webnovel

Coded Detective (TAGALOG)

Mysteries.Codes. Hallucinations. Treigan Keen is one of those high-school detectives who are willing to risk anything for the sake of justice; Her world of mysteries turned up-side down when her Uncle Vin registered her for the recruiting HSD2 at the Ginam Police Station. Will she unravel every mystery that lies ahead? Let's find out! Started: 05-13-2020 (1:27 P.M.) Finished: ---

teprichore · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 03

___________________

001

CODED

DETECTIVE

___________________

Treigan Keen's POV

Pagkatapos ng kalahating araw ng pagresulba ng isang kaso, nagbugtong-hininga na lang ako habang kasalukuyang nag-aayos ng buhok. Pupunta kasi ako sa isang mall para bumili ng mga gagamitin para sa pagbabalik-eskwela. Mas magandang mas maaga dahil kung bukas na ang pasukan, malamang sa alamang, dadagsain na ang mall dahil alam na ng karamihan sa estudyante ang kani-kanilang requirements.

Maliban sa school namin, Makopa University. Maaga pa lamang ay agad na nilang ipinapalista sa mga guro ang kailangan naming bilhin para hindi gano'n ka-hassle. Ako lang talaga itong imbes na "due tomorrow, do tomorrow" ay "due tomorrow, do today" ang naes. Oo, mas masipag kumpara sa ib,a pero kung pagbabatayan yung oras na pagbibigay ng requirements ng school, tiyak na ako yung pinakahuli.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha na ang sling bag na nakasabit sa likod ng pintuan. Bago lumabas ng bahay, chineck ko muna kung nandoon ba ang binigay na papel ng school, at nang masigurado, lumabas na kaagad ako.

Mabuti nalang at wala na ang mga chismoso dito dahil ayaw kong marinig na lumabas ako ngayon para kitain ang kalaguyo ko. Jowa nga wala, kabit pa kaya?

Malapit-lapit na rin naman ang terminal kaya napagpasyahan kong maglakad na lang. Sayang kasi ang 25 pesos na pamasahe mula sa apartment hanggang sa terminal. Masyadong nakakapanghinayang makakabili ka na ng dalawang libro sa booksale sa gano'ng pera. Kuripot na kung kuripot, kahit maging hagard pa, maglalakad ako.

Pag karating sa terminal, napansin kong may grupo ng mga lalaki na nagkukumpulan at mukhang kinakausap ang driver ng isang jeep. Si mamang driver naman, mukhang pinagpapawisan at hindi rin mapakali.

"Mukhang may mangyayaring hindi maganda," Bulong ko sa sarili ko.

OA man kung pakikinggan, pero kapag nagkaroon ako ng tinatawag na "gut feeling" laging tama iyong akin. Kapag naramdaman kong may hindi magandang mangyayari, mayroon talaga. Binuksan ko ang sling bag at kinuha ang cellphone at credit card ko mula roon at inilagay iyon sa may waist ko. Hindi rin kasi ako nakakasigurong safe itong ilagay sa may bulsa kung tama ang naiisip ko.

Sumakay na ako sa pinupunong jeep at nilibot ko ang paningin ko. Halos puno na rin pala ito, mga tatlo o dalawang katao na lang ang kulang.

May isang pamilyar na lalaki sa tabi ng driver seat kaya pumwesto ako sa pinakaharapan para kalbitin siya.

"Pst, Q!" Panawag ko sabay alog ng kaunti sa kaniya.

Humarap siya sa akin ng nakataas ang kilay at inalis ang airpods niya sa tenga.

"You again, Keen? Long time no see like... an hour ago?" Sarkastikong tanong niya sa akin. Napangisi naman ako. Grabe, ang hirap sa mukhang chingchong na lalaki, grabe kung makapag Ingles. Kala mo hindi sa Pilipinas.

"Notice something?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

Siyempre, hindi rin ako magpapatalo sa English-an ano! Kahit dalawang word lang iyon, Ingles pa rin. Sumeryoso naman ang mukha niya sa tanong ko.

