1 T

CD13:T

Dalawang taon na nakaraan.

Umalingawngaw ang ingay sa paligid tanda ng pagdating ng tren sakay ang mga estudyante na papasok sa kani-kanilang unibersidad.

Sa pagtigil ng tren sa estasyon, bumaba ang isang dalagang nakasalamin na may dalang isang malaking libro. Bago pa man siya umalis ng estasyon ay tinignan nya ang numero ng bagon kung saan siya nakasakay kanina. Napangiti naman ito saka umalis sa estasyon.

Katulad nang nakagawian nya noong nakaraang taon, agad syang pumasok sa loob ng unibersidad na pinapasukan nya at pumunta sa laging pinag-aantayan ng mga kaibigan nya. Ngunit, nawala ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita niyang unti nalang silang magkaklase.

"Hi, Ella." Bati sa kanya ng isa kaklase niya. Nginitian niya nalang ito ng pilit.

"Ella, bakit ngayon ka lang? Naiwan ka nanaman ba ng tren?" Biglang sulpot ng isa pa niyang kaklase.

"Wala, eh. Tanghali na ako nagising." Sabi nito sabay kibit balikat.

"Ahm.. Ella, nagawa niyo ba yung kwestyuner niyo para sa kwis natin, kami lang pala, mamaya?" Sabi naman ng sekretarya ng buong klase nila at tumango sya bilang sagot dito.

"Bigay mo nalang kay sir, mamaya." Muling sabi ng sekretarya ng buong klase at muling tumango si Ella.

Naupo naman si Ella sa mahabang upuan sa parke ng unibersidad. Pumikit siya at pinakiramdaman ang hangin na dumadampi sa kanyang balat. Hanggang ngayon ay hindi parin niya maiwasan malungkot sa nangyari seksyon nila-- hindi, sa kanila lang pala.

Tatlong Linggo na ang nakakalipas nang magsimula ang pasukan, hindi pa rin siya sanay na hindi na sila kompletong magkakaibigan.

Nagkaroon kasi re-sectioning na kung saan sa isang silid-aralan ay ang kapasidad lamang ng estudyante ay limangpu at noong unang taon niya sa kolehiyo ay umabot sila sa mahigit na pitongpu. Sa kaso nila ay naka-alpabeto ang ginawa, at ang kanyang apelyido ay Santiago kaya wala talaga syang magagawa kundi tanggapin iyon.

Sa kanilang magkakabarkada ay dalawa lang silang napahiwalay. Pero, kahit ganoon ay masaya parin naman siya dahil paminsan-minsan ay nagkikita parin naman silang magkakabarkada. At, masaya parin siya dahil hindi naman silang dalawa lang ang napahiwalay, may iba din silang kasama na kaklase, na kaklase din nila ngayon.

"Okay ka lang ba? Hindi mo parin ba tanggap na napahiwalay tayo sa kanila?" Halos mahulog siya sa kinakauupuan niya sa gulat. Hindi niya akalain na ang kaibigan niya'y nasa tabi niya na pala.

"Nakakagulat ka naman, Arjay." Napatawa naman si Arjay sa reaksyon ni Ella.

"Sige, ipagpatuloy yang pagtawa mo. Itong kamao ko ang tatama sayo." Bigla namang napatigil si Arjay sa pagtawa.

"Kaya wala nangliligaw sayo, masyado kang brutal." Pang-aasar ni Arjay sa kanya.

"Aba't--"

"Tara na. Mag-uumpisa na ang klase natin. Nauna na silang umakyat." Biglang sulpot ng kanilang arnis-- este payat nilang kaklase.

"Sabihin mo, huwag muna silang maunang umakyat. Bata pala sila."

"Corny mo, bes." Sabi ni Ella at naunang umalis. Sumunod naman ang dalawa.

-----

"Mag-ku-kwis din ba ako, kami?" Bungad na tanong ng payat nilang kaibigan.

"Hindi siguro, Ren. Kasama ka naman sa mga reporter." Sabat naman ni Arjay.

"Hindi ako sigurado. Kasama nga kayo sa reporter, hindi pa naman kayo nagrereport. Magreview nalang din kayo, para sigurado kayo." Sabi naman ni Ella dito.

Nanlumo at nangamote naman si Ren nang biglang dumating ang kanilang guro. Bubuklatin palang niya ang kwaderno niya para magreview ngunit dumating na ang guro nila.

Agad namang tumayo ang sekretarya ng buong klase para puntahan ang kanilang guro at kausapin ito.

