webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 22: Blur

Kung pagpapanggap ang solusyon. Paano haharapin ang kumplikasyon?.

Tumatak sakin ang linyang yan ni kuya Mark noong nagkausap kami. He explained me that, kailangan kong harapin at tiisin ang kung anu mang sakit o galit na namumuo sakin. Kailangan ko iyong indahin para mabigyan ng solusyon ang kumplikadong bagay na nagawa ko. At lalong kailangan ko raw kausapin si Jaden para mapakinggan ang side nya. Hindi yung basta nalang daw akong magdedesisyon para saming dalawa. Para saming pamilya. Nasabi kong pamilya dahil kabilang na si Knoa. Nabuo na namin si Knoa at di na maipagkakailang isa na nga kaming pamilya ngayon. I should stop pretending and think the better future ahead of me and Knoa. I knew what he really meant by that. Gusto nyang mabuo ang aking pamilya. Yung meron ako, si Knoa at syempre ang tatay nya. Ang dagdag pa nya hindi raw bagay sakin ang magpanggap dahil masyado raw akong halata. Halatang namimiss ang taong tinutukoy nya.

Suskupo Bamby!.

"Bakit ka nawala?. Anong kasalanan ko?.." ang bukod tangi kong narinig sa sunod sunod nyang naging tanong. I'm too weak to observe all his questions. Naging malabo ang lahat ng naiisip ko sa boses nyang pinanginginig ako. Nangangatog itong mga binti ko sa humahagulgol nyang tinig. He's crying. Damn baby!!

"Tell me baby please.. nababaliw na ako sa'yo.." sinabi nya iyon sa pagitan ng kanyang mga hikbi. Kagat ang aking labi habang pinipigilang mahulog ang namumuong luha sa gilid ng mata.

Mabilis akong nagbaba ng tingin ng humarap sakin si papa. Knoa is now sleeping at mukhang lalabas na yata sya. Ngunit nagkamali ako ng naisip nang ang kanyang mga paa ay naglakad papunta sakin. Sa may tabi ng bintana.

"I'm begging baby.. please come back to me.." muli nyang sabi. Tuluyan na ngang nag-unahan ang butil butil na tubig na galing saking mata pababa ng aking pisngi. Ang luha ay walang kulay o bigat pero kapag dumaan talaga ito sa gilid ng mata ng tao pabagsak sa lupa. Maramia itong ibig sabihin. Bagay na di kayang bigyang kahulugan ng isang salita.

"Jaden.." iyon lang ang kaya kong banggitin. Ang tawagin ang kanyang pangalan na higit syam na buwan kong di nasambit ng malakas. Parang may natanggal na mabigat na bagay sa aking dibdib. Naging magaan iyon dahilan para makahinga ako ng maluwag.

Noon ko lang rin naramdaman si papa saking harapan. Tiningala ko sya kahit puno ng luha ang aking mga mata. Tinanguan nya ako saka binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Kaya mo yan..." he mouthed saka ginulo ang buhok ko. Itinikom ko lalo ang labi. "Explain to him and tell about Knoa.." dagdag pa nya bago ako hinalikan sa sentido at iniwan na ng tuluyan upang makapag-usap kami ng mabuti ni Jaden.

Sobrang kaba ang naramdaman ko. Kaba na baka magalit sya sakin at iwasan rin gaya ng ginawa ko sa kanya.

"Bakit mo ako binalewala?. Bakit mo ako iniwasan?. Bakit babe?.. Anong ginawa ko para gawin mo iyon sakin?."

Damn it!!. Just damn it!!

"Jaden, I'm sorry.."

"Anong dahilan para humingi ka ng tawad?. Shit!. Bamby, anong nangyari?. Sabihin mo!.." may bahid na ng galit ang kanyang tinig.

Nasabunot ko ang sariling buhok sa tindi ng aking kaba. Sa lakas nun ay kulang nalang ako'y mabingi.

."Jaden kasi--.." di ko magawang ituloy ang sasabihin dahil sa biglaang pag-iyak ni Knoa.

O my goodness!!

Natataranta na ako kung anong gagawin. Kung papatayin ba ang tawag nya o patatahanin ang umiiyak na si Knoa. Holy cow!. Think Bamby!!.

Dinig kong natigilan sya sa kabilang linya. Naputol rin ang akma nyang paghinga. Mabibigat ang mga iyon kanina.

Kinagat ko ang dulo ng aking kuko sa sobrang kaba.

"Bamby, ano ba!?. Hindi mo ba naririnig iyak ni Knoa?.." And now, I'm done!!.

Padabog na pumasok itong si kuya Lance sa aming silid. Masama pa ang tingin sakin ng lampasan ako patungong higaan ni Knoa. Nakaawang pa rin ang labi ko sa ginawa nya. O my damn!!. Kuya!. Pikit mata kong tawag sa kanya. "Ano bang ginagawa mo dyan?. Kailangan ka ng anak mo.." inis nya pang dagdag.

Kuya please stop!! Stop right there!.

Isang malutong na mura ang binato ko para matigil sya sa pagsasalita. Sinamaan pa ako ng tingin bago natanto ang itsura ko. Nakaupo ako sa sahig at hawak ang cellphone na nakadikit saking pandinig. Nagpalipat lipat ang mata nya sakin at sa cellphone.

"Bamby?.." tawag ni Jaden. Humihingi ng paliwanag.

"Jaden?.." nagpalitan lang kami ng pangalan. Maraming gustong sabihin pero hindi malaman kung alin doon ang uunahin.

Dumagundong na ang kaba at iba't ibang klase ng emosyon sa sistema ko.

"Kaninong anak nga ulit yun?.."

"Jaden, magpapaliwanag ak----.."

"Bullshit!!."

Malakas nyang mura. Buong puso nya yatang sinigaw iyon dahilan para magitla ako't maiyak na parang batang naagawan ng lollipop.

"All this time?.. Niloko mo ako!.." ang sakit sa pandinig ang salitang iyon galing sa kanya.

Di ko naman iyon sinadya. It just happened. Di ko iyon pinlano. Basta nangyari nalang.

"Jaden, hear me please.." ako naman na ngayon ang nagmamakaawa. At kung iyon lang ang tanging paraan para makinig sya't pakikinggan ako. I'll beg hanggat marinig nya ang paliwanag ko.

"I'm sorry.." salitang kayhirap sanang tanggapin pero kailangan. Kailangang tanggapin kahit mahirap.

"Jaden?.."

"Hello Jaden, hear me please.. hello?.." kahit anong tawag ko pala sa pangalan nya. Wala na dahil binabaan na nya ako. Nanlumo ako't sa mga palad na lamang iniyak lahat ng frustration.

Di ko alam kung anong nasa isip nya. Baka sabihin nyang may iba na ako. Baka isipin nyang anak ng iba si Knoa ko. Damn it!. Iniisip ko palang na ganun ang tumatakbo sa kanyang isip tas magwawala sa kanila. Nasasaktan na ako. Nasasaktan sa katotohanang nasasaktan ko sya ngayon.

Humagulgol ako sa may gilid kasabay ng malakas na atungal ni Knoa.

Iiyak mo lang Bamby.

Let it hurt, until it can't anymore.