webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 12: Other side

SA GYM.

Second meeting namin kay Sir Peter Tan. P. E time. Lumabas nga kami gaya ng sinabi nya noong unang meeting nya samin.

"Ano kayang gagawin natin ngayon?.." tanong ni Joyce. Nakakawit ang braso nya sa kanang braso ko. Tapos sa kaliwa naman si Winly.

"Di ko alam. Baka, patakbuhin lang tayo mamaya." sagot ko. Di ako sure. Ang sabi kasi ng class president namin ay mag-assemble lang daw sa gym para sa class ni sir. Walang sinabi kung anong gagawin.

"Classmate assemble!.." palakpak ng pinuno ng aming klase. Kaya nagtakbuhan rin kami papunta sa loob ng gym.

At shocks!.

Hindi lang kami ang andito. Maging ang buong section A. Mukhang nauna pa silang dumating dahil ang iba ay nakaiskwat na sa sahig. Sa kanang bahagi ng gym nakaupo ang section A. At sa kaliwa na kami papunta. Maraming mata ang nakamasid. Sa unang linya sa section namin ay lalaki. Kaliwa yun. Sa kanan naman kami, na katabi ng mga lalaking section A. Kaliwa. Kanan. Ganun. (Get's nyo?.)

May nauna pa sa aming luminya. Nasa bandang dulo kami. Si Joyce, ako tapos si Karen.

"Bakit andito ang section A?." bulong sakin ng taong nasa likuran ko. Maingay ang paligid.

Lumingon ako sa kabilang section. Maingay pa rin sila. Grabe. Dinaig pa kami. Pero may isang tao na sobra namang tahimik. Di ko alam kung bakit kahit saang lugar sya mapunta, laging nahahanap ng mata ko ang mata nya. Damn it!. Tumatayo mga balahibo ko.

"Pre palit naman tayo o.." si Joshua. Classmate nya. Hindi sya sumagot pero mabilis nang lumipat si Joshua sa dating pwesto nya dahilan para umabante ito. Sa mismong tabi ko. Shet!!!.. What!!?..

Asan na yung oxygen ko?. Bakit di ko mahagilap?. Bamby!. Amp Oa!.

"Hi Jaden.." si Joyce agad ang unang pumansin dito. Malakas ang kanyang boses kung kaya't dinig ng ibang taga section A. Bungangers talaga!.. Ngumiti si Jaden, bago tumingin sakin. My ghad!. Yung puso ko, lumabas na. Nakita nya ata?.

"Hi Bamby.."

Sana hindi ako mawalan ng malay dito. Juicekupo!. Ang boses nya, parang kulog. Tinamaan na naman ako.

"Hello..." di ko kayang banggitin ang pangalan nya. Masyado akong nakalutang sa boses nyang kinukuryente ako.

Ang ingay nila. Buti nalang dinig ko pa rin sinabi nya.

"Nasa bahay nyo ba sina Aron kahapon?." nabigla ako sa naging tanong nya. Akala ko, di na sya magsasalita ulit. But, wait?!. Something's strange. Paasa ego. Gustong makipagkwentuhan?. Naku po!. Di pa naman ako handa.

Tango lang ang kaya kong gawin. Napipi sa mukha nyang ngiting ngiti. Damn Bamby!. Umayos ka nga. Malapit ka ng maging uod.

"Akala ko hinde. Ang sabi kasi nya sakin kahapon, sarado daw bahay nyo.."

"Hindi naman.." abnoy!. Anong hinde naman?. Tsk. Bamby!!!.

Nalito ata sa sinagot ko kaya di agad nagsalita. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "Hinatid kasi namin si Papa sa airport. Pero umuwi din kami kaagad.." paliwanag ko.

Tumango lang sya. Parang nabunutan ng tinik sa paliwanag ko. Tumaas taas pa ang kilay. Ano kayang meaning nun?.

Maya maya. Dumating na si Sir Pete. Tama nga ang hula ko. Tatakbo lang kami. Para sa endurance daw.

Naunang tumakbo ang higher section. Kasunod lang kami.

"Uy te, anong pinag-usapan nyo ni Jaden?." habol ako ni Joyce.

"Tinanong kung bakit wala kami kahapon. Diba sabi ko sayo, hinatid namin si Papa sa airport, yun." pawisan na ang noo ko.

"Yun lang?." nakangisi na.

"Oo. Bakit?.." sabay punas sa leeg.

"Wala naman. Iba kasi ngiti mo e.."

ngayon naman. Malawak na ang kanyang ngiti. Teasing me.

"Tsk.. malamang, maganda ang araw ngayon.." totoo naman. Joyce talaga. Di man lang marunong makisama..

"Weh?. Don't me. Bamby. Ahahaha.." ayoko nang makipagtalo pa sa kanya. Matatalo lang ako. Kaya, bahala na syang mag-isip.

Sana rin, mapanindigan ko ang ipinangako ko dito. Ang humanap ng iba. At di na tumingin pa sa kanya. Kay crush. Haist..

Sorry for not having any cover of this book. I'm struggling y'all. Pretty hard. Please someone teach me how to do it. Through phone. Big thanks!. Xoxo.

Chixemocreators' thoughts