webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

Who is telling the Truth?

Nang makarating sila Ricai at Ysmael sa mansion ng mga Alcantara bumaba agad si Chase sa kotse nya at dali daling lumapit sa dalawa.

"Salamat sa paghatid sa girlfriend ko ako ng bahala sa kanya." Ang sabi ni Chase at hinila sa tabi nya si Ricai.

"Lemme go!"

"Bitawan mo si Rica!"

"Hindi ba sinabi ko na sayo na wag na wag mong tatawaging Rica ang girlfriend ko?"

"Hindi mo na ko girlfriend! Kaya bitawan mo ko!"

Nag pupumiglas si Ricai pero hindi sya binibitawan ni Chase bumulong pa ito dito "umayos ka! Alalahanin mo yung usapan natin kapag ginalit mo pa ko dadagdagan ko pa yung utang mo sakin ng isa pang milyon!"

"Wala na kong pakialam kung gawin mo pang trillion tutal ikaw naman ang unang sumira sa usapan!"

Nakabitaw si Chase kay Ricai "ayos ka lang ba?" ang nag aalalang sambit ni Ysmael.

"Oo ayos lang, halika na pumasok na tayo."

"Um…"

"RICAI!!!" Ang galit na sambit ni Chase.

"Pwede ba Chase! Lubayan mo na si Rica! Ayaw nya sayo kaya tantanan mo na sya."

"Ahhh…tantanan pala." Ang sabi ni Chase na animo'y kalmado pero sinapak nya si Ysmael.

"Ano ba? Tumigil ka na Chase!" Ang galit na galit na sambit ni Ricai "ayos ka lang ba? Kaya mong tumayo?"

"Huh! Masyado ka namang giliw na giliw sa pinsan kong peke!"

Habang tinutulungan naman ni Ricai na tumayo si Ysmael sinagot nya yung panlalait ni Chase "peke? Gusto mo bang pagusapan natin dito kung ano talaga yung peke?"

"Ricai tumahimik ka!"

"Bakit? Natatakot ka? Kaya wag mo kong subukan! Oras na saktan mong uli si Ysmael baka hindi na ko makapagtimpi."

May bigla namang nag salita na mula sa balcony "anong ibig sabihin nito?" ang sabi ni Fernan kaya napatingala yung tatlo at natahimik "magsi pasok na kayo tama na yan!" dagdag pa nya.

Nang makapasok yung tatlo ginamot nung private nurse ng mga Alcantara na si MJ si Ysmael habang nakaupo ito sa may sala.

"Ano na naman ang ginawa mo sa pinsan mo?" Ang galit na galit na sambit nin Fernan.

"Pinsan? Kailan ko pa naging pinsan ang anak sa labas?"

"Chase!!!"

"Uncle don't stress yourself sanay na po ako kay Chase." Ang sagot naman ni Ysmael na nilalagyan na ng ointment ni MJ sa may pisnge "aw…"

"Sorry Sir. Sandali nalang po ito."

"Ako ng humihingi ng sorry sa ginawa sayo ng pinsan mo. Chase humingi ka rin ng tawad sa kanya!"

"Huh! As if naman mag sosorry ako sa kanya! Sinabihan ko na sya ang sakin ay sakin."

"Ano bang pinagsasabi mo?! Humingi ka ng sorry kay Mael!"

"No need uncle ayos lang po ako si Rica nga po pala may sasabihin sa inyo."

"I said stop calling her as Rica!!! Hindi kayo close!!!"

"Manahimik ka nga! Kapag nagsalita ka pa lagot ka na talaga sakin!" Ang pagalit na sambit ni Ricai at kinagulat naman yon ni Fernan dahil ang anak nyang si Chase na kahit kailanman na hindi nakikinig sa kanya ay nakinig lang sa isang babaeng sobrang pangkaraniwan lang.

"Uncle, may gusto po kasing sabihin sa inyo si Rica."

"Sabing…" Hindi naman na naituloy ni Chase ang sinasabi nya dahil tinitigan sya ni Ricai ng masama kaya tumungo nalang ito at nakita iyon ni Fernan.

"Sige Rica sabihin mo na kay Uncle."

