webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 22: Pilosopo

Mabilis ang tibok ng aking puso. Para akong nakipaghabulan sa mga aso sa labas ng aming bahay dahilan para mamuhay ang kaba sa aking sistema. Maliliit na butil ng pawis ang namuo sa aking noo at ilong. Tanda ng pagkabalisa ko sa taong nasa aking tabi.

"Andito na ba ang lahat?.." kembot ang kanyang beywang sa bawat paghakbang.

"Yes sir.." sagot ng iilan. Ako. Wala akong lakas. Hinihigop nya lahat. Iba ang pwersang dinudulot nito sakin kapag ganitong magkalapit kami. Para akong plastik bag na kapag dinikit o nilapit sa nagliliyab. Tunaw.

"E bakit iilan lang ang dinig ko?. Nasaan ang iba?.." may halong sarkasmo ang himig nito. Na damn!. Sakin pa tumingin.

"Yes sir.." ulit naming lahat. Nakisali na ako para mabawasan man lang ng kaunti ang hanging di ko mapakawalan.

Tumango sya kasabay ng pagtaas baba ng kanyang kilay. Nakuntento sa narinig.

"Alam nyo naman na siguro kung bakit tayo narito noh?.." maarte nyang sabe. Naglakad mula kanan pakaliwa. Syempre, may kembot iyon.

"Yes sir.." kaming lahat. Pasimpleng nagnanakaw ng tingin ang makulit kong mata sa katabi. Di makatiis. Susmiyo Bamby! Concentrate girl.

"Magme-meeting lang tayo ngayon. Bukas na tayo mag-uumpisang magpraktis. Ayos lang ba sa inyo yun?.."

"Yes sir.." sagot ng lahat.

Pero may isang naiba. ang lakas pa ng pagkakasabi nya. Loko kahit kailan.

"Yes, sir yes.." Ani Ace. Natigilan sya agad sa nahuling nagsalita. Tinitigan ng mabuti si Ace. Ngumingiwi pa ang kanyang labi na para bang titirisin na nya ito ng wala sa oras.

"Yes?. What grade level are you?.."

"First year po sir.." tumayo sya bago sumagot. Proper way to answer questions. Buti alam nya. Naku! Dahil kung hinde, hindi lang lagot ang aabutin nya kundi kalagot lagot!. Lol!.

Tumango na naman sya. "You're with them?. " nginuso kami. Malamang damay na kami. Loko ka talaga Ace!. Humanda ka sakin mamaya...

"Yes sir.." yan kasi. Sumobra ka pa ng yes kanina. Special attention ka tuloy.

"Who among them is your partner?.." patuloy pa rin. Bwiset!. Pahamak ang kumag. Ang daldal kasi e.

"Sya po sir.." itinuro ako. Tumagal ng ilang segundo ang tingin sakin bago tumingin muli sa kanya tsaka bumalik ulit sakin. Di kaya sya nahilo?.

"Hmmm.. nice.. 'kay sit down. Yes sir lang ang kailangan ko ha. Huwag mo nang pasobrahin.." masungit nyang sambit.

Ang loko. Sumaludo pa. Naku!.. Di ako nakapagpigil. Kinurot ko ang kanyang braso sa likod.

Mas loko. Kinurot din ako sa pisngi. Shems!. Sa mismong harapan pa nya. What ya doin' Ace?!!....

Tumagal ng tatlompung minuto ang meeting. Ang dami nyang gustong gawin. Sana rin magawa namin. Ngayon palang kinakabahan na ako.

"Bamby!." may tumawag sakin pagkalabas ko ng hall. Si Dennis. Barkada ni Kuya Lance.

"Kanina ka pa hinahanap ng kuya mo. Galit na galit.." sinalubong na ako.

"Bakit daw?.." papalapit na ako sa kanya. Nakaupo kasi ito sa loob ng kubo.

"Uwi na raw kayo kaso di nya alam kung asan ka..."

Lihim kong nilagay sa noo ang likod ng palad ko. Ngayon, ako ang malalagot neto.

"Hindi ba sya nagtanong?.." bat di nya alam?. Dapat nagtanong rin sya. Engot kasi minsan e.

Nagkibit sya ng baliikat. "Dalian mo na lang baka iwan ka pa nun.. Kanina pa nagpapaulan ng mura e..."

"E ikaw?. Bakit ka andito?.."

"Natamaan lang naman ng lintik na mura nya. Kaya hinanap na kita. Ang engot rin kasi minsan. Di muna magtanong bago magdrama ng napaka-oa." natatawang anya. Alam din nito na may topak minsan ang kapatid ko. Mabuti nalang gets nila iyon at di rin nila kayang iwan nalang basta ang likod nya.

Di ko maiwasang humagalpak sa kanyang sinabi. Tama nga naman sya. Yun nga rin ang tanong ko. Bakit di sya nagtanong?. Haist Lance Eugenio!. What's going on?.

"Ganun ba. Sige. Salamat kuya. Mauna na ako.." paalam ko dito saka mabilis ng dumiretso sa parking lot. Pagkakita ko palang ng sasakyan namin pumasok na ako. Pinaandar nya agad ang sasakyan. Pinatakbo ng mabilis. Here we are superman!. Vroommmmm....