webnovel

Chapter 9: Ang Katotohanan

"Bakit? Bakit ka nagsinungaling? Packing tape naman Asia, pinagmukha mo kong tanga!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang dumikit nalang bigla ang mga ito sa semento habang pinapanood ko siyang galit na galit....sa akin.

"C---cliff why?"tanging nasabi sa kabila ng paghagulgol ko.

"WHY? YOU LIED TO ME, YOU AND YOUR FAMILY! I. HATE. YOU."

"No! Cliff please? No!" sigaw ko.

"ASIA!"

Dahil sa isang sigaw na iyon ay napaupo ako at napahawak sa dibdib ko na sobrang bilis ang pintig.

"Asia anong nararamdaman mo? Are you okay?" sunod na sunod na tanong ni Daddy habang nasa likuran si Kuya Paris.

"My heart, it's fast" tanging nasabi ko habang nakahawak pa rin sa dibdib ko na parang takot na takot.

"Magbihis kayo at pupunta tayo sa hospital" natatarantang sabi ni Daddy.

Tumango nalang ako para sumagot.

"I'm sorry. Sorry po kung dahil sa akin nahihirapan na kayo. Dahil sa akin hindi kayo nakakapagsaya. I'm sorry" biglang sambit ko at nagpakawala ng mahihinang hikbi at nagtuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha ko dahil naramdaman kong niyakap na nila ako.

"Baby naman, tandaan mo hindi kami nahirapan sayo at kapag nahihirapan ka mas nahihirapan kami"

"At kung masaya ka,masaya na din kami. Kaya nga support kami kay Cliff di ba? Kaya lang hindi mo ba sasabihin kay Cliff ang katotohanan? Deserve niyang malaman"

Napahinto ako dahil sa sinabi ni Kuya.

I know he deserves to know but not yet. I'm not prepared.

"I mean hindi kita pinangungunahan pero mad maganda siguro kung sayo manggaling at hindi sa ibang tao?"

That dream.

"Paris magprepare ka na at ikaw din. Huwag mong isipin ang sinabi ni Paris. Take your time baby"

"Okay dad" sabi ko atsaka ko siya nginitian.

*bzzzzzzzzzt*

Naramdaman kong nagvibrate phone ko kaya naman tinignan ko muna bago maligo.

Cliffy Wafu❤

Asia Prinsesa ko maganda ka pa sa umaga😁😁 Can I come to your house to visit?

Hindi po ako yung naglagay ng name siya po talaga yown.

Me:

Sorry Cliffy aalis kasi kami ngayon,maybe next time?

Cliffy Wafu❤

Okie dokie. Take care Prinsesa ko mamahalin pa kita.😘😘

Siraulo talaga siya. Hindi ko na nireplyan tinatamad ako atsaka naalala ko yung panaginip ko.

Pagkatapos kong magprepare ay bumaba na ako dahil alam kong kanina pa sila naghihintay sa akin. Kasalanan ko bang babae ako at marami pang kaek-ekang ginagawa.

"Gosh! After how many decades bumababa na rin ang Prinsesa natin" sarkastikong sabi ni Kuya Paris kaya binatukan siya ni Dad na alam kong mahina lang.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa past life ko para maging sobrang ayos ng buhay ko ngayon. Si Dad na parang barkada lang namin at nagkakaroon pa rin ng time for us kahit na sobrang dami niyang ginagawa sa work niya. Si Kuya Paris na kahit ganyan ang ugali ay alam kong love na love niya ako, hindi niya sinasabi pero pinararamdam niya naman. Action speaks louder than word yan ang motto niya.

"Church first?" tanong ni Dad at tumango nalang kami ni Kuya ng sabay bilang sagot.

Tradisyon ng pamilya na bago kami pumunta sa kung saan ay magsisimba muna kami for His guidance.

~•~•~•~

"Okay lang naman ang mga result pero kailangan mo na talagang magingat Asia,magpahinga,kumain ng masustansyan at huwag sobra sa emosyon" yan lang ang naintindihan ko sa mga pinagsasabi ng Doctor.

Pagkatapos ibigay ang listahan sa bago kong mga gamot ay umalis na kami.

