webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 14: Decision making

When you love someone, imperfections makes everything perfect.

Alam ko noon sa sarili ko na torpe ako. Hindi alam manligaw. Na hanggang tanaw lang. Pero simula noong namataan ko sya sa aming bahay. Sa school at sa basketball court. Doon na nag-iba ang pananaw ko.

Tuwing sumasama sya sa kanyang mga kuya. Gustong gusto kong magpakilala ng pormal. At maging kaibigan nya. Pero sa torpe nga ako't laging umuurong ang dila kapag andyan sya. Wala akong magawa kundi magnakaw nalang ng tingin mula sa malayo.

Natakot pa ako noong una dahil baka ayaw nya sakin. Baka may nagugustuhan na iba o may kasintahan na. Maganda kasi sya kaya di na nakapagtataka iyon. Kasama nya kasi lagi noon ang kaibigan nyang si Ace na baka may lihim syang pagtingin doon.

Pero nalaman ko lang na, hindi pala sila. Dahil narinig ko rin na may gusto sya sa aming batch. At ang sinasabi nilang iyon pala, ay ako.

Akalain mo yun?.Gusto rin ako ng taong gusto ko. Ang swerte ko diba?. Sobrang swerte!

Di nga nagtagal. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob para ligawan sya. Dahil na rin sa kanya, naging lalaki ako. I mean. Di kasi pangkaraniwan ang pagkatorpe. Iilan lamang iyon sa mga taong mahina ang loob. Tulad ko. Kalaunan. Nalampasan ko iyon nung makilala ko sya. Naging malakas ang loob kong magtapat at maging totoo sakin sarili.

Noong pumasok kami sa relasyon. Pareho kaming nangapa at di alam ang gagawin. Ganunpaman. Natutunan rin namin iyon sa pagdaan ng mga araw.

Hindi man perpekto ang naging takbo ng relasyon namin ni Bamby. Alam kong sya palang, perpekto na. Nagagawa nyang ayusin ang lahat base sa kung ano sa tingin nya ay tama. Hindi sya aalis o uuwi hanggat di natatapos ang lahat.

"Wag iinom ha.." isang bilin nya pang iyon bago pumasok ng kanilang bahay. Ginawaran nya ng isang halik ang buhok ko kahit na nakapalibot pa kami sa harap ng mga kaibigan namin at ng kanyang kapatid.

Susmaryosep! Nahiya akong tumingin kay Lance at makipagngitian sa kanya.

Paulit ulit nya pang binanggit iyon. Nag-kayayaan ang mga lalaki na uminom kahit kaunti bago bumalik sa dating nakasanayan na abala sa school papers. Pumayag naman si Lance. Di ko man natanong kung anong meron sa kanila ni Joyce. Alam kong sila na nga. Base sa mga titigan palang nila. Parang may kuryenteng dumadaloy doon.

"Bamby, kahit isa lang daw?.." habol pa ni Aron sa kanya bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay. Huminto sya roon na nakapamaywang. Madilim ang titig papunta sakin. "Subukan mo lang Jaden.." banta nya saka nagmartsa na paalis.

Tinawanan nila ako. Tinukso na para bang nakakatawa talaga yung banta nya. Kung alam lang nila kung paano magalit ang mabait. Nakupo! Baka di na sila makatawa ngayon. Tsk!.

Hinayaan ko lamang sila. At nagpasyang iwan nalang. Nagpaalam ako na sundan sya roon at sa kanya nalang ubusin ang oras ko. Kaysa naman sa mga sutil na tao. Psh!.

"Ma, wag na kayong mag-alala sakin.. andito naman si kuya Lance.." di ko hilig ang makinig sa usapan ng ibang tao pero ngayon, hinihila ako ng kung ano para makinig sa usapan nila. "Opo na po.." tumigil sya't pinakinggan ang sinasabi ng nasa linya. "Sasabihin ko po mamaya.. hmm..." tango nya. "Sige po. Mag-iingat rin po kayo dyan.. miss you.."

"Ah ma.." ang buong akala ko ibababa na nya ang tawag kaya humakbang ako ng bahagya. Umikot sya't huminga ng malalim. Buti nalang nakapagtago ako ng mabilis sa likod ng kabinet nila. Mukhang nahihirapan syang sabihin ang kung anumang gumugulo sa kanyang isip. Ano kayang problema nya?..

"Ma, pwede po bang dito nalang ulit ako mag-aral?.." natigilan talaga ako ng todo. Anong ibig nyang sabihin?. Balak ba nyang di na bumalik ng Australia?.

Nagulo ang isip ko ng isang iglap lang. Nakita ko kung paano nya ilayo ng ilang dipa ang cellphone sa kanyang tainga. Mukhang nagalit o sumigaw yata si tita. Sino namang di magagalit Jaden kung sasabihin yan ng anak sa ina na wag nang babalik sa kanya?.. Sige nga. Tahimik nalang akong humugot ng buntong hininga.

Mahabang oras syang di nagsalita. Nakikinig lamang sa nasa kabilang linya. "Ma?..." nanlulumo nyang ibinaba ang kamay na hawak ang cellphone. Pabagsak pa na umupo sa mahabang sofa. Yumuko sya't ginulo ng todo ang kanyang buhok. Baby, anong problema?.. Gusto kong lapitan sya at itanong ito pero hinayaan ko nalang muna syang mag-isip. Iyon ang kailangan nya ngayon. Hindi ng kausap.

Siguro kalahating minuto akong nakatayo sa likod ng kabinet bago ako nagpasyang malakad papalapit sa kanya. Andun pa rin sya sa pwesto kung saan sya umupo. Bagsak ang mga balikat. "Babe.." malambing kong tawag. Maingat nyang iniangat ang kanyang ulo. Mugtong mata ang bumungad sakin. Agad ko syang dinaluhan. di alam ang gagawin. Kung patatahanin ba sya o yayakapin nalang. "May problema ba?.." nag-aalala kong sambit. Hinagod ko nalang ang kanyang likod. Pero imbes sagutin nya ako. Yumuko lang sya't umiling ng paulit-ulit.

"Babe.." I almost begged.

Humikbi sya. Tinakpan ang buong mukha gamit ang dalawa nyang palad.

Anong gagawin ko?.. Sasabihin ko na ba yung narinig ko?. Isip boy!

Naisip kong, wag nalang munang banggitin sa kanya ang bagay na nagpapabigat sa kanyang damdamin. Hindi ako ganuong kamanhid na basta nalang gagawa ng bagay na alam kong di nya pa kayang sabihin sakin. Di ko sya pipilitin. Hihintayin ko nalang na sya mismo ang magsabi sakin ng kung anong dahilan ng mga luha nya.

Ngunit naisip ko. Sana hinde ako ang dahilan nito. Base kasi sa takbo ng usapan nila. Naramdaman kong gusto ni Bamby ang mag-aral dito para makasama ako. I'm not assuming anything. It's theoretically.

Sana lang hindi sya magdesisyon batay sa kanyang emosyon. Sana, laging tama ang piliin nya kahit mahirap. Magiging maayos rin naman ang lahat kalaunan.