. Di ko namalayan ang oras. Bumangon ako't kinapa ang ulo. Bahagya itong masakit. Hindi naman ako uminom o tumikim ng alak kagabi pero bakit ano itong sakit ng ulo ko?. Dahil ba sa saya?. Gosh!.. Maaari ba yun?. I don't know either.

"Bamby, can I borrow your laptop?.." kumirot pa lalo ang ulo ko nang sumubok akong gumalaw. Shit!!..

Wala akong magawa kundi hilutin nalang ang sentido para medyo kumalma.

"Bamby, are you awake?. I'm coming.." pagkasabi nya nito. Gumalaw na ang saradura hudyat na papasok na sya.

"Gising ka na pala?. Pumasok na ako.. di ka naman kasi sumasagot.." Ani kuya Lance. Suot pa rin nito ang pajamang itim at sandong puti. Magulo pa rin ang kanyang buhok. Mukhang bagong gising.

"Yeah.." I just nodded at him while caressing my temple.

"Pahiram ng laptop mo ha.. dead bat yung akin.." he grabbed my laptop on my table before turning to me. "Masakit ulo mo?..."

"Meds please.." hingi ko sa kanya. Not answering his questions. I don't know his reaction now. Nakayuko kasi ako. Pero hula ko nang nagsalubong na naman kilay nya. I know him well.

"Uminom ka ba kagabi?."

"Nope.."

"What's with the headache then?.." baritono nyang himig. Parang bumaligtad ata kami. Ako sana magtatanong sa kanya neto eh. Sobrang lasing nya kagabi tapos nagsusuka pa. Kung di pa ako tinulungan ni Jaden na ipasok sya sa bahay baka pati sya naulanan.

I knew it!.. Nabasa pala ako ng ulan kagabi. Sinilip ko pa kasi si Jaden sa labas kung nakaalis na ba sya talaga o hinde pa.

"Pumasok ka na babe.. umaambon na.." Jaden, keeps on repeating this after a minute. Sa tigas ba naman ng ulo ko. Umiling ako sa kanya. Gusto ko pa kasing syang kausapin. Not wanting him to go home. So selfish Bamby!!..

Then after a while. Umulan ng malakas. Patakbo kaming pumasok sa loob ng garahe. Iniwan ang motor nya sa labas. Sabi ko naman kasi sa kanyang wag na kaming ihatid. Kaya ko namang magmaneho. Matigas rin ang ulo. Hindi pa rin sya pumayag. Sinundan nya kami hanggang makarating ng bahay. Kaya eto, naabutan na sya ng ulan.

"Ang lakas ng ulan.." mabibigat ang bawat bagsak nito sa bubong. Parang may yelo.

"May bagyo raw kasi.." he said. I turned to him. He looked at me too. Intently. Pinunas ko ang kamay na nabasa sa likod ng short. "I don't know.. Kailan pa?.."

"Ngayong gabi palang sya maglalanfall.."

"Delikado pa naman ang magmaneho babe.. wag ka nalang kaya umuwi?.." Wala sa sarili kong himig.

"Ayaw mo ba akong umuwi?.." I saw his evil smirk.

Di ko mapigilang paikutan sya ng mata.

"Kung pwede lang e.. tsk.. bat kasi hinatid mo pa kami.. babyahe ka pa tuloy.."

"Gusto kong makita kang ligtas na makakauwi.."

"What about you?.. Gusto ko rin na lagi kang ligtas.." he just laughed at my remarks. Then made a one step closer to me. Hinawakan nya ako sa balikat. "Safe akong magmaneho.."

"Kahit na.. E pano kung--?.." he cut me off through his index finger on my lips.

"I promise.. makakauwi ako ng ligtas.. wag ka ng mag-alala.."

"Di ko mapigilan eh.."

"Hahahahaha.. I know.. I love you babe.. pasok ka na.."

Ngumuso ako.

"Di pa tumitila ang ulan, aalis ka na?." ginulo nya ang buhok ko. "Hindi yan titila dahil may bagyo. Kailangan ko nang unuwi para hindi ako abutan ng mas malakas pa na ulan.." paliwanag nya. Wala akong choice kundi tanguan nalang sya. Kahit labag pa sa loob ko. Alam mo naman na may bagyo e. Bat ayaw mo kasi syang paalisin Bamby?.

"I have to go for now babe.. I love you.. Promise, I'll be safe.." hinalikan nya ako sa pinsgi at kumaway sa pagitan ng gate at ng daan bago tuluyan syang nawala sa paningin ko. Lumabas pa ako para silipin sya. Nabasa na ako noon. Kaya siguro, masakit ang ulo ko ngayon.

"Daig mo pa ako huh?.. Uminom ka ba talaga kagabi o hinde?.." kulit ni kuya sakin. Nasa kusina na kami. Sya, nagluluto ng lugaw. Ako, hawak pa rin ang sentido. Nakaupo. Pinapanood syang lutuin ang lugaw.

"Hindi nga.."

"E bakit nga, sumakit ulo mo?.. May nangyari ba kagabi?.." hinarap nya ako. Tinalikuran muna ang niluluto.

"Umulan kasi kagabi.. nabasa ako.." he remain silence in a second. Mukhang nalilito sa akin.

"Hinatid tayo ni Jaden kagabi. Kaya hinatid ko rin sya sa labas.." paliwanag ko. He twisted his damn lips. Gustong magsalita pero nagpipigil lang. I continued. "Nag-alala kasi ako. Malakas ang ulan. Baka mapano.." pahina nang pahina ang pagsasalita ko. Then I looked away.

"Gaano ako kalasing kagabi?.." akala ko pagagalitan na nya ako. Subalit, damn!. Hinde. This is so unusual.

"Hindi lang lasing. Sobrang lasing mo po.." diniinan ko ang salitang sobra para ipaalala ang pagkatalo nya kagabi sa alak. Laklak kung laklak dude!. Haist!!..

Hindi na sya kumibo pa. Nilagyan nya lang yung bowl ng lugaw tapos iniwan na akong mag-isa sa hapag. Bakit kaya di na sya nagtanong sa kung paano sya nalasing ng sobra kagabi?. May ideya na rin siguro sya. Tsk. Bahala sya dyan. Basta ako, gumaan na ang pakiramdam ko sa lugaw na kinain.