webnovel

Chasing the Stars

Lalaine Leighash Imperial, daughter of the owner of a famous company in the Philippines. Due to an incident in their company he had to follow his father's wish to marry Chris James Rascal son of a friend of his father, who would help them so that they could get their company back even if it was against his will.

thechubbyxxcheeks · Urban
Not enough ratings
2 Chs

01

"Ash, bakit hindi mo raw sinasagot ang tawag ng Dad mo" rinig kong sigaw ni Mamala. Kahit labag sa loob ko ay sinagot ko ang tawag ni Dad.

"Vacation namin Dad, babalik din naman ako diyan" inis na sabi ko.

Nandito ako ngayon sa Alegria sa bahay ng lola ko dahil bakasyon naman namin.

Pumunta ako isang sikat na simbahan dito at sa ibang lugar para mamasyal.

"Hi" bati ng isang lalaki, imbis na sagutin ay nilagpasan ko lang siya. Hindi sila ang pinunta ko dito kaya bahala sila diyan.

Napatingin ako sa cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog ang akala ko ay si Dad yon pala ay si Marcus ang Ex ko.

"Can you pls stop!? Matagal na tayong wala kaya tigilan mo ako" agad kong pinatay ang tawag.

Nagulat ako ng biglang maglaho bigla ang cellphone ko. "Hey!!" sigaw ko sa lalaking umagaw ng cellphone ko.

Tumakbo ako at sinundan ang lalaki at napatigil ng may isang lalaki ang humarang sa snatcher.

"Next time don't use your cellphone so it won't be taken away from you." seryosong sabi ng isang lalaki habang inabot sa akin ang cellphone ko at nilagpasan ako.

"Pogi sana kaso ang sungit" bulong ko at tinago na sa bag ang cellphone ko.

Tinamad na akong maggala at umuwi nalang sa bahay.

Pagkatapos ng 2 weeks na bakasyon ay bumalik na ulit ako sa Manila dahil pasukan na namin.

4th year college student na ako at ang kinuha kong kurso ay Bachelor of Secondary Education kahit na ayaw ni Dad  na ayon ang kuhain ko.

"Nasaan po sila?" tanong ko sa isang maid.

"Pumasok iha" as usual, kaya nga minsan gusto kong palagi nalang umaalis dahil tanging mga maid nalang ang nakakasama ko araw-araw.

Umakyat ako sa kuwarto ko at nagpahinga na muna.

Tanghali na akong pumasok dahil event lang ang ganap ngayon. Umupo ako sa isang bench para imessage ang mga kaibigan ko para ayain gumala.

"Hi" napalingon ako. "I miss you"

"Tigilan mo ako Marcus" hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagcecellphone.

"Hindi ko ito ibibigay hangga't hindi mo ako pinapansin" naghahamon na sabi niya ng bigla niyang agawin ang cellphone ko.

"Wala na tayo, Marcus. Ano pa bang gusto mo!" nainis na sabi ko.

"Forgive me, Ash" natawa ako bigla. "Ulol, ikaw mismo ang nakipaghiwalay kas ngayon sasabihin mo patawarin kita no way!" agad akong umalis.

Dahil wala akong nagawa ay pumunta ako sa Condo ni Kuya. Yes, may Kuya ako Step Brother ko siya at anak siya ni Mom sa una nitong asawa.

"Ako na naman ang kukulitin mo" reklamo niya agad ng makita ako.

"Dito nalang ako Kuya" sabi ko at nahiga sa sofa.

"As if naman na payagan ka ng Dad mo" sagot nito kaya napapout ako.

"Ang bait naman nagaaral talaga ng mabuti" pangaasar ko sa kaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Wala ka bang pasok at nandito ka" reklamo nito sa akin. "Meron, pero event lang naman" sagot ko.

Nagising ako at nagulat na gabi na pala kaya agad akong lumabas ng kuwarto.

"Parang hindi kana natatapos magaral kuya" bungad ko sa kaniya.

"Magayos kana ihahatid na kita sa bahay niyo" inalis niya ang salamin niya at pinatay ang laptop.

"Sa bahay kana kase natin tumira kuya" pagpipilit ko sa kaniya habang kumakain kami dito sa isang restaurant.

"Alam mo naman ang sitwasyon, Ash" hindi ko talaga siya mapipilit at dahil baka magkagulo pa din.

"Bye Kuya, Thanks!" agad ko siyang niyakap at pumasok na ng bahay.

"Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot" bungad ni Mom, naalala ko na kay Marcus nga pala ang cellphone ko.

"Low battery ako mom" pagaalibay ko at nagpaalam na aakyat na sa kuwarto.

Binuksan ko ang laptop ko at nakita ang messages ng mga kaibigan ko dahil pumunta sila at hindi ako nakita.

"Omg, sorry guys! Kinuha ni Marcus ang phone ko kaya hindi na kayo nareplayan" parang agad akong naistatwa ng masend ko. Yari dahil aasarin na naman nito!

Nakarinig ako ng sigawan sa baba siguro ay nagaaway na naman sila Mom & Dad kaya binalewala ko nalang dahil sanay na din naman ako.