1 Parekoy, Parekoy

"HIJA..." parang kumulo ang dugo ko ng bonggang-bongga nang tawagin niya ako ng ganoon.

Inis na humarap ako sa kanya at pinameywangan siya. Hindi na niya natuloy ang gusto niyang sabihin siguro dahil sa istrikta kong mukha.

Tsk!

Buti at nakuha sa tingin ang mokong na 'to! Ginaya ko pa naman ang expression ng mama ko tuwing pinapangaralan niya ako noon.

"Hoy totoy." Madiin na tawag ko sa kanya. Tumitig lang siya sa akin. Kailangan niyang lumugar sa buhay ko! Ang lakas niyang maka-hija sa akin! Baka nakakalimutan niya ang edad ko at ang edad niya?!

Asar!

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kwelyo ng polo shirt niya 'tapos hinila siya para mapalapit sa akin.

Nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa ginawa ko. Buti naman!

"Hindi porket matanda ang kaibigan mo, matanda ka na. Tandaan mo, bata ka pa. Mas matanda ako sa 'yo." Sabi ko na para bang pinapaintindi sa kanya ang mga salitang sinasabi ko. Biglang kumunot ang noo niya na para bang naguguluhan sa sinabi ko. Shit. Anong aasahan mo sa tambay, Jena?!

Huminga ulit ako ng malalim.

Gamit ang isang kamay ko hinawakan ko ang pisngi niya at pinaharap siya sa akin para magkatitigan kami. Napatitig ako sa kabubuuang mukha ng letcheng totoy na 'to. Kung hindi lang totoy 'to, mag ka-crush ako sa kanya.

Ang gwapo eh!

Napailing ako.

Gising, Jena!

Kilabutan ka sa pinag-iisip mo!

Huwag kang magpaloko sa mukha niya! Baka makasuhan ka ng child abuse dahil sa kanya. "Makinig ka sa akin..." simula ko. "Twenty-three na ako. Twenty-three. At ikaw eighteen ka pa. Kaya 'wag na 'wag mo akong matawag-tawag na hija." Sabi ko at pinandilatan ko pa siya ng mga mata. "Atsaka pwede ba, tumigil ka sa pakikipagbarkada sa tatay ko. Maawa ka! Fifty-one na siya at dahil sa 'yo totoy kung ano-ano ang pinaggagawa niya sa buhay niya!" Inis na sabi ko. Mas lalong uminit ang ulo ko ng maaalala ko ang nangyari last week! Alam kong lasenggo ang papa ko. Naging hobby na niya 'yun ng mamatay ang mama ko. 'Yun lang naman ang tanging bisyo niya! Pero nang maging barkada niya ang totoy na 'to, aba! Natutong magparty ang papa ko! Sa bahay lang siya umiinom noon. Pero ang totoy na 'to! Sinasama niya sa mga bar at umuuwi sila ng lasing! Ako namang naiwan sa bahay sobrang nag-aalala! Hindi nagpaalam ang tatay ko! Ay nagpaalam pala na lalabas saglit kasama ang totoy na 'to! Saglit daw?! Pero alas dos na sila ng umaga umuwi sa bahay! Lasing na lasing pa silang dalawa! Tapos nag drive pa talaga sila ng jeep pag-uwi rito sa bahay! What if maaksidente sila? Siraulong lalaking 'to! Sana tinext nila ako, edi sana pinuntahan ko sila at ako na ang nag drive sa kanila pauwi! Feeling ko rin kaya hindi nilang nagawang i-text ako ay dahil hindi lang inom ang ginawa nila doon sa bar na pinuntahan nila. Kasi kinabukasan nang nilabhan ko ang damit ng tatay ko na sinuot niya nung nag naglakwatsa sila, may lipstick ang kwelyo niya. Nakakainis talaga!

"Humanap ka ng ka-edad mong pwedeng maging kaibigan! O di kaya mag-aral ka imbes tumambay sa bahay namin! O di kaya maglaro ka ng DOTA imbes uminom ng alak!" Sigaw ko sa kanya at binitawan ko na siya.

"Uwi! Umuwi ka na!" Sigaw ko at tinuro ko pa ang pinto ng bahay namin. "Gabing-gabi na, nasa bahay ka pa rin namin!" Dugtong ko.

Napakurap lang siya. Tsk! Tusukin ko mata niya eh!

"Ano.... kasi...." pinandilatan ko siya ng mata. Magpapaliwanag pa eh! Walang respeto din talaga ang lalaking 'to! Ganito ba talaga ang millenial ngayon?!

Sumasagot sa akin to eh! Minsan pinapagalitan din ako pag hindi ako umuuwi ng maaga! Parang tatay the second ko. Akala niya siguro dahil sa kaibigan siya ng tatay ko, pwede niyang gawin 'yun. Aish! No! Hindi pwede yun! Ako ang matanda rito! Ate niya ako!

Ngumiti lang siya kaya lumabas ang maputi at pantay niyang ngipin!

Anak ng!

"Uuwi naman talaga dapat ako Jena..." Jena? Sira-ulo 'to! Dapat ate Jena! Hindi ako nagpapatawag ng ate sa iba pero sa isang 'to dapat niyang malaman ang posisyon niya sa buhay ko.

Iko-korek ko sana siya kaso nagsalita na naman siya.

"Kaso si parekoy tumba na eh... Ako na sana ang maghahatid sa kanya sa kwarto niya. Hindi ko naman alam kung nasaan..." kapag nandito siya sa bahay, hindi ko siya pinapasok sa kwarto ni papa. Sa sala lang sila, sa kusina o di kaya sa labas ng bahay namin nag-iinuman. "Baka magkamali ako ng hatid sa kanya at sa kwarto mo ako pumasok..."

Ah ganoon ba?!

Pero kahit na!

Aish!

"Si tatay talaga..." mahinang saad ko. Pero... Masamang tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko. "Kasalanan mo 'to eh!" Sisi ko sa kanya. "Alam mo namang may edad na 'yung kainuman mo, grabe pa kayong uminom!" Inis na sabi ko. Limang bote yata ng beer ang ininom nilang dalawa. Sinutok ko siya sa braso niya pero imbes na masaktan ko siya, ako pa 'yung nasaktan!

Asar!

Bat ba kasi ang tigas nun?!

Palihim na hinimas ko ang kamay kong sinutok ko sa braso niya. Masakit kasi eh.

Asar talaga!

Napakamot sa ulo niya si totoy. "Pinigilan ko naman si parekoy eh, kaso ayaw niya talaga..." sabi niya. Aish nagpapaliwanag pa talaga.

"Edi sana umalis ka! Para tumigil siya!" Inis na sabi ko. Iniative din pag may time! Aminin mo na lang kasi, gusto mo rin talagang uminom!

"Eh kung aalis ako, siya lang 'yung iinom nung isang case ng red horse." Wow. Talaga lang ha? Hindi niya ba naisip na bumili ng ganoon si papa ng beer dahil nandito siya!? Mumurahin ko na sana siya ng magsalita ulit siya. "Diba mas okay na ako na lang 'yung mas maraming nainom at malasing kaysa siya." Habol niya.

Eh bakit hindi ikaw 'yung lasing?! Gusto ko sanang isigaw sa kanya 'yun pero tumahimik na lang ako! Walang katapusan ang usapan namin kapag pinatulan ko pa siya.

Nabwibwisit na ako sa lalaking 'to!

"Umuwi ka na! Ako na ang bahala sa kanya!" Sigaw ko sabay iwan sa kanya at pumunta sa tatay ko na nasa sala. Doon kasi sila nag-inuman kanina eh.

Nakita ko si papa na nakahiga sa kawayan naming upuan. Nagkalat ang boteng pinag inuman nila sa sahig.

Aish!

Ang hirap talagang magpalaki ng magulang. Lumapit ako sa kanya. Nakita ko ang natutulog na mukha ng papa ko. Maaliwalas 'yun na para bang walang problema. Napangiti ako. Ako kasi yung namomroblema eh. Hinaplos ko ang mukha niya.

Kaming dalawa na lang ni papa ang magkasama sa buhay. Namatay kasi ang mama ko dahil sa sakit na breast cancer noong fifteen years old ako kaya kami na talaga ni papa ang naging magkasangga.

Alam kong naging malungkot si papa sa pagkawala ni mama pero hindi niya pinapakita sa akin 'yun noon. Pinapakita at pinaparamdam niya sa akin na magiging maayos ang lahat na kaya niya akong palikihin mag-isa... pero alam ko, na hindi siya okay... 'Yung pasimpleng inom niya pagkatapos ng pasada niya sa jeep noon, atsaka nakikita ko siyang nakatingin sa larawan ni mama kapag gabi... Alam ko na malungkot siya... Kaya hinanda ko ang sarili ko na kung magmamahal man si papa ulit at magpapakasal, tatanggapin ko 'yun, kung 'yun ang magpapasaya sa kanya. Kaso hindi naman nangyari eh. Kaya hinayaan ko na lang siya sa bisyo niya.

Mahal niya siguro talaga ang nanay ko. Kaya pinangako ko sa sarili ko na tulad ni papa ang pakakasalan ko. Okay lang na hindi gwapo at mayaman basta mapagmahal, responsable at masikap na tao at higit sa lahat mahal na mahal ako tulad ni papa.

Mahal na mahal ako ng tatay ko kahit na lagi kaming nagsisigawan araw-araw. Alam ko, alam ng tatay ko na mahal na mahal ko rin siya!

"Pa..." gising ko sa kanya. Hindi siya pwedeng dito matulog. Sasakit ang likod niya. Umungol lang siya... "Pa sa kwarto po kayo matulog..." malumanay na sabi ko. Dumilat siya kaso pumikit ulit.

Asar!

"Pa!" Napalakas ko ang boses ko sa pagtawag ko sa kanya. Yinugyog ko siya. "Hindi ka pwede matu-

"Kakargahin ko na nga lang siya."

Napasigaw ako dahil sa pagsalita ni Jerome.

Galit na tumingin ako sa kanya.

"Bwisit ka, Jerome!" Inis na sigaw ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bwisit! Bwisit! "Bakit nandito ka pa?! Diba pinauwi na kita?! Umuwi ka na nga sa inyo!" Sigaw ko.

Nakita kong may sinabi si Jerom-este si totoy pero hindi ko narinig ang sinabi niya. Asar! May pabulong-bulong pa siyang nalalaman ha!

"Hoy! Ikaw-

"Jenarayan, tumahimik ka nga..." putol ni papa sa sasabihin ko kaya napatingin ako sa kanya. "Ang ingay mo, natutulog ako..." mahinang sabi ni papa. Asar! Buong pangalan ko talaga ang tinawag niya sa akin. Oo yun ang buong pangalan ko. Jenarayan Reyes, to be exact. Hinalo ang pangalan ng papa at mama ko na Ryan at Jenalyn. Diba unique ng pangalan ko? Never akong mahi-hit sa NBI?!

"Pa..." tawag ko sa kanya. "Tumayo na kayo dyan para maihatid na kita sa kwarto mo." Sabi ko at hinawakan ang isang kamay niya. Binawi lang niya 'yun at inunan. "Pa...." para akong bata ng tawagin ko siya.

"Ako na." Sabi ni Jerome at lumapit na sa papa ko.

"Hoy!" Tawag ko pero kinarga niya ang papa ko kaya napatigil ako sa pagsasalita... Oh... Nakaya niyang kargahin ang papa ko?

Nasa likod niya si papa na para bang pinipiggy back ride niya ito. Ang macho niya-what the hell?! Hinanap ko ang tamang salita na pwede kong sabihin sa lalaking 'to... Hindi ko dapat naisip 'yun! Humarap sa akin si totoy. "Asan ang kwarto niya Jenarayan?" Tanong niya.

Jenarayan?

Bakit nakiki-Jenarayan din siya?!

Asar!

"Sira ulo k-

"Pa..re...koy..." salita ng papa ko. "Ikaw ba yan?" Tanong ni papa.

"Oo parekoy, ako 'to... Ihahatid kita sa kwarto mo. Saan ba dito ang kwarto mo?" Tanong niya.

Nakita kong ngumisi ang papa ko. Oh... para silang mag-ama! Anak ng!

"Pap-

"Sa bandang kaliwa ang kwarto ko..." sabi ni papa. Asar talaga! Bakit hindi ako pinapansin ng mga taong 'to?!

Tumingin sa akin si Jerome-este si totoy! "Hatid ko lang ang tatay mo..." paalam niya.

Aish!

"Bahala na nga kayo sa buhay niyo!" Inis na sigaw ko. "Pero ito ang tatandaan mo, ito na ang huling beses na maglalasing kayo!" Sigaw ko sabay talikod sa kanila. Nagsimula agad ako sa paglinis nung pinag-inuman nila!

Asar!

Asar talaga!

Kung makaasta ang lalaking 'yun!

Bwisit siya!

Nanggigil na pinunasan ko ang lamesa na ginamit nila sa inuman.

Bwisit talaga siya!

Nagmamadaling naglinis ako at binitbit yung mga nagamit nilang baso at plato sa kusina. Huhugasin ko na lang 'to kaysa mag-isip ng masama para madispatcha ang mokong na 'yun!

Pupunta na sana ako ng kusina ng marinig ko ang yapak ng lalaking 'yun. Alam kong si Jerome 'yun. Obvious naman eh! Hindi ako lumingon sa kanya.

