webnovel

Crossing The Line (tagalog | BoyXBoy)

Warning: Matured contents and vulgar words ahead. If you're sensitive, skip this book and I thank you.

Nobleclaude · Realistic
Not enough ratings
5 Chs

Episode 4

          LINGGO. Naisipan ni ni Adrian na umuwi na lamang sa kaniyang magulang dahil nangako rin siya na bibisita siya ruon. Maingat niyang pinagmasdan ang paligid, baka kasi magkita sila ni Moon and ayaw niya na mangyari 'yun, dahil nga galit ito sa kaniya at tsaka sinabi na rin ng kaniyang kaibigan sa text. Mahirap para sa kaniya pero wala siyang magawa kundi gawin ang nais ng kaniyang pinakamamahal na kaibigan.

Mag-a-alas Otso siya ng makarating sa kanila. Madaling araw kasi siya umalis, dahil traffic nga kapag tanghali na siya lumarga.

"Ma?" tawag nito. Nasa harap na siya ng pintuan ng bahay nila. Naka-lock. "Ma? Pa?" tawag niya ulit. Sa pangalawang tawag niya ay bumukas na ito.

"O, anak, sorry nag-luluto kasi ako e." wika ng ina nito at kinuha ang bag na dala-dala ng anak at kinuha ang braso at sabay silang lumakad papunta sa loob. "Tamang-tama, luto na ang pagkain. Maupo ka muna riyan at ihahanda ko lang ang mga pinggan at kutsara't tinidor."

Naupo muna ito sa sofa habang ang ina ay abalang hinahanda ang mga gagamitin sa hapag.

"Adrian, tumungo ka na rito at kakain na tayo." tawag sa kaniya ng kaniyang ina na nakaupo na. Tumayo ito at tumungo ruon.

Akmang sasandok na sana ito ng kanin nang hampasin ng kaniyang ina ang kamay.

"Bakit?"

"May hinahantay pa tayo," sagot ng ina sa tanong nang anak. "Huwag na maraming tanong basta may hinihintay pa tayo."

"Tita Gloria, sorry po kung na-late ako ah." nanlaki ang mata ni Adrian ng makita kung sino ang bisitang sinasabi ng kaniyang ina.

"Walang problema, Moon, kakatapos ko lang rin mag-luto, tsaka sakto rin kakarating lang ni Adrian. Kain na tayo."

"Thank you po sa pagkain, Tita," nakangiting wika nito habang hindi pa rin tinatapunan ng tingin si Adrian. Si Adrian naman ay hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nakikita niya. Umaarte kasing walang nangyare sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong pa niya.

"Inimbitahan ako ni, Tita. Wala akong karapatang tumanggi sa alok ni, Tita." nakangiting tugon pa nito. Tumango-tango nalang si Adrian.

"Ano bang tanong 'yan, Adrian?"

"Tinanong ko lang naman, Ma." sumimangot pa ito at tinuon nalang ang atensyon sa plato.

Akmang kukuha na si Moon ng kanin nang agawin niya ang sandok at siya ang naglagay ng kanin sa plato ng kaibigan. Nakita niya ang ekspresyon ni Moon na para bang sinasaway siya na huwag niyang gawin 'yun dahil baka makahalata ang nanay nito. Nang makita ni Moon na nakatitig ito sa kanilang dalawa ay pilit itong ngumiti.

"Adrian, kaya ko na 'yan," pilit itong ngumiti at kinuha ang sandok sa kamay ni Adrian.

Kasalukuyang kumakain ang tatlo at ni isa ay walang nagsasalita. Tila ba may anghel na dumaan sa sobrang tahimik, tanging ang tunog na lamang ng kutsara't tinidor na bumabangga sa plato ang maririnig mo.

Tumikhim si Gloria at mariiging tiningnang dalawa, base sa obserbasyon nito, hindi nagbabangga ang kanilang mga tingin at naka-tuon lamang ang atensyon sa plato. Nang mapagtanto ni Gloria na tama ang nasa isip niya ay agad niyang tinanong ang dalawa.

