webnovel

Clouded Feelings (Tagalog)

Ayla Encarquez is a nobody. Can she be a somebody to the man of her life?

_doravella · Urban
Not enough ratings
47 Chs

The Engagement Party

"Hindi natin kailangan ang mga Lizares. 'Wag mo nang asahang tutulungan ka niya."

Tumango ako sa sinabi ni Tatay habang pinipilit na inguya ang pagkain namin sa hapunan.

Ilang oras na ang nakalipas matapos umalis ni Sonny pero heto pa rin ako't naguguluhan sa mga sinabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Bakit 'yon ba ang mga salitang binitiwan niya? Wala akong maintindihan o pilit lang hindi tinatanggap ng utak ko kung ano 'yong sinabi niya kahit alam na alam ng puso ko kung anong ibig sabihin ng mga salitang iyon? Sobra akong naguguluhan. Mas lalo akong naguluhan.

Nagtapos ang gabing iyon sa kuwentuhan namin ng mga magulang ko. Maski nga ito, hindi ko inaasahan na darating sa buhay namin, na mapag-usapan kung ano ang nangyari sa buhay nila habang wala ako. Ang payapa ng gabing ito, mapayapa kahit na gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari. Kahit papaano kasi'y hindi ipinaramdam ng mga magulang ko ang problemang meron ako kanina.

Iminulat ko ang mata ko nang magising kinabukasan. Isang malakas na tugtugaok ng manok ang dahilan ng aking paggising.

"I'm really home," mahinang bulong ko.

Nagbabalik na sa normal ang buhay ko. Walang magarang kama, walang malaking bahay, walang aircon, walang walking na naganap kasama siya. Nasa bahay-kubo na namin ako ngayon. Dating buhay, dating gawi. Ang pinagkaiba lang, may kasama na ako ngayon sa sinapupunan ko.

Bumangon ako para harapin ang araw na ito. Bukas ay ang araw na itinakda nilang sabihin sa lahat ang kasal na magaganap sa dalawang malaking pamilya sa bayan namin.

Tama na, Ayla, simula ngayon… kalimutan mo na siya.

"Halika na, Ayla, mag-agahan ka na. Kanina pang umalis ang Tatay mo para araruhin 'yong lupain ng mga Mondejar."

Nang makalabas sa silid, ang nakangiting mukha ni Nanay ang unang bumungad sa akin. Inaayos na niya ang hapag-kainan namin. Isang gabi pa lang akong nakatulog rito at hindi pa ako sanay sa magandang trato nila sa akin. Hindi naman sa hindi talaga maganda at maayos ang trato nila sa akin noon pero naninibago lang talaga ako na tratuhin nila ako nang ganito, 'yong halos subuan na nila ako sa pag-aalaga. Masiyado akong nasanay na pinapabayaan at halos hindi na pansinin simula no'ng mawala si Ate. Sa sobrang tagal na, nasanay na ako sa ganoong klaseng situwasiyon namin… pero ano kaya ang nangyari at bakit biglang naging ganito? Anong nangyari noong nawala ako? Anong hangin ang sumapi sa kanila noong wala ako?

"Gusto mo, ipatingin natin kay Ka Elsa 'yang tiyan mo? Ipapatingin lang natin kung mabuti ba ang kalagayan niya? Baka baliktad pala ang posisyon n'yan at i-caesarian ka pa. Ipapahilot lang natin kung sakali."

Habang kumakain ay nakaupo lang sa tapat ko si Nanay at kinakausap na ako.

"Sige po, 'Nay."

Pumayag na ako para matahimik na rin siya. Ganito rin kasi ang pinapaniwalaan namin dito kaya sige lang, go with the flow lang ako, wala rin naman akong gagawin ngayon araw… bukod sa isiping wala na talaga akong pag-asa sa kaniya. Mas mabuti na 'yong may pinagkakaabalahan ako.

Hapon na nang makauwi kami galing sa lakad namin ni Nanay kay Ka Elsa. Naging maayos naman ang lakad namin sa isang sikat na manggagamot at manghihilot sa bayan namin, wala naman siyang nakitang problema, at sinabi niya lang na normal ang bata sa loob ng tiyan ko… ayon 'yon sa paghihilot na ginawa niya. Naniwala naman ako kasi marami nang napagaling si Ka Elsa rito sa bayan namin kaya naging sikat at kilala siya.