"Umalis ka na. Gabi na. Ako na ang bahala rito." Sabi ko baka magprisinta pa siyang tumulong. Huwag na oy!

Narinig kong huminga siya ng malalim kaya lumingon ako sa kanya.

"What?" Tanong ko.

"I-lock mo ang pinto pagkaalis ko. At siguraduhin mong nakasarado lahat ng bintana niyo" Sabi niya. Naitaas ko ang isang kilay ko. Humarap ako sa kanya. Tinatantya niya talaga ang pasensya ko ha!

"Hoy, bata! Tingin mo ba hindi ko alam ang mga bagay na 'yan?" Tanong ko. Tinitigan lang niya ako at hindi siya sumagot. Tsk! Ngayon, tatahimik siya!

"Pinapaalahan lang kita." Sabi niya bigla. Kainis!

Fine! Binaba ko yung hawak kong hugasin sa mesa. Pupunasan ko na lang ulit 'yun. "Opo. I-lo-locked ko ang pinto at bintana namin. Maglalagay rin ako ng asin at bawang sa pinto at bintana para kahit aswang hindi makakapasok sa bahay namin." Sarcastic na sabi ko. "At oo baby boy, ihahatid na kita sa labas. 'Wag mong kalimutan i-text ang tatay ko pagmakauwi ka na ha..." malambing na sabi ko tapos ay ngumiwi. "Uwi na!" Striktong sabi ko sabay turo noong pinto na nasa likod niya. Maliit lang ang bahay namin pero sakto lang sa amin ni papa.

Ngumiti lang siya sa sinabi ko. "Ang cute mo." Mahinang sabi niya pero rinig ko naman. Nagulat ako at hindi nakasagot sa kanya. Ngumiti ulit siya at tumalikod sa akin. Binuksan niya 'yung pinto 'tapos lumabas na siya. Bago niya sinarado ang pinto tumingin siya sa akin.

"Goodnight Jenarayan..." sabi niya at sinarado  ang pinto. Natulos ako sa kinatatayuan ko.

Napahawak ako sa pisngi ko ng biglang uminit 'yun.

Shucks!

Anong nangyayari sa akin?!

"JENA, okay ka lang?" Napatingin ako sa kasama ko nang itanong niya yun. Nasa canteen kami at kumakain dahil break namin sa trabaho.

"Oo." Tipid na sagot ko at isinalin 'yung kapeng nasa cup sa tumbler ko.

"Bakit mukha kang puyat girl?" Tanong niya. "Diba day-off mo kahapon? Dapat fresh ka!" Dugtong na sabi niya.

Tumango lang ako at mapaklang ngumiti.

"May bisita kasi kami kagabi. Madaling araw na siyang umalis eh." Sabi ko. Sarap sabihin na bwisita pero ayoko namang maging rude. Ang totoo, hindi ako pinatulog sa sinabi ni totoy kagabi!

Nakakabanas!

"Ah ganoon ba, sige una na ko girl tapos na break ko." Sabi niya at umuna na siya. Tsk. Hindi man lang hinintay ang sunod na sasabihin ko...

Huminga na lang ako ng malalim at bumalik sa ginagawa ko. Nasa vending machine kasi ako at kumukuha ng kape tapos trinatransfer ko sa tumbler ko. Ginagawa ko 'yun para hindi ako makatulog mamaya sa shift ko. Iinom lang ako ng kape 'pag tinamaan ako ng antok. Libre naman ang kape sa vending machine na 'to kaya okay lang na gawin ko 'to. Lalo na at wala akong break mamaya, kaya hindi na ako makakalabas sa production floor para kumuha ng kape sa vending machine.

Call center agent ako. Tatlong taon na ako sa trabahong 'to. Ito ang naging trabaho ko pagkatapos kong grumadweyt sa kursong accounting technology. Ang plano ko talaga, magtrabaho sa accounting department bilang accounting staff rito kaso wala silang bakante noong time na nag-apply ako, kaya nagtrabaho muna ako bilang call center agent. Pwede kasing mag-apply at prioritize ka nila kung may bakante sa posisyong gusto mo. May bakante last year kaso nagustuhan ko na ang trabaho ko at mas malaki talaga ang sweldo rito kumpara sa pagiging accounting staff kaya nag stay ako bilang call center agent.

Tinakpan ko na 'yung tumbler ko ng mapuno ko 'yung at tinapon 'yung mga cup na pinaglagyan ng kape sa basurahan. Pumunta na ako sa production floor. Nang makapasok ako, naghanap agad ako ng magandang pwesto. Wala kasi kaming permanent seat. Nang makahanap ako umupo ako doon ang ini-enter ko ang account ko.

Flowerpot ang pangalan ng account ko. US based siya tapos it is all about ordering flowers, tracking kung asan na 'yung inorder nilang bulaklak mga ganoon! Basta, tumatawag 'yung mga customer namin para mag inquire about sa product at sa order nila, ganoon! Hindi kami nagbebenta!

"Hi Jena..." bati ng katabi ko sa akin.

"Hello..." bati ko pabalik at nag log in na ako sa avaya-ang phone na ginagamit namin sa pagtawag at pag accept ng calls.

"Auto in na?" Tanong ko sa katabi ko.

"As always." Sagot niya. "Sana makakuha ako ng uno ngayon." sabi ng katabi ko.

"Ako rin sana..." sabi ko rin.

Pagkatapos kasi ng concern ng customer, may survey kaming dapat i-offer. Based sa services na prinovide namin ang survey. Five ang pinakamababang score at one naman ang pinakamataas.

"Sana walang akong shunga-shunga na customer." Sabi ng katabi ko.

"Ako rin..." mahinang sagot ko.

Ini-auto in ko ang avaya ko at nag start ng mag accept ng tawag.

"Hello thank you for calling flowerpot, this is Barbie, how are you doing today?" Masayang bati ko.

Yup!

Barbie ang gamit kong name!

Hindi kasi required na 'yung totoong name mo ang dapat gamitin kaya ito ang gamit ko! Gusto ko ang pangalang Barbie eh. Actually, wala akong maisip na pangalan noon at nakita ko lang 'yung video clip sa facebook n'ung Barbie and the Diamond Castle ba 'yun... kaya Barbie na ang ginamit ko. 

"Ahmm... I ordered a boquet of red rose last week for my date today but I want to cancel it." Sabi nung customer ko.

Napangiwi ako ng mapagtanto ko kung sino ang customer ko. Patay. Indian.

May mga mapanganib kasing customer, sila 'yun buraot mamigay ng score sa survey! Mga Asyano, particularly, Chinese at Indian. Sila 'yung kahit na ang ganda ng service mo bibigyan ka talaga ng mababang score. Ewan ko sa trip nila!

"Sure. I can help you with that. But first, may I asked for your name please..." Sinabi niya ang pangalan niya at pumunta agad ako sa tool ko at tinype ang pangalan niya. Kinonfirm ko rin ang phone number at address niya. Nakita ko sa details na pwede pa niyang i-cancel ng order niya. Minsan kasi may mga orders na hindi na pwedeng i-cancel.

Kinancel ko na 'yung order.

"I have successfully cancel your order, ma'am..." at sinabi ko sa kanya kung ano ang magiging process para makuha ang refund niya.

"Thank you so much..." sabi ng customer ko.

Napangiti ako.

"Your welcome. Is there anything else I can help you with?" Tanong ko.

"No! Thank you so much for your help."

"It's my pleasure. Thank you for calling Flowerpot and have a good day!" Paalam ko at hinintay ang pag end niya ng call. Ngumiwi agad ako pagkatapos. Hindi na ako nag offer ng survey baka bigyan niya pa ako ng singko! Bahala siya!

Pwede ko namang gawin 'yun kaso lang, dapat mag expect na ako na mapagalitan ng team leader ko mamaya kasi bawal talaga 'yung ginawa ko, pero okay lang imbes na maging pasakit ako sa team namin! May scorecard kaya kaming dapat i-comply at mas malaking percentage ang survey na 'yun kaysa sa average time handling sa call at iba pa...

Nag accept ulit ako ng tawag. 'Yun ang ginawa ko buong eight hours. Overtime kasi ako ngayon. Nang matapos ang shift ko agad na nag log-out ako.

Baka kasi puntahan ako ng Team Leader namin at pagalitan ako sa ginawa ko kanina.

Nakakuha ako ng limang uno at isang kwatro and the rest hindi na ako nag offer ng survey! Kaya lagot talaga ako!

Nagmamadaling pumunta ako sa locker room at kinuha ko 'yung bag ko. Agad na umalis ako doon. Nang nasa elevator na ako, kinuha ko 'yung phone ko at tiningnan 'yun baka kasi nag text si papa, tiningnan ko na rin ang oras. Wala akong natanggap na text mula kay papa.

Baka tulog na rin siya.

4 AM kasi out ko ngayon. 4:20 na. Hayst! Uuwi na lang siguro ako agad. Nakasanayan ko kasi na kumain muna bago umuwi o di kaya gumala kasama ng ka-team ko kaso nga may ginawa akong kabalastugan sa production floor kanina kaya ayokong sumabay sa kanila.

"Uy, Jena!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Alma. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya. Magkasama kami sa training noon kaso nang ini-endorse na kami sa production floor, inilipat siya ng ibang account, doon siya sa isang retail store na account.

"Uy!" lumapit ako sa kanya. Marami silang nandoon. Siguro galing 'to sa paninigarilyo. Nakita ko ang ibang kasama ko noon. Nagkamustahan din kami nung ibang kasama ko noon! Marami kasi silang nailipat sa account na 'yun. Ngumiti naman ako doon sa dalawang lalaking na hindi ko kakilala. Kasama siguro ni Alma sa team niya ang mga lalaking 'yun o baka manliligaw niya... "Anong ganap girl?" tanong ko kay Alma.

"Mag pa-party kami after shift ngayong Sabado, sama ka?" tanong niya.

Sabado?

Four days from now na 'yun ha...

May gagawin ba ako sa araw na 'yun?

Wala naman. Kaso baka mag-inuman sila papa at walang magbantay sa kanya eh. Paano ba 'to? Gusto kong sumama sa kanila. Matagal-tagal na rin ng huli akong sumama sa gala. Ang motto kasi namin sa work ay 'work hard, party harder' kaya every night noong one year ko rito, lagi akong gumagala. Party doon, party dito! Syempre nagpapaalam ako sa papa ko. Lagi ko lang sinasabi na nag overtime ako!

Oo na, may pagkasuwail din ako!

Aish!

Bahala na nga! Nandoon naman si Jerome! Pakikiusapan ko na lang siya na bantayan si papa!

"Sige ba!" sabi ko. "Text mo na lang ako sa details ng lakad natin. Kailangan ko na kasing umuwi Alma eh." sabi ko. Tumango lang siya.

"Sige ingat ha! Mag over-overtime kasi ako ngayon" sabi niya. Tumawa na lang ako.

"Laki pala pay-out mo next sahod!" biro ko.

"Malaki nga, mukha naman akong zombie." sabi niya at nag ala-zombie pa siya sa harapan ko. Tumawa lang ako ng mahina. Baliw talaga ang babaeng 'to! "Sige na! Umalis ka na! Baka mapatay na naman ako ng bodyguard mo!" natatawang sabi niya.

Ugh!

Nawala ang ngiti ko.

Bodyguard?

I just rolled my eyes!

"Baliw!" sigaw ko. Tumalikod na lang ako at naglakad na paalis ng building.

Tsk. 

Naalala ko na naman ang pangyayaring 'yun. Ang bodyguard na tinutukoy ni Alma ay si Jerome! Sumama kasi 'yun kay papa minsan sa pagsundo sa akin. Nagpapasundo kasi ako kay papa noon lalo na noong end of shift ko ay ala-una na ng umaga! Natrauma kasi ako noong may nakita akong nag riot doon sa amin! Naipit kasi ako at nasali sa gulo!

Jusko!

So 'yun na nga...

Nang sinundo nila ako papa ng araw na 'yun, sumabay rin sa amin si Alma at nagkwentuhan kami sa kung saan kami pupunta pagkatapos ng christmas party namin. Kaso si Jerome, sumingit at sinabihan kami na 'wag na raw gumala at dumiretso na daw kaming umuwi. Nag-away kami kaso ang gago nagpalaban sa papa ko at kumampi naman si papa kaya napagsabihan kaming dalawa ni Alma.

Tsk!

Asungot talaga ang lalaking 'yun!

Nang makalabas ako ng building nagulat ako ng makita ko ang jeep ng tatay ko.

Nagmamadaling lumapit ako doon.

"Pa?" tawag ko ng makalapit ako sa upuang tabi ng driver's seat. Yung dapat daw sa PWD at senior citizen pero sinasakyan ng mga normal na tao! Asar talaga! Pero nagulat ako ng pagtingin ko sa driver's seat hindi si papa ang nakita ko kundi si...

"Jerome?" hindi makapaniwalang saad ko. Bakit siya nandito? At bakit nasa kanya ang jeep ng papa ko? Nagising naman siya agad at napasuklay sa buhok niya.

Napaawang ang labi ko. 

Lintek!

"Oh, lumabas ka na pala." nakangiting sabi niya sa akin. Pero agad namang nawala ang ngiti niya at napalitan ng pagkaseryoso. "Bakit ngayon ka lang? Sabi ni parekoy balik ala-una ang end of shift mo ha?" seryosong tanong niya.

