webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 12: Kaba

Nang medyo dumilim na. Dumating ang iilan sa mga bisita pero hindi ko pa rin sila hinarap dahil abala pa rin ako sa kusina. Sina kuya ang nag-asikaso sa kanila papuntang garden. Malapit na akong matapos nang pumasok si papa.

"Nak, nasa labas na yung mga kaibigan mo.." Anya.

"Ah opo pa. Kuya Mark told me earlier.." sagot ko habang inaayos ang mga kalat sa sink at lababo.

"Umakyat ka na. Kami na ng mama mo ang mag-aayos nyan.."

"Okay lang po. Mabilis lang naman to.." di sya sumagot ilang minuto ang lumipas. Nakatayo lang sya sa gilid ng sink. Pinapanood ako. "Nakilala ko na si Jaden.." umpisa nya bigla. Sa pagkagulat ko. Nabitawan ko yung hinuhugasan na plato. Mabuti nalang at di nabasag.

"Hmm.. gwapo sya ha.." sinuri nito ang magiging reaksyon ko. Ngunit hindi ako nagpadala sa sinabi nya. Nagpanggap akong parang wala lang. Damn!. Ang hirap palang magpanggap no?. Nakakakaba. "At mabait na bata.." dugtong nya pa kasabay ng pagtango. Doon ko di napigilan ang suminghap. Pinakawalan ang kabang nadarama. Kita ko kung pano tumaas ang sulok ng kanyang labi. Nagustuhan ang nakitang reaksyon mula sakin. Gosh!. Bamby!. You're doomed now!!..

"Bakit hindi ka lumabas kanina?.." pinagpatuloy ko ang ginagawa kahit nilalamon na ng kaba ang buo kong katawan. Nanginginig na.

"Look around pa.." sarkastiko kong sambit. Ginawa nya naman yung sinabi ko. "Anong meron sa paligid?.." di ko alam kung isa rin syang nagpapanggap na walang alam o talagamg wala nga syang alam. Huminga ako ng malalim.

"Kahit gustuhin kong lumabas. Kailangan kong tapusin lahat ng yan pa. Kung bakit kasi pinauwi ni kuya Lance si manang Sely eh. Tsk.." iling ko.

Di sya nagkomento.

"Makikita ko naman sya mamaya.. Kaya ayos lang.." tinapik nya lang ako sa ulo bago bumulong ng "Relax hija.. you look nervous.." tukso pa nya. Gosh!!

"Pa!.." atungal ko. Humalakhak lamang sya at iniwan na ako sa kusina. Dumaan sa sala. Siguradong sa garden na sya tutuloy.

Ilang oras pa bago ako naligo muli at nag-ayos. Suot ang puting spaghetti dress. Lampas tuhod. Sinuklay ang mahaba kong buhok. Hahayaan ko itong sumayaw sa aking baywang ngayon. Madalas itong nakaipit o nakatirintas. Saka sinuot ang itim na flip flops na nasa gilid. Nagwisik ng pabango bago bumaba.

"Whoa!..." muntik na akong tumili sa taong bumulong. Si kuya Mark. Nakatayo sa railings ng hagdanan. Nakasandal sya doon. Suot ang puting plain tee. Khaki shorts at tsinelas din na itim. Hawak sa kabilang kamay ang cellphone. Kausap ata si ate Cindy ang magiging asawa nya.

"Gorgeous little sis.." puri pa nito. Nilapitan ako at inakbayan.

"Excited ka na ba?.." pababa na kami sa hagdanan.

"Yeah.."

Bigla lang syang humalakhak. Kunot noo ko syang tinignan. "Yeah.. kinakabahan ka na ba?.." lumunok ako ng mariin. Kinakabahan na nga ako. Sinasabi pa nya. Tsk..

"Tsk.. wag ka ngang maingay.. mas lalo mo akong pinapakaba eh.."

"Bwahahahahaha.." hawak pa ang tyan nito sa pagtawa.

"Ano yan ha?.." tiningala kami ni mama. Nasa kataginaan palang kami ng hagdan. Di ko magawang bumaba dahil sa inis na may halong kaba. Baka kapag humakbang lang ako. Mahulog ako ng tuluyan. Di na masilayan ang Jaden ko. Suskupo Bamby!.

"Wag ka raw maingay ma. Kinakabahan anak mo. Baka himatayin.. hahahaha.." sumulyap sakin si mama. Bumusangot lang ako sa kanya.

"Mark, bumaba ka na nga.. mahulog yang kapatid mo. ikaw ang madadale sa papa mo.." banta sa kanya ni mama. Tumawa pa ito ng ilang minuto bago tuluyang sumunod sa utos ni mama.

Tuloy sa bawat paghakbang ko pababa. Mas lalo akong nilalamon ng kaba. Nawala na nga noong naligo ako e. Lintik na kuya. Nang-aasar. Pinapakaba ako lalo.