Malayo pa lang ang traysikel na sinasakyan namin ni Nanay ay nakita ko na sa malayo ang pamilyar na sasakyan ni Sonny.

Anong ginagawa niya rito?

Umaandar pa lang ang motor, halos gusto ko nang tumalon nang makarating na sa bahay. Anong ginagawa ni Sonny dito? Gusto ko mang itanggi na hindi sa kaniya ang sasakyang ito pero maski ang plate number ay saulado ko kaya hindi ko talaga maitatanggi.

"Kaninong sasakyan kaya 'yan?" Narinig kong tanong ni Nanay. Pero hindi ko magawang sagutin ang tanong niya dahil nagsimula ng manginig ang kamay ko't feeling ko pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

Manong, pakibilisan naman ang pagda-drive, o?

Nang tuluyang makahinto ang traysikel, si Nanay naman ang gusto kong madaliin kasi nasa loob ako at siya 'yong kailangang unang bumaba bago ako makababa. E, masiyado kasing dramatic ang pagbaba ni Nanay, may nalalaman pang slow motion. Nanay naman, e.

Hindi ko na hinintay si Nanay na matapos sa pagbabayad niya't dali-dali akong naglakad papunta sa bakuran ng bahay. Saktong pagkarating ko ay nakita kong tumilapon na si Sonny sa lupa at nasa harap niya si Tatay.

Gusto ko sanang lapitan si Sonny kaso naunahan ako ni Nanay. Napigilan niya ako ka agad dahilan para hindi ako makagalaw.

"'Wag ka nang lumapit, Ayla." Pabulong na sabi niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Ano bang nangyari? Anong ginagawa niya rito?

"T-Tito Boyet, please…"

"'Wag mo 'kong matawag-tawag na Tito, hindi kita pamangkin! Wala akong pakialam kung ikaw ang ama ng apo ko. Wala akong pakialam kung isa ka pang Lizares. Sige, kasuhan niyo ako, pero hinding-hindi mo makukuha ang anak ko sa'min. Anong gagawin mo sa kaniya? Gagawin mong kabit? Ikakasal ka ng walang hiya ka pero nandito ka pa rin?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Tatay at Sonny. Hindi man lang siya tumayo matapos na tumilapon sa lupa. Ano bang ginagawa niya? "Helena, papasukin mo na 'yang si Ayla sa loob."

Lumingon si Tatay sa amin at itinuro pa ang direksyon ng bahay. Doon na lumingon si Sonny sa amin. Agad siyang napatayo habang inaakay ako ni Nanay na maglakad papasok ng bahay. Nakipagtitigan ako sa kaniya at kitang-kita ko ang sugat sa bandang labi niya, isang preskong sugat.

"A-Ayla… please come home with me. You need to have a good rest. The baby needs a good rest."

Hindi siya nagtagumpay na lapitan ako dahil agad na humarang si Tatay sa harapan ko. Napatigil kami ni Nanay sa paglalakad kaya nagkaroon ako ng chance na matingnan siya sa kaniyang mga mata.

Ano bang ginagawa niya? Bakit niya ginagawa 'to? Bakit mo ginagawa 'to, Sonny?

Dala ng pagbubuntis ko, hindi ko napigilan ang maiyak nang makita siyang halos magmakaawa na.

Bakit niya ba kasi ginagawa 'to? Bigyan niya naman ako ng rason, o.

"Tama na, Sonny," mahinang sabi ko.

"Ayla, pumasok ka na sa loob." Narinig kong sabi ni Tatay pero nanatili ang tingin ko kay Sonny without moving an inch.

One last time.

"Have you forgotten what Dahlia said? Hindi ka puwedeng ma-stress. Kailangan kitang bantayan, Ayla."

Marahan kong kinalas ang kamay ni Nanay na nakahawak sa braso ko at dahan-dahang nilapitan si Sonny. Nagtiim-bagang ako habang pinipigilan ang sariling emosyon.

"Mas lalo akong ma-sstress kapag sumama ako sa'yo, Sonny. Hindi na dapat ako nadadamay sa problema ng pamilya mo. Hangga't wala pang nakakaalam, hangga't hindi pa alam ng lahat, ng mga magulang mo, ng mga Osmeña, lalong-lalo na ni MJ Osmeña… kalimutan mo nang nabuntis mo ako. Mas payapa ang buhay ko rito sa mga magulang ko, Sonny. At saka makakagawa ka naman ng anak kung ikakasal ka na sa kaniya, 'di ba?"