Wow!

Kung makapagtanong ha?! Suntukin ko kaya siya! Kung hindi lang talaga ako pagod!

"Nag-overtime ako!" inis na sagot ko. Umupo na ako sa upuang tabi niya. Nameywang siya at humarap sa akin.

"Overtime talaga?" paniniguradong tanong niya.

"Oo nga!" inis na sagot ko. "Kita mong sa office ako lumabas!"Ah! Napatigil ako! Hindi niya pala nakita ang paglabas ko dahil tulog siya! "Atsaka bakit ka nandito at nasa 'yo pa talaga ang jeep ng tatay ko?!" tanong ko sa kanya.

Pinaandar niya ang jeep.

"Pinapasundo ka ng tatay mo sa akin. Pagod daw kasi siya." sabi niya at nag drive na siya.

"Tsk! Si papa talaga... Hindi naman porket balik one am ang shift ko, balik sundo na siya sa akin." mahinang sabi ko na alam kong rinig niya.

"Tsk! Dapat nga araw-araw kang sinusundo eh." sagot noong kasama. Napatingin ako sa kanya.

"Ano bang problema mo? Matanda na ako. Kaya ko ang sarili ko!" madiing sabi ko at hinampas ko pa ang likuran ng upuan niya.

"Tsk!" inis na sabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag siyang sapakin. Nag da-drive kasi siya-oh wait!

"Bakit ikaw ang nag da-drive? May lisensya ka ba? Baka mahuli tayo sa ginagawa mo! Itigil mo 'to ako na ang mag da-drive!" sabi ko kay Jerome. Umiling lang siya. Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking 'to!

"Hoy ika-

"May lisensya ako noh! Atsaka easy lang ang pag drive ng kotse-I mean jeep."

Naningkit ang mata ko.

"Ako ba niloloko mo? Paano ka magkakalisensya? At kailan ka nagkaroon ng lisensya aber?"

Kasi imposible namang may lisensya siya. Eighteen pa siya ha! Ako nga beinte uno ng magkalisensya! Atsaka impossible talaga! Oo minamaliit ko ang isang 'to! Kasi kung hindi ko gagawin, naku, malaking problema ang haharapin ko!

"Hindi kita niloloko. May lisensya na nga ako. Matagal na akong may lisensya." sabi niya.

Aish!

"Bahala ka na nga diyan! Basta nagkahulihan, hindi kita kilala ha." inis na sabi ko.

"Ang sama ng ugali mo noh..." sabi niya. I just rolled my eyes

"Gisingin mo ako pag nasa bahay na 'tayo. Iidlip lang ako." sabi ko sa kanya.

"Okay." sabi niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at napahikab.... Inaantok na talaga ako. Grabe! Sana manalo ako ng lotto kasi nakakapagod magbanat ng buto! Kapag nanalo ako ng lotto pwedeng papetiks-petiks na lang ako tulad ng lalaking 'to.

Nakakainis! Nakakainggit din ang lalaking katabi ko ngayon. Tambay-tambay lang ang peg! Pa relaks-relaks lang. Walang problema sa buhay!

Haysst!

Pinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...

"ANG ganda mo talaga... Kaso ang sungit mo..." rinig kong sabi ng isang lalaki. Hindi ko dinilat ang mga mata ko kasi pagod na pagod talaga ako. Bahala 'yang nagsasalita sa tabi ko. Atsaka alam ko nanaginip lang ako. Ilang beses na ba ako nanaginip ng ganoon? Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko kaya agad na naidilat ko ang mga mata ko! Mabilis na tumingin ako sa katabi ko.

Damn!

Ang warm ng kamay ng humaplos sa pisngi ko!

"Hoy!" sigaw ko. "Hinaplos mo ba ang pisngi ko?" tanong ko. Napayakap ako sa shoulder bag na dala ko.

"Huh?" gulat na tanong niya at tumingin sa akin ng saglit. "Anong pinagsasabi mo? Nag da-drive ako noh! Paano ko magagawa 'yun?" Sunod-sunod na tanong niya. Tunog defensive siya pero...

Napatingin ako sa kanya. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa manubela. Tumingin ako sa daan. Nasa may kanto na kami ng street ng bahay namin!

Oh....

"Talagang hindi mo hinaplos ang mukha ko?" paninigurado kong tanong sa kanya

"Oo nga! Teka nga lang!" sabi niya sabay lingon sa akin ng saglit. "Bakit mo ba tinatanong sa akin 'yan?" Huminto na siya sa pag da-drive dahil nasa harap na kami ng bahay namin. Humarap siya sa akin. Nakita ko ang pilit niyang pagpipigil sa ngiti niya. Nagkatitigan kami. Nag-init ang pisngi ko nang makita kong sinuyod niya ng tingin ang mukha ko. Lintek! Na-conscious tuloy ako! May dumi ba ako sa mukha?! Kagigising ko lang eh! "Napanaginipan mo ba ako na hinahaplos ko ang mukha mo, Jena?" nakangising tanong niya.

Mabilis na hinampas ko ang bag ko sa mukha niya at nagmamadaling bumaba sa jeep!

"'Wag kang feelingero!" inis na sigaw ko. Sumunod naman agad siya. Pinagbuksan niya pa ako ng gate namin. Humarap ako sa kanya at tinuro ko pa talaga siya! "Atsaka pwede ba 'wag mo akong ma Jena-Jena! Mas matanda ako sa 'yo! Tawagin mo akong ate Jena!" inis na sigaw ko at pumasok sa bahay namin. Iniwan ko na siya run! Bahala siya sa buhay niya!

NAGISING ako dahil sa hikbi ng isang tao. Napatingin ako sa orasan sa may bedside table ko. Alas nwebe na ng umaga. Napakamot ako sa ulo ko at babalik ulit sa pagtulog ng may narinig naman akong umiiyak.

"Huhuhuhuhuhu..."

Huh?

Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko. Hindi na ako nag-ayos! Kami lang naman ni papa ang nandito eh! Mamaya pang ala una ang punta ng asungot na 'yun dito sa bahay namin! Nakita ko ang papa ko na nasa sala at umiiyak habang nakatingin sa cellphone niya.

"Pa?" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at parang nadurog ang puso ko ng makita ko ang mukha niyang malungkot at may mga luha na umaagos galing sa mata niya. Nawala agad ang antok ko.

Mabilis na lumapit ako sa kanya. Tumabi ako ng upo sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Pa, bakit ka umiiyak?" concern na tanong ko.

"Anak..." umiiyak na saad niya.

God! Mapapatay ko ang sinumang nagpaiyak sa tatay ko!

"Po?" tanong ko.

"Si parekoy.. aalis na... Pupunta siya sa isang malayong lugar." Sobrang lungkot na sabi niya.

Nanigas ako sa sinabi niya.

Aalis na ang parekoy niya?

Si Jerome aalis?

At 'yun ang iniiyakan niya?

"So?" tanging nasambit ko.

Hindi ko kasi alam ang dapat na sabihin ko.

Natutuwa ako dahil sa wakas aalis na siya sa buhay namin ni papa. Mawawala na sa wakas ang asungot na 'yun sa buhay ko. Kaso ang papa ko, ayokong makitang nagkakaganito siya dahil sa lalaking 'yun!

Ganoon ba kahalaga ang lalaking 'yun sa papa ko?

Mukha silang mag-jowa!

Tumango lang si papa.

"Anak naman!" si papa. 

"Kailan niya sinabi sa 'yo?" tanong ko na lang.

"Naligo kasi kami ng dagat kaninang mga six am tapos sabi niya baka 'yun na ang huling labas namin dahil aalis na siya..." sabi ni papa at umiyak na naman siya!

Lihim na napaikot ako ng mata! Masasapak ko ang mokong na 'yun! Bakit pinapaiyak niya ang tatay ko?! Atsaka kung iiwan niya rin pala ang papa ko dapat sa simula pa lang hindi niya na sinanay ang papa ko na lagi lang siyang nandyan sa tabi namin- I mean ng papa ko! Hindi niya na dapat kinaibigan ang papa ko!

"Saan naman ang punta niya?" tanong ko sa papa ko habang hinahaplos ang likod niya. Baka naman kasi OA lang ang papa ko. Baka sa tabi-tabi lang pala pupunta ang gunggong na 'yun!

"Sa Amerika raw." Sagot ng papa ko.

"Amerika?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang layo noon ah! "Anong gagawin niya doon?!"

Teka lang!

Kalma, Jenarayan!

Mukhang mestizo si Jerome. 'Yung mga features niya kasi pang Amerikano o di kaya Latino kaya gwapo talaga ang lalaking 'yun. Isa ba sa pamilya niya ang foreigner? At kukunin siya?

"Doon na siya titira." Sagot ni papa.

Oh so tama ako! Kukunin siya? Nino? Tatay niya?

"Bakit daw?" Tanong ko na lang. Hindi ako nangangalap ng impormasyon no, gusto ko lang pakalmahin ang papa ko!

"'Yung tita niya kasi pinapauwi na siya roon. Kaya kahit ayaw ni parekoy umuwi, kailangan niyang umuwi! Nakakatakot daw kasi ang tita niyang 'yun."

Ahhh...

Napatango ako.

"Pa..." tawag ko sa kanya. "Okay lang 'yan. May skype naman at may internet connection tayo kaya kahit nasa malayo siya, makakausap niyo pa rin siya." sabi ko.

Tama na ang pagpapanggap!

Umiling ang papa ko. "Kahit na may ganoon pa 'nak, ma-miss ko pa rin ang parekoy ko."

Naikuyom ko ang kamay ko.

Anak ng!

Parekoy?

Parekoy na lang palagi!

Bwisit!

"Pa, sumama na lang kaya kayo sa parekoy mo!" inis na sabi ko sa kanya. Napatayo ako sa pagkakaupo, "Parekoy ka ng parekoy! Baka nakakalimutan mo, kaibigan mo lang 'yun at anak mo ako!" inis na sabi ko. Hindi ka mamatay kapag umalis 'yun! Na kaya nga nating mabuhay na tayong dalawa lang noon! Okay naman kami noong wala ang Jerome na 'yun ah!

Hindi ko napigilan ang sarili ko!

Nag walk-out ako sa harapan niya!

Punung-puno na ako!

Nang dumating yang Jerome na yan sa buhay namin, wala na siyang ibang bukambibig kundi 'ganyan si parekoy', 'ganito si parekoy', ''ang galing ni parekoy'! Parekoy siya nang parekoy!

Oo nagseselos ako! Sila na lang 'yung palaging magkasama! Sinasama naman nila ako pero iba pa rin talaga 'yung tungo ni papa sa kanya at minsan pabida rin talaga ang Jerome na 'yun!

Asar!

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Inis na wika ko habang tinapaktapakan ang sahig namin! Bwisit na Jerome na 'yun!

"ATE may large po ba kayo nito?" Tanong ko sa isang saleslady sabay pakita sa kanya nung isang red polo shirt.

"Meron ma'am..." sabi niya. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang naghanap nun.

Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong nagtatampo ang papa ko dahil sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Hindi niya na kasi ako pinapansin pagkatapos nun eh. Idagdag pa na umalis siya at hindi man lang nagpaalam sa akin.

Napabuntong hininga na lang ulit ako.

Kaya ito ako ngayon, nandito sa mall at bumibili ng damit para kay papa. Sorry gift ko sa kanya. Nag grocery na rin ako para sa bahay at para makapagluto ng paboritong ulam ni papa which is adobong manok! Hindi ako magtatrabaho ngayon dahil igugol ko ang isang buong araw ko kay papa.

"Ma'am ito na po..." sabi nung babae. Tinitigan ko 'yung damit. Sinuri ko 'yun, kung maayos ba ang pagkakatahi o di kaya may defect 'yung butones. Maayos naman.

"Bibilhin ko 'to." Deklara ko. "Diretso na ba 'to, miss?" Tanong ko.

"Opo ma'am..." sagot niya.

Okay. Tumango-tango na lang ako.

"Salamat..." nakangiting sabi ko. Naglakad na akong papuntang cashier. Inilagay ko sa counter ang damit at kumuha ng pera sa bag ko.

"1, 480 pesos po ma'am." rinig kong sabi ng cashier sa kung magkano ang damit na 'yun kaya kumuha ako ng pera sa pitaka kong nasa loob ng bag ko. Kumuha ako ng 1, 500 at binigay sa cashier. Naglabas na rin ako ng pamasahe pauwi nang biglang tumunog ang phone kong nasa loob din ng bag. Kinuha ko 'yung phone ko at sinirado ang bag ko.

Napatingin ako sa screen, si papa ang tumatawag!

Sinagot ko agad 'yun.

"Pa, bakit napatawag ka?" masiglang bati ko sa kanya. Mag so-sorry ba siya sa akin?

Napakunot ang noo ko nang may narinig akong classic music sa background niya. Saan siya? Bakit may ganoon akong naririnig!?

"Ah 'nak nasaan ka?" Tanong niya.

"Nasa mall. Bakit?" Tanong ko at siya rin namang bigay sa akin nung cashier sa mga pinamili ko. Naglakad ako palayo roon sa counter dahil may nakasunod sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad dahil hindi ko narinig ang sagot ni papa.

"Pa?" Tawag ko sa kanya.

"Ah nak pwede ka bang pumunta dito sa Shino's pagkatapos mo dyan sa mall..."