"Sir, may nagpapa-excuse po sanang kaklase namin. May laro po kasi sila ngayon--"

"Anong klaseng laro yan, Iha? Baka naman naglalaro lang yan ng online games sa labas?" Taas kilay na sabi ng kanilang guro.

"Hindi, sir. Naglalaro po silang basketball para po sa darating na marketing week po namin. Elimination round po nila ngayon." Pagpapaliwanang ng sekretarya ng buong klase.

"Anong gusto mong gawin ko sa kanila? Pupuntahan ko sila, para suportahan sila?" Pilosopong sabi ng kanilang guro.

"Hindi po, sir. Nagpapa-excuse po sila na kung pwede po sanang next meeting nalang po sila magkwi-kwis?"

"Hindi pwede yun, iha. Hindi ko pwede iexcuse sila sa kwis. Hindi makatarungan kung sila ay excuse sa kwis samantalang kayo ay magkwi-kwis, diba?" Nagsitanguan naman ang mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro.

"Atsaka, pwede ko lang sila maiexcuse sa klase at hindi sa kwis."

"Sir, pero pwede po ba silang magkwis kung makakahabol sila sa klase ngayon?"

"Kung makakahabol sila, sige papayag ako magkwis sila. Kung makakahabol."

"Salamat po, sir." Huling sabi ng sekretarya ng buong klase at umupo na ito sa upuan nito.

"Magkwis na tayo, at may reporter pang magrereport. Nasaan na nga pala ang kwesyuner?" Agad namang tumayo si Ella at ibinigay ang kwesyuner.

Tinignan at binasa ito ng kanilang guro. Pumili ng mga ilang tanong para sagutan ng kanyang estudyante.

"Maglabas ng one fourth sheet of yellow paper. At, lumabas ang lahat ng nakapagreport na." Pagkasabi nun ng kanilang guro ay nanlumo si Ren dahil unti lang ang kanyang nareview. Lumabas din naman agad ang mga reporters na nakapagreport na sa harap.

Hindi rin naman nagtagal ang pagpapakwis ng kanilang guro kaya naman pinapasok na ang mga nakapagreport na. Pero, bago umupo si Ella ay tinawag siya ng kanilang guro.

"Iha, ikaw na ang magcheck nito. Doon ka nalang magcheck sa labas." Sabi nito sa kanya sabay abot ng sinagutang papel ng mga kaklase niya at ang kwesyuner. Tumango naman si Ella at kinuha ang hawak na mga papel ng kanilang guro saka ito lumabas para checkan ang mga ito.

Bago man siya makalabas ay biglang sumulpot ang dalawang lalaki sa kanyang harapan. Hingal na hingal ang dalawa na akala mo ay kasali sila sa paligsahan ng patakbo. Hindi niya ito kilala pero alam nyang kaklase niya ang mga ito. Bahagya din siyang napatulala dahil sa isang lalaking nasa harapan niya ngayon.

"Walang yelo." Nabalik lang siya sa wisyo sa pagbibiro ng kanilang guro.

Napailing nalang siya at tuluyang lumabas ng kanilang silid-aralan. Hindi na siya nakinig pa sa usapan ng kanilang guro at ng kanyang dalawang kaklase.

Naupo siya sa isang upuan na nakita nya. Sinuot nya ang kanyang salamin. At, sinimulang check-an ang mga sinagutang papel ng kanyang mga kaklase.

"Ella?" Agad naman siyang napatingin sa tumawag sa kanya. At, nakita niya ang dalawang lalaking kaklase nya.

"Yes! Tama ako. Ikaw nga si Ella. Akala ko kasi hindi ikaw, eh. Nag-iba kasi yung itsura mo nang magsalamin ka." Sabi ng lalaking tumawag sa kanya. Pero, nanatiling tahimik si Ella na parang pinapakiramdam nya ang dalawa.

"Pinapasabi pala ni sir na magkwi-kwis daw kami at ikaw daw ang magpapakwis sa aming dalawa." Sabi ulit ng lalaki. Ngumiti at tumango naman si Ella, at itinigil muna na niya ang pagcheck.

"Ang tahimik mo naman, Ella. Siguro, masyado kang nagwa-gwapuhan sa akin." Muling sabi nito at binatukan naman siya ng kasama nitong lalaki. Napahawak naman ito ng kanyang ulo at napasimangot.

