webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 26: He's mine

After days. Ang sabi nya sakin. Practice na raw nila para sa graduation. Kaya alam kong busy na sya sa school. Nang mga oras ding iyon, wala akong magawa sa bahay. Kain. Tulog. Ligo. Gising. Minsan lang lumalabas kapag andyan sina kuya. Lagi rin kasi silang abala simula nang matapos makasal ni kuya Mark. Di ko alam kung bakit. Si mama at papa naman, abala rin sa isa't isa. Third wheel nga lang ako pag minsan.

"Nak, bat mag-isa ka dito?. Hindi ka sinama ng mga kuya mo?." Ani Papa na palapit saking upuan. Nakaupo ako sa ilalim ng punong mangga. Nakaswat pero umayos rin ng upo ng ituro nya ako. I shut down my legs and sat straight. Proper way para umupo.

"Di ko naman sila nakitang umalis pa. Bakit, saan ba punta nila?.."

"Sa kabilang barangay daw. Basketball.."

"Meaning kasama nila si Jaden?.." tanong ko. Malamang yun dahil barkada nila sya. Nagkibit lamang sya ng balikat. "Maybe nak.. itext mo sya ah. Ask him.." he suggested. Kaya mabilis ko ring dinial number nya at di nya ito sinasagot. Kasama nga sya. Nakanguso kong ipinatong ang cellphone sa mesa. Hindi matimpla ang mukha.

"Oh, bakit?.."

"He's not answering.." humaba ang aking nguso.

"Yaan mo na muna sya. Ganyan naman talaga dapat nak. Maging kayo man. Dapat may space pa rin kayo para sa sarili nyo. Not just you and him. Let the world go round on your own too. Para di kayo madaling magsawa sa isa't isa.." natameme ako sa sinabi nya. Ganun ba dapat yun?..

"Matanong ko pala. Sinagot mo na ba sya?.." muli. Natahimik lang ako. Walang maisagot sa kanyang tanong. "Nak, how long will you take that?.." sa panliligaw ni Jaden.

"Pa, sasagutin ko naman po sya.. Hindi pa ngayon.."

"Then when?.."

"Graduation nya po.."

Tumango lang sya.

"Hmmm... just always remember. Be responsible sa lahat ng gagawin ha.. Pumasok na tayo sa loob.. nagluluto si mama mo ng ensaymada.." sabay kaming pumasok ng bahay. After an hour. Dumating ang dalawa kong kapatid. Mga pawisan. Nagtatawanan pa ang mga ito. Lumabas ako at tinignan kung may kasama sila. Wala pala. Buamlik muli ako sa loob at kumain nalang.

Paggising sa umaga. Alam kong graduation na nya. Masigla ang aking gising kung kaya't dinial ko ang numero nya. "Good morning.." bati ko sa kanya.

"Good morning beautiful.." bati nya rin sakin. Kinagat ko ang labi sa ganda ng kanyang boses. Damn!. Bagay talaga sa kanya ang malalim nyang boses.

"Nagising ba kita?.." umupo ako sa harap ng salamin. Sinusuklay ang buhok.

"Nope. Kanina pa ako gising. Kakatapos kong maligo. Ikaw?.."

"Eto kausap ka.. namiss kita eh..."

"Miss na din kita. puntahan sana kita kahapon sa bahay nyo kaso ang lakas ng ulan."

"Alam ko.. magkikita naman tayo mamaya kaya ayos lang.."

"Hahalikan kita mamaya kapag nakita kita. Bat nga pala napaaga ka ng tawag?. Alas nuwebe ka magising diba?.." he sounds teasing.

"Iba kasi ang araw ngayon.."

"Bakit, ano bang meron?.."

"Graduation mo. Congrats boy!.." ngiti ko.

"Thanks baby..." here we go again.

"Anong baby ka dyan?. Di pa tayo noh?.."

"Sagutin mo na kasi ako.." he said. Hanggang sa kailangan ko nang ibaba ang tawag dahil papunta na kaming school nila. Tinext ako ni ate Cath. Papunta na rin daw sila. Kaya kinalabit ko si kuya Lance na sya ang magdrive para mabilis. A minute later. Nasa school na kami. Maingay ang paligid dahil nagsidatingan na ang lahat.

"Bamby!!.." tili ni Karen ang bumati sakin sa loob ng gymnasium. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Ang ganda mo. Congrats.."

"Thanks gurl. Sinong kasama mo?.."

"Si kuya Lance. Andun sya.." tinuro ko si kuya na nasa loob ng kubo. Nakatanaw lang samin habang nakahalukipkip. Maya maya. Kinausap na sya ng dati nyang kateam sa basketball. Nakalimutan ko na pangalan nya.

"Ang gwapo talaga ng kuya mo.."

Hindi ko magawang sagutin si Karen nang may marinig na tili.

"Bamby girl!!!.." isang matinis na tili naman ang nagpagulat sakin. Si Winly, patakbo ito sakin. Niyakap ko agad. "Ang ganda mo naman. Buti nakapunta ka.." kindatan ko sya bago sinagot.

"Mas maganda ka sakin gurl. Ano ka ba?. haha.. tsaka hindi pwedeng palagpasin ang araw na to. Alam nyo na?.."

"Si boy Jaden?. Ugh!. e di kayo na may lovelife.." irap nya.

"Ahahahaha.. ano ka ba?. Darating din yung sa'yo. Hintay ka lang.."

"E kung ako nalang kaya manligaw sa kuya mo gurl?.."

"Ahahahaha.." hagalpak ni Karen.

"Assuming ka te.. umayos ka nga!.. Ang suplado nung isa eh.." nag-asaran pa sila. Hanggang sa nagsimula na ang seremonya.

"Congratulations boy!.." sinalubong ko sya sa hagdanan habang kinukuhanan ng larawan. "Thanks baby.." kumindat pa ang gwapo. Shit!..

Agad akong bumalik sa dati kong pwesto dahil hindi pa tapos. Sa aking upuan. Nakita ko ang grupo ni Wade. Pinalibutan nila ako nang magpakuha sila ng litrato. Nang magtama ang paningin naming dalawa. Hinila nya ako palayo sa grupo nila. Nagseselos daw ito sa mga iyon. Eh nagpakuha lang naman ng litrato. I explained myself but he doesn't care. Nagseselos talaga sya. Damn!. Ang cute nyang magselos. Ayaw akong tignan sa mata. Gusto nya ng kasigurahan sa aming dalawa.

Nilapitan nya ako at hinawakan ang aking mga palad. Pinagdikit ang aming noo. "Will you be mine Bamby?.." nanindig aking balahibo nang maramdaman ang kanyang mainit na hininga.

Tumango ako kahit magkadikit ang aming noo. Ngumiti nang sobrang tamis. "You're mine now. And I'm yours boy.." para akong nananaginip nang gising. Nakaupo ako ngayon sa upuan kasama sya. Magkatabi habang sinasabi sa isa't isa ang parehong nadarama.

"Finally baby.. You're mine. Yes!.." niyakap nya ako ng mahigpit bago ako ninakawan ng halik. Just like what I've used to do when he's asleep or drunk.