webnovel

Choice (Oneshot)

Ako si Claris Van, isang normal na babaeng nakatira sa isang maliit na bayan sa Norway. Simula bata ako ay hindi ko na naranasan ang isang maginhawang buhay. Andyan man ang magulang ko at nagtratrabaho sila, hindi parin ito sapat upang maiahon kami sa kahirapan. Ok lang saakin, masaya kami na kahit ganon ay kumpleto ang aming pamilya. Ngunit hindi nagtagal ang kaligayahan na ito.

Isang araw , noong labing tatlong taong gulang ako, may narinig akong katok sa aming pinto, akala ko ang aking mga magulang iyon kaya dali dali kong binuksan at sinalubong ko sila ng masaya ,pero napatigil ako nang makita kong hindi sya ang aking mga magulang. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Ang mata nya ay tila walang buhay, napakalamig ng kanyang tingin,nakakatakot. Napatingin ako sa kanyang kamay at nakitang may hawak na papel ang isa at ang isa naman ay may hawak na kutsilyo. Naestatwa ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayare pero ang gusto ko nalang gawin ay tumakbo, umalis. Sinubukan kong sumigaw ngunit mabilis syang gumalaw at tinakpan ang aking bibig. Nakita ko ng malapitan ang kanyang mga mata naririnig at naaamoy ko ang kanyang mabilis na paghinga na tila sabik na sabik. Natatakot na ako. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nagpumiglas ako ngunit masyado talaga syang malakas .

"Manong nagmamakaawa po ako sayo itigil mo na po ito! huwag mo po akong patayin!" nanginginig kong saad. Ngunit hindi sya natinag.

Pinagsisipa at pinagkakalmot ko sya sa tagiliran at sa kanyang braso ngunit imbis na tumigil ay mas lalo syang nagalit. Nagulat nalamang ako nang may naramdaman akong  kirot saaking braso, pagtingin ko ay ang tanging nakita ko ay pula. Patuloy ang pagtulo ng aking dugo.

"Tulong tulong! " Sigaw ko. Nagbabakasakaling marinig ang aking tawag. Ramdam ko na malapit na akong mawalan ng malay.At sa kabutihan ng Diyos, narinig ko ang marahas na pagbukas ng aming pinto. Iniluwa nito ang aking ama na pawis na pawis.Makikita mo sa kanyang mukha ang pag aala at takot. Hanggang doon nlang ang aking naaninag bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako kinabukasan sa loob ng isang puting kwarto,nandoon ang aking mga magulang.Sa kanilang mga mata ay makikita ko ang galak. Sinabi nila saakin na ang lalaking pumasok sa aming tahanan  ay isang kriminal na pumapatay ng bata at binebenta ang kanilang laman loob.

Nagulat ako, bakit may ganoong tao? Bakit may mga taong kaylangang gawin ang ganoong bagay? Dahil ba sa pera? Ganun ba kalaki ang halaga ng pera para sakanila? Mas mahalaga pa ba ito kesa sa buhay ng iba? Ang mga tanong na yan ang pumapaikot sa aking isipan. Kinamumuhian ko sila.  hinding hind ko cla mapapatawad at ipinapangako kong hinding hindi ako magiging tulad nila.

Makalipas ang Dalawampung taon. Akoy tatlongput tatlong gulang walang trabaho at may sarili nang pamilya.  Naghilom na ang aking mga sugat pero di ko parin kinakalimutan ang naganap noong trese anyos pa lamang ako, dahil don ay nagkaroon ako ng kasanayan na laging tumingin sa mga mata ng tao. Isa lang aking anak at pinangalanan ko syang Daniel, walong taong gulang na sya. Ang asawa ko ay si Arthur isang construction worker. Pero kung iniisip nyo na naghihirap kami ay nagkakamali kayo. Maganda ang aming bahay,malapit na kaming magkaroon ng kotse ,  nabibili namin ang lahat ng gusto namin at masarap ang nakakain namin. Nakakapagtaka man ito dahil wala akong trabaho at isa lang construction worker ang aking asawa pero ang lahat nang ito ay totoo. Minsan natanong ko na sya tungkol dito ngunit ngingitian nya lang ako nang nakakaloko at iibahin ang usapan. Minsan din ay umuuwi sya sa aming tahanan nang may dalang karne at mga prutas. Iba ang lasa ng karneng ito,mas masarap at mas malinamnam. Tahimik ang aming buhay, at masaya kami sa kung anong meron kami.

