webnovel

Debut (5)

Miss A's POV

Nung nasa dining area na sila grace nakita nila na sila na lang ang hinihintay sa hapag kainan, nandun na yung parents nila at parents ni Ivan dahil pag uusapan nila yung debut ni grace

kaniya kaniyang upo ang barkada ni grace. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtama ang tingin ni Ivan at Avi, pati na rin si Daniel at Joanne. Pero umiwas rin agad ng tingin ang dalawang lalaki, at  kung sweswertehin nga naman ang dalawa katapat pa nila yung dalawang babae. 

At dahil sa narinig ni grace at nung barkada niya kanina, hindi mapigilang mailang nila Joanne at Avi sa mga nakaw tingin nung dalawang katapat nila ng upuan.

"Ivan?"- tawag nung mommy ni ivan sa anak niya, pero mukhang di narinig ni ivan kasi nakatitig pa rin siya kay Avi.

"Ethan!!!"- pasigaw na tawag ni grace kay Ivan pero wala pa rin, bc itong nakatitig kay Avi

"IVAN CLEMENT ETHAN KANG!!!"- sigaw na tawag nung daddy niya 

Dahil sa lakas ng sigaw nung daddy ni Ivan natauhan na siya at bumalik na yung ulirat niya.

Grace POV

Kanina pa tinatanong nung mommy ni ethan si ethan kung payag itong maging escort ko bukas pero sobrang bc niya kakatitig kay avi

"Ivan?"- tawag nung mommy ni ethan, pero mukhang di niya narinig kasi nakatingin pa rin siya kay Avi

"Ethan!!!"- pasigaw pasigaw kong tawag sa kanya pero wala pa rin, nakatitig pa rin ito kay Avi

"IVAN CLEMENT ETHAN KANG!!!"- sigaw na tawag nung daddy niya. 

Siguro dahil sa lakas ng sigaw nung daddy niya, mukhang natauhan naman na siya.

Mukhang natamaan ang Fiance ko ah. Haba talaga ng hair ni Avi. Pangalawang pagkikita pa lang nila pero nagkainlove an na

"What is it dad?"- tanong ni Ethan na hindi na nakatingin kay Avi, at mukhang nahiya naman siya dahil sa inakto niya kanina.

"Your mom is asking you if you want to be grace escort"-sagot nung daddy niya sa kanya na may halong galit dahil sa ginawa niya

"Uhm no need to answer that"- sabi ko na nakatingin kay ethan

"I think we all know the answer already, base on his actions"- dagdag kong sabi sa kanila

"Am i right?"- tanong ko kay ethan

"uhm"- maikling sagot niya sakin

Pero napakalaking tulong na yun para makalaya ako sa arranged marriage na to. Na in the first place ayoko naman talagang pumayag. Sana pala matagal ko nang pinakilala si Avi para hindi na ko naarranged.

"So who will be your escort iha?"- sabi nung mommy ni ethan

"Si Justine po gusto niya maging escort"- sabat naman ni kuya at kinindatan pa ko

"Tama ba yung sinabi ng kuya mo princess?"- seryosong tanong ni daddy

Yan na nga ba sinasabi ko eh. Humanda ka talaga sakin kuya

"Uhm yes daddy"- sagot ko, bakit ba ko kinakabahan

"Sino naman tong lalaking to, at bakit di mo pa ata siya pinapakilala samin?"- tanong ni daddy

Sasabihin ko ba? Arghh di ko alam isasagot ko.

Nagulat ako nung hinawakan ni Justine yung kamay ko, saka ko tinignan. Hindi ko alam pero dahil sa ginawa niya nawala yung kaba ko.

"Uhm si Justine nga pala daddy"- sagot ko kay daddy at tumayo naman si Justine. Hawak pa rin niya yung kamay ko hanggang ngaun. Di lang halata pero kinakabahan din siya, ang lamig ng kamay niya eh

"Wait parang nakwento mo na siya samin ah"- sabi ni mommy

"Siya ba yung sinasabi mong nag-alis ng trauma mo sa dagat?"- tanong ni daddy

Naalala pa pala ni daddy yun

"O-opo ako nga p-o yun"- sagot ni Justine, mukhang kinakabahan nga siya.

"Magrelax ka nga"- sabi ko sa kanya

"Ou nga naman hijo, hindi naman kami nangangain ng tao. Kaya wag kang kabahan, depende na lang kung may ginawa kang masama sa princess namin"- sabi ni mommy

"Wala po kong ginawang masama sa kanya, mahal na mahal ko po siya kaya hindi po ko gagawa ng masama sa kanya."- sagot niya kay mommy pero sakin siya nakatingin

Nginitian ko na lang siya, he never fails to make me smile.

"So ikaw pala yun"- sabi ni daddy

"Thanks hijo sa ginawa mo, buti at napilit mong pumunta ulit siya sa dagat at maalis yung trauma. Kasi kami kahit anong pilit namin wala eh."- mahabang paliwanag ni mommy

"Wala po yun, at tsaka masaya po ko at wala na po yung trauma niya. Masyadong matigas lang po talaga yung ulo niya eh"- sabi ni Justine kaya nagtawanan sila

"Di kaya matigas ang ulo ko"- sabi ko sa kanya

"Bakit malambot ba ulo mo?"- pang-aasar ni anne

"Che ewan ko sa inyo"- sabi ko saka sila nagtawanan ulit

Pinisil naman ni Justine yung pisngi, ang sakit ah

"Ngumiti ka nga"- sabi niya sakin

"Ayoko nga"- sabi ko sa kanya

"Ah ganun, ayaw mo talaga ngumiti"- sabi niya, ano na naman binabalak gawin nito

"i Love You"- bigla niyang sabi saka ngumiti sakin

Kailangan sabihin niya dito, baka nakakalimutan niyang may kasama kami

"Ayun oh ngumiti na siya"- sigaw ni kuya

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako

"Ayyieeehhh"- sabi nilang lahat

"WALANG FOREVER"- sabay sabay na sabi nila ash, anne at john

"Wala naman talagang forever"- sabay na sabi namin ni Justine. Kaya nagtinginan kami

"Infinity lang ang meron, at nasakin yun"- sabi niya saka ngumiti sakin,

"Ang corny mo"- sabi ko sa kanya

"Mahal mo naman"- sabi niya

"Ai grabe nilalanggam na kami oh"- sabi ni kuya at umarte pang inaalis yung langgam

Nagtawanan na lang kami dahil sa inarte niya.

Sana lagi na lang ganito walang mga problema, sana maging maganda ang kalalabasan ng debut ko bukas.