Naitaas ko ang isang kilay ko. Teka lang. Alam ko ang lugar na 'yun ah! Restaurant 'yun! Dinala kami ni Jerome noon doon. Nilibre niya kami!

Napangiti ako.

Nagpapadespidada party yata si totoy...

"Sige ba... Papunta na ako." sabi ko agad kay papa. Sa wakas! Mawawala na sa landas ko ang asungot na 'yun!

"Sige hihintayin ka namin!" Masayang sabi ni papa at narinig ko pa siyang huminga ng malalim na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "At kung pwede sana nak bilis-bilisan mo ang pagpunta rito..." sabi ng papa ko.

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa phone ko. Walang hiya!

Talaga bang sinabihan ako ng papa ko ng ganoon?! Bwisit talagang Jerome na 'yan dahil sa kanya naging ganito ang papa ko! Nakapakabad influence niya!

Binalik ko ulit ang phone ko sa tenga ko. "Opo pa..." malambing at nakangiting sabi ko. Nang pinutol ni papa ang tawag, mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi.

Argh!

Bad influence talaga ang mokong na 'yun!

Pero okay lang, aalis na naman siya eh!

THIRTY minutes bago ako nakarating sa restaurant na 'yun! Ang dami kong natanggap na text mula kay papa at puro laman 'asan ka na?', 'bilisan mo!' at 'dalian mo!'

Tawag pa siya nang tawag sa akin! Ano ba yan? Kung makatawag siya parang may mag sho-show na clown at ako ang clown kaya pinapamadali niya ako, kasi hindi magsisimula ang show kung wala ako!

Asar talaga!

Aish parang tiniterorize ako ng ama ko. Nag reply lang ako sa text niya nang makarating na ako sa restaurant.

Pumasok ako sa restaurant at parang gusto kong bumalik sa mall dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Sino bang hindi?! Ang dami kong dala! Hello galing kaya ako nag grocery! Sinabihan nga ako ng guard kanina na hindi raw sila nagpapa solicit o nagpapasok ng nagbebenta ng mga pagkain...

Asar!

Masasapak ko talaga ang dalawang 'yun mamaya!

Dahil sa kanila kung anu-ano ang kahihiyang bagay ang na e-encounter ko!

Pangmayaman din kasi ang restaurant na 'to! Buti na lang maayos ang mukha ko.

Naglakad na lang ako at hinanap sila.

Unang nakita ko ay si Jerome! Napatayo siya ng makita ako kaya tumingin si papa sa banda ko.

Parang nakahinga ng maluwag ang papa ko ng makita niya ako. Napatingin ako sa mesa nila. May kasama silang babae na may kaedaran na rin pero nakapa-sosyal!

Lumapit ako sa kanila. Sinalubong naman ako ni Jerome.

"Buti nakadating ka..." sabi niya.

Ngumiwi lang ako sa kanya.

Talagang pupunta ako rito! Hello huling beses na nating pagkikita to no!

Giniya niya ako sa lamesa nila at pinaupo niya ako sa tabi niya-bali nasa gitna nila akong dalawa! Si papa sa kaliwang side ko at si Jerome sa may right side ko.

Inalalayan pa ako ni Jerome sa pag-upo. Napatitig ako sa mukha niya. Anong nakain niya? Bakit nag papakagentleman siya ngayon?

"Aherm!" Napatingin ako doon sa babaeng tumikhim.

Napanganga ako.

Ang ganda niya sa malapitan. Para siyang artista! Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. Sana ganyan ako kaganda 'pag tumanda na ako!

"Naku Rome, kaya pala ayaw mong umuwi ha dahil may kinagigiliwan ka rito sa Pilipinas..." salita nung babaeng nasa harapan ko. Tumingin ako sa kanya. "Ang ganda niya ha..." sabi niya habang titig na titig sa akin. "Oh!" Sabi niya bigla. Tumingin siya kay Jerome at tinitigan niya ito ng masama. "Nakalimutan mo akong ipakilala." Inis na sabi niya kay Jerome. Tumingin siya sa akin. "Hi Jenarayan, I'm Celeste Montecillo your future tita..." nakangiting sabi niya. What the hell?! Future tita?! Bakit nasabi niya 'yun?Bakit ganoon siya makatingin sa akin?! Ano ang nangyayari?!

Napatingin ako sa papa ko.

Binuka ko ang bibig ko para sana magtanong kung ano bang nangyayari pero hinawakan ni papa ang kamay ko ng mariin at pumikit rin siya ng mariin na para bang sinasabing tumahimik ako.

"Tapos ka na ba sa pag-aaral hija?" Tanong niya sa akin. Wala namang ibang hija rito sa mesa namin eh!

"Opo..." sagot ko kahit naguguluhan ako sa mga ganap ngayon.

"Talaga?! Ang galing naman! Anong kurso mo?" Tanong niya. Binitawan ni papa ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako ni papa.

Naguguluhan na talaga ako.

Humarap ako sa babaeng nasa harap ko at sinagot ang tanong niya.

"Accounting technology po." Sagot ko.

"Mag pro-proceed ka ba ng accountancy?" Tanong niya.

Bakit hindi matapos-tapos ang tanong niya?

"Hindi ko pa po alam eh... Nagtatrabaho kasi ako..." sabi ko. At bakit ang tsismosa niya?! Tanong siya nang tanong sa buhay ko?! Gagawan niya ba ako ng documentary?!

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. The hell!

"Ang sipag mo pala... Magkaibang-magkaiba kayo nitong pamangkin ko..." sabi niya at hinahaplos ang pisngi ko. Ngumiti ako ng alanganin.

"Tita..." rinig kong sabi ni Jerome.

"Sana pagpasensyahan mo ang pamangkin ko ha. Minsan nakakairita talaga siya pero napakabait na bata niyan at sobrang malambing pa kaya hindi ka magsisi sa kanya kung kayo man ang magkatuluyan habambuhay..." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko.

Ano daw? Bakit may ganito siyang sinasabi sa akin?!

"Ah tita, kumain na po tayo..." sabi ni Jerome. Hindi ko siya nilingon.

"Busog pa ako." Sagot noong babae. Tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko.

"Kumain ka muna, hija..." sabi nung babae.

Inilagay ko yung kamay ko sa mesa at kumain. Bahala na! Kakakain na ako kahit naguguluhan ako sa nangyayari! Kanina pa ako nagugutom!

"Jerome, kailan ang kasal?" Nanlaki ang mata ko ng itanong 'yun ng tita ni Jerome sa kanya. Kaya ba uuwi si totoy sa Amerika dahil magpapakasal siya? Tsk! May girlfriend pala to?! Hindi man lang nakwento sa akin! Oh well, hindi naman kami close.

Umubo naman silang dalawa ni papa sa tanong na 'yun kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

Nakita kong umiinom sila ng tubig, sabay pa talaga!

"Pa okay ka lang?" Tanong ko ng maubos nila ang tubig na iniinom nila. Napakunot ang noo ko nang makita ko na parang namutla siya-silang dalawa ni Jerome. Teka... Anong nangyayari sa dalawang 'to?!

Tumikhim si Jerome at seryosong tumingin sa tita niya. Napatitig ako sa kanya.

"Ah... tita... kasi... ganito-

"Hey!" Putol ng tita ni Jerome sa kanya kaya sa tita naman niya ako nakatingin. Nakita ko siyang nakatayo at nakapameywang habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Jerome. "Jerome Jake Montecillo..." madiin na sambit ng tita niya sa buong pangalan ni Jerome. Wow. Ngayon ko lang ulit narinig ang buong pangalan niya ah. Huling rinig ko sa pangalan niya ay noong pinakilala siya ni papa sa akin. "Hindi kita pinalaki na irresponsable! Hindi porket nakapagtapos ka na ng pag-aaral, may sarili ka ng negosyo at kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa, hindi na ako makikialam sa buhay mo!" Madiin na sabi ng tita niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng tita niya. Ano raw? Mabilis na napatingin ako sa lalaking katabi ko. Totoo ba 'yun?

"Pakasalan mo ang girlfriend mo! Gusto ko sa lalong madaling panahon! Baka matsismis siya dahil sabi mo buntis siya kaya hindi ka makakauwi sa atin! Alam mo naman ang mga tao ngayon! Lalo na sa Pilipinas! Wala silang magawang matino! Baka anong sabihin nila sa girlfriend mo at ma-depress siya tapos may masamang mangyari sa baby niyo!" Pinal na sabi ng tita niya sabay upo sa upuan niya kanina.

Wow! Iba din mag-isip ang tita niya!

Pero...

Eh!

Napatitig ako sa lalaking kasama ko-kay Jerome!

Tsk. Tsk. Tsk. Tama nga ako. May ginagawa silang kabalastugan ni papa tuwing naglalakwatsa sila! Babaero! Hay naku, mga gwapo ngayon! Tapos ayaw pa niyang panagutan! Tsk! Irresponsable! Gagawa ng bata tapos hindi pananagutan?! Gago ah!

Pagkauwi na pagkauwi namin ni papa sasabihin kong 'wag na siyang makipagkaibigan sa lalaking to...

"Jena..."

Napakunot ang noo ko ng tawagin ako ng tita ni Jerome.

Nagpakilala ba ako sa kanya?

Hindi naman yata ako nagpakilala! Pero diba tinawag niya ako sa buong first name ko kanina? Bakit niya alam ang pangalan ko? Pinagtsitsismisan nila ako kanina, noong wala ako?

Tsk!

"Tita..." tawag naman ni Jerome na para bang pinipigilan ang tita niya sa gagawin o sasabihin nito sa akin!

"Shut up, irresponsable jerk!" Sabi ng tita ni Jerome sabay hawak sa kamay ko.

"Kamusta ka?" Tanong niya.

Huh?

"Ah... Okay lang po..." sagot ko kahit naguguluhan ako sa tanong niya.

"Hindi ka ba nagsusuka o nahihilo tuwing umaga?" Concern na tanong niya. Kumabog ang dibdib ko sa tanong na 'yun! Teka lang! Parang.... Napatingin ako kay Jerome. Guiltying-guilty ang expression niya sa mukha tapos yumuko siya. Tumingin naman ako kay papa na nakayuko na rin ang ulo.

Ang dalawang 'to....

Kaya ba pinapunta nila ako rito? Kaya ba ganoon na lang ang....

Mga tarantado!

Naramdaman kong pinisil ng tita ni Jerome ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"More importantly, ilang weeks na ba ang baby mo?" Masayang tanong niya.

What the fuck!

Nakailang ulit akong napalunok sa tanong niya!

Tang-inumin mo!

Ano to?!

Parang gusto kong magwala sa tanong na 'yun!

Nanlilisik ang matang tiningnan ko ang dalawang mokong na to!

Humanda sa akin ang dalawang 'to mamaya!!

"JENA! Magpapaliwanag ako anak!" Agad na sabi ng papa ko ng makalabas kami sa restaurant at pumunta sa parking lot!

Humarap ako sa kanya.

Kaming dalawa lang dahil nakikipag-usap pa si Jerome sa tita niya at pinag-uusapan ang 'kasal' kuno namin!

Biglang uminit ang ulo ko dahil doon!

"Sige ipaliwanag mo ng mabuti kung bakit naging girlfriend ako ng lalaking 'yun! At kung bakit naging ina ako ng magiging anak niya!" Shit! Never akong napunlaan ng lalaking 'yun! "Pa naman! Never akong nagkaboyfriend dahil napaka-strikto mo! Tapos ngayon! Para akong gamit na pinaglalaruan niyong dalawa! Pinamimigay mo ako sa kanya! Ano bang pinakain sa iyo ng lalaking 'yun at nagagawa mo sa akin 'to?!" Galit na tanong ko. Pinigilan ko ang sarili kong mapaiyak!

No!

Never akong iiyak!

"Ganito kasi 'yan anak... Diba sabi ko pinapauwi si parekoy sa Amerika at ayaw niya. Eh sinabi ko sa kanya na sabihin niya na lang sa tita niya na hindi siya makakauwi dahil nabuntis niya ang girlfriend niya..."

"At ako ang girlfriend na tinutukoy niya?" Nang-uuyam na tanong ko.

"No! Hindi anak!" Mabilis na sagot ni papa. "Ganito kasi 'yun! Imaginary girlfriend lang dapat 'yun!"

Imaginary girlfriend!?

Kailan pa natuto ang papa ko ng ganyan?!

"Kaso biglang pumunta ang tita ni parekoy dito para i-confirm 'yun at dahil wala naman siyang girlfriend naisip kong ikaw na lang muna... Tutal magpapanggap ka lang naman. Hindi ko naman alam na aabot sa ganoon!" Sabi ni papa.

"Kahit na pa! Hindi niyo matatama ang mali ng isa pang mali! Bakit hindi sinabi ng parekoy niyo sa mukha ng tita niya na ayaw niyang umuwi sa kanila! Napakaduwag naman niya! Huwag siyang mang-aagrabyado ng iba! Bwisit siya!" Inis na sabi ko sabay walk-out!

"Anak!" Tawag niya.

Bahala siya sa buhay niya! Galit ako! Galit ako sa ginawa niya! Tatay ko siya dapat pinoprotektahan niya ako! Hindi ganito!

"Anak sorry na!" Sigaw ni papa. Hindi ako lumingon! Baka kasi may masabi ako kay papa na hindi maganda! Ayoko noon! Mahal ko pa rin siya at gusto kong hindi mawala ang respeto ko sa kanya.

