webnovel

Chasing Her Smile

What if isang araw “housemate ” mo na pala ang taong naka destiny sayo? Anong gagawin mo? A. Basic lang, gaya ng sabi ng iba sundin ang sinisigaw ng puso mo. B. Hayaan ang destiny mismo ang gumalaw para sa inyong dalawa. C. Wag nalang maniwala na may itinadhana para sayo. Kung ang ugali naman ay kasumpa sumpa at higit sa lahat nakakairita at ang sarap ibaon ng buhay. D. Manahimik nalang at sumunod sa agos ng buhay pero magiging palaban para sa naka destiny sayo. E. Last and but not the least tatakbuhan mo ang taong naka tadhana sayo pero masasaktan ang pride mo dahil natutunan mo ng mahalin ang taong ito dahil nakilala mo na ito simula bata palang kayo. . . . Kung ikaw si Ricailee anong pipiliin mo? Halina’t basahin natin ang aso’t pusang istorya ng RiChase. Kung curious ka kung ano ang ibigsabihin ng RiChase basa ka na dahil maikli lang ang buhay kaya mag basa tayo at mag sulat ng short story. Malay mo makarelate ka. (:

lyniar · Teen
Not enough ratings
90 Chs

The Good Tactics of Ricai and her Conscience

Tinulungan nga ni Tasha na mag bake si Ricai buti nalang may kakilala syang may ari ng dating bakery kaya doon sila nakiusap na makiki gamit ng oven. Kaya naging maayos naman ang lahat yun nga lang nalimutan ni Ricai na sabihin kay Chase na aalis sya ng condo.

At gabi na ay hindi pa sya nabalik na una pang dumating sa kanya si Chase "bro, kala ko ba may kasama ka?"

Hinanap naman ni Chase si Ricai pero kahit san sulok ng condo ay wala ito "oo meron siguro nag laro na naman. You know kapag walang ang pusa masaya ang daga."

"Ha?"

"Anyways, sige nayun nasa may kanan ang magiging kwarto mo at yung sa gitna naman ang akin kaya pag may kailangan ka kumatok ka lang. Alam kong pagod ka na rin kaya sige na mag pa hinga ka na."

"Salamata bro, grabe iba talaga ng mayayaman ang laki ng condo mo."

"Of course! Para san pa at naging taga pag mana ako di ba?"

"Haysss…ayan na naman sya. Sige na boss kita nalang tayo bukas salamat uli. Goodnight."

"Um…enjoy malambot ang kama dyan mamahaling lahat."

"Ewan ko sayo. Sige na kamahalang ubod ng yabang."

"Wag mong kakalimutang mag shower baka madumihan ng balat mo ang kama ko."

"Sakalin kaya kita?"

"Ahahaha…sige na goodnight na may poor buddy."

"Heh!"

At nung na sigurado na ni Chase na naka pasok na ng kwarto si Floyd dali-dali nyang tinawagan si Ricai pero hindi sya sinasagot nito at may narinig sya "what the? Ang galing talaga ng babaeng yon iniwannya yung phone nya?! Humanda talaga sya sakin pagbalik nya!"

Tinawagan naman nyang agad si Belj "oo, gusto kong i-locate mo ngayon kung nasan ang babaeng yon iniwan nya yung phone nya dito kaya gamitin mo yung device na nasa necklace nya."

Belj: Yes Sir.

Chase: Sige na bilisan mo. I-chat mo agad sakin kung saang lugar mo na locate si Ricai.

Belj: Yes Sir.

"."

Then after ilang minuto nakarating na agad si Chase sa kinaroroonan ni Ricai at nauna naman na dun si Belj "dito na po Sir."

Pa linga-linga naman itong si Chase sa lugar dahil ang dilim at masyadong tago yung lugar "anong gagawin ng babaeng yun dito?"

"Hindi ko rin po alam pero ang lugar pong ito ay matagal ng abandunado ang sabi po ng ilang mga nakausap ko dine kanina balak daw poi tong tayuan ng planta at alam nyo po ba ang daddy nyo ang bumili ng area na ito."

"Si daddy?"

"Opo Sir. Ang sabi po ng nakausap ko dito ang bumili daw po ng lupa dito ay si Don Fernan Alcantara at ang sabi pa po ng ibang nakausap ko hindi naman daw po talaga planta ng ice dito kung hindi para sa illegal na mga kontrabando."

"Ohhh…"

"Hindi po kayo na gulat?"

"I know my dad at alam kong gagawa at gagawa sya ng paraan para kumita ng malaking halaga. Dahil mukhang pera ang taong yon."

"Sir…"

"Anyways, hindi tungkol don ang ipinunta ko dito nakita mo na ba si Ricai?"

"Opo dito po tayo sumundo po kayo sa…"

Hindi na naituloy ni Belj ang sinasabi nya dahil narinig nila sumigaw si Ricai "Si Miss."

"Lead the way!"

"Ye—Yes Sir."

At dali-dali nga nilang pinuntahan yung lumang bakery doon at nakita nila na may limang lalaki na may masamang balak kila Ricai at Tasha "walang makakarinig sa inyo dito kaya walang magagawa ang pag sigaw nyo." Ang sabi nung isang balbasaradong lalaki.

Habang nag tago naman sila Chase at Belj "Si—Sir bakit po nandito tayo?Sumugod na tayo."

"Una, wag kang maingay! Pangawala, nakikita mo ba ang mga itsura ng mga yon? Mga gangster ang mga yon at sigurado akong may mga patalim ang mga yan at pangatlo dalawa lang tayo at lima sila."

