webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 2: Really

Nagising akong nakasindi na ang lamp shade sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Nagmulat ako ng mata at kinapa ang alam clock sa taas ng mesa. Trenta minuto nalang bago mag ala singko .Humikab ako kahit bagong gising ko palang.

Halos isang buong araw akong natulog. Ewan ko. Sa pagod siguro o sa lungkot. Pagod sa haba ng byahe galing Pinas at lungkot dahil sa katotohanang di ko na naman sya makikita at mahahawakan.

OA!. Oo na!. Inggit ka lang eh.. Err..

Awtomatikong bumalik lahat ng alaala ko nang biglang sumulpot ang mga tagpong iyon samin.

"Kuya, saan ka galing kagabi?.." tanong ko sa kanya nang sabay kaming bumaba ng hagdanan.

"Somewhere, why?.." mapungay pa rin ang mata nyang tumingin sakin.

I have this guts na may mabigat na pinagdadaanan ito. "Wala lang.." tugon ko. Saka binalewala na ang di pantay na kilay nya.

May gabi kasing nagtext ako kay Jaden. He replied noong unang minutong pagtatanong ko kung nasaan sya o kung anong ginagawa nya. He said, may tinatapos syang plates at kakatapos nyang kumain. Nakahiga ako noon dahil nirush ko ring tinapos ang project na ipapasa bukas. Then time goes by, nagpaalam na sya. May kailangan raw syang tapusin. Di nya na rin sinabi kaya di ko na rin tinanong. Kung ano man yun. Basta alam nyang nakabubuti sa kanya. I let him free in a way na makatulong sya sa iba. Ayoko syang sakalin. Baka pagsawaan nya lang ako. I'll never do that. Kung may binibigay syang privacy para sakin. Ganun rin ako para sa kanya. It's a win win.

The other day. Sinundo nya ako sa bahay. "Good morning babe.." bati ko pa sa kanya bago sya hinalikan sa pisngi. Di ko alam kung guni guni ko lang ba na may mali sa kanya o talagang may mali. Something's strange sa kanyang awra na di ko matukoy kung ano.

He smiled at me back and then pulled me closer to hugged me. Nagitla ako dahil masyado akong nabigla sa ikinilos nya. "May problema ba?.." I asked without thinking. I hugged him back, ofcourse. Nasa may garahe pa kami kaya nagagawa namin ito. "Nothing. Gusto lang kitang yakapin.." iling nya sabay hagod saking buhok. Kumalabog ng dalawang beses ang dibdib ko the way he speaks. Base sa pananalita nya. Meron nga. Sa haba na ng pinagsamahan naming dalawa. Alam kong may gumugulo sa kanya.

What baby?. Anong gumugulo sa'yo?. Sinong iniisip mo?.

Kating kati ang dila kong itanong ito sa kanya ngunit inunahan ako nitong kaba ko. Di maipaliwanag. Parang galing sa kasulok sulukan ng dibdib ko na ngayon ko lang naramdaman.

Ilang araw. Linggo o umabot yata ng isang buwan syang parating lutang. Tuwing tinatanong ko sya, palaging "Huh?.", "Ano babe?..", "Ah oo, haha.." ang sagot nya kahit hindi naman dapat iyon ang isasagot nya. Minsan ko syang tinanong kung kamusta na si Klein at Niko. Bihira na kasi akong dumalaw doon simula noong third year last sem. Puno kami ng mga proyekto na kailangang irush din. "Ah oo, haha.." doon ako nawirduhan ng todo sa kanya. Sa tawa nya. Tumatawa sya pero halatang pilit at nagpapanggap lang. I knew when his laughs are true when it's eyes is closed. Laging pikit ang mata nya kapag sobrang tawa niyon. Ngayon lang hindi. Parang pilit nya lang pinipikit para magmukhang totoo. But nah!. Basa ko na ang ugali nya.

"Kuya, nagkakausap ba kayo ni Jaden?.." I have no other choice but to ask him.

Nasa dining kami noon. Naghahapunan, nang wala sa isip kong itanong sa kanya. Nacucurios na ako sa kung anong nangyayari at lagi syang balisa.

"Nope. Why?.." maikli nyang tugon. Nilaro ko lamang ang spaghetti saking plato. Di ko sya tinignan. Kaya di ko rin malaman kung anong reaksyon nya.

"Nag-away ba kayo?. Bakit?.." tuloy nya sa paraang mahinahon. Patuloy pa rin sa pagkalansing ang aming kutsara't tinidor ngunit di ko pa rin magawang tapunan sya ng baling. Nakatitig lang ako sa iniikot kong pagkain.

"Hindi naman. It's just that. This past few days. Ang weird nya..."

"Baka pagod lang.."

"Hindi eh. May pakiramdam akong may mali.."

"Asked him then.."

