webnovel

Arranged Marriage (6)

di ko pa natatapos ang sinasabi ko pero tumango na siya.

Tunango siya! so? siya yun? panong?

"how did that happen?"

di makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"nalaman ko kasing graduation mo nung araw na yun kaya nagpaalam ako kila mommy na uuwi akong pilipinas pinayagan naman nila ko, diretso ako sa beach kung nasaan kayo, nung nakita kong di ka kasama ng kuya mong umahon, sumulong ako sa dagat kahit na delikado dahil alam ko namang di ka masyadong marunong lumangoy. Alam mo na ang kasunod nun."

mahabang paliwanag niya, so di talaga ako nagkakamali hindi si kuya yung nagligtas sakin.

"pero panong ang sabi sakin nila daddy na si kuya daw ang nagligtas sakin?"

nagtataka kong sabi sa kaniya.

"nung inaahon na kita nagkasalubong kami ng kuya mo kaya inabot kita sa kaniya dahil alam kong mas safe ka sa kaniya. malakas ang pressure sa tubig kaya nahirapan din kitang iahon nun buti dumating yung kuya mo, kaya ang akala nung mommy at daddy mo yung kuya mo ang nagligtas sayo. pero nilinaw naman ng kuya mo yun kaya lang di ko na pinasabi sayo."

ganun pala yung nangyari, ngayon malinaw na sakin, pero bakit hindi niya pinasabi sakin?

"bakit? bakit di mo pinasabi sakin? at tsaka bakit di ka man lang nagpakita sakin matapos kang umalis ng di nagpapaalam"

mangiyak ngiyak kong sabi sa kaniya, di ko namalayang kanina pa pala ako umiiyak.

pinunasan naman niya yung mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"I'm sorry, hindi pa siguro ako handa"

handa? para saan?

"di kita maintindihan"

naguguluhang sabi ko sa kaniya, yakap lang ang tinugon niya sakin.

"sabihin mo naman sakin oh, gulong gulo na ko, sabihin mo na lahat para isahan na lang"

napahigpit naman ang yakap niya sakin saka siya huminga ng malalim.

"i like you gem no scratch that i love you, i really love you, alam mo bang liligawan na sana kita noon kaya lang kailangan naming pumunta ng states."

huminga ulit siya ng malalim saka nagsalita.

"gustong gusto kong magpaalam sayo nun pero baka pag pinigilan mo kong umalis, di ko mapigilan ang sarili kong magpaiwan, nung mga oras na di kita nacocontact nasa hospital kami nun, lagi kasing inaatake si daddy sa puso ang sabi ng doctor di na pwedeng magtrabaho si daddy dahil baka lumala lang ang kalagayan niya kaya kailangan kong pag aralang ihandle ang kompanya."

kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap at nakita kong may mga butil ng luha sa mga pisngi niya, pinunasan ko naman ang mga ito.

"ok na ba si tito?"

tanong ko sa kaniya

"medyo ok na siya, kailangan lang niyang magpahinga talaga dahil kakatapos lang siyang operahan"

nakangiti niyang sabi sakin, pero nakikita ko sa mga mata niyang nag aalala pa rin siya

"that's good then"

nakangiti kong sabi sa kaniya.