webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Walking

Napayuko ako sa sinabi niya. Napahiya ng kaonti.

Sinubo ko na lang ang kaning kanina ko pa dapat kinain.

"S-Sorry… I-I-shit. What I'm trying to say is you need me here and since I can do that… I'm now here."

"Hindi ko naman po hiniling na nandito ka, Sonny. Hindi ko hinihingi ang atensiyon mo. Okay na namang mag-isa ako rito. Kaya ko naman ang sarili ko."

Bigla ay nawalan ako ng ganang kumain dahil sa mensaheng gustong iparating niya sa akin. Natapakan kasi ang ego ko kaya hindi ko kakayanin.

Tumayo ako para umalis na sa harapan niya.

"I know you can but the doctor said you're not." Kusang natigil ang mga paa ko sa paglalakad nang sumagot siya. "So, please sit down now and eat something."

Anak ng baboy. Oo na, baby, kakain na. Ang ganda naman talaga ng timing mo, e.

Pumihit ako pabalik at tahimik na nilantakan ang pagkain. Hindi na ulit nagsalita, natatakot sa susunod na lalabas sa kaniyang bibig. Sobrang delikado niya pa lang kausap, at kinakabahan ako.

Hanggang sa matapos kami sa pagkain, tahimik pa rin ang paligid. Gusto ko mang tulongan siya sa pagliligpit ng pinagkainan namin pero hindi ko talaga alam, kumukulo talaga ang dugo ko sa kaniya. Siguro dahil sa sinabi niya kanina? Parang pinapalabas niya kasi na attention-seeker ako. Never ko namang hiniling na pansinin niya ako. Ang gusto ko lang naman ay ang sustentuhan niya ako at pansamantalang mabigyan ng tirahan. Wala na akong pakialam kung sa iba man siya ipakasal.

Wala nga ba?

Naglakad ako palabas ng kusina at kinuha ang sling bag kong iniwan ko sa sofa at umakyat pabalik sa kuwarto ko sa itaas. Total siya naman ang nagsabi na pansamantala lang ako titigil sa trabaho kaya anong sense pa ang pagpunta roon? Matutulog na lang ako, nabitin ako sa tulog ko kanina, e.

Basta-basta ko na lang na inihagis ang sling bag ko sa isang sulok at agad humilata sa napakalambot na kamang nahigaan ko sa tanang buhay ko.

Hmmm… anong ingay ba 'yan? Sino ba 'yang nagsasalita? Istorbo naman.

"… lahat, Ayla."

Tuluyan kong minuklat ang mata ko nang marinig ko nang klaro ang boses at sa huli ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Akala ko nananaginip ako pero mukhang hindi kasi gising na gising na ang mata ko.

Sino ba 'yong nagsalita kanina?

Naka-side view akong humiga kanina kaya ang kaharap ko ay ang malaking bintana ng kuwarto. Nakatalikod ako sa direksyon ng pinto kaya para malaman kung sino 'yong nagsalita, lumingon ako roon.

Anak ng baboy.

"S-Sonny…"

Halos bumalikwas ako ng bangon nang makita kung sino ang nasa loob ng kuwarto. Mabuti na lang talaga at naalala kong buntis pala ako kaya kalmado ang paraan ng pagbangon ko.

"Ayla…"

"Kanina ka pa r'yan?"

Mukhang nakatayo lang kasi siya sa gilid ng pinto.

"Did you hear everything?"

Huh?

"Oo, narinig ko 'yong pangalan ko at saka ikaw ba 'yong maingay? Nagising kasi ako dahil do'n."

"So, you didn't hear it?"

Weirdo.

"Narinig ko nga. Kaya nga nagising ako, e."

"You didn't hear what I said?"

"Huh? Bakit? Meron ba? Ano ba 'yon?"

Ano ba 'tong pinagsasabi ni Sonny?

"Nah, never mind. Let's eat na."

Tuluyan akong tumayo sa pagkakahiga sa kama at kunot-noong tiningnan siya dahil sa huling sinabi.

"Eat? Kakakain ko lang, a?"

"Lunch."

"Lunch na?"

"Yeah, c'mon."

Grabe. Natulog akong bagong kain, nagising ako na kakain na naman. Aba matinding buhay naman 'to, oo.

Kinabukasan, tinotoo nga niya ang sinabi niyang kailangan kong gumising ng maaga. Labag sa loob ko ang paggising ng ganito kaaga dahil ang sarap pang matulog. Nagising lang talaga ang buong diwa ko dahil sa sunod-sunod na katok na ginawa niya sabay sabing…

"Wake up now, Ayla, walking time."

