webnovel

Debut (7)

Miss A's POV

Nakahanda na lahat para sa debut ni grace.

Papunta na silang lahat sa hotel kung saan doon ang venue. Ang hotel na yun ang regalo ng parents ni grace sa kanya.

Nasa iisang limousine yung barkada ni grace at si grace, sa isang limousine naman si jheff at yung barkada niya kasama na ang gf at barkada nito. At nasa isang limousine naman ang parents nila grace, yung tita at mga pinsan niya

Grace POV

Papunta na kami sa hotel ko, yeah hotel ko yun daw ang isa sa regalo nila mommy sakin. Ano pa kaya yung iba, anyway katabi ko si Justine dito sa limousine. May sari sarili kaming ginagawa, si ash, si renz, si avi at joanne mga tulog ulit. Eh kasi 4 am pa lang eh 11pm na sila nagsitulugan. Kami nagsitulugan actually hehe.

Si anne nagsasoundtrip sila ng boyfriend niyang c carl tapos si john nagbabasa ng wattpad, . Kung tatanungin niyo kung ano ginagawa namin ni Justine, nagsasoundtrip lang naman kami. Sobrang tahimik eh, mga ilang oras pa kasi yung biyahe.

*after 4 hours*

Naramdaman kong umaandar pa rin yung sinasakyan namin, kaya inangat ko yung ulo ko.

"Ang cute mo talaga matulog"- sabi Justine sakin

*pikit**dilat*

*flash**click*

"Ang cute mo talaga"- sabi ulit niya

Tiningnan ko naman siya, nakatingin siya sa cp niya. Mukhang pinicturan niya ko ah

"Patingin nga"- sabi ko sa kanya

"Ayoko nga"- sabi niya saka tinago yung cp niya

Psh ang daya, hiniga ko na lang ulit yung ulo ko sa balikat niya.

Tapos pinatong niya yung ulo niya sa ulo ko.

After 1 hour nakarating na rin kami, hay buti naman gutom na ko.

Inalalayan ako bumaba ni Justine, nasa labas kami ng hotel ngayon at grabe akin ba talaga to.

Pumunta na kami sa mga kwarto namin para makapagpahinga. Magpahinga daw muna kami kasi pagkatapos daw kumain mamaya magswiswimming daw kami.

*after 1 hour*

*tok**tok**tok*

Ano ba yan, sino ba kumakatok. Nagbibihis kasi ako ng pangswimming namin.

*door opens*

"Ready ka na?"- tanong ni anne

"Wait lang naman"- sabi ko sa kanya, pumasok sila ng kwarto at tinuloy ko yung ginagawa ko kanina

Kinuha ko lang yung mga kailangan ko like towel, and robe

"Lika na"- sabi ko sa kanila

Sabay sabay na kaming pumuntang swimming pool, wala namang naka two piece samin.

Pagkarating namin sa swimming pool,

And hindi ko alam kung ano nangyayari, kasi lahat sila nakatingin sa direksyon namin. Actually lahat ng nandito ngaun is mga invited lang sa debut ko. Yung parents ko, sila tita, mga pinsan ko, si ate fionna and vionna, sila daniel and yung mga pinsan niya pati sila lemina, tapos ilang mga kabusiness nila daddy and mommy, yung parents ni Ethan, yung gf ni kuya at barkada niya. Buti nga at pinayagan ko silang iinvite ni kuya

Anyway nakatingin pa rin sila samin hanggang ngaun. Lumapit sakin si Justine at hindi ko alam kung bakit pero nakakatakot yung itsura niya

"Bakit ganyan suot mo?"- tanong niya sakin

"Bakit ano mali sa suot ko?"- tanong ko pabalik sa kanya

Ok lang naman tong suot ko ah, buti nga hindi ako naka two piece

"Anong ok, hindi ok yan"- sabi niya sakin, saka niya hinubad yung t-shirt niya

"Oh isuot mo, kundi isasako kita"- sabi niya sakin

Sinuot ko na lang kesa naman maisako ako

"Oh tapos na ok na ba?"- sabi ko sa kaniya

"Wag ka kasi magsusuot ng ganyan, ang rami pa namang mga lalaki dito. Kung gusto mo magsuot niyan siguraduhin mo na walang lalaki para bastusin ka"- sabi niya, hala mukhang galit na siya

"Sorry na, eh kasi naman ito lang yung nandun sa gamit ko na pwedeng pangswimming alangan namang magpants ako or dress, o kaya naman two piece"- paliwanag ko sa kanya

"Hay naku mas maganda ng magpants or dress ka kesa naman ganyan ang suot mo"- sabi niya

Hay naku gumana na naman pagkaprotective niya,

"Ou na, sorry na hmmm"- sabi ko sa kanya

"Hay basta wag ka na magsusuot ng ganyan ha, lalo na pag wala ako."- sabi niya

"Ou na nga"- sabi ko sa kanya, sabay ngiti

"Pasalamat ka di kita matiis"- sabi niya sakin saka pinisil na naman yung pisngi ko

"Aray ang sakit ah"- angal ko sa kanya

"Ang cute mo kasi"- sabi niya at pinisil na naman yung pisngi ko

"AHEMMM"-sabi nila daddy

"Baka nakakalimutan niyong may kasama kau"- sabi ni mommy

"Ou nga kanina pa kami nilalanggam dito oh"- sabi naman ni kuya

"Oh ano tatayo na lang tayo dito at manunuod ng romantic o magswiswimming na?"- sabat naman ni Ian

"Edi magswimming na"- pagkasabi ko nun, nagsitalunan na kami sa swimming pool.

Nag-eenjoy ang lahat sa pagswiswimming, kaming magbabarkada ng sasabuyan ng tubig, sana hindi na matapos ang araw na to. Ito na siguro ang pinakamasayang birthday ko.

Pagkatapos namin magswimming nagmerienda na muna kami at nagswimming ulit.

Yung iba bumalik na sa mga kwarto nila, beauty rest daw para mamaya sa party. Maglalunch na kami natapos magswimming, nandito ko sa kwarto ngaun nagpapahinga.

Teka sino nga pala yung last dance ko mamaya, hindi sinabi nila mommy kung sino.

Hay bahala na nga sila, kung sino yung pang 18th roses ko pero gusto kong siya sana ang maging 18th roses ko.

Sino kaya 18th rose niya?

jurrymaecreators' thoughts