"Baliw ka talaga. May jowa ka na, pumoporma ka pa. Umayos ka nga." Pagdidisiplina kasama nitong lalaki. Oo, lagi silang ganyan. Pasaway at makulit talaga siya at lagi naman syang dinidisiplina na parang bata.

"Hindi naman ako nanchi-chicks. I'm stating the obvious." Mahangin naman na sabi nito.

"May 'stating the obvious' ka pang nalalaman. Kaya tayo natalo kanina kasi masyado kang mahangin." Pang-aasar ng kasama nitong lalaki sa kanya.

Nanatili namang tahimik si Ella. Pinagmamasdan ang kakulitan ng dalawang lalaking nasa harapan nya. Hindi niya tuloy napigilang tumawa ng mahina. At, napansin naman ito ng dalawa kaya napatigil ito sa pag-aasaran nilang dalawa.

"Mas gumaganda ka kung tumatawa ka." Sabi ng lalaki sa kanya. Nang marinig ni Ella yun ay agad sumeryoso ang mukha nya. Balik siya dating poker face nya at inayos nya ang salamin nya sa mata.

"Maglabas na kayo ng one fourth sheet of yellow paper." Seryosong sabi ni Ella.

"Ay, biglang seryoso. Pero, ganda pa rin niya." Mahinang bulong ng lalaki pero rinig naman ito ni Ella, pero pinili nya paring huwag pansinin ang sinabi nito. Hinampas namang ng kasama nitong lalaki ang likod nya.

"Ang sadista mo talaga, pre." Reklamo nito.

"Pahingi nga ng papel. Pahiram na din ng ballpen." Sabi pa nito na nagpayuko kay Ella na nagkunwaring binabasa ang kwesyuner. Hindi niya talaga mapigilang matuwa sa dalawang lalaking nasa harapan niya.

"Estudyante ka ba talaga?"

"Alam mo, pre. Mamigay ka nalang kaysa nagtatanong ka pa. Tignan mo, hindi na natutuwa si Ella sa atin." Agad na napatingin si Ella sa dalawa na seryoso ang mukha pero sa totoo lang ay tuwang tuwa sya sa kakulitan ng dalawa. Alam niyang masarap maging kaibigan mga ito.

"Number one--"

"Teka, Ella. Pwede ba kaming magreview muna?"

"Pre, wala naman tayong notes para makapagreview, eh. Hindi naman kasi tayo nagsusulat." Napailing nalang si Ella. Kinuha ang kanyang phone, at ibinigay sa kanila.

"M-may notes ako dyan. Dyan nalang kayo magreview." Sabi niya sa dalawa.

"Salamat, Ella." Sabay na sabi ng dalawa at naging seryoso na sila sa pagrereview nila.

Pinagmasdan lang ni Ella ang dalawa habang nagrereview ang mga ito. Gusto nyang makilala ang dalawa ngunit nahihiya siyang tanungin ang mga ito. Gusto nyang maging kaibigan ang dalawa ngunit pinapangunahan siya ng hiya. Hindi niya alam kung bakit. Ngayon lang siya nakaramdam sa tao na mahiyang makipagkaibigan.

"Tapos na kaming magreview. Ready na kami." Sabay na sabi nila. Oo, sabay talaga sila na akala mo ay pinagpraktisan nilang dalawa ang kanilan sasabihin. Natuwa naman siya dahil duon pero hindi niya ito pinahalata sa dalawa. Hindi niya alam kung bakit sobra syang nahihiya sa dalawa.

Tumango naman si Ella at nagsimulang sabihin ang mga tanong. Seryoso namang ang dalawa sa pakikinig at pagsagot sa mga tanong.

Hindi rin nagtagal ang pagpapakwis ni Ella sa dalawa. Ibinigay ng dalawa ang sinagutang papel kay Ella. Pinauna naman ni Ella sa loob ng silid-aralan nila ang dalawa dahil kailangan nya pang check-an ang lahat ng sinagutang papel ng mga kaklase nya.

Inuna muna nya ay ang papel ng dalawa na check-an.

"Mike Trevor L. Traskilon." Mahinang banggit niya. Alam niya na ang papel na hawak niya ay sa lalaking sobrang kulit. Chenickan nya ang papel nito at nakakuha ng 14 out of 15 items.

"Edward Marco M. Sanchez." Mahina niyang basa. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napangiti nang mabanggit niya ang pangalan ng kasama ni Mike. At, hindi rin niya alam kung bakit mas lalo siyang napangiti at sobra siyang nasiyahan ng makakuha ito ng perfect score.