"Ahm…una po sorry po sa lahat ng mga nasabi ko kanina nung nasa hospital po tayo. Pangalawa, pangako hindi na po mauulit ang mga iyon na sabi ko lang naman po yun dahil sa anak nyong pasaway at ang panghuli po pakiusapan nyo naman po si Ms. Eulla na ibalik na ang pamilya ko sa apartment."

"What did you say? Ano ang ginawa ni Eulla?"

"Your future wife…ugh..no, your mistress pala rather take away my girlfriend's family at inilipat sa AG Compound."

"What? Pero hindi pa yun tapos halos wala pang bahayan don dahil sinisimulan palang." Ang reaksyon ni Ysmael.

"Ano itong mga sinasabi mo?" Ang hindi maintindihang sambit ni Fernan.

"Your mistress is a real gold digger nalaman kong hindi lang sa AB Compound ang tinaasan nya ng renta kung hindi lahat ng apartment dito sa Barrio De Espezo na pag mamayari natin. At hindi lang yan lahat ng magsasaka natin ay kinakaltasan nya ng pa sweldo kada tao ay may minus 100 kaya galit na galit ngayon sa inyo ang mag mamayanan dito sa lugar natin. Kaya kung ako sa inyo wag na kayong mag hangad ng pwesto sa darating na halalan dahil sirang sira na ang pangalan nyo dahil sa kabet nyo!"

"Hindi yan totoo!!! Hindi yan magagawa ni Eulla."

Napansin naman ni Chase na dumating na si Eulla na maraming dalang mga shopping bags "ayan na pala ang mala anghel nyong kabet bakit hindi sya ang tanungin nyo, dad!"

Hindi naman maintindihan ni Eulla ang mga sinasabi ni Chase na patungkol sa kanya habang nakita nitong masama ang tingin sa kanya ni Fernan "ho—honey…anong nangyayare?"

"We need to talk!" Ang galit na galit na sambit ni Fernan at hinila nya pataas ng hagdan itong si Eulla na patungo sa kanilang kwarto.

"Ho—Honey nasasaktan ako."

"SHUT UP!"

Chase smirked "once a gold digger always a gold digger! Nakakadiri!"

"So, alam mo na kung nasan ang pamilya ko?" Ang sabi naman ni Ricai na kalmado na.

"Of course! Lahat ng gusto kong malaman nalalaman ko right, Mael? Sorry nga pala dahil nauna si Belj na makaalam kesa kay Delo."

"Hindi ako nakikipag kumpetensya sayo Chase, ang gusto ko lang ay malaman kung nasan ang pamilya ni Rica."

"Ipinahanap mo ang pamilya ko? Pero kailan? Kanina pa tayo mag kasama." Ang sabi ni Ricai kay Ysmael na biglang nahiya.

"Ahh... secret ko na yon. Hehe…"

Ngumiti naman si Ricai kay Ysmael at nakita yon ni Chase "huh! Ridiculous! Ako yung unang nakahanap sa pamilya mo hindi sya!"

Ang sama naman bigla ng mood ni Ricai "anong ikaw? Hindi ba sinabi mong si Belj ang nakahanap? Kaya wag kang feeling diyan!"

"What the?! Assistant ko si Belj kaya matic na yon! Kaya dapat maging grateful ka na boyfriend mo ko!"

"Huh! Tumigil ka nga! Hindi kita boyfriend at kahit kailan hindi kita magiging boyfriend baka si Mael pa pwede."

"Talaga?"

"Oo naman kung gusto mo mag date na tayo bukas eh."

"HOY!!!!" Ang galit na galit na sambit ni Chase at lumapit sya kay Ricai at hinalikan nya ito.

Gulat na gulat naman si Ysmael sa ginawang yon ni Chase kay Ricai "mukhang sa itsura nya ako siguro ang first kiss nya…so, gusto mo parin ba sya?" Ang panunuksong sambit ni Chase kay Ysmael habang nakatulala lang naman itong si Ricai sa nangyare.

"Walanghiya ka!!!" Ang galit na galit sambit ni Ysmael at akmang sasapakin nya sana si Chase pero dumating bigla si Belj at inawat sya.

"Sige na Sir, iakyat nyo na si Miss ako na pong bahala dito."

