webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 28: Careful

Lumabas akong muli nang marinig ang katok ni Lance. Lihim akong napamura sa sarili nang nanlilisik ang mata nyang dumapo sakin. "Anong ginagawa nyo?.." Damn it!. Nanuyot bigla ang lalamunan ko. Sabay na nagtayuan ang mga balahibo saking katawan. Damn Jaden!. Speak up!.. Pero paano?. I don't know what to say.

Biglang umungol si Bamby saking likuran. Tulog na ito kanina pa. Nilingon ko sya saka lumunok ng mariin. Sa ingay na ginawa nya. Parang bumalik lahat ng alaala kanina dahilan para mag-init ang buo kong katawan at mamula. "Hinatid ko sya. Inaantok na raw.." pagsisinungaling ko. What the hell!!. Mabuti nalang talaga at di ako nautal. Kung hinde?. Kingina!. Sunod sunod na tanong ang sasagutin ko. Baka di lang iyon. Bugbugin ako't palayasin sa kanilang bahay ng tuluyan.

Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. Isang malutong na mura na naman ang pinakawalan ng isip ko. Wala akong masabi kundi iyon lang. Natatakot akong malaman nya ang nangyari. Natatakot akong may gawin sya kapag nalaman nyang may nangyari nga. Natatakot akong baka... baka paghiwalayin nya kaming dalawa. Natatakot akong mawala na sya sa tabi ko. Masyado na akong sanay sa presensya nya kahit saan.

"Sigurado ka?.. Bakit ka maputla?.." gawa ng kyuryosidad nya. Kaya siguro naitanong nya ito. Patay ka boy! Anong isasagot mo ngayon?.

"Kanina pa kasi ako ihing ihi. Pumuputok na pantog ko. " sabay hawak sa ibaba at dumiretso ng lakad palabas. Mukhang di pa rin sya kumbinsido. Tahimik nya pa rin akong pinapanood habang nakatayo sa kanyang harapan. Sya na ngayon ang may hawak ng saradura. He's saying that back off man!. Susmaryosep Jaden!!.. Bumaba ka na nga!!. Sigaw ng isip ko pero di ko yun sinunod. Baka maghinala nga talaga sya pag umalis ako sa harap nya nang di nagpapaalam.

"Ano pang ginagawa mo?.." para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa boses nya. Sana di nya mahalata ang pagkataranta ko.

Kagat ang labing tumango ako at tinuro ang baba. Bumaba na nga ako ng ituro nya ulit ang hagdanan. Sa nangyari. Parang nahimasmasan ako. Nawala nang parang bula ang epekto ng alak sakin.

"Boy shot pa?!.." sinalubong ako ni Ryan na tumba na ng ulo sa mesa ng isang bote. Agad ko iyon kinuha at ginawang isang lagok lang ang laman. Nanuot sa kaibuturan ko ang apoy ng alak. Wala sa apoy na nangyari kanina lang. Iba ang pakiramdam. Kinausap ko sya after. Ang sabi nya. Wala syang pagsisisi. Ginusto nya iyon at maging ako rin. We both know kung anong pwedeng mangyari at tulad nga ng sabi ko. Handa ko syang panagutan at pakasalan.

Sa paglipas ng bawat araw. Kabado na ako. Baka mangyari nga ang sinasabi nya. "Don't worry babe.. meron ako ngayon.." isang linyang nagpatalon sakin. Niyakap ko sya ng mahigpit. Then I explained that I didn't mean to be this happy. Ganun rin ang sinabi nya. Pareho kasi naming alam na hindi pa oras ang bagay na iyon. Lalo't pareho pa kaming nag-uumpisa na tuparin ang mga aming pangarap. We need to be careful. So careful.

Napraning ako ng higit isang buwan. Di makakain at makatulog ng maayos. Kaya ang unang hindi inaasahan na pangyayari. Naulit na naman. Hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa. "Babe, after grad. Anong plano mo?.." anya minsan nang nasa sala namin sya. Nanonood kami ng cartoons na paborito ni Niko. Maingay sila ni Klein ngunit parang may sarili kaming mundo ni Bamby.

"Get a job and then marry you.."

