1 Prologue

Ibinagsak ni Agent Z ang isang military bag sa tabi ni C8. Sumalampak ito ng upo katabi nito.

Tinapik nito ang bag. "New assignment," sabi nito. Ang tingin ay nasa harapan ng kabundukan.

Tumango lang si C8. Patuloy pa rin ang paghithit-buga sa hawak na tabako.

"The organization wants it to be fast and precise. The target should only be the casualty. Avoid any surveillance."

Tumango lang uli si C8. Hindi makita ang ekspresyon dahil halos natatakpan na ang buong mukha ng suot na shades. Patuloy pa rin ito sa paninigarilyo. Walang pakialam sa nagsasalita.

"Comments C8."

"None. Deed will be completed at 00," sagot nito sa malamig na tinig.

"Utmost tolerance is recommended. If the target can be neutralized, the money will be doubled. The-"

Itinaas ni C8 ang kamay upang patigilin siya. Napatikom naman ito ng bibig.

"I only kill. No other way," sabi nito.

"Of course. My apologies."

Tumayo na mula sa pagkakaupo si C8. May dinukot na pouch sa bulsa at isinilid ang upos ng sigarilyo. Pagkatapos ay dinampot ang bag bago walang paalam na naglakad palayo papasok sa masukal na kakahuyan hanggang sa lamunin ito ng dilim.

Pinakawalan ni Agent Z ang kanina pang pinipigilan na hininga.

"You still haven't change C8. You are still the legend I know."

avataravatar
Next chapter