At binuhat na nga ni Chase itong si Ricai "let her go Chase!!!"

"Don't worry hindi ito ang unang pagkakataon na sa iisang kwarto kami matutulog kaya diyan ka na loser!"

"Chase!!!! Ibalik mo si Rica!!!" Ang nag pupumiglas na sambit ni Ysmael pero dahil matindi ang pagkakahawak sa kaniya ni Belj at may mga guard pang nakapalibot sa kanya hindi na nya nagawang habulin pa si Chase na tangay-tangay si Ricai.

"Sir, sumuko na kayo dahil kilala nyo si Sir Chase hinding hindi kayo mananalo sa kanya." Ang sabi ni Belj na binitawan na si Ysmael na napaupo nalang sa sofa.

"Hindi pa ko sumusuko tandaan nyo yan!"

"Sige Sir, sasabihin ko yan kay Sir Chase pero ito lang ang tandaan nyo hangga't hindi kayo sumusuko lalo lang kayong masasaktan!"

"Wala akong pakialam! Kung si Ricai naman ang ipaglalaban!"

"Sige po gawin nyong lahat ang kaya nyong gawin pero wag nyo sanang kakalimutan na kung ano ang gusto ni Sir Chase nakukuha nya!"

Samantala sa kwarto nila Fernan at Eulla,

"Maawa ka!!! Pangako hindi na mauulit gusto ko lang naman matuwa ka sakin ibibigay ko naman sayong lahat ng mga nakolekta kong pera. Hindi ba at yun ang gusto mo ang mahigitan si Don Arnulfo?" Ang sambit ni Eulla na bugbog sarado na kay Fernan kaya nakayakap na ito sa binti nito sa pag mamakaawa.

Pinisil naman ni Fernan ang pisnge ni Eulla "wag na wag mong mababanggit ang tungkol kay Pa'Pa dito! Dahil mag kaibang mag kaiba kami! Naiintindihan mo?!"

"O—Oo pangako hindi na mauulit."

Binitawan naman sya ni Fernan pero bago sya bitawan nito sinampal muna sya nito "umarte ka na naayon sa gusto ko kung ayaw mong mag hirap ulit ang pamilya mo!"

"Nai—Naiintindihan ko honey."

Sinampal syang muli ni Fernan "hindi ba sinabi ko sayo na wag na wag mo kong tatawaging honey kapag tayo nalang ang mag kasama dahil nandidiri ako sayo! Baka nakakalimutan mo isa kalang alipin para sakin at oras na mahanap na ni Chase si Zelena babalik ka na sa kangkungang pinanggalingan mo!"

"Hinde! Hinding hindi na ko babalik sa pinanggalingan ko!"

"Huh! Pwes gawin mo ang lahat ng ipinag uutos ko! At oras na mahuli ka na naman ni Chase sa mga ginagawa mong katangahan ako na mismo ang mag babaon sayo ng buhay sa kangkungang pinanggalingan mo!"

Hindi naman na nakasagot si Eulla sa sinabing iyon ni Fernan pero sya yung babaeng hindi basta nag papaapi kaya bago pa man mahuli ang lahat sa kanya gagawa sya ng paraan para masira ang mga Alcantara at makamkam ang mga kayamanan ng mga ito.

"Anong ginagawa mo?" Ang sabi ni Ricai kay Chase na naghuhubad na ng kanyang t-shirt.

"Kwarto ko ito kaya gagawin ko ang gusto kong gawin."

Tumakbo naman si Ricai sa may pinto at sa pangalawang pagkakataong matutulog sya ron at hindi na naman nya iyon mabuksan.

"Ano? Bakit hindi mo ngayon buksan? Matalino ka di ba?"

Sa isip-isip ni Ricai "kainis pinalitan na naman nya yung code? Bwiset talaga sya!"

Nagulat naman syang biglang nasa likod na nya si Chase "wag mo ng i-try dahil fingerprint at face ko ang mag bubukas dyan!"

Humarap naman si Ricai kay Chase na galit na galit pero na realized nitong sobrang lapit nila sa isa't isa at naka topless pa ito kaya biglang namula ang mukha nya at napalunok sya sa nakita nyang katawan nito na sobrang physically fit "ang hot ko ba? Anong masasabi mo sa 6pack abs ko? Sobrang perfect ko pogi na macho pa!"