"Except for a fraternity talking with the driver and the mysterious lovebirds beside you? Nothing else, I guess," sagot niya sa akin.

Tiningnan ko ang sinasabi niyang lovebirds sa tabi ko at napansing kahit sobrang init ay naka-sweater sila at saka sobrang daming bitbit na bagahe. Para bang magcacamping o may pupuntahan ang dalawa at ayaw magpahalata. Napailing naman ako. Maglalayas siguro.

"Sigurado ka bang fraternity ang kumakausap sa driver?" Tanong ko ulit sa kaniya.

Para sa akin mukhang tropa-tropa laang na nag-aaya sa driver na may gawing kung ano e'. Something na hindi maganda gano'n.

"Yup, I'm pretty sure. Look at the man with a neck tattoo. I'm sure you'll recognize him. He's quite famous." Turo niya sa isang lalaking malaki ang pangangatawan at panot--- I mean semi-kalbo.

Napakunot ang noo ko. Mukhang pamiliar nga siya sa akin. Pinagmasdan ko pa siya lalo at nang gumilid siya ay nakita ko na ng diretso ang kaniyang mukha.

Si Alfred Bert o mas kilala bilang si Bugoy. Isang alaskador na maraming babae. Tirador ng din ng mga batang babaeng bayaran. Kilala siya bilang isang lider ng dating sindikato noong mga 11 years old ako. Naririnig ko kase na nabanggit siya ni Uncle noon habang may kausap sa phone kaya nagresearch ako tungkol sa kaniya.

Siya raw ang pinakamahilig sa fraternity war, walang pinalalampas kung ituring. Ang hindi ko lang alam ay kung anong sindikato siya nakakabilang noon.

"Mukhang may panghohold-up na magaganap." Wala sa sariling bulong ko sa kaniya.

Mukha lang naman at iyon ang kanina ko pa nararamdaman.

"Paano mo naman nasabi iyan?" Tanong ni Q na may kunot ang noo.

"Napansin ko kasing pinagpapawisan ang driver na kinakausap nila kanina. Para bang nagiging aligaga, gano'n. Hindi niya alam kung saan titingin at nanginginig. Parang kinakabahan. Hindi ako judgmental a'! Nag-iingat lang ako lalo na kapag nagkakaroon ako ng 'gut' feeling. Ang kadalasang outcome kasi ay palaging tama. Totoo man o hindi yung sinasabi sa akin ng gut ko, sa tingin ko kailangan mong isecure ang mga perang dala mo." Ang sabi ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya.

Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sinabi ko pero ginawa pa rin niya ang bilin ko. Maya-maya pa'y sumakay si Bugoy sa tabi ni Q na may bitbit na malaking bag. Baka doon nilululan ang baril? Napailing ako sa naisip ko... sana nama'y hindi. Katatapos pa lang ng isang murder kanina sa apartment, wag namang dalawang krimen sa isang araw ako masasangkot.

Pagkatapos ni Bugoy, may dalawa pang lalaki ang sumakay at nagdulo sila sa jeep. Medyo mahaba-haba rin kasi itong jeep kaya malayo sila sa akin. Pinagmasdan ko ang dalawa, walang bag at walang dalang kung ano-ano.

"Bro, this is not a private vehicle. No need to lock the doors It's not even raining." Sabi ng isang lalaki, mga dalawang taon lang ang tanda niya sa akin at tiningnan lang siya ng isa pang lalaking kasamahan ni Bugoy.

Napatahimik naman ang lalaking nasa dulo na balak isara ang pinto at hindi na ito isinara pa. Sumakay na rin ang driver sa loob ng jeep na nanginginig pa rin at balisa. Mukhang tama nga ang hinala ko.

Nang makalayo-layo sa sakayan, biglang naglabas ng baril si Bugoy na ikinagulat ng marami. Pati ang dalawang katabi ko na nakatakip ang mukha ng panyo't may suot na sweater ay biglang napaaatras.

