1 ONE

"Uy Karisa kailan mo ba sasagutin yang si Angelo ilang buwan narin siyang nanliligaw sayo ah" tanong ng besfriend ko

"Eh maghintay kalang dadating rin ako jan" nakangiti kong sagot

"sus yan din sinagot mo last time eh" napailing nalang ako, actually bukas ang plano kong sagutin si Angelo. Halos 3 buwan narin kasi siyang nanliligaw saakin and sa loob naman ng mga buwan na yun I saw how sincere he is, sobrang ma effort plus good looking pa kinikilig nga ako pag bumabanat siya ng mga cheesy lines eh hindi ko lang pinapahalata.

"Maggy! nakita moba si Angelo?" hour before Angelo's Birthday

"Hindi eh, nag half day lang ata, hindi pumasok sa klase ni Ma'am Mona eh"

"Ganun ba sige salamat" ayun lang at nagpaalam na ako kay Maggy classmate ni Angelo.

"Hello Toff have you seen Angelo?" tropa ni Angelo

"Ah yes sa mall kanina"

"What?anong ginagawa niya dun kanina?" hindi sumagot si Toff at nagkibit balikat lang. Kaya napagdesisyunan kong pumunta nalang sa bahay nila.

"Hi Tita, sorry for my unsurprised visit I just want to check if nandito po si Angelo? Wala kasi siya sa school kanina tapos I can't reached his phone"

"No Iha, hayaan mona yun baka nag peprepare lang para sa mamayang party" pero hindi parin ako makuntento sa nakuhang sagot kay Tita Belle mama ni Angelo

"Btw have you prepared your dress? Wag kang malelate mamaya ah bubusangot nanaman ang anak ko nayun hahaha" actully hindi ako nakatanggap ng invitation mula kay Angelo, pero ok lang baka super busy na siya kaya hindi nya na ako nabigyan.

"Yes po Tita,bye see you later nalang po"

I've put some effort on putting make up. I want to look good in front of Angelo para pag inaanounced nya na girlfriend niya na ako hindi naman nakakahiya ang pagmumukha ko. I arrived early in the venue pero kahit na ganun ang dami nang bisita ang naroroon. Angelo is one of the campus heartrob kaya hindi na rin ako nagtaka na halos karamahin sa dumalo mga ka school mate namin.

"K-Karisa why are you here?" kinakabahang bunggad saakin ni Louis tropa ni Angelo

"Why not? Am I not invited here ? Hahaha" dinaan ko ito sa biro ang pagkapahiya, na offend ako sa tanong nya.

"H-hindi naman kaso ka—" bago niya pa matapos ang sasabihin naagaw na ang atensiyon ng lahat including me ng tunog ng gitara na nangmumula sa lalaking naka tayo sa harapan.

"Good evening everyone first I would like to say thank you for coming. And siyempre mas happy ako ngayon kasi naka dalo yung babaeng dahilan ng mga ngiti ko these past few months" lumibot ang paningin niya na tila may hinahanap at natigil ang tingin niya sa gawi ko. Buti nalang at madilim at hindi mapapansin ang pamumula ng pisngi ko. Natapos ang kanta at palakpak ng mga tao ang nangibabaw.

"Before matapos ang gabing ito I would like to flex  my special someone, Im thankful that she came to my life, thank you for giving me a chance to know you more..." biglang tumahimik ang lahat at hinihintay ang pangalang babanggitin ni Angelo.

"Alexa"

avataravatar
Next chapter