1 Teaser

"You cheated on me. Hindi pa ba sapat 'yun para umalis ka na."pinilit kong salubungin ang mapag-husgang mata ni Dale, tinitiis ang mga mapanakit niyang salita.

"Hindi kita linoko."matatag kong sagot habang pagak naman siyang tumawa. Alam kong hindi na siya naniniwala sa akin pagkatapos ng ginawa ko noon sa kanya.

"Just leave."

"Hindi ako aalis. Hindi na ulit kita iiwan."tumitig si Dale sa akin. I saw pain, reflecting in his eyes.

"Alam mo ba kung anong ginawa mo sa akin noon Catherine?Alam mo ba kung anong sakit ang ibinigay mo sa akin?"sinubukan kong lumapit kay Dale pero umatras siya na para bang ako ang huling gusto niyang lapitan ngayon.

"I know you never loved me. Una pa lang alam ko nang hindi mo kayang ibalik ang nararamdaman ko sayo. Alam ko rin na kinamuhian mo ako, noong tinanggap ko ang kasal pero tiniis ko lahat ng 'yon."

"Trinato kita ng maayos, ibinigay ko sayo lahat."unti-unti ng pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kayang makita na nasasaktan siya dahil sa akin.

"Pero kahit hindi mo maibigay ang puso mo, kinaya ko at tinanggap ko. But using my name and my power just to help your lover that was already too much. Catherine, saksak nasa akin 'yun."

May dahilan man ako noon kung bakit ko 'yun ginawa, alam kong hindi ito sapat na dahilan para maibsan ang sakit na naidulot ko kay Dale.

"Alam kong nagkamali ako pero Dale, pakinggan mo naman ako-"umiling si Dale.

"Hindi na ulit ako magpapakatanga para sayo. Inubos mo ako Catherine, wala na akong maibibigay sayo kahit konting respeto lang kaya umalis ka na."umiling ako at determinado akong tumingin kay Dale.

"Hindi ako aalis."

"You're heartless, Catherine. Pero ito ang pakakatandaan mo, hindi na ulit kita mamahalin. Matagal na tayong tapos."matabang na sabi ni Dale sa akin at linayasan na ako.

Nanghina ako habang tinatanaw ko si Dale. Ang akala ko kakayanin ko pero kahit sa ikalawang pagkakataon, masakit parin palang makita siyang tumalikod ulit mula sa akin at papunta sa iba.

avataravatar
Next chapter