webnovel

Chapter 5: Ewan,Weird!

"Asia hindi ka ba nagtataka kung bakit lumapit si Cliff ng ganyan sayo? Dati naman parang hangin ka sa kanya?"takhang tanong ni Kuya Paris habang nagaalmusal kami.

Wala akong masagot kay Kuya kaya nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain dahil ano mang oras ay dadating na ang susundo sa akin.

"Hi po good morning."

Speaking of the devil.

-Flashback End-

~•~•~•~•~

Kaya hanggang ngayon ay hindi ako makapagfocus sa mga lesson dahil sa tanong ni Kuya Paris na hindi ko pa rin mahanap ng kasagutan.

"Bakit tulala si Rapunzel?" tanong ni Cyra isa sa mga kaibigan ko pero sa loob lang ng School.

Dahil aminin ko man o hindi ay wala naman akong maituturing na 'Best Friend' sa room dahil ang mga itinuring ko dating 'Best Friend' ay nawala na parang bula at pagkakita ko ay may iba na silang kinakaibigan kaya simula nang mangyari sa akin yon ay nahirapan na akong magtiwala ulit.

'Kapag nasira na,mahirap ng ibalik' ika nga nila kaya hanggang ngayon ay kaibigan lang ang meron ako at hindi lumalagpas sa word na 'Best Friend' mahirap na at baka sa huli ikaw pa ang magmukhang masama kapag nagkaroon na ng away. Hays, stop the drama.

"Wala lang" tanging nasagot ko sa kanya na totoo naman.

"Sabi mo e" hindi naniniwalang sabi niya at pumunta na sa totoo niya mga 'Best Friend'.

Pinaikot ko nalang ang aking mga mata dahil sa naging asta niya at nanatiling nakatingin sa bintana.

Lumipat kasi ako ng pwesto dahil a sobrang boring sa harapan ng teacher na laging nagpapaulan kaya wala akong nagawa kung hindi pumunta sa bintana na kung saan kitang-kita ko ang field at si Mr. Blonde na nakita ko sa pinuntahan namin,nagturo sa akin kung papaano bumaril.

Si Cliff? Pagkatapos niya akong hinahatid sa school ay pumunta na siya sa training ng basketball. Sinabi ko na nga sa kaniya na huwag na siyang mag-abala pero makulit at hinatid pa rin ako.

Nagkakaroon kasi ng special treatment ang mga estudyanteng nananalo sa mga School Activities lalo na ang mga nasa Sports na laging nananalo specially basketball na Captain ay si Cliff.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga dahil sa kakaisip ng mga sinabi ni Kuya.

'Ewan,weird!'

Tanging naisip ko dahil kahit saan mo tignan ay weird nga.

Dati pa kasi ay may gusto na ako kay Cliff at alam yun ng pamilya ko kaya naman alam din nila ang mga desperada kong galaw para lang mapansin ni Mr. Cold Guy. Pero natigil din ang Fangirling Session ko ng maging kami ni Lyndon at tumagal ng isang taon,hindi na naulit yon dahil naging focus ako sa pagbabati namin ni Lyndon pero hindi pa rin nawawala ang mga updates ko tungkol sa long time crush ko.

"Ilang beses ko ng narinig yang napakalalim mong buntong-hinga. Is there something wrong?"

"Baklang Orangutan!" gulat na sigaw ko kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko at binalewala din ako.

Bigla akong tumingin sa kabuteng biglang nagsalita at tinignan siya ng masama.

"Alam mo bang---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko.

Si Mr. Blonde pala ang sumira sa kaboringan ko pero nasa field palang siya kanina kaya naman napatingin ako doon at wala na akong nakitang naglalaro.

"Hahahaha ang cute mo kapag nagugulat. At alam kong nagtataka ka kung bakit ang bilis kong nakarating dito? Nope naglakad nga ako at dahil sa pagde-daydreaming mo ay hindi mo ako napansin dito"

Ganoon ba ako katagal sa pagkakatulala at nakarating siya dito na nakavarsity at sobrang hot..ehem..ang lagkit niyang tignan.

"You want to touch me?" mapangasar na sagot niya habang nagkagat-labing tumingin sa akin.

"Shut up!" sigaw ko kaya napatingin na naman sa akin ang mga kaklase ko at thankful ako sa taong pumukaw ng atensyon nila.

"May emergency meeting ang mga teacher kaya free ang buong araw" pagaanunsyo niya na siyang kinasiya nila.

"Kain tayo. Libre ko" sabi ng katabi ko na hindi pa rin pala umaalis.

"No!" tanging nasagot ko atsaka na aalis pero kinuha niya ang mga libro sa kamay ko at bag ko.