Agad siyang napasampal sa kanyang pisngi. 'Anong nangyayari sayo, Ella?' Sabi nito sa kanyang sarili.

"Ella, para kang ewan dyan." Bumalik ang kanyang wisyo nang biglang sumulpot ang sekretarya ng buong klase.

"Pinapatanong pala ni sir kung tapos ka na daw bang check-an lahat?" Hindi naman pinansin ni Ella ang sinabi sa kanya.

"Rose, pwedeng ikaw muna ang magpatuloy nito? Punta lang ako ng banyo." Sabi ni Ella sabay tayo at punta ng pinakamalapit na banyo na hindi man lang hinintay ang sagot ni Rose kung payag ba sya o hindi.

-----

Kasalukuyang naka-upo si Ella sa lobby. Mula ng magpaalam siyang magbanyo ay hindi na siya bumalik sa kanilang silid-aralan. Simula nang makita niya ang dalawa, hanggang ngayon ay nahihiya pa din siya. Hiyang hindi nya alam saan nagsimula at kung bakit niya nararamdaman.

"Ella, nandito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap. Akala namin kung ano nangyari sa sayo. Hindi ka na kasi bumalik." Biglang sulpot ni Arjay at ibinigay ang bag ni Ella.

"S-salamat." Ngiting pilit na sabi ni Ella.

"Ano nga bang nangyari sayo, Ella?" Tanong sa kanya ni Arjay. Sa puntong iyon ay ayaw ni Ella na pag-usapan ang hiyang nararamdaman nya. Kaya, iniba niya ang usapan.

"Nasaan ang sila?" Pag-ibaba nito. Magsasalita sana si Arjay tungkol sa pag-iiba ng usapan ni Ella, ngunit naisip niya na baka may problema ito. Hahayaan nalang niya ito na sabihin sa kanya, imbis na pilitin nya itong sabihin sa kanya.

"N-nasa baba sila. Sa dating pinagtatambayan natin at naglalaro nanaman ng volleyball. Wala na kasi tayong susunod na klase, nag-gm si Criselle na wala daw si ma'am." Sagot nalang ni Arjay sa tanong ni Ella. Tumango naman si Ella at ngumiti.

"Tara?" Tumango ulit si Ella bilang sagot nito.

Pinuntahan naman nila ang mga kaklase nila at naabutan nila itong naglalaro ng volleyball. Wala talagang kasawaan ang mga kaklase nila sa paglalaro ng volleyball. Para bang duon sila kumukuha ng lakas sa buong araw ng klase nila.

"Sasali lang ako sa kanila, Ella. Ikaw ba, hindi ka ba sasali sa kanila?" Sabi ni Arjay.

"Hindi muna." Simpleng sabi nito. Hindi rin naman niya ipinagkakaakila na mahilig din siyang maglaro ng volleyball. Hindi lang niya ngayon trip na maglaro.

Masaya siyang pinapanuod ang mga kaklase nyang naglalaro volleyball. Nang biglang dumating si Mike at Marco na may kasamang babae na kaklase din nila.

"Mccoy, Mike, Trixie. Dito muna kayo. Laro muna tayo." Yaya ni Russel na kaklase niya na sobrang hilig maglaro ng volleyball. Agad namang sumali ang dalawang lalaki samantalang ang babae ay tumabi kay Ella.

Nagtataka naman si Ella kung bakit Mccoy ang tawag nila dito samantalang ang layo ng palayaw nito sa pangalang nitong Edward.

"Ella, I' am right?" Agad siyang napatingin sa katabi niyang babae. Tumango at ngumiti ito dito.

"Totoo palang tahimik ka. Btw, I'm Trisha, but mas gusto kong tinatawag akong Trixie." Nakangiting sabi ni Trixie kay Ella.

"Nice to meet you." Sabi ni Ella at nagkamayan sila.

"Bakit hindi ka pala kasali sa kanila? Lagi ko kasing kayong nakikita dito at naglalaro."

"Wala kasi ako sa gana ngayong maglaro." Simpleng sabi ni Ella.

"Dahil ba sa bigla ka nalang nawala kanina?" Natahimik naman si Ella sa biglang pagbanggit ni Trixie sa nangyari kanina sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko dapat yun sinabi. Bago lang tayo magkakilala, pero nanghihimasok agad sa buhay mo. Hindi ko dapat sinabi yun. I'm very sorry, Ella." Sincere na sabi ni Trixie.

"Okay lang, Trixie." Wala naman talaga yun kay Ella. Expected na din naman niya na magtatanong ang mga kaklase niya sa bigla pagkawala niya.

