webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 18: Reunion

After we attended the mass. Dumiretso na kami agad sa tagaytay. Doon gaganapin ang reunion na matagal ng plano ng mga kapatid ni mama.

"Ma naman. Hindi na ba tayo magpapalit?.." reklamo ng kapatid kong kanina pa hindi mapakali. Ang dami nyang reklamo. Bakit daw hindi kami nagdala ng pampalit na damit?. Kanina pa raw sya kating kati sa katawan. Suskupo!. Mabatukan ko nga tong bakla na to!. Daig pa ako kakareklamo.

"Aray!!.." Hindi ko na pala kailangang gawin iyon dahil may gumawa na. Si Kuya Mark.

"Ano ka ba?.. Hindi ka ba mabubuhay kung hindi makakaligo huh?."

"Psh.. syempre. Ano pang saysay ng tubig diba?.."

"Bwahahahahaha.." di ko maiwasang tumawa. Napailing nalang si kuya sa kanya. Sobrang malinisin talaga neto. As what I've said. Bakla nga.

"Sa hotel ka nalang maligo son. Wala tayong dala ngayon.." humalakhak pa si papa nang sabihin ito.

"Ahahahaha.." sa aming lahat. Sya lang ang walang ganang tumawa. Sino nga namang matutuwa kung pagtatawanan ka ng buo mong pamilya?. Tsk.

Habang nasa daan. Napuno ng kwentuhan ang byahe. Hindi maubos ubos ang pang-aasar ni kuya Mark sa taong nagmamaktol sa likod. Tuloy, wala itong imik pagdating namin ng hotel.

"Mauna ka nang maligo bro para kumalma ka.. hahaha.." pabagsak nitong sinarado ang pinto ng banyo nang di sinasgaot kahit isa sa aming mga tanong. Daig nya pa babae bro Grabe ang mood swing..

Pagkatapos nya. Sumunod na rin ako. Isang family room ang kinuha ni papa. Di naman sa nagtitipid. Sadyang ganito ang gusto nila ni mama. Yung sama sama kaming lahat kapag nagbabakasyon. Ganun. Mas masaya daw kasi kapag marami. Kaya kahit ayaw ng dalawa na matulog sa iisang kwarto. No choice sila.

Isang strapless maroon na dress ang ipinasuot sakin ni mama. Hapit ito sakin kaya medyo naasiwa ako. "Kailangan ba dapat ganito kapormal ang suot ma?.." tanong ko sa kanya nang ayusin nito ang aking buhok.

"Yes anak.. Dadating lola mo eh."

"Totoo po?.. Sino pong kasama nyang umuwi?.."

"Family of your kuya Alex.. yan. Tapos na. You are beautiful hija.." pinaikot ako sa human size na salamin. Sinuyod ko ng dahan dahan ang aking kabuuan. Parang hinde nga ako itong nakikita ko. Suot ang light make up at lipstick. Pati yung earings na sumasayaw. Di ko alam kung saan nakuha ni mama na bumagay naman sa aking balat. Kulay ginto ito. Ang dulo naman ng aking buhok ay bahagyang umalon alon..Mas nadepina rin ang aking mga binti dahil sa hati sa gilid ng damit.

"Wow!.." puri ni papa sa aming likod. "My little Bamby, is now a real lady.." ginawaran ako ng napakatamis na ngiti. Not his usual smile. Intimidating.

"Hon. Parang may kulang pa.."

"Huh?.." sabay kaming nagtaka ni mama.

"Turn around hija.." umikot nga ako gaya ng inutos nya. Maya maya. May naramdaman akong malamig sa aking leeg. Tinignan ko ito. Isang kwintas.

Hinawakan nya ako sa balikat saka inikot paharap muli sa kanila. Sa harap ng salamin. "There you go. You look perfect.."

"Thanks Pa.." hawak ang necklace na hugis bulaklak.

"Walang anuman sa dalaga kong maganda. Let's go.." inilahad nito ang braso saming dalawa ni mama. Pinagigitnaan namin sya. Pagkalabas ng suite. Sinalubong kami nung dalawa.

"Whew!.." mangha ni kuya Lance. Sumipol lang naman si kuya Mark bago kami nilapitan.

"Wow lil sis!.." ngisi sakin ng aming panganay.

"What?.." kindat ko sa kanya. Sinuyod nito ako mula ulo hanggang paa. Manghang mangha. Imbes sagutin ako. Nginisihan lang ako saka ginaya si papa kanina. Inilahad ang braso sakin. "Ma isa nga pong picture dyan?..." kinuhanan kami ni mama. Subalit hindi lang isa at di lang din sya. Kaming lahat na. Mas madami ang group picture naming tatlong magkapatid. Alam mo na. Request nila.

Pagdating ng venue. Nagbatian ang lahat. Yung mga pinsan ko sa mother side mababait naman sila. May isa lang akong di nakakasundo. Yung kapatid ni kuya Alex. Si Veberly. Masyado syang masungit sakin. Ako rin naman sa kanya. Basta feel ko lang. Yun lang.

"There you go little Bamby!. " sinalubong ako ng yakap ni kuya Alex. Nasa likod ang kapatid nya na sinasabi ko. "Hi.." Anya lang sakin. Tinulak sya palapit sakin ng kanyang kapatid dahilan para magkapalit kami. Alam din kasi nitong di kami magkasundo.

"Hi Veb.." pormal kong bati sa kanya.

"Ang ganda mo naman.." pinuri ako. That's new couz.

Pinilit kong ngumiti at naisip kong purihin din sya pabalik. "Mas maganda ka kaya.." at doon na nila kami iniwan.

Marami na rin kaming napag-usapan.

"How's life in Australia, by the way?.." pareho kaming kumukuha ng pagkain sa mahabang mesa.

"Maayos naman.."

"Hmm.. what about?. Your boyfriend?.."

"Wala akong boyfriend.."

"Seriously?!.." hinarap ako nang di makapaniwala.

"Hmm...." I just nodded.

"Sa ganda mong yan?. Walang nanligaw sa'yo?.." tumango ako. "Bakit?.."

"Eh sa wala e.." paano ako magkakaroon ng manliligaw kung laging hinaharangan ng sinuman sa dalawa kong kapatid?. Gusto ko itong sabihin ngunit naisp kong manahimik nalang. Di ko pa masyadong gamay ugali nya para ipalam ang lahat sakin. No way!..

"Don't worry. Magkakaron ka rin soon.." Anya. "Ikaw?. May boyfriend ka na?.." pag-iiba ko ng usapan. Hindi ito agad sumagot. Mukhang komplikado ata. Noong nakaupo na kami. Saka lamang ito nagsalita. "Wala.."

Nagkapagtataka. ang sabi ng kapatid nya. Papalit palit to ng boyfriend sa Canada. Tsk. Bakit ngayon?.

"Di nga?.." tumango sya saka ngumisi. She's lying?..

"No you're lying?.." di ko mapigilang sabihin ito.

"I'm not couz.. Kahit tanungin mo pa si kuya.." hinagilap ko ang kapatid nya subalit di ko na makita dahil puno ng kumpulan ang bawat gilid. "But.." natigilan ako ng magpatuloy ito.

Tumaas kilay ko. Nanliliit ang mata sa kanyang ngiti. "But-?.."

"I found someone.." sabe na nga ba eh.

"And?.."

"He's hot damn couz... and I think I like him now.." idinetalye nito ang sinasabi nyang someone. Base sa mga deskripsyon na kanyang binanggit. Mukhang may itsura nga ang taong tinutukoy nya. I'm curious about her someone.