"Please? Last time I check iniwan mo ko sa ere sa amusement park"

Bigla akong nakunsensya kaya hindi ako sumama dahil hindi ko naman siya kilala.

"Isaac is the name" sabi niya na parang nabasa niya ang iniisip ko na hindi ko siya kilala.

"Asia" tanging nasambit ko at nauna ng maglakad kaya naman hinabol nalang niya ako.

"Weird ba ako?"

"Ay hindi naman! Weird ba yung tawag sa tao kakakita palang sa malayong field na naglalaro at pagkatingin ko ay nasa tabi ko take note kinakausap niya pa ako na parang kilalang kilala na niya ako" sarkastikong sabi ko pero ang fishtea tinawanan niya lang ako sabay gulo ng buhok kaya napasimangot ako.

"FISHTAIL KA!" sigaw ko pero nginitian niya lang ako at kinindatan lang kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa Cafeteria na siyang ikinasaya ko dahil pinupo niya ako at siya na daw ang magoorder kaya binuksan ko ang phone ko para naman makita kung may text ni Cliff pero sa kasamaang palad ay walang kahit na anong text na nanggaling sa kanya kaya naman dahan-dahan kong nilagay sa lamesa ang phone ko.

"For the beautiful lady" sabi ni Mr. Blonde Guy.

"What's your name again?"

Nakita ko kung papaano nawala ang matamis niyang ngiti sa nakasimangot niyang mukha pero agad naman itong nawala at napalitan na naman ng isang ngiti pero isa lamang itong peke.

'Sorry I'm expert when it comes to hide and seek the feelings.'

"I'm sorry makakalimutin ako sa mga pangalan" pagpapaliwanag ko.

"It's okay. Isaac is my name beautiful lady" sabi niya sabay kuha ng kamay ko at hinalikan ito pero hindi pa nakuntento nagpacute pa siya sa akin bago dumating ang order niya.

"FISH!" nasabi ko pagkatapos kong makita ang order niya.

"Sorry hindi ko alam kung ano yung mga gusto at ayaw mo kaya inorder ko lahat ng nasa Menu. Nakita ko rin na ang payat mo at gusto ko maging mataba ka" pagpapaliwanag niya.

Tututol na sana ako kaya lang sayang itong mga pagkain at gutom na ako kaya naman kinain ko na ang mga pagkaing nasa harapan ko habang siya ay pinapanood lang niya akong kumain.

"Staring is rude Mr. Awesome" pabirong sabi ko na siyang kinatawa niya.

"Kailangan pala lagi akong nanlilibre sayo para makatanggap ako ng compliment mula sayo palagi. Pero ang mas pinagtataka ko ay bakit naman kung kumain ka ay parang walang gwapong lalaking nanonood sayo at hindi lang gwapong lalaki,macho,mayaman,matalino at hhhmmm--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinubuan ko siya ng lasagna.

"Huwag mo kong ikumpara sa mga babaeng nagbabait-baitan sa tabi-tabi para lang hindi masira ang reputasyon"

"At pwede ba Isaac tumigil ka sa kakapuri sa sarili mo nakakasakit ka ng tenga" pagpapatuloy ko at tinuloy na sa pagkain.

~•~•~•~•~

Hanggang sa maubos ng kaunti yung pagkaing inorder at napapasalamat ako dahil sinabayan niya ako kung hindi ay magkakaroon ng awkward moment ang mesa namin.

"Anong gagawin mo sa mga natira?" tanong ko dahil humingi siya ng lalagyan para sa mga hindi namin naubos.

"Bibigay ko sa mga nadadaanan kong mga street childrens nakasanayan ko na kasi simula nung nakita ko silang naghahanap ng makakain sa basurahan"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang isang Isaac ay may ginintuang puso? Isa din siyang kilalang tao sa paaralan namin at tinatawag siyang 'Mr. Dream Guy' dahil sa mabait na at hindi pa masungit katulad ni Cliff,isa siyang Captain ng Soccer kaya lang hindi sila masyadong sikat dahil mas kinikilala ng mga kababaihan ang basketball at mga cold guys.

"Nakakagulat ba?" tumango nalang ako bilang pagsagot.

"Hahahaha cute mo" sabi niya at ginulo na naman niya ang buhok ko.

"Hindi ako aso"

"Hahaha oo na po. Gusto mo bang sumama sa pagbibigay nito?"

"Sige"

Inalalayan niya ako tumayo na siyang kinapula ng mukha ko kaya yumuko nalang ako at buti nalang ay hindi ito napansin ni Isaac kung hindi lolokohin na naman niya ako.