"Parekoy!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ni Jerome. Napalingon ako at nanlaki ang mata ko nang makita ko si papa nakasalampak sa sahig!

Parang naging halimaw ang kaba ko at kinain ako dahil sa nakita ko!

Nataranta ako bigla.

"Pa!" Sigaw ko at tumakbo pabalik sa kanila. Karga-karga na siya ni Jerome! "Anong nangyari sa 'yo?!" Kinakabahang tanong ko.

Hindi siya sumagot!

Nakapikit ang mga mata niya!

Kinabahan agad ako!

"Jena! Buksan mo ang pintuan ng kotse na nasa likod ko!" Sabi ni Jerome. Napatingin ako sa kanya.

Huh?

"Buksan mo na dali! Kailangan nating dalhin sa hospital si parekoy!" Sigaw niya kaya ginawa ko ang pinapagawa niya!

"DOC, anong pong nangyari sa papa ko?" Tanong ko ng matapos siyang i-examine. Ang daming ginawa sa kanya. Tiningnan ang blood pressure niya, temperature at kung anu-ano pa! Nasa emergency room lang naman kami! Hindi ba ilalagay ang papa ko sa ICU?

"Anak ka ba niya?" Sabi ng doctor at tiningnan ako ulo hanggang paa.

"Opo." Sagot ko nang nasa mukha ko na ang paningin niya.

Nakita kong ngumiti siya sa akin. Anak ng! Kinilabutan ako!

"Tsk!" Rinig kong sabi ng lalaking katabi ko-si Jerome! "Doctor, tell us what happen to my friend! Huwag 'yung kung ano-ano ang ginagawa mo." Madiin na sabi ni Jerome!

Inis na lumingon ako sa kanya.

Siniko ko siya!

Bwisit walang modo!

Narinig kong tumawa ng mahina ang doctor sa sinabi niya.

"Okay, mister 'patient's friend'..." sabi naman ng doctor na para bang natutuwa na makitang naiirita ang mukha ni Jerome.

"Hey!" Palag ng isa!

"Jerome tumahimik ka!" Inis na sabat ko. Nabwibwisit na ako! Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko. "Doc, pwede ba sabihin niyo kung ano ang nangyari sa tatay ko! Huwag kayong mag-asaran ng lalaking to! Ihampas ko ulo niyong dalawa sa pader eh!" Banas na sabi ko.

Tumawa lang ang doctor.

"What a fiesty girl you have here, Jay-Jay?" Sabi niya sa akin sabay tingin kay Jerome.

Jay-Jay?

Palayaw ni Jerome?

"Tumahimik ka na nga, Enzo! Sabihin mo na kung anong nangyari kay parekoy!"

Confirm!

Magkilala ang dalawang to!

"Parekoy huh?" Nang-uuyam na tanong nito kay Jerome. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jerome. "Anyways, okay lang naman ang papa mo. Hindi naman siya malubha. Inatake lang siya ng high blood pressure niya."

Oh...

"Pero sana iwasan niyo na ma-stress siya. Kasi baka mas malala ang atake niya next time at malagay siya sa peligro." Kinabahan ako.

Hindi ko alam na may high blood si papa!

"May ireresita rin pala akong gamot para sa kanya. Ipapadala ko lang sa nurse mamaya..." sabi niya sa akin.

"Salamat po doc." sabi ko.

"Walang anuman. At pwede na kayong lumabas rito pagkagising ng tatay mo." Sabi ng doctor sa amin. Nakahinga ako ng maluwag doon.

Pero teka... tama!

'Yung bayad sa hospital! Kailangan ko pa lang umuwi, naiwan ko kasi yung card ko para sa philhealth!

"Pinapalayas mo ba kami sa hospital mo?" Tanong agad ni Jerome.

Asar!

Ito na naman siya!

Napatingin ako kay Jerome!

Itong lalaking 'to, lagi na lang naghahamon ng away!

"Come on, cous! Hindi no!" Sabi niya pero nakangiti kaya hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo o hindi 'yung doctor! "Baka kasi maging busy kayo sa kasal niyo at kailangan niyo ng tulong ng tatay ng girlfriend mo!" Sabi niya at tumawa ng mahina.

Nanlaki ang mata ko.

Cousin?!

Pinsan niya to?!

Atsaka...

Kalat na ang tsismis na 'yun sa pamilya niya?!

Tumingin sa akin yung doctor at kininditan ako. "Nice meeting you, Jay-jay's girlfriend." Masayang sabi niya sabay takbo palayo sa amin.

"Bwisit! Papatayin kita!" Inis na sigaw ni Jerome sa kanya.

Tumawa lang ang pinsan niya.

Naiwan kaming dalawa ni Jerome.

Ilang minuto ding tahimik ang paligid namin.

Dahan-dahang siyang tumingin sa akin. Magsasalita sa ako pero hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ahm..." nahihiyang sabi niya. Tinikom ko ang bibig ko at biglang naalala ang nangyari. Bwisit! May atraso pa pala sa akin ang lalaking 'to! Naikuyom ko ang kamay ko at bigla siyang sinutok sa tiyan.

"Jena!" Sigaw niya at napasapo sa tiyan niya.

"Para yan sa pagsisinungaling mo!"sigaw ko. Sinampal ko siya sa kaliwang pisngi. "'Yan sa pagiging duwag mo at dinamay mo pa talaga ako sa problema mo at..." hindi ko napigilan ang sarili ko na sipain ang kaibigan niya sa baba. Napaluhod siya dahil doon. Rinig ko ang singhapan ng mga taong nasa paligid namin.

"Jena..." namimilipit sa sakit na tawag niya sa pangalan ko.

"Nanggigil na talaga ako sa 'yo!" Inis na dugtong ko.

Tumayo ako sa harapan niya at pinameywangan siya. "Makinig ka sa akin.... Bantayan mo ang papa ko dahil uuwi muna ako at kukunin ko 'yung card ko naiintindihan mo?!" Sabi ko.

Kagat labi siyang tumango!

"Kapag bumalik ako at wala ka rito sa tabi ng tatay ko, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin, Naiintidihan mo?!" Sigaw na tanong ko sa kanya.

"Opo!" Sagot niya kahit na para ng nahihirapan siyang sumagot dahil sa sakit.

Good!

Tumango lang ako at umalis!

Nakita ko ang pagtingin ng mga staff sa hospital sa akin. May ibang mangha sa ginawa ko at ang iba ay parang galit sa akin... Lalo na 'yung mga babaeng nurse. Inirapan ko lang sila at naglakad.

Bahala sila sa buhay nila!

"MA'AM bayad na po talaga ang bill ng papa niyo..." sabi ng cashier sa akin.

"Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko!

"Opo." Sagot niya. Alam kong naiinis na ang babaeng to dahil sa maraming beses kong pagtanong sa kanya nun.

Impossible kasi ang sinasabi niya! Bayad na daw bill ng papa ko. Sino naman magbabayad?

"Pero miss impossible 'yang sinasabi mo hindi pa ako nakakapagbigay ng kahit na piso sa inyo..."

Huminga ng malalim ang cashier at tsinek ulit.

"Sabi po rito ma'am bayad na po raw ang bill ng papa niyo..." madiin na sabi niya. Naku! Naku! Huwag niya akong malditahan! Makikita niya ang hinahanap niya!

"Sino nagbayad?" Tanong ko. Impossible kasing ako! Kadarating ko lang naman!

"Si... Oh! Si sir jay-jay po!"

"Jay-jay?" Naguguluhang tanong ko. Isa lang naman ang kilala kong ganoon. "Si Jerome Jake Montecillo ang nagbayad?" Tanong ko.

"Ahm... parang ganoon po ma'am..." sabi niya.

Parang ganoon?

Ang gulo yata!

"Ganito po kasi ma'am.. Dahil po kay sir Jay-jay, cleared na po ang bill ng tatay niyo pero hindi po siya nagbigay ng pera, kasi po isa po sa may-ari ng hospital na 'to ang pamilya ni sir kaya libre po kayo. Ini-inform niya lang po ang head namin..." sabi niya.

Huh?

"Talaga?" Parang nabaliw ako sa narinig ko. Mayaman si totoy- I mean Jerome!

Teka...

Noong hinatid namin si papa sa hospital, kotse niya ang sinakyan namin. Mamahalin ang kotse na 'yun! Pinsan pa niya 'yung doctor kanina, 'tapos ngayon naman,  isa sa mga may-ari ng hospital ang pamilya niya.

"Opo." Nakangiting sagot niya.

Oh God!

Kaya ba ang sama ng tingin sa akin ng iba kanina doon sa emergency room?! Kasi ang isang tulad ko, binugbog ang amo nila! Naman oh!

Para akong zombie na naglalakad papunta sa kwartong sinabi sa akin noong nurse sa emergency room. Inilipat daw kasi ang tatay ko.

Nang nasa pintuan na ako ng kwartong 'yun, wala sa sariling binuksan ko 'yun. Nakita ko si papa at Jerome na masayang nag-uusap.

"Oh! Anak nandyan ka na pala!" Bati ni papa. "Magpasalamat ka kay parekoy! Sila pala ang may-ari ng hospital na to!" Proud na sabi ni papa sa akin.

Napatitig ako kay Jerome.

Bwisit!

Minaliit ko siya!

Tapos malalaman kong ang yaman-yaman pala ng lalaking to! Para lang kaming maid sa kanya.

Nakakahiya ako!

"Ahmmm... Thank you.... Jerome..." nahihiyang sabi ko.

Ano ba ang pwede kong gawin para naman mabayaran ang pangmamaliit ko sa kanya noon?

Teka.

Ngumiti lang si Jerome sa akin. Tsk!

"Walang anuman. Para naman kayong iba sa akin, Jena..." sabi niya.

Tama! 

'Yun ang dapat gawin ko para mabawasan naman ang pang-aapi ko sa kanya noon!

Pasasalamat na rin sa ginawa niya ngayon. Mahal pa naman ng hospital na 'to! Dito kadalasan nagpapa check-up ang mga artista at mga malalaking tao rito sa Pilipinas!

Pero... 

Lihim na napangiti ako sa sinabi niya kanina-kanina lang.

Hindi kami iba sa kanya?

Iba ka sa amin! Di ka ma-reach, Jerome! Sa edad mo tapos sa estado mo sa buhay! Hindi kita ma-reach!

Huminga na lang ako ng malalim.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

"Jerome pwede ba kitang makausap sa labas?" Tanong ko.

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Parang seryoso yata yan anak ha..." sabi ni papa. Ngumiti lang ako.

"Dito na lang pala tayo mag-uusap." Sabi ko. Gusto ko rin marinig ni papa ang sasabihin ko.

"Sige ba..." sabi ni Jerome. "Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya.

"Payag na ako." Seryosong sabi ko.

Nakita ko ang naguguluhang itsura nila.

Huminga ulit ako ng malalim.

"Payag na akong magpakasal sa 'yo." Sabi ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang rason ko pero parang ito ang sinisigaw ng puso ko na maging desisyon ko... Baka dahil dito, sa wakas ma-reach ko na rin siya! Mag meet kami half way! Napangiti na lang ako.

"Seryoso ka?" Sabay na tanong nila.

Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Gusto niyong bawiin ko?!" Inis na tanong ko.

KAHAPON lang nang pumayag ako sa kasal namin kuno ni Jerome tapos ngayon, ikakasal na kami.

Busy ang mga tao sa paligid ko!

Si papa busy sa pakikipag-usap sa mga kamag-anak ni Jerome. Si Jerome busy para sa kasal. Ako, busy ako sa pagtingin sa mga busy na tao sa paligid ko.

Huminga ako ng malalim at umupo sa kama. Kasal na namin ngayon.

Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero hindi na ako makaatras! Para 'to kay papa at Jerome! Ayaw ni papa na mawala ang kaibigan niya kaya ginagawa ko to! 

Nandito rin ang buong angkan ni Jerome at pag tumakas ako baka ipa shoot to kill kami ni papa!

Wala na talagang atrasan na to! Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko sa magandang gown na suot ko. Perfect lahat sa kasal ko, kaso hindi ko pa rin kayang maging masaya. Hindi ako mahal ng mapapangasawa ko!

Asar!

Bumaba na ako sa mansyon nila Jerome-Oo mansyon! Dito siya nakatira! At dito gaganapin ang kasal namin. Bali sa garden lang nila. Hindi naman kasi pucho-pucho ang garden nila Jerome! Ang gada rin! Judge ang magkakasal sa amin. Bumaba na ako.

Nakita kong sumigaw ang mga tao na nandito na raw ang bride. Huminga na lang ulit ako ng malalim. Naglakad na lang ako palapit kay Jerome na nasa tabi ng judge. Nakatingin siya sa akin na para bang ako lang ang nag-iisang babae sa lugar na 'yun at ang ganda-ganda ko. Hindi ko napigilang ngumiti.

Nang makalapit na ako sa kanya, inilahad ni Jerome ang kamay niya. Lumunok muna ako bago tanggapin 'yun. Ang lakas ng tibok ng puso ko ng naglakad kami palapit sa altar, sa harap ng judge. Nagsimula agad ang seremonya. Naramdaman kong hinigpitan ni Jerome ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko kaya para akong nahirapang huminga. Mas kinabahan pa yata ako sa paghawak niya sa kamay ko kaysa sa paglakad ko kanina eh! Napalunok ulit ako. 

