webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 10: Gago

Mukhang tanga akong nakatunganga sa screen ng cellphone. Hindi mawala ang ngiti sa labi. Siguro kung may makakita lang sakin ngayon. Baka kantyawan na ako. Sabihan ng baliw. Baliw na kung baliw. Basta ang mahalaga sakin ngayon, hindi ako naiwan sa ere. Nagreply pa nga eh. Tangina!. Di ko na mapigilan pa ang tabil ng dila kong magmura.

"Lucky Jaden!.." bulong bulong ko pa saking sarili habang umiling. "Eat lucky me!. And you'll be lucky!." Humalakhak pa ako sa kawalan. Walanghiya ka Jaden!. Bakla ka ba?.. O nababaliw na?.. What the fuck!..

Sa sobrang sayang nadarama. Hindi na maisip ng dugo ko ang salitang matulog. Gising na gsing ito kahit alas dos na ng madaling araw at may pasok pa bukas.

"Catherine!.." sa gitna ng paglipad ko sa alapaap at paghiga sa mga ulap. Nagulantang ako sa ihip ng galit na boses na yun.

Padarag akong tumayo at tinanaw sa bintana ang tarangkahan. Kumunot pa ang noo ko dahil sa hindi maaninag ng husto ang bulto. Sa nakasaradong tarangkahang kahoy. Duon. Nakatayo sya. Pasuray suray. Kulang nalang bumagsak.

"Catherine!.." Isa pang tawag nya. Kumurap ako. Nag-iinit na ang palad kong manuntok. Nagmadali akong bumaba. Nanginginig sa bawat hakbang. Nadatnan kong patay na ang ilaw sa baba. Wala na rin si Ate sa sofa. Mukhang umakyat na sa kwarto nila. Good for her!.

Maingat kong binuksan ang pinto saka diretso ang lakad papunta sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?.." kalmado kong tanong dito. Binulsa ang dalawang kamay sa pajamang itim. Seryoso ang tinging ipinukol sa kanya. Namumungay na mata ang binigay nya sakin. Yan ba ang naghanap ng trabaho?. Madaling araw na uuwi tapos lango pa sa alak?. Ang sarap lang sapakin ng mga taong ganun. Mga sinungaling!.

"Si Catherine?. Pa-pa-papasukin mo ako.." yugyog nito sa tarangkahan. Uutal utal pa.

Pinanood ko lang sya. Hinayaang yakapin ang mga kahoy na may pintura. Pilit akong inaabot. Napailing lang ako habang nakatayong pinapanood sya. Tumutulo pa ng bahagya ang kanyang laway. Damn! Sobrang lasing nga neto!. Ano pang karapatan nyang bumalik dito?. Wala talaga itong hiya!.

"Umuwi ka na sa inyo.." gamit ang malalim kong boses.

"Papasukin mo ako pare. Nag-alala na sa akin si Cath--.."

"Gago!.." putol ko sa mga sinasabi nya. Natulala lamang ito sakin dahil sa pagkabigla.

"Umuwi ka na.." pilit kong pinapakalma ang sarili para wag mag-amok dito. Ayokong gumawa ng eskandalo. Pero sa gagong to?. Mukhang hinde ko iyon maiiwasan.

"Saan ako uuwi?. Andito ang asawa at ang anak ko.." di ko malaman kung lasing ba sya o hinde. Alam na alam ang sinasagot.

Ginagago nya ata ako.

Suminghap ako sa kawalan ng interes sa sinabi nya. "Umuwi ka na. Bukas ka nalang bumalik dito ng hinde lasing." tinalikuran ko sya para iwan at ipakitang wala akong panahon sakanya pero nagpumilit pa rin ito. Pilit binuksan ang tarangkahan saka darag na pumasok.

Agad kumalabog ang pintong kahoy. Sinarado ko ito para hindi pumasok ang hamog at lamig ng madaling araw.

Pipigilan ko pa sana sya pero nakapasok na ito sa loob at diretso ang akyat sa may hagdan.

Sa ikalawang pagkakataon. Wala na naman akong nagawa para pigilan sya. Kung hindi lang talaga kay Klein at kay Ate. Patay na yun sa bugbog ko. Hindi sa nagtitimpi ako. Hindi sa natatakot ako. Sadyang mas iniisip ko lang ang magiging epekto ng gagawin ko sa kanya. Kay ate at sa anak nya.

Hinayaan ko na syang umakyat. Bukas. Kapag matino na ang isip nya. Duon ko sya kakausapin.

Umakyat akong muli. Nahiga sa sariling mga braso. Maraming tumatakbo sa isip ko. Kung kaya't, matagal pa muna bago ako nakatulog.