Nagtataka kayo kung bakit hindi ko siya nakilala sa amusement park dahil nakablonde siya na dati naman brown ang kulay ng buhok niya at nakashirt siyang v-neck na sanay akong nakavarsity siya na pang soccer kaya ayon.

"CAPTAIN!" dinig naming sigaw mula sa glass door ng cafeteria kaya napatingin kaming dalawa ni Isaac at nakita namin ang soccer team na papalapit na sa amin habang tumatakbo kaya hinarangan ako ni Isaac para hindi madaganan ng malalaking tao.

"Miss you Captain"

"Love you Cap"

"Halikan kita Cap Isaac"

"MAGSITIGIL NGA KAYO AT MAY BISITA AKO!" sigaw ni Isaac at doon palang nila ako napansin kaya napangiti nalang ako sa mga kalokohan nila at sila naman ay nahihiyang umiwas ng tingin.

Isa-isa silang nagpakilala pero hindi ko naman sila natatandaan kagaya ng una naming pagkikita ni Isaac.

"Okay lang bang hintayin natin silang matapos kumain? Mabilis lang sila,kasama kasi sila sa pagbibigay ng mga pagkain,alam mo na the more the merrier" natatarantang sabi niya kaya naman kinurot ko ang ilong niya,nakakagigil kasi.

"Okay lang ano ka ba. Wala naman pasok hanggang mamaya kaya take your time" sabi ko sa kanila na siyang kinatuwa nila.

"Yun oh! The best ka talaga Ms. Asia!" sigaw nila kaya naman napatawa ako sa kakulitan nila.

"Asia nalang"

Binili ako ni Isaac ng fries at float para hindi ako mainggit sa pagkain nila ganoon din ang pagkain ni Isaac.

May pagkakataong na nagseselfie sila at sinasali nila ako,syempre sumasali ako. Hindi ko naramdaman na ako lang ang babae dahil lagi nila akong sinasali sa mga kwentuhan nila.

Sabi nga nila huwag masyadong maging masaya dahil may kapalit ito kagaya ngayon na papunta sa mesa namin si Angel at ang mga alipores niya.

"Oh my gosh! Buti nalang nagising ka na sa katotohanan na hindi ka nararapat sa basketball team at sa puchung soccer team ka lang bagay" sabi ni Angel na siyang kinatayo ko pero pinigilan lang ako ni Isaac.

"No" bulong niya na tama lang na marinig ko.

"It's okay" sabi ko at lumapit sa mga peste.

Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya akong papalapit sa kanya.

"Okay lang na pagsalitaan mo ko ng masama tanggap ko yon pero ang pagsalitaan mo sila Isaac ng masama sobra na. Bakit kilala mo ba sila? Kung makaasta ka na napakagaling ng mga Basketball Player ay wagas pero kahit saan man natin tignan walang binatbat ang pinagmamalaki mong Basketball sa Soccer so shut up ka nalang" sabi ko atska ko na siya nilagpasan.

"Ang galing mo don Babe" sabi ni Isaac na nakasunod pala.

"Yun oh! The moves ni Captain!" sigaw ng isang Soccer Team at pagkatingin ko ay nakasunod sila sa akin.

Bigla ako napatingin sa harapan ko at nakita ko ang Basketball Team na nasa daanan kasama si Cliff na hindi ko mabasa ang ekspresyon.

"Excuse us" sabi ni Isaac dahil hindi pa rin umaalis sa daanan sila Cliff.

"Girlfriend" bulong ni Cliff pero alam kong narinig nilang lahat dahil napasinghap sila.

"Cliff pagsabihan mo si Angel. Huwag niyang inaapi ang mga nasa Soccer Team at tumigil na siya sa akin dahil hindi ko na kayo lalapitan" sabi ko nalang atsaka na dumaan sa gitna nila.

~•~•~•~

Lahat kami ay pumunta sa mga street childrens at sobrang dami nilang binigay na pagkain. Bibigyan pa nga nila ng pera ang mga bata kaya lang sabi ko bakit hindi nalang groceries para kahit papaano ay mabusog sila at siguradong may makakain kaya naman naggrocery kami,gusto ko mang tumulong kaya lang ayaw nilang kunin ang donation ko kaya tumulong nalang ako sa distribution.

Hanggang sa makauwi ako ay inaalala ko pa rin ang mukha ni Cliff parang malungkot at dissapointed.

'Ewan,weird'

"Weird things are cute one's, I don't know I just found it mysterious!"

×××××

At dahil sa weird na yan nahulog ako sa misteryosong lalaki na snobber! Mr. Sungit hiiii!