webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 26: Believe

"Hindi ka ba talaga galit sakin babe?.." kanina ko pa gustong itanong ito. Paulit ulit nya ring sinasagot ng "Oo nga. Ang kulit.. Gusto mong magalit ako sa'yo?.." tinignan nya ako sa gilid ng kanyang mata. An unshed tears escaped. Umangkla ako sa braso nya kahit tutok pa rin ang mata nya sa larawang nasa cellphone ko. Kanina ko pa iyon inaagaw kaso ayaw nyang ibigay.

"Wala kang balak na sabihin sakin to?.." isiniksik ko ang mukha ko sa pagitan ng kili kili nya at katawan. Saka doon umungol ng mahina. "Tinakot ka ba nya?. Binlack mail?.." nakapikit ako. Nahuhulog na ang mata ko sa bango nya.

"Jaden!.." pinalo nya ang braso ko nang kagatin ko ang kaunting balat nya doon. Nakangisi akong tumunghay sa kanya. "Now your smirking huh?.. Umuwi ka na nga!.."

"Babe naman?.." sumamo ko.

Inirapan nya ako.

"Ang seryoso ko dito tapos pangisi ngisi ka lang dyan?. Pinagloloko mo yata ako eh.." umusog ako papalapit sa kanya kahit wala nang space sa kanyang gilid.

"No babe. Nakikinig naman ako sa'yo eh.."

"Your lying again.."

"What?. ano bang ginawa ko?." tinago ko ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Nagpipigil ako dahil baka pauwiin nya talaga ako. Alam mo na mood ng mga babae. Parang panahon. Pabago bago.

"Whatever Jaden.." Susmaryosep!!. Isang irap na naman ang natanggap ko. Pero ayos na yun kaysa sa sampal o sipa na alam kong di nya naman magagawa.

Laking pasasalamat ko talaga dahil malawak ang pang-unawa nya. Kung ibang babae na siguro iyon. Baka di lang sampal o sipa ang natanggap ko. Kundi sabunot at bugbog pa.

"Ano?. Ayos na?.." tanong sakin ni Lance nang bumaba ako para ipagluto sya ng adobong manok. Prente itong nakaupo sa may sofa. Nasa center table ang dalawang paa na magkadikit habang hawak ang ps4 at sa screen ang mata.

"Ayos na.. Salamat.."

"Wag kang magpasalamat sakin. Ginawa ko lang iyon para di sya masaktan.."

"Pero di ko talaga sya hinalikan pare.."

"Alam ko.. Lasing ako noon pero normal pa ang pag-iisip ko kaya alam kong mas matino ka pa sa akin ng araw na yun na di mo kayang lokohin ang kapatid ko... sa mismong pinsan ko.." sa haba ng sinabi nya. Napahugot sya ng malalim na hininga. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko ngunit lumilipad na ang isip ko kay Bamby. Nasaktan ko na naman sya. "Alam mo bang gusto kitang suntukin nung gabing iyon kaso wala akong lakas dahil sa sobrang kalasingan. Akala ko pa nga nanaginip lang ako o namalik mata lang paggising ko. Pero nang kumirot ang aking ulo. Doon ko natanto na nangyari pala. Na hinalikan ka pala ng pinsan ko.." nangapa na naman ako ng isasagot sa kanya. Damn it!.

"Sinasabi ko sa'yo ito hindi para takutin ka. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na. Sa susunod. Mag-iingat ka. Hindi lang sa ibang babae. Kundi mismo kay Veberly. At mas higit pa sa kapatid ko. Believe me. Iba syang magalit.." Wala akong nasabi the whole time. Nakatunganga lang akong pinapanood ang paglalaro nya. Saka lamang siguro ako gumalaw nang matunaw na ang yelong nanigas sa paanan ko dahilan para di ako nakagalaw.

Sa kusina ko pinagpatuloy ang pag-iisip. Minsan ko nang nakitang nagalit si Bamby. At tama nga sya. Iba syang magalit. Nawawala ang kinang ng mata nya. Ang ngiti nya. Napapalitan ng luha. Sa mga binanggit ni Lance. Parang bumalik lahat ng alaala sakin ng panahong pareho kaming nasa ilalim ng malakas na ulan. Isang alaala na higit pa sa bagyo ang dulot nito. Masakit pa sa normal na sakit. Tipong napunit ang puso ko nang makita syang lumalayo sakin.

"Luto na ba yan?..." nagitla pa ako ng pasadahan nya ng kanyang daliri ang buong likod ko saka pinagpahinga na roon saking baywang. Dinungaw ang niluluto kong kumukulo na. "Malapit na babe.." bulong ko saka hinalikan ang balumbon ng buhok nya.

"Hmmm... parang ang sarap.." natakam pa sya ng buksan ko ang kaserola upang lagyan ng kaunting tubig ito. "Hmmm... masarap talaga ako--ng magluto.. wanna try later?.." pilyo kong himig. Napawi ang ngiti nya saka ako sinamaan ng tingin.

"Ikaw ah..saan mo natutunan ang mga ganyanan mo ha?.."

"What?.." kunyaring di ko alam ang tinutukoy nya.

"Jaden isa?.." nag-umpisa na syang magbilang. Halikan ko kaya.

"Isa. Isang halik mo lang, tumba na ako.." malagkit kong kinagat ang ibabang labi.

Walang epek. Tumalim pa ang mata nya sakin.

"Dalawa Jaden.." namaywang na sya. Get ready to run boy!!..

"Dalawa. Dalawang kamay ko lang, kulong ka na.." kindat ko sabay basa pa rin sa aking labi.

"Damn it Jaden!. Di ka na nakakatuwa. " ang sama na ng tingin nya. Nginisihan ko sya.

"Gusto mo pa ng tatlo?.." sutil ko.

"Tse!.. Umuwi ka na nga!.." tinalikuran nya ako. May ibinulong pa sya pero di ko an narinig. Nagtungo sya sa may ref at binuksan iyon.

"Tatlo Bamby... Tatlong hakbang mo lang.. luluhod ako sa harap mo at magpapakasal na tayo.." Alam kong natigilan sya kaya sya nagtagal doon sa may ref. Pinatay ko ang stove bago naglakad papunta sa kanya. Agad kong kinulong ang baywang nya saka sya pinihit paharap sakin. Tinulak ko ang pintuan ng ref para magsara. "I love you babe.." tumitig ako sa kanyang mata sabay sabi noon. May namumuong luha doon dahilan para kumislap iyon.

Di sya nag I love you too. Imbes isang halik ang iginawad nya sakin. Malumanay at dahan dahan. Halik na nagsasabing mahal nya rin ako.

"Gutom na ako. Kailan mo ako pakakainin?.." nguso nya matapos maghiwalay ang aming labi. Humalik muli ako sa kanyang labi bago sya inakbayan. "Luto na po boss.. Kung gusto mo naman---.." di ko na natuloy pa ang sasabihin nang pinagpapalo nya ako sa may braso. Panay naman ang tawa ko at sangga sa palad nyang dumadapo na kung saan saan.

I do believe in love, trust and in faith. Naniniwala akong sa takdang panahon. Makakasama ko na sya habang buhay.