Paulit-ulit, 'yon lang ang sinasabi niya matapos ang malakas na katok galing sa labas ng kuwarto. Hindi pa nakuntento, pati sa cell phone, nag-send din siya ng iilang messages na sinasabing kailangan ko ng gumising.

Para tuloy akong zombie habang nakatingin sa damitan ko, naghahanap ng isang disenteng damit na angkop sa pag-i-ehersisyo.

Anak ng baboy, bakit ba kasi hindi ako mahilig sa mga ganoon? Itong duster na lang kaya ang suotin ko? Mukhang mas okay at kumportable pa ako.

Lumabas ako ng kuwarto nang naka-duster lang. Nakita ko ka agad siyang nakasandal sa dingding malapit sa pinto ng kuwarto. Suot ang isang rubber shoes na mukhang mamahalin, basketball shorts, at dri-fit shirt, na sa sobrang fit, halos makita ko na ang muscles niya sa katawan.

Anak ng baboy. Ang aga mo namang magpantasiya, Ayla? Tumigil ka na!

Nang makita niyang lumabas na ako, umayos siya sa pagkakatayo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"W-Wala kasi akong ibang damit na para pang-exercise. Kaya ito na lang ang sinuot ko." Agad na depensa ko sa estado ng kasuotan ko ngayon.

"Comfortable ka naman sa ganiyang damit, 'di ba?"

"Mm-Hmm, malamig naman sa katawan kaya mas okay sa'kin."

"That's better then. Let's go."

Iminuwestra niya ang daan kaya sumunod ako sa kaniya sa paglalakad.

Bago lumabas ng bahay, kinuha niya muna ang isang bola ng basketball.

Magba-basketball ba siya? Yayayain niya ba akong makipaglaro sa kaniya? Anak ng baboy. Anong klaseng pag-iisip 'yan, Ayla.

"Maglakad-lakad lang tayo hanggang sa makarating tayo sa court. Doon na ako magpapa-pawis."

Nagsalita ulit siya habang sinasarado ang gate. Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid. Medyo madilim pa pero halatang papasikat na ang araw dahil may kakaonting liwanag na nagpapakita sa kalangitan.

Malamig ang simoy ng hangin kahit na summer days ngayon. Siguro dala ng pagbubuntis ko kaya na-preskohan ako sa ganitong klaseng hangin. Alam mo na, mga buntis, mainit ang katawan. Iba kasi ang natural na lamig kesa sa lamig na galing sa aircon. Mas sanay ako sa natural na lamig dahil palagi kong nararamdaman 'yon no'ng nakatira pa ako sa bukid.

Bukid… Nanay at Tatay. Gusto ko silang makita. Posible kaya?

Unang limang minuto ng paglalakad naming dalawa, tahimik lang. Dinagdagan pa na sobrang tahimik ng paligid at halatang tulog pa ang mga tao. Pero may iilan naman kaming nakasalubong na nagja-jogging at biking pero madalang lang talaga.

Hindi ako conversationalist kaya hindi na ako nangahas na makipag-usap sa kaniya. Hinihintay ko lang na magsalita siya pero mas pinagtotoonan ko ng pansin ang puso kong kahit naglalakad lang naman kami, sobrang bilis ng tibok nito na animo'y nakipag-karerahan ako sa mga atleta. Anak ng baboy naman.

Never in my life na na-imagine kong makakasama ko sa ganitong klaseng situwasiyon si Sonny. Oo, dati, ang layo ng tingin ko sa kaniya at ang maabot siya ay ang pinaka-imposibleng pangyayari na mangyayari sa buhay ko. Tapos ngayon, nandito ako sa tabi niya, kasama siya sa paglalakad, dahil nabuntis niya ako. Paano nga ba kami umabot sa ganito? Anong nag-udyok sa akin na lumapit sa kaniya nang ganito kalapit? Ganito ba katindi ang pagkagusto ko sa kaniya? Gusto nga lang ba… o may mas higit pa?

Tama na, Ayla, hindi puwede. Kapag nailabas mo ang batang ito, matitigil na rin ang koneksiyon mo sa kaniya. Ina ka lang ng magiging anak niya at 'wag mo nang pangarapin pa na maging parte ng buhay niya. 'Yon ang sobrang imposible sa lahat. Ganito man ang ipinapakita niya, lagi mong tatandaan na ipinangako na siya sa iba.