"I told you Princess calm down,right?" sabi ni Daddy kaya napatango nalang ako.

Habang nakikinig ako sa mga do's and dont's nila Kuya at Dad ay napatigil ako dahil parang pamilyar yung babaeng sinisigawan ng isang lalaki na kaage lang ni Daddy.

"Hhhm dad una na po kayo may nakita lang po kasi akong kakilala ko, lalapitan ko lang po"

Sa una ay hindi pumayag si Daddy pero pinangako ko sa kanya di ako magpapagabi at hindi ko ipapamahamak ulit ang sarili ko ay pumayag na din sila.

"Ingat ka Princess, call us if you need something"

"I will dad"

Bago ako pumunta hinintay ko muna silang umalis bago ko lapitan si Angel pero hindi ako makalapit dahil hindi pa sila tapos magusap or should I say magsigawan.

Hindi ko alam ang gagawin kaya nasa sulok lang ako at nakatingin sa kanila pero mas kinabigla ko ay napatingin sa gawi ko si Angel at para bang nagulat pero ilang sandali lang ay naalis na yung atensyon niya sa akin dahil sa pagsampal sa kanya. Pupuntahan ko sana siya kaya lang tumingin siya sa akin na parang sinasabing huwag akong makialam.

Napayuko nalang ako dahil wala akong magawa. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naawa sa kanya at alam kong hindi ko dapat ipakita sa kanya yon dahil aakalain niyang mahina siya.

"Tawang-tawa ka siguro dahil sa nakita mo"

Napataas ako ng tingin dahil sa nagsalita. Si Angel na pulang pula ang mukha at ang mata.

Hindi ko alam pero bigla ko siyang niyakap.

"Hey bitch lemme go!" sigaw niya pero di ko siya pinakinggan. Ilang sandali din ay naramdaman kong niyakap na rin niya ako pabalik.

"Promise pagkatapos nito kakalimutan ko ang nangyari just let me comfort you, not your friend but as your frienemy"

Unti-unti kong naramdaman na nabasa ang damit ko kaya mas lalo ko lang siyang niyakap ng mahigpit.

"Bakit ganoon siya sa akin, Dad ko siya pero sinasaktan niya emotionally"

"P--ero sinaktan ka din niya physically?"

"Yah pero first time yon"

Nandito kami sa bench sa may park malapit pa rin ito sa hospital.

Kinuwento niya sa akin lahat ng nangyari. Hindi ko na ikukwento lahat dahil kulang sa oras atsaka di naman niya kwento ito. Hehehehehe.

Basta sabi niya lang ay dad niya yung kausap niya este kasigawan inutusan siyang kunin sa sasakyan pero may nakita siyang pamilyar kaya naman nalate siya at ayun pinagalitan siya, siya naman sinagot niya kaya lumalala.

Kaya dapat huwag munang pairalin ang pagiging chismosa kung inuutusan ka dahil mapahamak ka. Hahahahaha.

"Kasalanan mo yon!" sigaw niya sa akin.

"Aba kasalanan ko bang nakita mo ko at nacurious ka? Ika nga nila, 'Curiousity kills the cat' ayan napapala mo, chismosa ka kasi!"

Yup,ako ang nakita ng babaeng chismosa na ito.

"Hmp! Basta para sa akin kasalanan mo"

"Fine, think what you think"

Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I don't know what to say or do.

"Why?" tanging nasabi niya.

"What do you mean why?" inosenteng tanong ko pero sa loob-loob ko kinakabahan na ako.

"Alam kong alam mo ang sinasabi ko"

"Anong alam ko ang sinasabi mo?"

"Come on! Just tell me. Bakit mo tinago na may sakit ka"

Bulls eye. Hindi siya tanong kaya unti-unting nagunahan ang mga luha ko.

"Para saan pa? Mawawala din naman ako"

"How about Lyndon? Cliff?"

"Alam ni Lyndon"

"And Cliff?"

"I----m not yet ready"

"Aish fine! Let's go"

Bigla niya akong hinila sa nagtitinda ng cotton candy.