Putang inang mga salita 'yan, Ayla! Putang ina talaga! Naatim mong sabihin 'yon sa kaniya?

Mas lalo akong nagtiim-bagang, pinipigilan pa rin ang sariling maibuhos ang lahat ng sakit.

"P-Pasensiya ka na kung nabulabog kita. Pasensiya ka na kung inakala kong hindi ko mabubuhay ang bata ng mag-isa. Pasensiya ka na. Promise, hindi ko guguluhin ang buhay niyo at mananatili akong tahimik tungkol sa batang ito. Just please let me live with my parents and please live your life the way it should be before you knew this unborn child."

"Narinig mo ang sinabi ng anak ko, Sonny Lizares, umalis ka na't 'wag mo nang idamay ang anak ko't apo sa problemang meron ang pamilya mo."

And that ended everything. That's how we ended it. Umalis siya na walang iniwang salita. Tahimik siyang naglakad palayo sa akin, sa amin ng anak niya.

Akala ko pati nararamdaman ko sa kaniya, mawawala rin… pero bakit gano'n? Ganito ba dapat kapag nagkagusto ka sa kaniya? Kahit anong gawin mo, masasaktan at masasaktan ka talaga?

Kaakibat ng mga masasayang araw na kasama ko siya ay ang sakit ng katotohanang ikakasal siya sa iba, hindi ko mabibigyan ng buong pamilya ang anak ko, at mas lalong hindi niya malalaman ang lecheng nararamdaman ko para sa kaniya na pilit kong itinitago para lang hindi masira kung anong meron kami ngayon. Akala ko panghabang-buhay na ang ganoon… hindi pala. Nothing is consistent in this world unless it's change. Pagbabago… pagbabago ang kailangan natin. Isang malaking pagbabago.

Hinarap ko ang araw ng Sabado na may kaonting bigat sa aking dibdib. Aside sa literal na bumibigat na ang tiyan ko, mabigat din ang pasan ko sa bandang puso. Pero ayokong ipakita sa mga magulang ko, ayoko na silang mag-alala pa.

Katatapos ko lang maligo at magbihis nang may narinig akong usapan sa labas ng bahay. Sumilip pa ako sa may bintana ng kuwarto ko para tingnan kung sino 'yong kausap ni Tatay. Nag-ingay din kasi 'yong mga manok kaya medyo magulo na talaga.

Una kong nakita si Tatay na tinapik-tapik pa ang balikat ng lalaking kausap niya. Nakatalikod kasi ang lalaki sa direksiyon ko kaya hindi ko agad nakita ang mukha niya.

Sino 'yan? Parang ang pamilyar naman niya?

Total nakabihis na rin naman ako, lumabas na ako ng kuwarto. Saktong paglabas ko naman ay siyang pagdaan ni Nanay na may dalang isang tray ng baso at mga tinapay.

"'Nay, sino 'yong kausap ni Tatay sa labas?"

Bago pa man makalabas nang tuluyan si Nanay, tinanong ko na siya. Iba kasi 'yong ngiti ni Tatay sa taong kausap niya at halatang parang natutuwa siya rito kaya nakapagtataka lang.

"Tapos ka na pa lang maligo, halika rito't labasin mo 'yong kaibigan mong si Fabio. Nandito siya para bisitahin ka."

Ano? Si Fabio?

Bago pa man ako makapagtanong ulit sa sinabi ni Nanay, bigla na siyang lumabas. Naiwan pa sa ere ang kamay kong nakaturo sa kaniya kanina.

Si Fabio? Anong ginagawa niya rito?

Naguguluhan man sa kaniyang presensiya, minabuti kong lumabas na para masagot na ang tanong sa utak ko.

"Tapos nang maligo si Ayla, Fabio, nakasunod na nga sa akin." Narinig kong sabi ni Nanay sa kaniya habang inilalapag niya ang dala niya kanina sa lamesang gawa sa kawayan na nasa ilalim ng malaking puno ng talisay.

Agad na nagpang-abot ang tingin naming dalawa ni Fabio nang lingunin niya ang bahay namin. Napatigil ako sa may labas ng bahay habang nilalabanan ang mga titig niya.

Anong ginagawa mo rito, Fabio Menandro?