"Walang kikilos, kung hindi pasasabugin ko ang bungo ninyo!" Sigaw niya.

Nataranta ang ilan at nagsi-iyakan samantalang ako ay tahimik na itinaas na lang ang kamay. Nakita kong iyon din ang ginawa ni Q. Tinutukan siya ng baril ni Bugoy at ipinakita niya ang kaniyang backpack na walang ibang laban kundi mga libro.

"Nerd," bulong ko sa sarili ko.

"Kalma ka lang tol, wala akong dalang pera, bente lang ang dala ko at ipinambayad ko na yun." Pagpapaliwanag ni Q at hinawakan ang dulo ng baril ni Bugoy. Nice excuse. Ako nga wala man atang nadalang pambayad ng jeep e. Napailing ako sa naisip ko.

Susunod niyang itinutok ang baril sa akin.

"Me? No money!" Pagpapanggap ko bilang isang foreigner at nagkungwaring nanginginig sa takot. Ibinigay ko ang sling bag ko kay Bugoy para maniwala siya at gaya ng ginawa niya sa bag ni Q, itinapon din niya ito sa labas. Ayus lang naman, 30 pesos ko lang nabili yan sa isang Bazaar.

Nakita kong ngumisi si Q at palihim na napangisi. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napaayos na siya ng upo. Ni wala man lang siyang kapawis-pawis.

"Asan na ang lahat ng pera niyo. Gadgets at alahas ilagay niyo sa bag na'to para walang masaktan!" Ang sabi ng isa pang kahalubilo ni Bugoy. Napangisi ulit ko, mukhang tama talaga. Masyadong nagtatapang-tapangan ang mga kasama nila, mga wala namang baril na dala o kahit anong armas.

Ang ilang mga pasahero, sinunod ang utos ng lalaki. Yung dalawang misteryosong love birds sa tabi ko naman parang nag-aalangan. I think marami ang bitbit nilang ala-alahas at pera kaya ayaw ibigay.

Nagulat na lang kami nang biglang sipain at suntukin nung lalaking nagreklamo kanina yung kasama ni Bugoy. Napamura silang lahat at ang iba nama'y naiiyak na sa pangyayari. Habang patuloy na nag-aabutan ng suntok ang dalawa, binaling ko ulit ang pansin ko kay bugoy na sinusubukan sanang pindutin ang trigger ng baril pero mukhang ayaw. Halatang gulat na gulat siya at noong mawala ang focus niya para i-check ang baril, agad kong hinampas ng malakas ang batok niya at inagaw ang baril.

Napa-iling na lang ako ng makita ang gamit niyang baril. Isang glock.

Malamang sa alamang ay napansin na iyon nung Q at palihim na inikot counter clockwise ang supplied key na naging dahilan ng pagkaactivate ng safety-mode nito. Dahil sa lakas ng pagkakahampas ko sa batok niya, agad siyang nawalan ng malay at pagkatapos noon ay sinubukang tumakas ng dalawa niyang kasama na medyo napuruhan na ng lalaki kanina.

"Shit!" Mura ni Q ng makita niyang sinusubukang bumaba ng mga kasamahan ni Bugoy. Bumaba na kaagad si Q para habulin sana yung lalaki nang biglang dumating ang mga pulis at kinorneran sila.

Hinuli nila si Bugoy at ang dalawa niyang kasama at sinama muna ang driver para makapagpaliwanag sa nangyaring insidente.

Bago tuluyang sumama sa pulis si Bugoy, matapos magkamalay ay lumapit muna siya sa akin.

"Kaninang umaga ang simula," saad niya at saka lumakad papalayo.

Napakagat naman ako ng labi. Kaninang umaga ang simula ng alin? Ano kaya ang tinutukoy niya?