Mauubusan yata ako ng laway!

"Okay ka lang ba? Parang hindi ka na humihinga?" Biglang bulong ni Jerome. Lumingon ako sa kanya.

"Okay lang." sagot ko kahit na tingin ko 'yun ang unang hinga ko pagkalipas ng ilang minuto. "Ba't ang daming tao?" Tanong ko na lang sa kanya.

"Para maging makakatotohanan." Sabi niya. Nakonsensya agad ako. Kasi pinapaniwala namin ang mga taong na nandito na mahal na mahal namin ang isa't isa kaya magpapakasal kami.

May usapan kasi kami na after six months magapapa-annul kami! Ipapalabas namin na nalaglag ang baby kaya yun...

Panay opo ang sagot naming dalawa sa mga tanong noong huwes. Nang matapos na ang seremonya ay biglang nag anusyo ang huwes na kasal na kami at sinabi ang sikat na linyang "You may kiss your bride..." kinabahan agad ako.

Bwisit!

Nakalimutan ko ang bagay na to!

Parang robot na humarap ako sa kay Jerome.

Oh my God!

Panay ang lunok ko ng iniangat niya ang belo ko.

Hindi siya ang first kiss ko. May nahalikan na rin ako pero 'yung pa twetums lang ang mga halik na 'yun! Walang seryoso! ! Lintek talaga! Sana pa twetums lang ang halik ni-

Hindi ko natapos ang iniisip ko ng bigla akong hinila palapit sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi.

Mariin.

Mapusok.

Pero gustong-gusto ko naman.

Napapikit ako at napahawak sa batok niya para mapadiin pa siya sa akin.

Natigil lang kami sa paghahalikan ng biglang sumigaw ang mga tao!

Nahihiyang naghiwalay kami.

Damn Jenarayan!

Ang landi mo!

Inakbayan ako ni Jerome. Sumiksik ako sa kanya at lihim na sumilip sa mukha niya. Nakita kong nakangiti siya na para bang ang saya-saya niya!

"Kaya pala nabuntis eh..." rinig kong sabi ng isa. Parang kumulo ang dugo ko dahil doon. Ano dahil malandi ako?!

Mukha niyo!

Hindi ako buntis at virgin pa ako!

"Oo nga. Patay na patay ba naman si Jay-jay sa kanya..."

Aw.....

Napangiti na lang ako.

Sana sinabi niyo 'yun first!

Magkakasundo tayo!

Kainan, kwentuhan at inuman ang naging sunod na nangyari. Ang dami naming regalong natanggap! Ginawa rin namin 'yung ginawa sa reception! Nagsubuan ng cake, nagsayawan at binato ko yung boquet. Nag enjoy talaga ako. Pero bwisit lang tong isa, halik ng halik sa akin! Sa labi pa talaga! Namimihasa! Hindi ko naman masiko kasi nakatingin lahat sa amin. Kaya hinahayaan ko lang!

Pero aaminin ko, gusto ko rin naman ang ginagawa niya!

"PA 'wag mo akong iwan...." pagmamakaawa kong sabi sa kanya nang magpaalam siya na uuwi na raw siya sa bahay namin.

"Baliw to oh!" Sabi niya. "Dito ka ka lang sa asawa mo!" Sabi niya.

"Pero..."

"Anak, kasal na kayo ni parekoy... Kaya dapat magsama na kayo..." malumanay na sabi niya.

Lintek!

Alam niyang hindi totoo to! At bakit pinapamigay niya ako?!

"Pero pa..." ungot na sabi ko.

Natatakot kasi ako!

Nakalimutan ko ang pinakaimportante sa lahat! Honeymoon namin! Gabi na kasi. Nakapagpalit na rin ako ng damit! Pinaakyat na kami sa kwarto ng pamilya ni Jerome kaso bumaba ako para sana sumama kay papa pauwi sa bahay namin pero ang tatay ko ayaw akong isama!

"Anak naman! Bumalik ka na roon sa asawa mo baka magtaka 'yung kasama niyo sa bahay. baka hinahanap ka na rin ni parekoy." Pagtataboy niya sa akin at sumakay na siya sa jeep niya. Pinaandar niya yun at iniwan ako.

"Pa!" Sigaw ko pero kinawayan niya lang ako! Asar!

Nanlulumong bumalik ako sa loob ng bahay. Ngiti lang ang sinasagot ko sa mga bumabati sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok ako sa kwarto.

Napatingin ako sa kwarto at napalunok.

Ito na...

Tonight is the night-Pero wala 'yun sa usapan!

No!

Never namin to pinag-usapan!

Huminga ako ng malalim!

Pumunta na ako sa kama at humiga! Kahit na anong gawin niyang pang-aakit hindi ako bibigay! Kapag pinagtangkaan niya ako sisigaw lang ako ng sobrang lakas at manlalaban ako! Tumagilid ako ng higa at pilit na natulog.... Narinig kong bumukas ang pinto hudyat na si Jerome yun! Hindi ko alam kung saan siya galing basta...

Biglang nagising ang dugo ko. Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok. May namumuo ring pawis sa noo ko.

"Jena..." tawag niya at naramdaman kong umupo siya sa may kama.

Umupo ako agad at hinarap siya. Napalunok ako ng makita kong naka white t shirt siya at naka short lang. Ang macho niya. Nakaligo na rin siya kaya ang bango-bango niya!

Napailing ako!

Huwag kang bumigay sa tukso!

"Hoy lalaki wala akong balak na makipagsiping sayo ha!" Deklara ko. Humiga ulit ako sa kama at tinaklubong ang kumot. Narinig ko naman siyang tumawa.

Naramdaman kong humiga na rin siya ng kama. "Goodnight wife..." sabi niya. Pinigilan ko ang sarili kong lumingon sa kanya. Pinikit ko ulit ang mata ko at pinilit na matulog....

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tilaok ng manok. Agad na napahawak sa katawan ko. Wala akong kakaibang nararamdaman. Tumayo ako baka nanakit yung nasa gitna ko kaso wala! Wala!

Walang nangyari!

Napahiga ulit ako sa kama. Napatingin ako sa kabilang side ng kama ko. Walang bakas na doon na natulog si Jerome. Napabangon ako.

Asan siya?

Bumangon ulit ako. Pumunta ako sa cr at nagpunas. Nagmumog na rin ako para hindi bad breathe. Nang matapos yun, sinuklay ko naman ang buhok ko gamit ang kamay ko. Lumabas ako sa cr. Nakita ko ang kabubuuan ng kwarto. Ngayon ko lang siya na-appreciate. Ang laki pala at sobrang ganda. Parang binibigyan niya ako ng vibes na 'mayaman ang may-ari' sa akin.

Napailing na lang ako.

Kahapon. Narealize ko na mayaman talaga si Jerome. Kaya pala tambay siya sa mga bar kasi may-ari siya ng bar! Graduate na rin pala siya ng HRM pero two years lang. Grabe! Nakakamangha ang asawa ko!

Speaking of him.

Lumabas na lang ako sa kwarto para hanapin siya. Nagapatingin-tingin pa ako sa paligid baka makita ko ang lola ni Jerome. Grabe maka-interogate ang isang 'yun! 'Yung tita niya naman, wala lang.

Nang ma-clear ang daan. Bumaba na ulit ako.

May dalawang palapag ang bahay nila Jerome nasa taas ang kwarto namin.

Bumaba ako at pumunta sa kusina...

May naamoy kasi akong mabango. Pagkain! Ang bango ng pagkain! Grabe!

Nagugutom ako!

Pagkadating ko sa kusina, nakita ko si Jerome na hinahanda ang mesa... napatitig ako sa kanya. Ang cool niya habang ginagawa 'yun! Para siyang 'yung mga sa palabas na hot husband na naghahanda ng pagkain. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang nakatitig sa kanya. 

Ladies and gentlemen, that's my husband. Tumingin siya sa akin kaya napatayo ako ng tuwid.

"Ah... Morning..." nakangiting bati ko.

Ngumiti rin siya.

"Morning!" Masayang bati niya. "Kanina ka pa?"

Mabilis na umiling ako.

"Hindi! Ngayon lang ako!" sagot ko agad. Ngumiti lang siya na para bang alam na nagsisinungaling ako. Aish! "A-ano bang niluluto mo?" Tanong ko sabay lapit sa kanya. Nakita ko ang masasarap na putahe na nasa hapag.

"Mga paborito mo..." sagot niya.

Napangiti ako at lumingon sa kanya. "Thank you." Sabi ko. Ngumiti lang siya.

"Upo ka na..." sabi niya at pinaghila niya ako ng upuan. Umupo naman ako. Wow. Gentleman!

Umupo naman siya sa kaharap kong upuan. Mahaba kasi ang lamesa nila. Feeling ko 15 ang kasya doon.

Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko kaya nahiya ako.

"Thank you..." sabi ko.

"Kumain ka na..." at 'yun ang ginawa ko. Nahiya pa ako dahil nakatingin siya sa akin habang sinusubo ang pagkain ko. 

"Kamusta?" Tanong niya.

"Ang sarap!" Sagot ko. Ngumiti siya. "Ikaw nagluto?" Tanong ko.

"Yes!" Proud na sagot niya. Ang yabang!

"Tsk! Ako magluluto mamaya ha!" Sabi ko sa kaniya.

"Uy.... Hindi magpapatalo ang asawa ko..." sabi niya sabay tawa.

"Shut up!" Inis na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain!

Nang malunok ko 'yun nagsalita ako.

"Bakit ang tahimik? Nasaan 'yung mga tao rito kagabi?" Tanong ko.

"Pinauwi ko na sila. Mag iingay lang sila dito sa bahay.... at hindi kita maso..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya at napatingin sa akin.

"Maso..." sabi ko para ituloy niya ang sasabihin niya.

Napakurap siya.

"Ah..." parang bigla siyang nahirapan sa sasabihin niya. "Wala! Naiirita lang talaga ako sa kanila!" Sabi niya sabay subo. Napatitig ako sa kanya. May nililihim sa akin ang lalaking 'to! Naramdaman niyang nakatitig siguro ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. "Kumain ka na...." sabi niya

"Okay..." sabi ko sabay kain. Ang weirdo!

"Yung mga gamit mo pala nasa kwarto na. Iniarrange ko na yung ibang damit mo sa closet." nabulunan ako sa sinabi niya. Napainom ako ng tubig. Mabilis na lumapit siya sa akin at hinaplos niya ang likod ko. Napaubo ako pero nang kumalma ako, tumingin ako sa kanya.

Ini-arrange niya ang damit ko... Kung ganoon...

"Pati panty ko?!" Tanong ko sa kanya.

Napatigil siya sa paghaplos at napatingin sa akin. Nakita ko siyang napalunok.

"N-no! H-hindi no!" Agad na sabi niya. "Oo! Nakita ko sa maleta mo yun pero, promise di ko ginalaw!" Sabi niya.

Namula ako sa sinabi niya

"T-talaga?"

"Talagang-talaga!" Sagot niya.

Okay!

Napatango na lang ako.

Nakakahiya naman kong siya ang gagawa noon para sa akin! Aish!

'MS. Reyes. Please go to Supervisor's office before your shift today.'

Naguguluhan ako sa text ng team leader ko sa akin.

Okay.

Napatingin ako sa orasan. Alas kwatro pa lang kasi ng hapon.. Ang aga yata ng text niya. Ngayon na lang kaya ako pumunta. May three hours pa bago ang shift ko eh. 

"Jerome..." tawag ko sa kanya.

"Hmmm..." sabi niya tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Inaarangge kasi niya ang gamit namin sa closet.

"Pupunta muna ako sa work ko..." paalam ko at tumayo na ako para magpalit ng damit at maghanda na para sa trabaho.

"Hatid na kita." Sabi niya. Nagtaka naman ako dahil hindi siya nagtanong kung bakit ang aga kong pumunta sa work.

Siguro wala siyang pakialam...

"Okay..." sagot ko. Nagpalit na lang ako ng damit. Naligo na kasi ako kanina. Hindi ko alam. Parang naging conscious ako sa katawan ko. Dapat palagi akong malinis at mabango pag nandito si Jerome.

Dalawang araw na kaming mag-asawa! At madami akong nalaman sa kanya. Hindi siya certified tambay!

May trabaho siya-May negosyo siya to be exact! Yung bar na laging pinupuntahan ni papa sa kanya yun! Kaya naman pala!

Hindi rin masamang asawa si Jerome! Napakamaasikaso at malambing niya. Yun nga lang binibwisit ko siya! Ang cute niya kasi kapag galit!

Wala kaming ibang ginawa kahapon kundi magbukas ng regalo! Grabe ang dami! Hindi pa nangangahalati ang nabuksan naming regalo eh!

Tapos kahapon nalaman ko, ang mansyon na to ang magiging bahay namin!

Grabe!

Naalala ko ang mukha ni Jerome kahapon. Kasi inasar-asar ko siya!

Wala lang! Gusto ko lang!

Wala kasi akong magawang matino kahapon eh! Naiiling ako sa ginawa ko. Hindi naman pala masama ang naging desisyon ko eh!

"UMUWI ka ng maaga." Sabi niya sa akin pagkababa na pagkababa ko sa kotse. Pinagbuksan niya kasi ako ng pintuan!