Mariin kong tiningnan si Fabio. Walang balak na lapitan siya kung hindi lang tinawag ni Tatay ang pangalan ko para lumapit sa puwesto nila.

"Iiwan na muna namin kayo, ha? Mag-usap na muna kayo. Nasa likod ng bahay lang kami kung may kailangan kayong dalawa." Sabay na nagpaalam si Nanay at Tatay nang makalapit na ako sa puwestong iyon.

Ngumiti si Fabio sa kanila at malugod na tumango at sumagot sa kanila. Mariin pa rin akong nakatingin sa kaniya, pinag-aaralan ang bawat kilos niya.

Anong kalokohan na naman 'to, Fabio?

"Hindi mo naman sinabing umuwi ka na pala. Sana pala noong isang araw pa ako nakabisita rito," agad na salita niya nang makaalis na sina Nanay at Tatay.

Hinawakan ko ang tiyan ko para makakuha ng suporta at lakas ng loob.

"Anong ginagawa mo rito, Fabio?" Diretsahang tanong ko, walang mababakas na pag-aalinlangan mula sa akin.

"Siyempre, Ayla, binibisita ka. Ang tagal kaya kitang hindi nakita, na-miss kita. Saan ka ba kasi galing?"

Naiinis ako sa kaniya. Lahat ng mga salitang sinabi niya sa akin noong araw na iyon ay unti-unting bumabalik sa akin. Ang sakit ng mga sinabi niya. Hindi ko pa naman inaasahan na manggagaling mismo 'yon sa kaniya.

"Anong pakulo 'to, Fabio?"

Nawala nang unti-unti ang kaniyang ngisi nang mahimigan niyang seryoso na ako. Bumuntonghininga siya at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa, sinusubukang abutin ang kamay ko para mahawakan niya pero hindi ko siya hinayaan.

"Look, Ayla… I'm sorry for what I said that day. I didn't mean any of those words. I'm here to get what I really owned, I'm here to get you back, Ayla."

Anak ng baboy!

Umiwas ako ng tingin at natawa sa sinabi niya. Isang nakakainis na tawa.

"Wala ka ng pakialam sa akin, 'di ba? Anong ginagawa mo ngayon sa harapan ko? Bakit mo sinasabi sa aking gusto mo akong bumalik? Anong ka-dramahan na naman 'to, Fabio?"

"I'm just an asshole that day, Ayla. Can you please come back to me? Handa na akong tanggapin ka pati ang bata. I'm willing to be that child's father and I don't care who the father is, just go back to me, Ayla. Please."

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Fabio? Nilalapit mo lang 'yong sarili mo sa gulo."

"I don't care. Mahal na mahal kita, Ayla, na kaya kong gawin ang lahat, maski ang tanggapin ang batang hindi naman akin. And I am saving you from shame. Usap-usapan ka na sa bayan natin na nabuntis ka ni Engineer Sonny Lizares. I am just saving your ass from the wrath of the Lizares, Ayla."

Tuluyan akong napatayo dahil sa sinabi niya, sa huling sinabi niya. May gulat na bumalatay sa akin pero mas pinanaig ko ang sariling opinion sa ginagawa ni Fabio ngayon.

"Save your own ass, Fabio. Nakalabas ka na sa butas na pinanggalingan mo, pilit mo pang isinisiksik at ibinabalik ang sarili mo."

Nagsimula akong maglakad pabalik sa bahay nang bigla niyang hinablot ang braso ko para maiharap sa kaniya. Sa sobrang gulat, hindi agad ako nakagalaw.

"Ano? Totoong si Engineer Sonny Lizares ang ama n'yan? Totoo ba talaga, Ayla, o gawa-gawa mo lang 'yan para mapansin ka ng lahat? Imposibleng mabuntis ka ng isang Lizares. The Lizares won't even look at you, ang mabuntis pa kaya?"

Ano?!

Umakyat yata ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa ulo ko at nagtatangis na ako sa galit ngayon dahil sa sinabi niya. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko. Putang ina.

"Mahal kita, Ayla, at alam kong mahal mo rin ako. You said it to me!"

"Noon 'yon! Noong hindi ko pa narinig mula sa bibig mo kung anong klase kang tao nang malaman mong nabuntis ako ng ibang lalaki. Noon 'yon, Fabio! Hindi na ngayon!"

Anak ng baboy namang mga pangyayari sa buhay kong 'to, oo, wala na bang katapusan 'to?