"Natatakot ako.." Isa yan sa mga katotohanang ayaw kong malaman. Ang dahilan sa likod ng mga kilos nya. Kaya natatakot talaga akong magtanong. Not that I'm coward. It's just that I'm too weak to hear the real reasons behind it.

At, tumagal pa ng ilang araw na ganun sya. "Babe.." masuyo pa nyang lambing sakin tuwing nagtatampo ako sa kawalan nya ng presensya sa kanyang sarili. Wala akong ibang maisip na gawin kundi ang paikutan nalang sya ng mata.

Suskupo Jaden!. Kung may babae ka man. Sabihin mo nalang. Hindi yung ganito na magkasama nga tayo tas nasa ibang tao ang isip mo. My heart ache everytime you're with me and yet absent minded. Nakakapraning na masyado.

"Bamblebie!.." nagulat ako minsan sa tawag ni kuya. Hapon na at kakauwi ko lang galing grocery store. Di na ako nagpasama pa kay Jaden dahil baka bigwasan ko lang sya kapag lutang pa ring kasama.

"Hmmm?.."

"Si Jaden, bat di na gumagawi rito?.." bigla ay tanong nya. Napansin nya rin pala.

"Busy yata.. bakit?.."

"Busy ba talaga?. O may ginagawa nang di mo alam?.." nagtataka akong tumingin sa gawi nya. Nakaupo sya sa may counter table habang pinapaikot ang orange sa kamay.

Mataman ko syang tinitigan. "You knew something right?.." get to point please. Di ko idinugtong yung huli dahil sa kaba.

Ilang ulit pa muna nyang nilaro ang prutas sa kanyang kamay saka ako pinakatitigan ng mabuti sa mata. Pakiramdam ko. Tumagos ako roon at naramdaman ang gusto nyang sabihin.

"May alam ka rin ba?.." he asked aback.

Damn it!. May alam nga sya. Tell me kuya! Sabihin mo sakin kung anong bumabagabag sa kanya.

"Isang gabi, late na akong umuwi.." he started talking. I just looked at him. Intently. Hearing and wanting to know what he already knew. "Tinawagan ko noon si Jaden na makipag-inuman sa isang bar.." O there you go man! Sabi na nga ba e. Sya yung kasama nya nung gabing iyon. Wala nang iba. Di pa rin ako nagtanong o nagsalita. "And I told him na wag sabihin sa'yo.." Kaya pala. Tinuturuan nyang magsinungaling. Loko talaga kahit kailan. Kaya iniiwan eh. Huminga sya ng malalim. Doon ako kinabahan bigla. "Sobrang lasing na ako noon kaya tumakbo ako patungong cr.. Alam kong nakaalalay sakin si Jaden.. Nagtaka nalang ako at nawala na sya sa paligid ko.. dumiretso akong cr at doon nagpakawala. matapos kong mahimasmasan. Hinanap ko sya dahil alam kong ako ang malalagot sayo kapag sya ang nilasing ko.." Buti alam mo. Psh!!

Humalukipkip ako sa mismong harapan nya.

"Pagbalik ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba ang nakita ko o totoo.." umiling pa sya. Parang hindi nga naniniwala.

"What?.." Doon lamang ako nagkaroon ng kyuryosidad na magtanong.

Kinamot nya ang gilid ng kilay bago nagpatuloy. "I saw... Veberly... kissing...Jaden.."

What the fucking hell!

Ngumisi ako ng nakakaloka. Bigla akong nabaliw ng wala sa oras. "Really?.." iyon lang ang nasabi ko kahit libong tanong na ang tumatakbo sa utak ko.

Tumingala pa ako upang pakawalan ang nakakabaliw na tawa ko.

"It's Veberly who kissed, not him.." he explained.

Minuto akong tumawa bago naproseso ang huli nyang sinabi. Seryoso ba talaga sya?. Seryoso ba talaga si Veberly sa ginagawa nya?. Is she insane?. O baliw na nga sya.

"Did he responded or do anything more than that?.." hindi na kayang magsalita ng puso ko kaya ang isip ko ngayon ang may lakas ng loob na magtanong.

Pinapanood nya ako kung paano ko itago ang sakit sa isang ngiti. "Wala syang ibang ginawa kundi itulak sya palayo sa kanya.." anya na titig na titig saking mata. "Wala na syang ginawa bukod doon.."

Bahagya akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ni kuya. Ngayon alam ko na. Hihintayin ko na lamang sya kung sasabihin ba nya sakin o hinde. It's up to him. I don't want to force him. It's his choice.

Napaisip ako ng malalim.

"Sana lang ngayong wala ako sa tabi mo. Ganun pa rin ang gawin mo.." bulong ko sa sarili nang bumangon sa pagkakahiga. Naniniwala ako sa kanya. Naniniwala ako sa pagmamahal nya sa akin. Ngunit sa pinsan ko?. Wag nalang. Yawa sya!!!