Napakunot ang noo ko para kasing minamandohan niya ako sa dapat gagawin ko. Atsaka hindi niya ba ako susunduin?! Walang modong asawa!

"Baliw ka ba?" Inis na tanong ko. "Kahit gusto kong maagang umuwi hindi pwede. Tandaan mo ilang araw akong absent kaya dapat husayan ko sa trabaho ko..." inis na sabi ko sa kanya. Hindi mo kasi akong katulad mong milyonaryo! Gusto ko sanang idugtong pero tinikom ko na lang ang bibig ko.

Ngumisi lang siya sa akin.

"Okay... Sabi mo eh..." Sabi niya. Nagulat ako roon. Wala siyang isasagot sa sinabi ko? Nakakapanibago!

"Pupuntahan ko si parekoy kaya hindi kita masusundo." sabi niya.

"Isasama mo ba si papa sa bahay natin?" Shit!

Gusto kong sapakin ang bibig ko. Bahay natin? Feel na feel din ni ate ang kasal nila ni totoy! Asar naman oh!

"Kung sasama siya..." sabi niya. Tumango lang ako.

"Sige-sige, aalis na ako..." paalam ko...

"Ingat." Sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad. Simpleng salita lang yun pero bakit ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Shit! Napailing na lang ako at nagmamadaling pumunta sa building! Kailangan ko pang pumunta sa supervisor ko!

"HI! Miss Reyes." Bati ng supervisor namin sa akin. Nasa loob kami ng office niya at nandito rin ang team leader ko.

Napalunok ako.

Nakaramdam agad ako na patay ako. May ginawa yata akong mali!

"Pinakinggan ko lahat ng calls mo, okay naman lahat kaso bakit hindi ka nag-o-offer ng survey tapos hindi ka nag no-notes sa transaction mo?" Tanong niya.

Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Lagot talaga ako!

"Kasi ma'am... Nakakalimutan ko po..." sabi ko.

"Nakalimutan mo ng napakaraming beses?"

Hindi ako nakasagot. Lagot talaga!

"Alam mo ba nadisappoint ako Jena sa mga nalaman ko sa 'yo. Naging top performer ka ng maraming beses tapos ganito..." may bahid ng inis ang boses ni ma'am. Patay talaga ako!

"Ma'am... Sorry..." Tumingin rin ako sa team leader ko at humingi ng sorry. Pero tinitigan lang niya ako. Tsk! Nakalimutan ko gusto pala nito na mapalayas ako. Mainit kasi dugo niya sa akin! Ewan ko sa kanya!

"Alam mo bang may nag president escalation sa iyo..." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig!

Te-teka!

Diba 'yung presidential escalation 'yung customer ko, nagsumbong mismo sa may-ari ng flowerpot?!

P-patay!

"Ma'am?" Tanong ko.

"Sabi ng customer. Rude ka raw kaya gusto niyang sumagot sa survey para bigyan ka ng singko pero hindi mo inoffer sa kanya 'yung survey kaya nagsulat na lang siya ng letter sa may-ari ng flowerpot!"

Jusko!

Gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon! Hindi pwede to! Hindi ko alam ang sasabihin ko!

Lagot ako!

Lagot ako!

"Miss Reyes..." sabi ni ma'am. "Kayo na muna mag-usap ng team leader niyo. Faye ..." tawag niya sa team leader ko. Iniwan kaming dalawa ng team leader ko ng supervisor namin.

"So anong mangyayari sa akin Faye?" Tanong ko sa kanya.

"Kung makapal ang mukha mo, mag tatrabaho ka pa rin pero kung hindi naman mag resign ka..." sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano?" Gulat na tanong ko. Ang babaeng to!

"Feelingera ka kasi! Porket cum laude ka, ganyan ka! Yan tuloy!" Sabi niya. Hindi ako makapaiwala sa sinasabi niya. Team leader ba talaga siya? Bakit ganito siya? Imbes na pagsabihan niya ako sa dapat na ginawa ko para magawa ko ng tama ang trabaho ko sa susunod o di kaya tulungan ako, gusto niya na lang na umalis ako?! Baliw ba siya?!

"Anong problema mo sa akin?" Tanong ko. Oo sa akin talaga siya may problema, hindi sa trabaho ko!

"Wala!" Nakangising sabi niya. "Kasi ipasisisante kita!" Sabi niya. "Kaya kunin mo na yung gamit mo sa locker mo!" Nagulat ako sa sinabi niya.

"You..."

Ngumisi lang siya. Naikuyom ko ang kamay ko at hindi napigilan ang sarili kong sampalin siya!

"Aalis ako hindi dahil sa sinesanti mo ako! Kundi aalis ako kasi hindi na ako makatagal sa ugali mo! I quit!" Sabi ko sabay alis sa kanya. Nagmamdaling umalis ako.

Bwisit siya!

Walang kwentang team leader!

Ano bang ginawa ko sa babaeng 'yun?! Bakit napakasama niya sa akin?!

Pumunta akong locker at kinuha 'yung gamit ko. Bwisit! Pinigilan kong umiyak. Tatlong taon rin ako rito tapos.... Alam kong mali ako. Pero hindi ba nila ako bibigyan ng second chance. Si Popoy nga binigyan ni Basya ng second chance kaya tuloy may another movie sila. Ako pa kaya? Nakakainis!

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Asar!

Inis na sinagot ko ang phone ko.

"Ano?!" Sigaw na tanong ko. Baka si Jerome na naman 'to! Alam kong mali na siya ang pagbuntongan ng galit ko pero basta, bahala siya! Tumawag-tawag pa kasi!

"Ah girl, si Alma to..." napatigil ako.

Aish!

"Ah sorry Alma..." hinging patawad ko.

"Okay lang... Grabe nakakatakot ka palang magalit girl..." sabi niya at tumawa pa talaga. "Anyways, wag mong kalimutan party natin mamaya! 7 pm pala ang end of shift namin! Ikaw ba?"

"Nag resign ako girl." Walang ka emosyong-emosyon na sabi niya.

Hindi agad siya nakapagsalita sa sagot ko.

"Oh...." sabi niya."Edi makakasama ka talaga mamaya eh!" Masayang sabi niya bigla.

Eh?

Hindi ba ako i-ko-comfort ng babaeng 'to?

Hindi niya ba narinig ang sinabi ko?!

Party lang ba talaga ang iniisip niya?!

Bwisit!

"Oo..." sagot ko na lang sa kanya.  Magwawala ako!

"Yehey!" Masayang sigaw niya. "Text na lang kita kung saan tayo magkikita ha! Hindi pa kasi finalize 'yung venue! Alam mo na kapag maayos ang plano 'yun pa ang hindi natutuloy! At yung pina-abrupt na lakad, yun pa ang natutuloy!" Masayang sabi niya.

"Oh..." sabi ko na lang. Walanghiya ka pa rin!

"Sige babush na! Magtatrabaho pa ako!" Sabi niya. Napasandal ako sa dingding! Sino ba ang kinakaibigan ko?!

"FRIEND pakilala kita sa ka-team ko sina Ivo, Susan, Glenn, Mark..." pinakilala niya sa akin 'yung kasama niya. Hindi ko na matandaan ang ibang pangalan. Nandito na kami sa bar. Ito na kasi ang night out namin. Nagpapasalamat talaga ako na sumama ako. Kasi gusto kong maglabas ng sama ng loob sa mundo ngayon! Nagpakasal ako sa lalaking hindi naman ako mahal! Tapos nasisante pa ako mali! Nag resign pala ako sa trabaho! Galing! "At ito pala si Alden..." sabi niya at lumapit siya sa akin tapos bumulong. "Type ka niyan girl. Lagi siyang nagtatanong sa akin tungkol sa 'yo..." sabi niya at humagikhik pa talaga sa dulo. Nailayo ko ang mukha ko sa kanya.

Hindi naniniwalang tumingin ako sa kanya.

"Weh?" sabi ko sabay tingin kay Alden. Cute si Alden pero sorry na lang siya may asawa na ako eh!

Mas cute 'yun!

"Oo nga!" sabi niya. "And guys, this is my friend, Jenarayan Reyes. Twenty-three and very much single!" napaubo ako sa huling sinabi niya. Ano bang pinagsasabi-Ah shit hindi niya pala alam! Bukod sa amin tatlo nila tatay, Jerome at 'yung mga bisita namin sa kasal, wala ng ibang nakakaalam na kasal na ako!

Dapat i-correct ko siya!

"Ahhh... Alma..."

"Party time guys!" sigaw ni Alma at pumunta na siyang dance floor! Lintek na babaeng 'yun!

Napalingon ako sa kaibigan niya.

"Hi guys..." bati ko na lang sa kanila. "I'm Jenarayan." pakilala ko ulit. Napatingin ako kay Alden. Nakatitig kasi siya ng malagkit sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at uminom ng juice!

Gago!

Huwag kang magpa-cute!

May asawa na ako!

Napatigil ako sa pag-inom ng juice nang may naglapag ng isang bucket ng beer. Mabilis na kumuha ako ng isang bote at uminom!

Kailangan ko 'to!

"Tara dancefloor na tayo!" sigaw nung kasama namin sa mesa! Nagsitayuan sila kaya nakahinga ako ng maluwag. Atleast pwede akong maglasing dito. Uuwi rin agad ako dahil baka hanapin ako ng 'asawa ko'. Nag text naman din ako kay Jerome. Sabi ko lalabas lang kami ng kaibigan ko saglit! Hindi ko alam ang reply niya dahil sending pa lang ang message, binalik ko na siya sa bag ko.

Napatingin ako sa mesa namin para kumuha sana ng pulutan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Alden.

Hindi pala siya sumama?

Napatingin ako sa katabing upuan niya. Walang nakaupo at sa akin din. So kami lang dalawa?

Anak ng!

Baka ma-issue kami!

Tumingin siya sa akin kaya napangiti na lang ako.

"Jenarayan, right?" salita ni Alden.

Huh?

Nagulat ako doon. Akala ko ba crush ako ng isang 'to? Bakit hindi niya alam ang pangalan ko? Style niya lang ba 'to?!

Tumango na lang ako.

"Ang unique ng name mo.." nakangiting sabi niya.

"Yeah! Never akong mahi-hit sa NBI!" sabi ko at tumawa kaming pareho.

"Good for you." nakangiting sabi niya.

"Bakit pala hindi ka sumama sa kaibigan mo?" tanong ko. I tried myself na hindi tunog pinapaalis ko siya. Hindi ako komportable sa kanya!

"Pinapalayas mo ba ako?" nagbibirong tanong niya. Kinabahan naman ako. Ano 'to joke are half meant to be ba ang peg niya?

"Hindi naman. Nagulat lang." sabi ko.

"Eh, ikaw bakit hindi ka sumama?" siya naman ang nagtanong.

"Nah! Gusto ko lang magpalasing sa gabing 'to. Bwisit kasi 'yung team leader namin!" sabi ko at uminom ulit ng isang redhorse.

"Narinig ko ang nangyari..." sabi niya. "So nag resign ka?" Technically yes pero alam ko naman na simula pa lang ayaw niya na sa akin ng team leader namin at hinihintay lang niya ang chance na 'to para mapatalsik ako... Huminga na lang ako ng malalim at tumango.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Nagkwentuhan kami ni Alden sa napakaraming bagay. Okay naman siyang kausap. Palabiro siya kaya palagi lang akong tumatawa! "Sayaw tayo!" yaya niya bigla. Inilahad niya pa ang kamay niya. Napatingin ako sa kamay niya. Biglang naging fifteen ang limang daliri niya sa kamay sa mga mata ko. Shit!

Lasing na yata ako!

Alam kong lasing na ako pero imbes na umalis at umuwi dahil baka magkaproblema pa ako...

"Siga ba!" at iniabot ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Lasing talaga ako! Ano bang ginagawa ko?!

Pumunta kami sa dancefloor!

Pumwesto si Alden sa likuran ko. Tumalikod naman ako sa kanya at nagsimula ng sumayaw. Bigay na bigay ako sa mga kembot ko. Hindi ko namalayan na pinagdikit niya ang katawan namin at sumayaw na rin siya sa likuran ko. Oh, he's not a bad dancer! Ilang minuto rin kaming nagsasayaw ng bigla niyang hinawakan ang bewang ko.

"Ang hot mo..." bulong niya. Lumingon ako.

"I know right!" malanding sabi ko. Tumawa lang siya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Alam ko kasing may sasabihin siya. Baka i-compliment niya ulit ako!

"Wanna go somewhere?" Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Ew! Aalisin ko na sana 'yung kamay niya sa bewang ko kaso nawalan ako ng lakas at napahawak sa kamay niya imbes na alisin 'yun. "'Yung tayong dala-" hindi na natapos ni Alden ang sasabihin niya nang may biglang humablot sa kanya at sinuntok siya ng sobrang lakas kaya tumilapon siya!

"Ald--

"Gago ka!" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses 'yun. Parang nawalan ng kulay ang mukha ko. Nang lumingon ako ay nakita ko ang nagpupuyos sa galit na si Jerome!

"Jerome!" kinakabahang tawag ko sa pangalan niya. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Gusto kong tumakbo playo sa kanya pero alam kong mas lalo lang siyang magagalit sa gagawin ko.

Marahas na hinawakan niya ang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Jenarayan?!" galit na tanong niya.