"Oh, c'mon, Ayla! Magpapakipot ka pa, e, nabuntis ka rin lang naman ng ibang lalaki? Sinasalba lang kita sa chismis na umiikot ngayon kaakibat ang pangalan ni Engineer Sonny Lizares. In fact, I am also saving their asses against this issue of them. I am saving everyone's asses, Ayla. Kaya malaking sakripisyo 'tong gagawin kong pagtanggap sa anak mo!"

Isang malakas na sampal ang unang sinagot ko sa kaniya. Hindi ko na talaga kaya itong inis na nararamdaman ko sa kaniya. The more he opens his mouth, the more I'm disgusted with him. Hindi ako makapaniwalang minsan sa buhay ko… nagkagusto ako sa ganitong klaseng lalaki.

"Para ano? Para ikaw 'yong maging hero ng istoryang ito? Para tawagin kang martyr ng lahat kasi pinanindigan mo 'yong anak na hindi naman sa'yo? Para ikaw 'yong mapag-usapan ng lahat? Para mapunta sa'yo ang atensiyon? Akala mo ba na hindi ko napapansin noon pa na gustong-gusto mong makuha ang atensiyon ng lahat? Kulang na nga lang yata gumawa ka ng sarili mong sex video para lang mapag-usapan sa bayan natin, e. Ganoon ka ka-hayuk sa atensiyon, Fabio. Kaya pati itong hindi mo anak ay kaya mong panindigan kuno para lang mapag-usapan ka ng lahat."

"What the fuck is this?!"

Sabay kaming napatingin ni Fabio sa bagong dating. Parang toro kung sumugod siya sa akin. Kung hindi lang siguro siya napigilan ng boyfriend niya, baka tuluyan na niya akong nasaktan o kung ano pa.

Tumagal ang titig ko sa kaniya.

'Yong minsang kaibigan ko… ngayon ay galit na galit na sa akin.

"Bakit mo sinampal ang pinsan ko?! Ang kapal din naman ng mukha mo para saktan s'ya? Hindi pa ba sapat 'yong ginawa mong pagta-traydor sa kaniya? Hindi pa ba sapat 'yong pakikipag-sex mo sa ibang lalaki para saktan ulit 'tong pinsan ko? Ha, Ayla?!"

Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa sinabi niya. Sinapo ko ang bibig ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang galit ang taong itinuring kong parang kapatid na.

"Z-Zubby…" Mahinang bulong ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nagmamakaawa, nanghihingi ng pasensiya, iniisip na sana mabalik pa namin ang aming pagkakaibigan.

"'Wag mo 'kong ma-Zubby-Zubby, hindi kita kilala!" Nanggagalaiting sabi niya. "Bakit ba bumalik ka pa? Bakit ba nagpakita ka pa? Ang kapal din naman ng mukha mong malandi ka na papuntahin si Fabio rito sa bahay mo. Para ano? Para ipa-angkin sa kaniya ang anak mo? Kasi 'yong usap-usapang ama n'yan, ikakasal na sa iba, ganoon ba?"

"What the fuck are you saying, Zubeida?"

"Hindi mo alam? Si Engineer Sonny Lizares ay ikakasal kay Miss MJ Osmeña at ngayong araw sasabihin sa lahat na ikakasal silang dalawa."

Nag-iwas ako ng tingin nang maalala ang sinabi ni Zubby. Oo nga pala, ngayong araw na nga pala 'yon.

"Kaya ikaw na babae ka, 'wag ka nang mandamay ng ibang tao sa problemang pasan mo. Hanggang ngayon pa rin pala, nandadamay ka pa ng iba para masamahan ka lang sa problemang pasan mo."

Lumapit siya sa akin at itinaas niya ang kanang kamay, pumikit ako… handa na para sa isang matinding sampal nang…

"Hindi ako pumapatol sa babae pero kapag ito lumapat sa mukha niya, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa'yo."

Anak ng baboy?!

Dumilat ako at agad tiningnan ang nagmamay-ari ng mala-kulog na boses na 'yon. Gulat na gulat ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

"A-Anong ginagawa mo rito? 'Di ba dapat naka'y Miss MJ Osmeña ka na ngayon kasi malapit na kayong ikasal?"

"You don't care where I should be. And who the fuck is you to care for that?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa likuran ni Sonny at sa gulat na mukha ni Zubby.