"Huh! Ang kapal talaga ng mukha mo!" Itinulak nya si Chase pero ayaw nitong lumayo sa kanya "umalis ka dyan!!"

"Bakit? Sinong gusto mo si Mael? Hindi naman hamak na mas pogi ako sa kanya walang wala syang binatbat kumpara sakin!"

"Alam mo hindi ko inaasahang ganyan ka kabilib sa sarili mo grabe sobrang kapal mo! Yung tao gusto nya lang makatulong pero anong ginawa mo? Pinahiya mo sya! Buti pa nga sya mabuti ang kalooban tumutulong sya kahit walang kapalit hindi gaya mong…"

"Ano?! na masama ang pag uugali? Na parating pera ang nasa isip? Bakit masisisi mo ba akong lumaki akong walang pinagkakatiwalaan kahit ang pamilya ko? Masisisi mo ba ako kung lumaki ako sa isang marangyang buhay pero sa magulong pamilya? Oo ayoko kay Ysmael dahil lahat ng atensyon nakukuha nya ng walang kahirap hirap samantalang sampid lang naman sya dito at ayokong pati ang atensyon mo ay makuha rin nya dahil para sakin ka lang lalong lalo na ang napakaganda mong ngiti na nakapukaw sakin nung una kitang makita."

Nagkatinginan yung dalawa ng ilang segundong walang umiimik ng biglang nag tanggakang halikan ni Chase si Ricai pero pinigilan nya ang sarili "sige na matulog ka na dun ka na sa kama at ako na dito sa sofa."

Nahiya namang bigla itong si Ricai at umiwas ng tingin kay Chase "o—oo sige."

","

Lumipas ang ilang minuto hindi makatulog si Ricai dahil tumatak sa isip nya ang mga sinabi sa kanya ni Chase…

"Haysss…bakit ba hindi ako makatulog?"

"Bakit hindi mo ipikit ang mga mata mo baliw!"

Nagulat naman si Ricai dahil gising parin pala si Chase na nakahiga sa sofa "eh? kala ko tulog ka na."

"Magsasalita ba ko kung tulog na ko?"

"Hayyysss…kahit kailan talaga napaka pilosopo mo!"

"Paki mo?!"

"Ewan, manahimik ka na nga lang dyan kung wala kang sasabihing maganda."

"Ikaw."

"Ano?!" Ang pagalit na sambit ni Ricai.

"Sabi mo kasi wag ako magsalita kung hindi naman maganda ang sasabihin ko."

"Oh? Ano naman?"

"Ang slow mo talaga ilan ba ang IQ mo?"

"Heh! Yabang!"

"Bakit kayo close ni Ysmael?"

"Hmm? Bakit bigla mo naman biglang tinanong yan?"

"Sagutin mo nalang!"

"Haysss…demanding! Close kami dahil nung bata ako sya yung tumulong sakin nung muntik na kong malunod."

"Anong sya? Ako kaya yon!"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Ha? Wa—Wala…ang bobo mo naman at hindi ka marunong mag langoy."

Binato naman sya ni Ricai ng unan sa galit nito sa kanya "bobo agad? ang sama mo talagang bwiset ka! Ano namang pakialam mo kung hindi ako marunong maglangoy? Tsss! Makatulog na nga! Asar, kala mo naman kung sinong perfect!"

"Perfect talaga ko no!"

"Ewan!"

Hindi naman na nag salita pa si Chase dahil bigla syang nakaramdam ng lungkot "hindi ko na hahayaang malunod ka pang muli gaya nung mga bata pa tayo dahil andito ka na sa tabi ko Rica…" ang pabulong na sambit ni Chase habang nakatingin sa naka talukbong ng kumot na si Ricai.

Hiyiee... sana’y nagustuhan n’yo po ang update kong chapters ngayong araw na ito sorry rin po kung hindi consistent ang pag release ko ng chapter medyo busy lang po ang makulit n’yong author na ito. Nawa’y patuloy n’yo parin po sanang suportahan ang mga gawa kong istorya kahit di madalas ang update. Hehe... salamat po sa inyong lahat. Godbless!^^

lyniarcreators' thoughts