"Nag-away ba kayong dalawa?" mahinahong tanong nito.

"Hindi po, sadyang ganito lang po kami kapag kumakain kami," si Moon na ang sumagot at ngumiti ng peke at muling ibinaling ang atensyon sa pagkain. Nakahinga din ng maluwag si Gloria at muling pinagpatuloy ang pagkain. Hinayaan nalang niya ang dalawa hanggang sa matapos ito.

"Tita, thank you po grabe wala talagang tatalo sa Tinola mo. 'The best Tinola Cooker' naks naman." hindi na inisip pa ni Moon kung tama ang grammar niya. Niyakap niya pa ito subalit agad rin itong bumitaw ng may nag-message sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone nito sa bulsa niya habang si Adrian ay nagliligpit ng pinagkainan. Pasimple itong sumusulyap sa kaibigan, nagbabakasali na kausapin siya nito kahit sa harap lang ng nanay niya. Kahit na peke lang, pero wala e. Tumungo nalang ito sa lababo at nag-uron kesa mag mukhang tanga siya ruon na walang pumapansin sa kaniya at isa pa para hindi na lalong magalit sa kaniya si Moon.

"Tita, alis na po ako ah, may lakad pa pala ako," narinig niyang paalam nito.

"Mag-iingat ka ah, teka sandali, dalhin mo ito at ibigay mo sa nanay mo. Paki-sabi, pasensya na kaunti lang ang naluto ko."

"Ay, nag-abala ka pa tita, sige po salamat po. O, siya, mauna na po ako."  nang silipin niya ito mula sa kusina e nakalabas na ito ng bahay nila.

"Hindi ko hahayaang masira ang friendship namin ni Moon." mabilis itong tumungo sa kuwarto niya at iniwan ang mga dapat urungan.

"Hello, Fei?" wika nito mula sa kabilang linya.

"Bakit? Sabihin mo na agad at nag-me-make up ako my gosh!" nailayo na lamang niya sa kaniyang taenga ang cellphone dahil sa malakas na boses ni Fei.

"May kaibigan kasi ako need niya ng help ko, kasi 'yung kaibigan niya is nagalit sa kaniya tapos ayaw na siyang pansinin nito e, nalulungkot at nagi-guilty siya dahil daw sa nagawa niyang kasalanan."

"Hmmm... Sino munang kaibigan 'yan?"

"Fei, huwag na maraming tanong."

"Aba, aba, kailangan mo ba ng advice mula isang dyosang kagaya ko o aangal ka? Hmp! Eto na... Sabihin mo sa 'KAIBIGAN MO'" binigyang diin niya talaga ang salitang 'kaibigan mo'.  "Suyuin niya, mag-sorry siya hanggang sa mapatawad siya, kung kinakailangan lumuhod, tumambling, mag-budots lahat, kahit maghandusay pa siya basta mapatawad lang siya. Bumawi siya at aminin niya ang kasalanang ginawa mo."

"Kailangan talagang gawin 'yung lumuhod, maghandusaya at iba?"

"Adrian, wala ka bang tiwala sa akin? Tsaka humingi-hingi ka pa ng advice tapos—jusmiyo." hindi na niya natapos ang sasabihin niya kay Adrian dahil pinutol na ni Adrian ang linya.

"Hmmmm..... Something fishy, at sinong kaibigan kaya ang tinutukoy ni Adrian," dumekwatro ito at hinimas-himas ang baba na sinabayan pa ng pagtango-tango.

"Walang nakakapagtago ng sekreto sa akin. I'm Fei, at aalamin ko kung sino 'yun, lahat ng kaibigan niya kilala ko kaya ramdam ko na ang kaibigang tinutukoy niya ay siya.... Pero? Sino kaya ang nakagalit niya? Another friend? Later na ngalang." nairita ito sa kakaisip kung sino ang tinutukoy ni  Adrian kaya mamayang gabi tutungo ito sa bahay nila Adrian upang alamin kung sino ang tinutukoy nito.