"Ang lalim mo talagang mag-isip, 'no?"

Bigla ay para na naman akong nagising sa isang malalim na panaginip. Napalingon ako sa kaniya. Naglalakad pa rin pala kami.

"H-Huh?"

"Parang gusto ko tuloy malaman kung anong malalim na iniisip mo?"

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at napa-iling. Tama nga, Ayla, act normal.

"'Wag na, baka malunod ka pa kapag nalaman mo."

"Gano'n kalalim?" Tumango ako sa tanong niya. "Mas mabuti na sigurong malunod, at least nalaman ko kung ano."

Ngumiti ako sa sinabi niya. Wala na akong masabi. Masiyado nang awkward. Masiyado na ring malakas ang tibok ng puso ko. Mukhang pati anak ko, bumilis din ang pulso, e.

"We're here." Sa lalim pala ng iniisip ko, hindi ko napansin na malapit na kami kanina sa basketball court at ngayon nga'y nandito na. "Umikot ka sa buong court ng five times. After mo, uwi na tayo.'Wag kang tatakbo ha, lakad lang."

Sinunod ko 'yong sinabi niya. Pero 'yong tingin ko, nakatingin sa likuran niya. Lumapit siya sa may ring ng court at nagsimulang i-dribble ang bola at saka i-sshoot.

Unang round ko sa pag-ikot, nang malapit na ako sa may ring na pinaglalaruan niya, ay tumigil siya at patuloy lang sa pag-dribble habang inuudyok ako na maglakad pa. Ganoon lang ang ginagawa niya. Minsang gumagawa siya ng tricks o paraan para sa pag-sshoot. Tapos titigil kung nasa side na niya ako.

Sa tuwing nasa kabilang side ako ng ring at nakatalikod siya, binabagalan ko ang paglalakad at pinagmamasdan ang bawat galaw niya sa pag-sshoot ng bola. Nag-three points, two points, may free throw style pa, at kung anu-ano pa, lahat 'yon tahimik kong pinalakpakan mula sa malayo.

Nang matapos ang five rounds ko sa paglalakad, lumapit ako sa kaniya at sakto ring natapos na siya sa paglalaro ng basketball. Pareho kaming pawisan ngayon pero mas grabe 'yong pawis niya. Parang ang sarap tuloy punasan 'yong tumatagaktak niyang pawis.

Anak ng baboy, Ayla, tama na kaka-imagine.

"Dito tayo dumaan sa kabila, may bibilhin lang ako."

Itinuro niya 'yong daan opposite no'ng daang dinaanan namin kanina.

"May tindahan ba rito?" Nagtatakang tanong ko kasi sa sobrang sosyal ng mga bahay dito, wala naman akong napansin na may nagbi-benta ng kung anu-ano.

"Meron. Malapit lang sa bahay pero sa kabilang daan ka dapat dumaan."

'Yong pantasiya ko kaninang punasan siya ng pawis ay siya na mismo ang gumawa.

"Ano namang bibilhin mo?"

Iminuwestra niya ulit ang daan kaya nagsimula na kaming maglakad sa daang tinuro niya kanina.

"Pandesal."

"Pandesal? Meron dito?" Gulat na tanong ko.

"Oo, si Nanay Lina. Masarap 'yong pandesal na binibenta niya. Kilala mo 'yong Angelina na loaf bread? Sila may-ari no'n."

"May pandesal pala rito? Kung alam ko lang, edi sana araw-araw na akong bumili."

Pambihira. Simula no'ng tumira ako sa bahay niya, hindi na ako nakatikim ng mainit-init na pandesal, e.

"Bakit? Cravings ba?"

"Hindi naman, paborito ko lang."

"Edi, we will buy every morning, after ng routine nating ito."

Sa sumunod na araw, walang mintis ang naging walking namin every morning. Maglalakad kami galing sa bahay niya papuntang basketball court ng subdivision, titigil kami roon para sa five rounds ng paglalakad ko at pagba-basketball niya, tapos maglalakad na naman kami papunta sa bahay no'ng may-ari ng Angelina Loaf Bread para bumili ng masarap nilang pandesal, tapos maglalakad na pauwi. Pagdating sa bahay, magpapahinga, salitan kami sa pagluluto ng pagkain sa agahan, hapunan, at tanghalian. Magiging abala siya for the rest of the day dahil sa trabaho. Ako naman ay minsang patagong naglilinis ng bahay, nagbabasa ng libro, nanunuod ng TV. 'Yon lang.