Nilibot ko ulit ang mga mata ko. Ang ilang pasahero ay naiwan sa jeep na gulat na gulat pa rin. Ang ilan ay tila natrauma dahil tinutukan din ng baril.

Pagkatapos ng ilang saglit, pinababa na rin sila para makwestiyon.

Ang ilan ay nagpasalamat sa amin ni Q, pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko. Iyong lalaking naglakas loob na sipain yung isa sa mga kasama ni Bugoy.

"He caught your attention, didn't he?" Tumingin ako sa nagsalita at nakita si Q na medyo pawisan sa mga nangyari. Tumango-tango naman ako at saka pinulot ang parehong bag namin at inilagay na ang phone at credit card sa loob dahil alam kong ligtas na.

"Looks like he's the one who called the police," bulong pa ni Q. Ibinigay ko na ang backpack niya sa kaniya at tumingin ng diretso.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong ko habang nakakunot ang noo at may panggagaya ng tono niya kanina.

Nagkibit-balikat siya at lumapit pa ng kaunti sa akin. "I saw him on phone before the incident."

Tumango-tango ako. So naghinala rin siya sa kinikilos ng mga katabi niya? Well kung hindi naman siguradong hindi niya ipapabukas ulit ang pintuan ng jeep e'.

"Are you chatting about me? Looks like I caught this pretty lady's attention?" Napatingin kami sa nagsalita.

Isa pang pa-cool na grabe makapag-English. Daig pa niya si Q na nagtatagalog naman kahit papaano.

Kinross ko ang dalawang kamay ko sa harapan at nagtaas ng kilay.

"So? Is it 'that' bad? Wala ka namang narinig na maling sinabi tungkol sa'yo 'di ba?" Masungit kong tanong sa kanya. I rolled my eyes and then humarap sa mga Interrogating Detectives na nagtatanong –tanong about sa incidente.

Nagbugtong-hininga ako. Wala si uncle kaya hindi ako makakapagtanong-tanong.

I heard someone chuckled kaya napataas ulit ang ulo ko. Bakit ba kailangan maging sobrang tangkad ng mga lalake?

"I'm Bryce, btw." Pagpapakilala niya sabay abot ng kamay niya sa akin. Umirap ulit ako at narinig naman ang pagtawa ni Q. What the hell? I don't really understand boys.

"I'm Cipher Nyx, but you can call me Q, pre or Cipher. Mukhang ayaw makipag-usap sa'yo ng GF ko." Pabirong sabi niya naman doon sa Bryce.

So Cipher Nyx naman pala ang pangalan ang layo sa letter Q. Pero GF?! No thank you, I'm not even interested. Imbes na barahin or sagutin ang sinabi niya, kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Uncle Vin.

"Gosh uncle. Nadawit ako sa aisang holdapping. Mukhang nakasunod nga ang kamalasan sa buhay ko XD" Yan ang sinend ko sa kaniya.

Para naman hindi siya gaanong mag-alala sa akin. Tiningnan ko ulit ang dalawang lalaki sa gilid ko nag-uusap pa rin pala sila.

"I don't think she's your GF, pre. First of all, dumidistansya siya sa iyo at isa pa, wala ring eye contact na naganap buong ride. Bulungan lang. At sa tingin ko, napansin niyo na rin agad ang pinaplano ng fraternity." Ang sabi ni Bryce kay Q.

Napa-iling naman ako at tumingin sa kanya. "So, you are watching ME?" tanong ko sabay emphasize ng word na 'ME' para damang-dama.

"What if it's a yes?" Mayabang na tanong niya pabalik sa akin.

Fuck boys, sometimes they are unpredictable. Sasabat pa sana sa amin si Q, nang may lumapit na magjowa sa amin and yes, sila yung mysterious love birds na tinutukoy kanina.

"H-hi. U-uhm, c-can we talk to you three for a second?" Utal-utal na sabi nung babaeng mukhang naluluha.

Napangisi akong tumingin sa kanya. "Our pleasure, miss."