Mabagal akong naglalakad pauwi sa aming tahanan nang makarinig ako ng tahimik na sigaw at iyak. Kinutuban ako na lumayo at huwag na iyong pansinin ngunit hindi kinakaya ng aking konsensya, kaya lumapit ako para tignan ang kung ano mang kaganapan ang nangyayare. Pag tingin ko ay nanghina ang aking tuhod. Nakakita ako ng isang hindi masyadong kalakihang lalake. May hawak  siyang nakalambitin at tumutulong bagay at nang tignan ko ito ng mabuti ay isa itong bata. Napasigaw ako sa gulat at mukhang narinig ako ng lalake dahil dali dali syang tumakbo at hinarangan ang aking daanan. takot man ako ay tinignan ko ang kanyang mukha pero pinagsisihan ko ito.Dapat pala hindi ko nalang tinignan,dapat pala hindi ko na ito pinuntahan, kung hindi ay hindi ko sana malalaman ang sikretong ito.

Ang mukhang nakita ko ay ang mukha ng aking asawa si Arthur.

Bakas ang gulat sa kanyang mga mata pero mabilis itong napalitan ng  galak.

"Claris, anong ginagawa mo dito?" Nakangiting tanong niya.

"Di mo na kaylangang malaman yon! MAMAMATAY TAO!!" sigaw ko pabalik.

"Aray, nakakasakit naman yung sinabi mo. Hindi mo ba alam na magkapareho lang tayo?"

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka at natatakot kong tanong.

" Naaalala mo ba ung mga oras na nagtatanong ka kung bakit maayos ang ating buhay? May maganda tayong bahay,malapit na tayong magkaroon ng kotse nabibili natin ang lahat ng gusto natin pero anong trabaho ko? Construction worker?"

"Ano naman ngayon?" Tanong ko pero bigla akong may naisip na posibilidad nang maalala ko ang nakita ko kani-kanina lang.

"Huwag mong sabihing...." Takip bibig kong saad.Pero imbis na sumagot ay nginitian nya lng ako ng nakakaloko.

"Hindi lng yon.alam mo ba kung saan galing ung karneng dala ko tuwing umuuwi ako?"

Napaisip ako sa tanong na ito pero biglang nanlumo ang aking puso nang makita ko ang nakalambitin paring katawan sa balikat ng asawa ko.Galing ang karneng iyon sa mga batang napatay nya.

"Bakit mo ito ginagawa?! May puso ka ba?! Buhay ng tao ang pinuputol mo!!!" Giit ko sakanya.

"Ginagawa ko ito dahil mahal kita!! Dahil mahal ko ang pamilya ko!! Hind ko na kayang nakikita kang hirap na hirap kaya nang malaman ko na malaki ang bayad sa mga laman loob ng tao ay ginawa ko ang dapat kong gawin."

Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata nya ay nakita ko ang poot at sakit,umiiyak na sya.Galit din sya sa sarili nya pero mahal nya lang talaga kami. Naalala ko ang pangako ko noong trese pa lamang ako. Hindi ko inakalang magagawa ko abg desisyong ito pero habang tinitignan ko ang aking asawa tinibayan ko ang aking loob.

"Tutulungan kita. Hindi mo na kaylangang gawin ito nang mag-isa. Tahan na, andito lang ako. Hindi kita iiwan, pangako."

Alam kong pagsisisihan ko ito pero hindi ko kayang makitang umiiyak ang aking asawa. Patawarin mo po ako panginoon.mahal ko lng po ang asawa ko.

