webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 10: Changes

Gaya nga ng sinabi ni Joyce. Hindi ko na sya tinatapunan ng tingin tuwing nagkakasalubong kami.

Oa man sa iba. Pero, I swear. Hindi birong iwasan ang taong gustong gusto mo. Para kang nasa bangin. Isang ihip lang ng hangin, isang ngiti at Hi lang nya. Hulog ka na naman.

Parang ako.

"Shet Bamby!..akala ko ba nag-usap na tayo." gigil na sigaw ng matalik kong kaibigan. Kasama si Winly na pumapaypay dahil sa init.

Nakakapagtaka. Anong problema nito?.

Binalewala ko yun. Saka.

Nagkibit balikat na lamang sa mga pasaring nya.

Anong magagawa ko?. Puso ko na ang nagdikta sa utak ko. May magagawa pa ba ako?.

"Nalingat lang ako saglit, lumandi ka na.." kumulo bigla ang dugo ko sa biglang paratang nya.

Hindi ako makapaniwala na narinig ko ang bagay na yun mula sa kanya. Lumandi agad?. Sana. Nagtanong rin muna sya.

"What did you just say!?.." tiningala ko sya. Di makapaniwala.

"Psh!. Don't english me. Bamby!. Wag kang umasta na parang inosente.."

Lumaki ang singkitan kong mata sa huli nyang sinabi. What the hell is going on with her?. Puro paratang ang sinasabi nya. Wala naman akong ideya kung tungkol saan.

"Teka nga lang. Ano ulit yung sinabi mo?. Malandi?. Inosente?. Bakit?. Ano bang ginawa ko?.." gusto kong ipaliwanag nya ito ngayon. Kung hinde, friendship over. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat. Yung jugdemental. Bigla nalang magcoconclude kahit di pa nila naririnig ang kabilang side. That's sucks dude!. Really Hard!.

"Sinabi ng kabilang section. Nilalandi mo raw si Jaden. Kaya sila nag-away ni Denise." si Winly ang nagsalita. Ang nagpaliwanag para sa kanya. Lumakas ang hampas ng kamay nya sa pagpaypay kahit may ceiling fan naman.

That's how they do it!. One sided opinion?. Tsk. Not good!. At all!.

"Sinabi ng kabilang section?. Wow!. Sila ba ako para alam nila ang side ko?. Really Joyce?. Dahil lang dun. Malandi na agad ako?. Painosente pa kamo?. Juiceko!. I don't get you. Kaibigan ba talaga kita o sila ang kaibigan mo?.."

Bakit nya ito sinasabi ngayon?. Anong problema nya?.

Umiwas agad ito ng tingin sakin. Si Winly. Nagwalk-out na. Ayaw madamay.

Mabuti nalang rin at P.E class namin at kasabay ng recess. Kaya walang ibang tao sa room kundi kami lang.

"All I thought we are one Joyce?. Nasaan na yun?. Napunta ba sa iba?. O ako nalang ang nag-iisa?. O talagang sa una palang, ako lang mag-isa?. Alam mo yung feeling na ikaw lang yung kakampi ko tapos, iniwan mo pa ako?. Masakit pa sa heartbroken yun gurl kung alam mo lang..." sa haba ng sinabi ko wala man lang syang kahit isang tugon. Umiiling pa.

"You judged me based on what you just had heard from anyone. Without knowing the thruth... from me?. Ganun ba ako kababaw sa paningin mo para gawin ang mga pinaparatang mo?. ha?. Joyce.." likod na ng aking palad ang pampahid ng luhang di ko na mapigilan.

"Hindi naman kita pinapara---.."

I cut her off.

"Well, that's how it sounds like to me!..." umiiyak na rin sya. Magsasalita na sana ako ngunit umurong ang dila ko dahil sunod sunod nang pumasok ang kaklase namin. Taka pa ang ibang tumingin samin.

Noong nag-usap kami ni Joyce sa likod ng room. Area namin last week. Umiwas na ako kay Jaden. Just like what I've promised. Dati ko naman ng gawain yun. Ang umiwas. Ang iwasan sya. Big thanks dahil nasa kabilang section sya. Pero di ko alam kung bakit kahit anong iwas ko sa kanya. Mas lalo ko lang syang nakikita. Sa tapat ng room. Sa gym. Sa parking lot. Sa canteen. Sa library. Higit sa lahat sa bahay. Na laging nakatingin sakin. Ganunpaman, di ko sya tinapunan ng tingin, kahit minsan. Except lang sa bahay. Syempre bahay namin yun. At ako pa ang naghahatid ng meryenda nila..... So paanong, lumandi ako at nagkukunwaring inosente sa ganung lagay?. Ang babaw naman ng pananaw ng mga taong nagsabi ng ganun. Di ko sila makuha. Lalo na si Joyce na mismong kaibigan ko pa.

Anong dahilan nya para pagsabihan ako ng mga bagay na alam nyang di ko magagawa?. Anong karapatan nyang husgahan ako gayong hindi sya ang nahihirapan sa gusto nyang gawin ko?

Pumayag ako sa gusto nya. Pumayag ako na layuan si Jaden dahil ang sabi nya, gulo raw pag pinilit ko pa ang sarili ko. E wala naman pilitan na nangyayari pa diba?. Where the hell did she got that?. Anong nangyayari sa kanya at bigla nalang ganun ang takbo ng isip nya?. Bakit sa ginagawa nya ngayon mas pinapakita nyang di nya deserve ang mapabilang sa mga kinikilala kong 'kaibigan'.

I've trusted you tapos heto ka ngayon at sinasabihan akong malandi at painosente?. What the fact Joyce! What the fact!!