webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 13: Stubborn

Four more months passed by.

Kabuwanan ko na at heto pa rin ako. Abala sa pagtatrabaho. Maraming customer ngayon at kailangan kong magdouble kayod. "Careful Bamby.." dinig kong hiyaw pa ni tita Martha na naging nanay ko na rin mula ng napunta ako rito. Sa loob ng restaurant galing ang kanyang boses. "Here's your order sir. Enjoy your meal.." sambit ko saka inilapag ang order nito sa kanyang harapan. At naglakad patungong loob.

Ngunit ganun na lamang akong natigilan nang matanaw ang isang tao na ilang buwan kong di nakita.

Gosh!. Kuya!. Nangilid ang luha saking mata nang makita kung paano sya tumingin sakin. Nakakunot ang noo nya't seryosong seryoso. Kumibot ang kanyang labi ngunit walang namutawinhg salita mula doon.

How's home?. Tanong ng aking konsensya subalit hindi ko iyon pinakinggan. Binalewala ko lamang ang presensya nya.

Taas noo akong maglakad ngunit hindi dumapo sa kanya ang paningin. May mga kailangan pa akong kunin na order at iyon ang priority ko ngayon.

"Bamby?.." mahina ngunit dinig ko iyon. Bakas sa kanyang boses ang excitement. I don't know kung para saan. Excitement dahil finally he found me o di ko alam ang totoong dahilan nya.

Nahinto ako sa tabi nyam Tulala.

"It's been months..and yet.. andito ka lang pala.." Anya gamit ang mahinahong boses.

Nagbaba ako ng tingin saking paa na nasisinagan ng araw. Mahaba ang suot kong maternal dress kahit mainit. Suot ang isang malaking sumbrero panlaban sa araw.

"May oder ka ba?. I need to go.." nawalan ako ng lakas para magtanong tungkol sa kanila sa bahay. I'm not that ready yet.

"You don't have to do this. Bumalik ka na sa bahay. " he resumed again.

Mapait akong ngumiti pero hindi ko ipinakita sa kanya. Tinanaw ko lang ang malayong dagat na puno ng mga turista. "I need to do this.."

"But why?.. you have your family. We are family.."

Huminga ako ng malalim. Nagbuga ng hangin bago nagsalita. "Di ko nga alam kung may pamilya pa ba ako eh.." piniga ang puso ko sa sinambit. "Haha..." naging tunog sarkastiko pa ang naging pagtawa ko. "Excuse me.. I need to go back to work.. I need to survive, coz I'm alone.." madrama akong naglakad palayo sa kanya.

Na sa totoo lang. Kabaligtaran noon ang gusto kong gawin. I want to hug him tightly. Have more chit chats about the past months and bond. Hindi ang maglakad palayo sa kanya at iwan sa ere.

Sa apat na buwang dumaan. Bihira akong pumasok dahil sa sakit na iniinda ko sa balakang at sa paa. Nakatira pa rin ako sa nirentahang bahay. Gusto na akong palipatin ng mag-asawa sa kanilang bahay subalit tinanggihan ko sila. Una, dahil nahihiya ako. Pangalawa, gusto ko talagang maging independent. Mamuhay mag-isa. Pangatlo, para matuto sa buhay.

"Get some rest dear. it's getting hot outside.." inalalayan ako ng matandang umupo sa isa sa mga upuang nasa loob. Kakatapos lang ng duty ko at kailangan ko talagang magpahinga. Binigyan nya pa ako ng tubig na maiinom. "Drink water and relax.." dagdag nya bago ako iniwan para asikasuhin ang dapat na ako ang nag-aasikasong bisita.

Uminom ako ng tubig at kinalma ang sarili. Ang daming tumatakbo saking isipan ngunit kahit isa noon ay wala akong mapagsabihan.

Bahagyang narelax ang katawan ko sa hangin na nanggagaling sa electric fan. Pinunasan ko pa ang iilang butil ng pawis saking leeg bago nangalumbaba at tinanaw ang napakaliwanag na labas. Ang taas ng sikat ng araw dahil alas dose ng tanghali.

"Jaden.." sya lang ang kayang kong banggitin. Gustong kamustahin ang lahat pero nasasaktan lang ako. Nasasaktan sa katotohanang, wala akong halaga sa kanila.

Noon ko lang natanto na. Kanina pa pala nakatayo si kuya sa mismong bintanang tinatanawan ko. Nakakunot pa rin ang noo nya habang tinatanaw ako. "Ano kayang iniisip nya?. Sana lang okay sya." Bulong ko saking sarili bago ngumiti ng saglit at nag-iwas na ng tingin.

Ilang oras pa ang dumaan bago nagdilim ang buong paligid. Gabi na pero maingay at abala pa rin ang lahat sa kanya kanyang gawain sa may dalampasigan.

Andito pa kaya sya?. Nilinga ko ang paligid upang hanapin si kuya pero wala na akong makita. Umuwi na yata sya o natulog na.

Nanlumo ako dahil marami akong gustong ikwento sa kanya. Di ko na kailangan pang sabihin ang dahilan kung bakit ako umalis ng bahay dahil obvious naman na ang tyan ko. "Sorry kuya Lance.."

"Why are you sorry?..." nagulat ako sa biglang nagsalita saking likod.

Di ko naramdaman ang presensya nya. Ganun ba ako kalutang?. "Bakit ka umalis?. Tingin mo ba matatahimik ang lahat sa ginawa mo?.." mataman ko syang tinitigan. Naghahanda sa kung anong idudugtong nya. "Lalo lang lumala.."

Nagbaba ako ng tingin. Humakbang sya ng isa palapit sakin. "Bumalik na tayo sa bahay.." iniwas kong muli ang tingin sa mata nyang nangungumbinsi. Hinihila ako pauwi.

"Sorry kuya.." iyon lang ang gusto kong sabihin sa ngayon.

"Bamby. Wag matigas ang ulo. buntis ka at nagtatrabaho ka pa. ano nalang kung may mangyari sa'yo na masama rito?.."

"I'm fine here. just go home.."

"I will if you accompany me.."

"I can't..." hinawakan nya ang balikat ko. Saka pinihit paharap sa gawi nya. "Please.." he begged pero buo ang desisyon kong manatili rito. Inilingan ko lamang sya. Dismayado nya akong tinignan. Matagal bago nya ako niyakap ng bahagya. Di yun mahigpit dahil sa laki ng aking tyan. "Why so stubborn little Bamblebie?.." bulong nya sabay himas saking buhok.

Di ako matigas. I'm just stronger but softer.