webnovel

The fiance? (5)

Where am I going? Philippines, where am I going? Philippines, where am I going? PHILIPPINES!!!!

*fast forward*

Nandito ako sa kotse ngayon, papunta na ko sa school nila Justine na school ko rin dati. Nakakamiss yung school na yun ah, ang rami naming memories ng barkada dun at sa kasamaang palad hindi na nila ako kasamang gumagawa ng mga bagong memories. 

Huhuhu kawawa naman ako .... 

"What the..."- muntikan na ko masubsob sa upuan ah

"Sorry po Princess, bigla po kasi huminto yung sasakyan na nasa harap natin eh pasensya na po."- pagsosorry sakin ni John yung driver ko

"Ok lang po"

Grabe naman bakit bigla bigla na lang nila ihihinto yung sasakyan nila sa gitna pa talaga nang daan naisipan eh noh, arggh nakakainis naman. 

*after 1 hour*

ARGGGHHH  YUNG TOTOO DITO NA BA TITIRA YUNG TAONG NASA LOOB NG KOTSE NG NASA HARAP NAMIN WALA BA SIYANG PLANONG UMALIS!!!!!!!!

Yeah capslock yan para damang dama niyo yung galit ko, eh kasi naman mag-iisang oras ay mali isang oras na kaming stuck sa traffic na cause ng bwisit na kotseng nasa harap namin. 

"Princess san kau pupunta?"- tanong ni John kasi bigla na lang ako lumabas ng kotse

Di ko na mapigilan eh, hindi kasi ako marunong maghintay nauubos lang lalo yung pasensya ko pag ganun. 

"Princess!!!"

"Princess bumalik na kau dito!!!"- tawag sakin ni John pero di ko siya pinansin at kinatok yung bintana nang bwisit na kotse na to.

Nakakarami na ba ko nang pagsabi ng bwisit? well wala kau magagawa kasi BWISIT na BWISIT na ko.

*tok*tok*

*tok*tok*

Seriously wala bang planong bumaba yung taong to, ang sakit sa kamay kumatok ha

*tok*tok*

Aba't ayaw talaga ah, babasagin ko na tong salamin ng kotse niya

*tok*tok*

"Excuse me mister or miss pwede lumabas po kau?" - sabi ko habang kumakatok, pasalamat siya nagtitimpi pa ko at ayokong mag iskandalo dito sa gitna ng daan. 

*tok*tok*

"Hello-"

Hindi natapos yung sasabihin ko kasi bigla na lang bumukas yung pinto nang kotse at hindi ko inaasahan kung sino ang babaeng kinabwibwisitan ko.

Yeah tama kayo ng basa babae ang nagmamay-ari ng kotse na akala mo sa kanya yung daan.

At hindi lang kung sinong babae

Siya yung babae na kinaiinisan ko noon pa

Siya yung babae na sabi nila nagbago na pero para sakin hindi pa

Siya yung babae na una kong pinagselosan

At siya yung babae na gustong gusto kami paghiwalayin ni Daddy ko.