"Punta tayo bukas kay Dahlia. Schedule mo na sa ultrasound. At saka finally, malalaman na rin natin kung babae ba o lalaki 'yan."

Pang-walong araw na namin to sa walking. Sinabi niya 'yan habang sinasarado ang gate.

"Lalaki pa rin ba ang hula mo?"

"Sana. Pero kung babae, edi mas mabuti rin. Walang kaso naman sa'kin kung anong gender niya basta ba lumabas lang siya ng safe, okay na."

Mukhang nahawa ako sa naging ngiti niya kasi wala sa sarili rin akong napangiti.

"'Yon din ang dasal ko. Sana safe siyang lumabas at saka sa paglaki niya, maging safe at healthy siya."

"Sure ka bang hindi pa sumisipa 'yang bata? Baka sumipa na 'yan, hindi mo lang sinabi sa akin kung kailan."

Natawa ako dahil sa ekspresiyon niya sa mukha.

"Hindi pa nga kasi. Ngayon ko pa nga lang nararamdaman ang paggalaw niya. Baka hindi niya pa kayang sumipa, 'no."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto niyang makita ang unang sipa ng baby. Ano bang meron do'n?

"Basta sumigaw ka agad kapag sumipa na siya, ha?"

"Oo sabi. Kulit naman nito."

Sa ilang araw naming pagsasama sa iisang bubong, unti-unti ay nakikilala ko siya, unti-unti ay nalalaman ko kung anong mga habits at ugali niya sa loob ng bahay, unti-unti ay gumagaan ang loob ko sa kaniya, unti-unti ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.

'Wag. Bawal pala. Tama na.

"Gusto mong makipag-pustahan?"

Nagsalubong ang kilay ko sa naging tanong niya. Panibagong araw na pala at ngayong araw din kami pupunta sa clinic ni Doc Hinolan para sa ultrasound.

"Hala? Alam mo namang wala akong trabaho ngayon, anong ipupusta ko?"

"Wala namang involve na pero 'to, e. Sige na. Ano? Call?"

"Ano ba 'yan?" Medyo pasigaw na tanong ko dahil nagfa-five rounds ako ng lakad at saktong nasa kabilang side na ako ng court.

"Ikaw magluluto ng agahan, tanghalian, at saka hapunan natin bukas kapag nanalo ako. Ako naman ang magluluto kung ikaw naman ang mananalo. Ano, call na? Call na kasi!"

"Ano ba kasi 'yang pagpupustahan?" Pansamantala akong tumigil dahil nakakahingal pala ang pagsasalita.

"Ops, 'wag kang tumigil. Three rounds ka pa lang." Puna niya sa pagtigil ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin pero nagpatuloy din. "Hulaan mo kung ano 'yong gender ng baby. Gender reveal mamaya. Ano 'yong hula mo?"

"Lalaki hula mo 'no? Edi go ako sa babae. Walang pustahang magaganap kung pareho tayo ng pinili."

"I was about to say girl, kasi iba ang awra mo ngayon, e, ang ganda mo ngayon."

Anak ng baboy.

Kusang tumigil ang paa ko sa paglalakad at dahan-dahang tumingin sa kaniya. Kahit hindi nakatingin sa akin, tinitigan ko pa rin siya.

Ano 'yong sinabi niya? Maganda raw ako ngayon? Anak ng baboy.

"Kasi narinig ko rati na sinabi ni Mom na kapag daw gumanda ang isang babae during her pregnancy, there's a possibility na girl 'yong kino-conceive niya. At kapag medyo haggard naman daw, 'yong like example… tinutubuan ng tigyawat at kung anu-ano pa sa mukha, lalaki raw 'yon." Agad akong nagpatuloy sa paglalakad nang lumingon na siya sa akin habang dini-dribble ang bola. "Kaya, sige, girl ako ngayon. Ikaw sa boy."

"O-Okay."

Talaga bang kailangan niyang sabihin na maganda ako?

"Awe, look at that, it's so cute."

Nandito na kami ngayon sa clinic ni Doc Hinolan at kasalukuyan akong nakahiga habang may pinapaikot na instrument si Doc sa tiyan ko. Nakatingala ako sa monitor dahil naka-posisyon ito sa bandang ulo ko. Si Sonny naman ay nasa likuran lang ni Doc at nakatingin lang sa monitor, tahimik.