"Talaga?. Pwede pang magbago isip mo.." tinaasan ko sya ng kilay. What did she say?. "Joke!. Hahaha.. ang seryoso mo kasi eh.. hahaha.." bawi nya saka piningot ang tungki ng ilong ko bago humalik doon.

Then our conversation went on and on. Pinipilit nyang biro lang iyon. Eh babe. Seryoso nga kasi akong pakasalan ka. Bat di mo yun makita?.

Buwan pa ang lumipas bago natapos ang ojt namin. Bumalik kami ng school para ayusin lahat ng kailangan bago ang graduation.

"Jaden, kausapin ka raw ni mama.." bigla ay iniabot sakin ni Lance ang cellphone. Kabado ko iyong kinuha bago umayos ng upo. Nilinis ko pa muna ang aking lalamunan bago nagsalita.

"Kamusta Jaden?.." hinagod ko muna ang buhok patalikod. Dala ng kaba na pilit akong pinaliliguan ng pawis. Nanginig ang paa't kamay ko.

"Ayos lang po tita. Kayo po dyan?.." naibuga ko ang hangin na di ko kayang pakawalan ng basta basta nalang.

Ngumuso sya't tatango tango. "Hmmm. that's great.. congrats pala. andyan na yung gift ko sa'yo... ano nang balak mo ngayon?.." kahapon lang natapos ang graduation namin. Huli sina Bamby. Bukas pa. May oras pa ako para bumili ng regalo.

Di ko inaasahan na may regalo pa syang ibibigay.

"Thank you po tita... ahm.. maghanap po ng sana muna ng trabaho.."

"Maganda yan hijo.."

"Opo tita.."

"Hijo.. pwedeng humingi ng favor?.." umurong bigla ang confidence ko ng sabihin nya ito.

Lumunok ako bago nagsalita. "Anything po tita.." kinakabahan ako.

"Pwedeng kumbinsihin mo naman si Bamby na bumalik na dito. I really miss her and Lance. Gusto ng papa nyang dito na sya maghanap ng trabaho para malapit lang samin.." natigilan ako ng sobra ngunit hindi ko pinahalata. Kanina ko pa to nararamdaman. Parang may mali sa mga mata ni Lance tuwing dumadapo sakin. Nagbibihis kasi si Bamby. Kanina pa yun. Hinihintay ko lang. Sabay kaming pupunta ng mall para ipaayos ang buhok nya.

"Sige po." wala nang ibang maayos na sagot kundi ang umoo nalang. Di pwedeng kontrahin ang gusto ng magulang nya. Magulang nya pa rin sila no matter what. "Thanks Jaden. I trust you.. good day.. ingat dyan.. and congratulations again.." paalam nya eksaktong bumaba si Bamby. She asked kung anong sinabi nya pero di ko muna sinabi. Baka masira mood nya.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa mall. Tinulungan ko syang ibaba ang mga pinamili nya. "Kuya, where are you?.." tanong nya sa kapatid habang binababa ang mga grocery. Magkadikit ang balikat at tainga nya dahil naipit doon ang cellphone nya. "What?. Is she okay na?.."

"Hmm... tell her get well soon.. opo. Ako nang bahala dito sa bahay.. bye.." binaba nya ang cellphone saka sinabing sinugod daw sa ospital si Joyce dahil mataas raw ang lagnat.

"Babe, wala ka bang balak na bumalik ng Australia?.." tanong ko ng nasa kusina na kami.

"No. Why?.." sagot nya habang nilalabas sa paper bag ang groceries.

"Paano sina tita doon?. Ang papa mo?.."

"Andun naman si kuya Mark para bantayan sila.."

"Pero babe paano kung gusto ng mama mong bumalik na kayo roon?.."

"Di pa rin ako papayag.."

"Bakit?. Ayaw mo ba akong iwan?.." hinarap nya ako. Namaywang saka binitawan ang hawak na de lata sa lababo.

"Ganun na nga.." sumilay na naman ang nakatagong ngiisi sakin. Nilapitan ko sya't hinapit sa baywang. Saka siniil ang labi nya ng halik.

At sa muling pagkakataon. Naging isa na naman ang katawan naming dalawa.