Anim na buwan na ang nakalipas pagkatapos ng pangyayaring yon at sa loob ng mga buwang iyon ay tinupad ako ang aking pangako kay Arthur, tinulungan ko siya. Siya ang kumukuha at pumapatay ng bata at ako naman ang nagmamasid sa aming paligid tuwing ginagawa nya ito. Tuwing pumapatay siya ay lagi kong nakikita ang huling sandali ng mga bata. Iba ibang bata ang namamatay ngunit iisa lng ang itsura ng kanilang mga mata. Bago sila mamatay makikita mo dito ang takot, galit at pagkamuhi, titignan nila ako na para bang nagmamakaawa ngunit lagi akong umiiwas ng tingin. Naririnig ko ang kanilang masasakit na sigaw na syang dumadalaw na ngayon sa aking isipan. Tuwing gabi ay naririnig ko ang kanilang mga sigaw, tuwing ipipikit ko ang aking mata ay makikita ko kanilang mata, ang kanilang ekspresion bago pa mamatay na tila ako ang sinisisi nila. natatakot ako pero hindi ko ito masabi sa aking asawa dahil ayaw kong magalala siya.

Patagal ng patagal ay hind lang tuwing gabi ko naririnig ang mga boses na ito. Isang araw ay bigla ko nalang naririnig ang hagulgul nila ang pagmamakaawa nila, sumasakit ang tenga ko, sumasakit ang ulo ko, nakikita ko narin silang nakapalibot sa akin tinuturo nila ako habang umiiyak ang mga mata nila galit na galit at parang gusto na nila akong mawala. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sakanila ngunit wala paring nangyayari. Andyan sila nakapalibot saakin dinuduro ako at sabay sabay na sinasabi ang salitang ikaw.

Ang pangyayaring ito ay nagaganap araw araw.

"Tumigil na kayo! Huwag nyo na akong istorbohin! Wala akong kasalanan! Ginawa ko lahat nang iyon para sa pamilya ko! Itigil nyo ang pagduduro saakin dahil hindi ako ang pumatay sainyo!! WALA AKONG KASALANAN!!!!" sigaw ko pero tumawa lng sila ng nakakatakot.

Binuksan ko ang pinto papunta sa kusina at nakakita ako ng kutsilyo, kumikinang ito dahil sa talim,may narinig akong pagbukas ng pinto at nakita ko ang siyam na taong gulang kong anak. Nilapitan ko siya at akmang yayakapin sana nang biglang nagbago ang paningin ko. Imbis na si Daniel ang nakita ko ay ibang bata ito. Napakapamilyar na mukha. Ito ang pinakauna kong batang pinatay tinatawanan nya ako at ang mata niya ay puno ng kamatayan. Sa loob ng utak ko ay biglang may naisip. Walang tigil akong tumakbo para kunin ang kutsilyo at pinutol ang ulo ng batang ito.

"AHHHHH NAPAKASARAP SA PAKIRAMDAM HAHAHAHAA!!! Patay ka na!!! Tahimik na ang aking mundo!!! Huwag na kayong bumalik at huwag nyo nang guluhin pa ang buhay ko!!!HAHAHAHAHAHAH!" Walang tigil ang aking pagtawa.Nawala na ang sagabal sa buhay ko, Pero nang tignan ko muli ang katawan, nahimatay ako nang makitang anak ko ang nakahilata sa sahig na puno ng dugo.

Pagkagising ko ay nakita ko sa tabi ko ang aking anak nakayakap ako sakanya at sa tabi namin ay andoon ang aking asawa na humahagulgol, sa labas ay naririnig ko na ang sirena ng pulis at sa pinto namin ay andoon ang aming kapitbahay na may pagkamuhi sa kanilang paningin.  "ahh, ito na ang katapusan, Patawarin mo ako anak ko makakasama na rin kita".

Umm guysss thanks for reading thissss...a amateur student who tried to write something of her imagination...pls support this story thanksss

6Black_Princess9creators' thoughts