"Napaka-gago mong Lizares ka! Ang taas pa naman din ng tingin ko sa'yo tapos bubuntisin mo lang 'yong babaeng gusto ko?!"

Umambang susuntok si Fabio kay Sonny, kaso masiyadong mabilis ang kamay ni Sonny at agad napigilan ang kamay ni Fabio na naka-form into fist.

Hawak ni Sonny sa kaliwang kamay ang kamay ni Zubby na akmang sasampal sa akin. Hawak naman niya sa kanan ang kamay ni Fabio na akmang susuntok sa kaniya. Literal na nasa likuran na niya ako ngayon kaya hindi ko masiyado makita kung anong ekspresiyon nilang dalawa.

"At least I'm an asshole for impregnating her. Unlike you na kailangang i-degrade siya para lang itaas ang pride mo bilang lalaki."

Anak ng baboy?

Nagulat ako sa sinabi ni Sonny. Hindi ko kailanman inaasahan na lalabas sa mismong bibig niya ang ganoong klaseng katotohanan.

"Tss, akala mo hindi ko narinig ang mga pinagsasabi mo kanina? Gusto mo talagang angkinin ang anak ko? Ang anak na hindi naman sa'yo."

"Anong nangyayari rito? Hoy, Sonny Lizares, bitiwan mo 'yang kamay ni Fabio!"

Sabay kaming napalingon sa direksyon ng bagong dating na sina Nanay at Tatay. Seryoso lang siyang nakatingin sa tatlong taong magkaharapan na ngayon.

Sabay niyang binitiwan ang kamay ng dalawa, ayon na rin sa utos ni Tatay. Matapos no'n ay ako naman ang nilingon niya.

"Are you okay?" Mahinang tanong niya, enough para ako lang yata ang makarinig.

Gusto ko sanang tumingin sa mga mata niya pero after all ng mga pinagsasabi ko sa kaniya, hindi ko na yata siya matingnan sa mata.

"O-Oo…" Simpleng sagot ko na lang, iniiwasan pa ring matingnan siya sa mata.

"Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na. Ako nang bahala rito."

Hindi ko alam pero napasunod niya ako sa sinabi niya. Pumasok ako sa bahay. Sinunod ko kung anong gusto niya. Pagod na pagod na rin ako.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo, Sonny Lizares, na 'wag ka nang lumapit sa anak ko at 'wag na 'wag ka nang magpapakita sa pamamahay ko?!"

Habang papasok ako, naririnig ko ang malaking boses ni Tatay. Pero diri-diretso ang naging lakad ko, hanggang sa makarating ako sa kuwarto. Dumiretsong higa ako, iniinda ang pagod sa araw na ito. Hindi ko na nasundan kung anong sunod na naging usapan nila dahil hinila na ako ng antok.

Nagising ako na madilim na ang paligid. Nakabukas ang ilaw sa salas ng aming bahay at tahimik ang paligid, maliban na lang sa munting ingay hatid ng TV na nasa salas.

Ilang oras kaya akong natulog? Totoo ba 'yong nangyari kanina? Bakit parang panaginip?

"Anak, kumusta pakiramdam mo?" Bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si Nanay na may bitbit ng isang tray ng pagkain, yata. Binuksan niya ang ilaw ng kuwarto ko at panandalian pa akong nag-adjust sa sinag ng ilaw. "Kumain ka na, anak."

"Anong oras na po, 'Nay?"

"Alas-diyes na kaya maghapunan ka muna." At inilapit niya sa akin ang tray na kanina'y bitbit niya lang.

"Ano po 'yong nangyari kanina?"

Natigil ang kamay ni Nanay sa pag-aayos ng mga pagkain nang marinig ang tinanong ko. Tumingin siya sa akin at nagbuntonghininga.

"'Wag mo na lang alalahanin 'yon, anak, baka makasama pa sa bata."

"Si Sonny po, 'Nay? Umuwi na po ba?"

Bakit siya nandito kanina? Ilang beses ko na siyang sinabihan na 'wag na siyang babalik dito sa bahay pero bakit nandoon siya kanina? Magpapaalam ba siya sa akin na ikakasal na siya kaya nandito siya kanina?

Anak ng baboy, Ayla?

"Nandito siya kanina, pinilit na manatili muna hanggang sa magising ka pero umalis din, pumunta ng Bacolod."

That's it. That's the end of it. That's the end of my little hope of us. Talagang ikakasal na sa iba ang Papa mo, anak.

~