"Malayo ang ice cream parlor dito kaya tiis nalang sa cotton candy"

Natawa nalang ako.

"You must tell him the truth" seryosong sabi niya.

"I know. Konting oras nalang malalaman na niya ang katotohanan" tanging nasambit ko sa kabila ng pagbuhos ng mga luha ko.

"Don't worry kahit na kaaway kita---"

Pinutol ko sasabihin niya.

"I'm not. Hindi ko alam kung bakit ganyan ka sa akin. Ang sama mo"

Natawa nalang siya sa naging sagot ko.

"Anong mararamdaman mo kung may babaeng lumapit kay Cliff?"

Out of nowhere niyang tanong kaya tinignan ko siya ng parang nagtataka pero nginitian niya lang ako na parang sinasabi na 'sagutin mo nalang kasi' look.

"Okay lang hindi naman ako katulad mong binabakuran ang hindi naman sa akin"

"SHUT UP! Papano kung yung lumalapit sa kanya ay sobrang close sila at ex niya, nakikita mo sa mata ni Cliff na sobrang pag-alala niya dun sa girl okay nang siya yung masaktan. Ano ngayon ang mararamdaman mo?"

Na-imagine ko lahat ng mga sinabi ni Angel at hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko, nakaramdam din ako ng takot at pagkalito and the worst thing is hindi ito ang dati kong nararamdaman dahil sa sakit ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko namalayang unti-unti ng pumapatak ang mga luha ko.

"I'm hurt" sambit ko at naramdaman na biglang nataranta si Angel kaya dahan-dahan kong pinunasan ang mga luha ko.

"Hey! Are you okay? I didn't mean to hurt you. Ahhm malapit lang yung hospital you want to come? Asia answer me!"

"I'm fine okay? Na-imagine ko lang lahat ng mga sinabi mo at bigla akong nasaktan pero hindi ko alam kung bakit"

Natawa nalang siya kaya napangiti ako. Ngayong araw na ito nakita ko ang totoong Angel, ang Angel na nagpabihag sa puso ng bestfriend ko.

"Ganyan ang nararamdaman ko kapag nakikita kita. Ikaw na sobrang halaga sa taong mahal na mahal ko. Nakakainggit ka kasi nakikita ko sa mata ni Lyndon na sobrang mahal ka niya at yun ang gusto kong maramdaman sa kanya pero alam ko'ng imposibleng mangyari"

"I'm sorry. I don't know" napayuko nalang ako sa sinabi niya.

"Yan ang katotohanan Asia. Ang love ay hindi mo maiiwasan at ganoon din ang hurt, they are twins, if you're in-love be ready to get hurt, be ready to sacrifice everything and be ready to become possessive or should I say desperate. You will do everything to make your love comeback to you. Funny isn't it but that's reality, the reality of the game called love"

"Why do madaming hugot? Don't worry kakausapin ko si Lyndon about your relationship with him and in behalf of Lyndon I apologize"

"No, no, no. Yan ang hindi mo dapat gawin ang pakiusapan na mahalin ka pabalik ng mahal mo dahil kapag ginawa mo yon magiging mahina ka sa paningin niya, kapag mahina ka wala kang karapatan sa salitang pagmamahal dahil ang pagmamahal ay para sa malalakas lang yan. Huwag kang mamalimos ng pag-ibig kusang ibibigay yan sa karapat-dapat na tao na may karapatang ipaglaban ka hanggang sa wakas, walang hinihinging kapalit"

Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pagkatapos ng paghuhugot niya. At ang masakit pa sa mga sinabi niya ay sa bawat salitang binibitawan niya ay ramdam ko ang mga emosyong nararamdaman niya.

Ilang oras kaming nanatiling nakatingin sa papalubog na araw at napagpasyahan naming magpaalam sa isa't isa.

"Ang katotohanan ay hinding-hindi mo maitatago ng napakahabang panahon kaya hangga't maaga pa at hangga't may oras pa sabihin na upang makalaya ka at maging masaya ka na."

~•~•~•~•~•~•~

Saan ko ba nakukuha mga sinasabi ko? Nakakatuwa hahahahahahahaha. Love lots😘😘