"Can you hear the heartbeat, Ayla?" Lumingon si Doc Hinolan sa akin at 'yong ngiti niya, legit na sobrang ganda.

Pero mas pinagtoonan ko ng pansin ang naririnig kong mahinang thump lang.

For the first time in my life, it struck to me that a life indeed is inside me. How wonderful that can be? Anak, handa na si Mama na makilala ka. Kahit magulo ang mundo, handa akong gawing magaan ito para sa'yo.

"This is what I love about my job. 'Yong moment na maririnig mo ang first heartbeat ng isang maliit na nilalang sa loob ng sinapupunan. It's so cute."

Gusto kong pagtoonan ng pansin ang mahinang ingay galing sa tiyan ko pero masiyadong cute tingnan si Doc Hinolan dahil masiyadong totoo ang emosyon niya.

"Really, Dahlia? Do you really need to be that emotional right now? Why don't you make one kaya?"

"Why don't you make one. E, kasi nakagawa ka na kaya ako 'yong ina-alaska mo ngayong alaskador ka, ha? Bigwasan kita r'yan, e. I do hope so your son won't be like you when he grow up."

"Son?"

Nagsabay kaming dalawa ni Sonny sa pagtatanong. Kung hindi lang ako nakahiga ngayon at kasalukuyang in-ultrasound, baka hindi ko na napigilan ang sarili kong bumangon talaga.

"Oo, anong nakakagulat do'n? Ang lakas kaya ng dugo ng mga Lizares pagdating sa lalaki."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sonny, ignoring what Doc said. Ngumisi ako sa kaniya sabay turo.

"Agahan, pananghalin, at hapunan are on you, ha?" Pagri-remind ko sa kaniya.

Umiling-uling siya pero ngumiti na rin.

"What do you want me to cook then?"

Ang ganda ng ngiti niya.

Anak ng baboy, Ayla! Tinatanong ka!

"Kahit ano basta may pepperoni."

"You and your cravings."

"Ay iba? Close?"

Matinding paglunok ang nagawa ko nang marinig ang boses ni Doc Hinolan.

"Just do your job, Dahlia."

"Effective ba naging plano ko?"

Ano?

"What the fuck, Dahlia? What plan?"

"Joke only, okay? Joke. Pikon ka pa rin hanggang ngayon. Gawin mo 'yong gano'ng technique, Ayla, effective 'yon sa kaniya. Effective 'yong pagiging pikon niya."

Umiling na lang ako sa sinabi ni Doc. 'Di rin nagtagal ay natapos ang appointment ko sa kaniya. Ni-remind lang naman niya ako sa iilang appointments na meron ako at nag-suggest na rin siya ng iilang activities na puwedeng gawin para maging normal ang delivery ko sa bata.

The next day, tinotoo nga ni Sonny ang naging pustahan naming dalawa. Matapos mag-walking ay agad siyang dumiretso sa kusina para maghanda ng agahan namin.

Okay namang magluto si Sonny, hindi naman sa nang-aano ha, mataas lang kasi 'yong timpla ko kaya para sa'kin, parang normal lang 'yong lasa ng mga niluluto niya. Siguro dahil hindi ako pamilyar sa mga niluluto niya pero masarap naman, hindi naman pangit kaya considered as masarap na 'yon.

"Sonny, puwede ko bang dalawin ang mga magulang ko?"

Sa gitna ng hapunan namin, bigla ay in-open ko ang ganoong klaseng topic. Hindi namin usually pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya ko, pati si Ate Aylen. Hindi naman siya nagtatanong at hindi naman ako 'yong tipong unang magku-kuwento talaga.

Puro kakaibang bagay lang ang napag-uusapan namin sa nakalipas na dalawang linggong kasama siya.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakabati ng parents mo?"

Umiling ako biglang pa-unang sagot.

"Simula no'ng palayasin ako ni Tatay sa bahay, hindi pa ako nakauwi kaya hindi ko alam kung tanggap na ba nila ako."

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga kaya nagpatuloy na lang ako sa kinakain.

"Alam ba nila na ako 'yong ama ng dinadala mo?"

Nag-angat ako sa kaniya ng tingin. Tumigil na siya sa pagkain at ibinigay na niya ang buong atensiyon sa akin. Umiling ako.

"Kaya nga ako napalayas sa bahay kasi mas pinili kong hindi sabihin sa kanila kung sino ang ama. Ang gusto ni Tatay ay papuntahin ko sa bahay 'yong ama nito. No'ng mga panahong iyon, hindi ko 'yon magagawa."

"Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang tungkol sa akin?"

Mahina akong natawa dahil sa tono ng boses niya. Parang kasalanan ko pa kung bakit hindi ko sinabi agad.

"Kapag sinabi kong ikaw. Kapag sinabi kong Lizares. Hindi 'yon maniniwala. Walang maniniwala sa'kin."

"How could you say that? Naniwala nga akong anak ko 'yang dinadala mo, 'yong ibang tao pa kaya, 'yong mga magulang mo pa kaya?"

Pagak ulit akong natawa at tuluyang binitiwan ang kubyertos na hawak.

"Pagpalagay nating ikaw si Ayla Encarquez. Nabuntis ka ng isang lalaking mataas ang posisyon sa buhay, kilala ang angkan sa buong bayan at probinsiya, isang lalaking guwapo, 'yong imposibleng abutin. Tapos ako 'yong isang ordinaryong tao na nalaman ang kuwento mo. Alam mo kung anong una kong sasabihin kapag sinabi mo sa aking nabuntis ka nang ganoong klaseng lalaki?"

"Ano?"

"Nag-iilusyon ka." Kitang-kita ko ang pagngiwi niya ng mukha dahil sa sinabi ko pero binalewala ko muna. "Kasi imagine, ganito kababang babae mabubuntis ng ganito kadelikalibreng lalaki?" Ginamitan ko pa ng kamay para makita niya kung gaano kalaki ang gap naming dalawa. "Sobrang imposible no'n. Walang maniniwala kapag may sinabihan ako at mas lalong hindi maniniwala ang mga magulang ko no'n."

Marahan niyang tinampal ang kamay kong ginamit ko bilang illustrator kaya panandaliang akong napangiwi at napasimangot.

"Shut it out, Ayla. It happened to you kaya hindi na 'yon imposible para sa'yo. At saka, grabe ka namang maka-describe sa'kin, normal na tao lang naman ako, nothing special."

Napaka-humble talaga.

"Sige na, sasamahan kita. We'll face your parents together. We should, uh, face the consequences of what we did."

Ha?

Umangat ulit ang tingin ko sa kaniya, nagtataka.

"H-Hindi… ako na lang. Hindi ko naman sasabihin sa kanila kung sino ang ama, ang gusto ko lang ay ang mabisita sila. Kapag nalaman nilang ikaw, hindi sila maniniwala dahil paniguradong alam nilang ikakasal ka kay MJ." Bahagya akong napayuko, pilit tinatago ang panandaliang kirot na dumantay sa puso ko.

When you lived a happy life consecutively, the devastation will always follow.

"Hindi ba nila ako tatanggapin kapag nalaman nilang ipakakasal ako sa iba?"

Pagak akong napangiti dahil sa sinabi niya. Sinong magulang ba ang tatanggap sa isang lalaki na binuntis ang anak nila tapos malalaman pa na ikakasal na pala sa iba? Meron ba? Kasi sa pagkakaalala ko, wala, e. Walang matinong magulang na ganoon.

"Hindi na importante 'yon. Hindi na rin naman nila kailangang malaman. Pilit nga nating itinatago sa lahat, 'di ba? At saka, pera lang naman ang kailangan namin sa'yo. Okay na naman siguro 'yon, 'di ba?"

Anak ng baboy. Bakit ako 'yong nasasaktan sa sarili kong salita?

"Pera… hmm… tama, pera."

"Kung puwede sana, bukas ako aalis papuntang bayan? Habang maaga pa, habang hindi pa ako nanganganak." Tapos na rin naman akong kumain kaya tumayo na ako sa silya at ngumiti sa kaniya. "Salamat sa libreng pakain mo buong araw. Masarap lahat ng luto mo." Ngumiti ulit ako sa kaniya bago tumalikod.

Pero sa pagtalikod ko ay ang pagpigil niya sa akin.

"Pera lang ba talaga ang habol mo sa'kin, Ayla?"

Tumango ako at saka dahan-dahang kinalas ang kamay niyang nakahawak sa palapulsohan ko bago pa man niya akong makitang umiiyak.

Noong una, akala ko pera lang. Kalaunan, mas importante pa lang mabigyan ng isang kumpletong pamilya ang bata pero paano ko magagawa 'yon kung ikakasal siya sa iba? Sa isang babaeng wala akong laban?

~