"Ikaw ba, bakit hindi sumali sa kanila?" Tanong ni Ella para umayos ang atmosphere sa kanilang dalawa.

"Hindi ako marunong, eh." Simpleng sabi ni Trixie at nagkibit balikat.

Sa puntong yun ay nagkwentuhan silang dalawa. Marami silang napag-usapan ni Trixie. Isa na dito ay kung may relasyon ba silang dalawa ni Mccoy.

"Walang kami ni Mccoy." Natatawang sabi ni Trixie.

"Eh--"

"Lagi lang kasi kaming magkasama ni Mccoy kasi siya ang una kong naging kaibigan sa former section namin. Atsaka, merun na ako. I mean, may boyfriend na ako. Masyado lang talaga kaming close kaya napagkakamalang kami." Mahabang sabi nito. Sa hindi malamang dahilan, para nabunutan ng tinik sa puso si Ella. Kaninang hindi siya makahinga ng maayos ay nakakahinga na siya ng maayos at matiwasay.

'Ano bang nangyayari sayo, Ella?' Sigaw ng kanyang pag-iisip. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito sa isang lalaki.

"Paano ba yan, mauuna na kami nila Mccoy at Mike." Bumalik naman sa wisyo si Ella sa sinabi ni Trixie. Tumayo naman si Trixie sa pagkakaupo nya.

"Mike, Mccoy, LOL na tayo." Sigaw niya ni Trixie na ikinagulat ng lahat. Hindi nila akalain na ang isang magandang babae ay naglalaro ng isang online games. Tumango naman ang dalawa at lumapit kay Trixie

"Bago kayo umalis. Sali muna kayo sa volleyball team namin. Para naman kumpleto na ang players at para magkaroon tayo ng representative sa seksyon natin sa larong volleyball." Biglang sabi ni Rose sa dalawa.

"Sige." Sabay ng dalawa. Napangiti naman sila Arjay, Russel, Rose, Criselle at iba pang kaklase nila.

"Bye, Ella." Pagpapaalam ni Trixie at kumaaway ito kay Ella.

"Bye." Simpleng sabi ni Ella.

Nagpaalam din ang tatlo sa iba pang kaklase nito. Pero, ang ikinatulala ni Ella na hanggang ngayon ay nakataas parin ang kanyang kamay at kumakaway. Bago kasi tuluyang umalis ang tatlo ay nakita nyang nakatingin sa kanya si Mccoy na nakangiti at nagpapaalam sa kanya.

Bumalik lang sya sa kanyang wisyo nang muntikan na siyang matamaan ng bola. Buti na nga lang ay biglang sumulpot si Arjay at iniligtas ito sa pagtama sa kanyang bola.

"Okay ka lang ba?" Concern na sabi ni Arjay. Maharan na napailing si Ella saka ito tumayo dala ang bag nito.

"I'm okay. Uuwi na ako." Casual na sabi ni Ella na akala mo ay hindi muntikang matamaan ng bola.

Pagkasabi nya nun ay agad siyang naglakad paalis. Ngunit may isang babaeng pumigil sa kanya.

"Teka, Ella. Sabay na tayong umuwi. Alam kong sasakay ka ng tren. Sabay na tayong umuwi. Tutal, parehas naman tayo ng ruta. Nakasabay pala kita noon pagpasok ko. Kaso lang, nahihiya akong lapitan ka noon. Ang taray mo kasi noon at nakakatakot kang lapitan." Hindi nakasagot si Ella dahil sa biglang pagsulpot nito at sa mahabang sinabi nito.

"Btw, I'm Jessica. Jess for short." Sabi nito. Nanatiling tahimik lang si Ella pero ngumiti naman ito.

"Tara?" Tumango nalang si Ella kay Jess. Matagal tagal na din nyang gustong may makasama at makausap sa tren.

Gaya ng sabi ni Jess, mataray si Ella kaya natatakot ang ibang lumapit sa kanya at baka tarayan lang sila nito. Pero, hindi naman ganun si Ella. Mabait at simpleng babae lang si Ella. Siguro defense mechanism lang yun ni Ella sa mga taong hindi niya kilala.

Napabuntong hininga naman siya at nagpaalam na sa kanyang mga kaklase ganun din ang ginawa ni Sica. Matapos ang pagpapaalam ng bawat isa ay agad din namang umalis sila at pumunta sa estasyon at baka maiwan sila ng tren.

To be continued.

avataravatar
Next chapter