"A..ano kasi-" hindi ko napigilan ang mapaiyak. "Sorry, Jerome. Sorry. Hindi ko sinasadya." umiiyak sabi ko. "Ang gusto ko lang naman ay magliwaliw ngayong gabi dahil nag resign ako sa trabaho pero hindi ko aakalain na aabot sa ganito!" paliwanag ko. Itutulak ko naman si Alden eh kaso nawalan ako ng lakas! Hindi ko nasabi yun dahil nataranta na ako at ayokong mas magalit pa siya! Kasalanan ko talaga to eh! Bwisit! Dapat umuwi na lang ako eh! "Sorry na!" umiiyak na sabi niya.

"Uuwi na tayo! Mag-uusap tayo ng masinsinan sa bahay!" ma-owtoridad na sabi niya.

Tumango lang ako! Hinila niya ako paalis nang biglang magsalita si Alden.

"Hoy, pare saan mo dadalhin ang girlfriend ko?!" sigaw ni Alden.

Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya. Ano ang pinagsasabi ng lalaking 'to!? Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Jerome at narinig ko ang napakaraming mura sa bibig niya.

Lagot!

"Girlfriend?" Puno ng galit na sabi niya. Napalunok ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Jerome, hindi totoo ang pinagsasabi-" binitawan ni Jerome ang kamay ko at pumunta kay Alden! Sinutok niya ito sa mukha.

"Gago ka!" sigaw ni Jerome! "Anong girlfriend?! Asawa ko ang babaeng 'to!" sigaw niya at pinagsisipa si Alden.

"Jerome..." may lumapit sa kanyang bouncer at pinigilan siya. Lumapit na rin ako.

"Gago ka! Gago ka! Gago ka!" sigaw niya habang pumipiglas sa mga bouncer ng bar. Yinakap ko siya galing sa likod.

"Jerome, tama na. Umuwi na lang tayo please." pagmamakaawa ko. Baka mapatay niya pa si Alden! Hindi ako concern sa lalaking 'yun. Ayoko ko lang talagang mapasama si Jerome. Tumigil naman siya sa pagmumura at ramdam ko ang malalim na paghinga niya.

"Tara umuwi na tayo!" sabi niya at hinawakan ako. Hinila niya ulit ako palabas. "Madami kang dapat ipaliwanag sa bahay Jenarayan!" Tumango lang ako. Nag nasa may pintuan na kami ng bar sumigaw si Alden.

"May asawa ka na?!" hindi makapaniwalang tanong ni Alden. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Hindi na ako lumingon dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga ekspresyon na makikita ko sa mga taong nandoon.

"Huwag mo na siyang pansinin." madiin na sabi ni Jerome at inakbayan niya ako habang palabas kami ng bar.

"DAMN it!" Sigaw ni Jerome nang makapasok kami sa kotse niya. Takot na takot ako sa kanya. Kasi ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit! At sa akin pa siya galit!

"J..Jerome.." tawag ko sa kanya.

"Bakit ka nakikipagsayawan sa lalaking 'yun?!" Sigaw na tanong niya.

"Jerome... Sorry talaga..." umiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam talaga eh. Hindi ko alam kong anong napasok sa utak ko at nakipagsayawan ako sa lalaking 'yun!

Lasing na siguro talaga ako! Pero hindi ko naman pwede sabihin ko yun kay Jerome dahil baka magwala lang siya!

"Shit!" Sabi niya. "Ilang nainom mo Jenarayan?!" Sigaw na tanong niya! Napatalon ako sa inuupuan ko.

"L-limang bote lang Jerome!" Natatarantang sagot ko. Naamoy niya ba ako?

"That's it! Hindi ka na kailanman iinom na hindi mo ako kasama! Kasi kapag nakainom ka kung anu-ano ang pinagagawa mo! Tapos hindi mo maalala ang nagawa mo kinabukasan!" Sabi niya.

Huh?

Napatitig ako sa kanya.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko. Kaibigan ko lang ang may alam ng bagay na 'yun ha! Hindi nga alam ng papa ko na umiinom ako!

"Yeah?!" Tumawa siya ng pauyam. "So tama talaga ako?" Tanong niya.

Napatitig ako sa kanya.

"Fine! Sasabihin ko sa 'yo!" Sabi niya at umarap sa akin. "Hindi yung pumunta ako sa bahay niyo bilang kaibigan ng tatay mo tayo unang nagkita! Nakita kita sa bar ng kaibigan ko. Kasama mo ang mga katrabaho mo! You were so beautiful at that night! Buong gabi lang ako nakakatitig sa yo! Habang ikaw inom ng inom at masayang nakikipagkwentuhan sa katrabaho mo!" Sabi niya. "Nang pumunta ka sa dancefloor, sinundan kita at damn... Yung ginagawa mo sa lalaking 'yun kanina, ginawa mo rin sa akin noon but never akong nag attempt na halikan ka kasi nirerespeto kita! Gusto ko lang makuha ang number mo para maaya kita sa isang matinong date!" Sigaw niya. Nakita kong namula ang pisngi niya.

Teka...

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok nito!

"Kaso hindi mo nabigay ang number mo kasi nakalimutan mo 'to at hindi ka na bumalik nang nagpaalam kang iihi ka lang! Gabi-gabi ako sa bar ng kaibigan ko para makita kita pero hindi kita nakita! Hindi ka na bumalik. Kaya ang ginawa ko, hiningi ko ang cctv footage ng bar ng gabing yun at pagkatapos prinint ko ang mukha mo gamit noon para mapahanap ka..."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya...

"Nahanap kita pero hindi ko alam ang sasabihin ko at gagawin ko. Kasi baka matakot ka lang dahil para akong baliw na bigla na lang susulpot sa buhay mo kaya ang ginawa ko... Kinaibigan ko muna ang tatay mo..." nakita ko siyang ngumiti.

"Oo! Patay na patay na ako sa yo, Jenarayan Reyes noon pa!" Sabi niya.

Punung-puno ng emosyon ang mga mata niya.

Napalunok ako! Ito na ba ang moment na sasabihin ko na ang haba ng hair ko!?

"Kaso ikaw, parang kapatid lang ang turing mo sa akin. Ang manhid mo rin eh! Oo mas matanda ka pero, sinabi at pinaramdam ko naman sa yo simula pa lang na wala akong planong maging kapatid mo gusto kong maging boyfriend mo! At kapag sinuswerte ka naman, naging asawa pa kita.." sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

Totoo ba 'to?

"Pero kahit anong gawin ko, hindi mo ako mamahalin kasi bata lang ang tingin mo sa akin..." malungkot na sabi niya.

"No..." sabi ko bigla. Humarap ako sa kanya ng mabuti. Manghang tumingin siya sa akin.

"Anong sabi mo?" Parang nabuhayan siya sa sinabi ko. "Jerome, mali ka ng iniisip! Mahal kita." Sabi ko. Hindi ko alam dahil ba sa nakainom ako kaya ang lakas ng loob kong sabihin sa kanya 'to!

"Mahal kita!" sigaw ko ulit sa kanya. Natulala siya sa sinigaw ko. "Oo inaamin ko hindi ko naaalala yung unang beses tayong nagkita! Pero noong unang pumunta ka sa bahay namin, nagkagusto agad ako sa yo. Sino bang hindi? Ang gwapo-gwapo mo, ang macho mo tapos ang bango-bango mo pa kaso noong sinabihan ako ni papa na 'wag akong magkagusto sa yo dahil mas bata ka pa sa akin, pinigilan ko ang sarili ko! Kasi baka magkasala pa ako sa yo!" Sabi ko. May tumulo pang luha sa mga mata ko. Hindi dahil sa malungkot ako kundi sobrang dami ng emosyong nararamdaman ko sa loob ko at parang ....hindi ko alam! Basta tumulo na lang 'yung luha ko!

Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Damn! Ang saya-saya ko!" Sabi niya at bigla siyang lumayo sa akin at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako. Pero mamaya lang ay napapikit ako.

Ang sarap sa pakiramdam ng halik niya!

May nararamdaman ako sa tiyan ko. Parang nagkagulo ang bulate doon!

Siguro nga tama yung nababasa ko sa pocketbook noon. Kung hindi mo kayang i-express sa pasalita ang nararamdaman mo sa taong mahal mo, tiyak sa halik, doon maipaparamdam mo ang gusto niyong iparating!

Biglang gumalaw ang labi niya.

"Baby part your lips..." malambing na anas niya. Ginawa ko naman 'yun sinabi niya. Parang may mahika lahat ng sinasabi niya kaya sinusunod ko agad!

Boltaheng-boltaheng kuryente ang naramdaman ko ng ginalugad ng dila niya ang loob ng bibig ko. Damn!

Namungay ang mga mata ko at napapikit.

Parang nahihilo ako at nanghihina...

Alam kong nakainom ako pero bakit ganoon...

Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya... Naging malikot na rin ang mga kamay niya. Yung kamay na nakahawak sa batok ko, bumaba na para bang hinahaplos ang likod ko.

Napahawak ako sa balikat ni Jerome ng pinasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko.

Hinawakan niya ang katawan ko. Gosh!! Hiningal ako bigla. Nakagat ko ang labi ko ng humaplos ang kamay niya pataas patungo sa dibdib ko.

"Ah!" Malanding daing ko. "Jerome..." sabi ko sabay hawak sa kamay niya at pinigilan yun.

Nailayo ko din ang bibig ko sa kanya. Narinig ko siyang umungol na para bang hindi nagustuhan ang ginawa ko...

"Baby..." tawag niya sa akin. Gusto kong mapalatak dahil yung boses niya.... nakaka turn-on! Aish! Ang init-init na talaga!

Hinawakan niya ulit ang batok ko at hinalikan ulit ako.... Pinatakan niya ng isang halik ang labi ko tapos hinalik-halikan ang mukha ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

Oh damn it!

Napasabunot ako sa buhok niya...

"Jerome..." tawag ko sa kanya.

"Yes baby..." malambing na sagot niya.

Aish!

Napaawang ang bibig ko habang nakapikit. Hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya ang ginagawa niya! Mahal ko siya!

"I love you..." mahinang saad ko.

Mahal na mahal ko siya!

Narinig ko siyang nagmura and damn! Ang sexy sa pandinig! Mas lalong nag-init ako!

"Mahal na mahal rin kita baby..." sabi niya at hinalikan niya ulit ako sa labi ko.

Nakipagsabayan na ako sa kanya sa paghalik... Ginaya ko lang ang mga galaw niya! Nagpalitan kami ng maiinit at mapusok na halik!

My God!

Ang init ng palad niya, ang sarap pa ng halik niya!

Bumaba ulit ang kamay niya... Ngayon... Pababa ito sa pantalon ko....

Bigla akong napaso ng hinawakan niya ang gitna ko at pinisil 'yun kahit nakasuot pa ako ng pantalon! Naitulak ko siya.

Nagulat ako sa ginawa niya. Ganoon rin siya, nagulat sa ginawa ko.

"What's wrong?" Tanong niya.

Shucks!

Tinatanong niya pa talaga?!

Dito ba talaga namin gagawin ang bagay na 'yun?!

Damn it!

First time ko 'to! Dapat romantic!

"'Wag dito, Jerome..." sabi ko. Shucks! Hindi ko makilala ang boses ko.

Nakita ko siyang naguluhan sa sinabi ko...

Pero mamaya parang na-gets rin niya ang sinasabi ko...

"Ah..." sabi niya tapos ngumiti sa akin.

Nag-init ang pisngi ko dahil doon.

"Ang bilis ko yata..." namimilyong sabi niya. Inirapan ko lang siya. "Ipagpatuloy na lang natin 'to sa bahay natin..." pilyong sabi niya at kinindatan pa talaga niya ako.

Parang umusok ang ulo ko dahil parang doon lumabas ang sobrang init na nararamdaman ko sa may pisngi ko.

"Jerome ha!" Sabi ko para sana awatin siya pero 'yung boses ko, babaeng-babae! Naku naman! Nakakahiya! Tumawa lang siya.

"I love you..." sabi niya. Parang gusto kong kumembot-kembot sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya.

"I love you too..." mahinang sagot ko.

"Damn!" Mura niya. "Ang saya ko! Sa wakas mahal rin ako ng babaeng mahal ko!" Sabi niya. Napangiti ako. "Si parekoy pala ang dahilan kaya pinipigilan mo ang nararamdaman mo. Humanda siya sa akin hindi ko na siya ipapasyal sa bar ko!" Sabi niya.

Hindi ko napigilan na kurutin siya.

"Parekoy ka dyan..." sabi ko sabay sandal sa balikat niya. "Tatay mo rin siya kaya tawagin mo siyang papa..." sabi ko.

Tumawa lang siya.

"Nga naman!" Sabi niya sabay halik sa ulo ko at pinaandar niya ang kotse niya.

Napangiti ako. Hindi ko aakalain na mangyayari to. Matagal ko ring tiniis ang nararamdaman ko sa kanya. Laging tinatatak ko sa utak ko na hindi pwede 'yung nararamdaman ko dahil mas bata siya sa akin! At tingin ko wala rin naman siyang feelings sa akin...

Pero ngayon alam ko na pareho kami ng nararamdaman. At kahit hindi man typical ang pagkakasal namin, magiging mabuting asawa at ina ako sa magiging anak namin. Hindi dahil kasal na kami at wala na akong magagwa kundi dahil mahal na mahal ko siya.

Mahal ko ang totoy na parekoy ng tatay ko!

------

avataravatar
Next chapter