"Eh, paano po sila Miss?"

"Ganito tumawag ka sa mga pulis ako ng bahala sa mga yon."

"Ho?"

"Ako ng bahala sige na!"

"O—Opo."

At nag madali na ngang umalis si Belj para tumwag sa mga pulis habang dahan-dahan namang lumalapit si Chase at nakita na rin sya nila Ricai at Tasha "oh, boss mukhang sumurrender na ang mag chikas natin." Ang sabi nung isan lalaki na medyo maliit na kalbo at tahimik lang naman itong sila Ricai na pinagmamasdan ang gagawing ni Chase.

Naka kita ng kahoy si Chase at ipinalo sa ulo nung boss na balbasarado "YAHHHHH!!!"

Umatras naman sila Ricai dahil nakuha ni Chase ang attention nung lima "pakawalam nyo yung dalawang babae ako ang harapin nyo!" Sumenyas si Chase kay Ricai na sa gilid dumaan para makatakas pero nakita iyon nung dalawang lalaki kaya hinakan nila agad sila Ricai "bitawan niyo ko!!!" Ang sabi ni Ricai na nag pupumiglas napa tingin naman sa kanya si Chase.

"Bitawan mo sya!!!" Ang galit na galit na sambit ni Chase at ibinato nya yung hawak nyang kahoy dun sa lalaking may hawak kay Ricai pero walang nangyare dahil nasalo lang nung lalaki yung binatong kahoy.

Kaya lalo lang nagalit yung boss ng mga kalalakihan sinapak si Chase at pinagsispa sinakal pa sya at itinaas habang sinasakal nag panicked naman si Ricai "bitawan nyo sya!!!"

"Ohhh..bakit boyfriend mo ba ang isang ito? Ang sweet naman dumating ang taga pagligtas nya pero wala ring kwenta!" Ang sabi nung boss tapos binitawan nya si Chase ng may pwersa at bumangga ito sa pader "hoy!!!!" Ang sigaw ni Ricai.

Lumapit pa yung boss kay Chase at pinag susuntok at pinag sisipang muli at hindi na nga magawa pang makatayo ni Chase dahil sa kalagayan nya "ang lakas ng loob mong lumaban eh wala ka naman palang ibubuga! Dapat lang sayo mawala sa landas ko!" Ang sabi nung boss tapos kinuha nya yung baril nya.

"Manong!!!" Ang sigaw ni Ricai.

Napalingon namn yung boss "anong sabi mo? Manong?"

"Oo manong na napaka panget!"

"Aba't! Ginagalit mo ko!"

"Ano pong gusto nyong gawin natin sa kanya boss?" Ang sabi nung lalaking may hawak kay Ricai.

"Sa—Sandali lang po don't get me wrong kapag pinatay nyo po ako ngayon hindi nyo na ako mapapakinabangan at hindi nyo naman po ako kaaway dito. Kakampi nyo po talaga ako."

"Rica, wag ka ng magsalita!" Ang pabulong namang sambit ni Tasha.

"Wag kang mag alala ako ng bahala." Ang sagot namang pabulong ni Ricai.

"Huh! Magaling ka pero hindi mo ko mauuto! Sige gilitan sa leeg yan ng manahimik!" Ang sabi nung boss.

"Gi—Gilitan po agad? Sa—Sandali lang po actually mayaman po yang lalaking binugbog nyo kung gusto nyo pwede ko kayong tulungan."

"Ano?!"

"Opo po manong maniwala kayo mayaman po ang pamilya nyan isa po syang artista at higit sa lahat isa pos yang Alcantara."

"Boss, Alcantara hindi na yun yung nabalitang bumili ng lupa dito?" Ang sabi nung lalaking may hawak naman kay Tasha.

"Oo boss balita ko napaka yaman raw ng mga yon sakanila ang buong Casa Emerald hindi ba may gusto kayong gantihan dun? Baka makatulong yan."Ang sabi naman nung isang lalaki na naka sunod lang dun sa boss.

"Hoy babae!"

"Ma---Manong?"

"Totoo ba ang sinasabi mong mayaman ang lalaking ito?"

"O—Opo kaya nya kayong bigyan ng pera kapag humingi kayo ng ransom sa daddy nya at promise tutulungan ko po kayo."

"Rica!!! Ano ba ang sinasabi mo?" Ang pabulong na namang sambit ni Tasha kay Ricai.

"Sumakay ka nalang."

"Babae!"

"Ricailee po name ko."

"Wala akong pakialam! Gusto kong tawagan mo ang daddy ng lalaking ito."

"Si—Sige po."

"Pero boss paano kung tumawag ng pulis?" Ang sabi nung lalaking kakang kamay nung boss.

"Tonta! Lumayas ka sa harapan ko! Sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa ko?"

"Pero Boss, hindi ba kayo nagtataka bakit naman ipagkakanuno ng babaeng yan ang boyfriend nya para tulungan tayo?"

"Boyfriend? Hindi ko po yan boyfriend ni hindi ko nga po yan ka anu-ano higit sa lahat…"

Napatigil si Ricai at napatingin sa sugatang si Chase na wala ng malay tapos nag pa tuloy sa pag sasalita "higit sa lahat kinamumuhian ko po ang taong yan."

Hindi talaga gustong sabihin ni Ricai ang mga bagay na yon pero wala syang magawa dahil alam nyang kapag hindi sya gumawa ng paraan pare-parehas silang mamatay don ng walang kalaban laban.

Pero ang hindi alam ni Ricai may malay pa talaga si Chase at narinig nito ang lahat ng sinasabi nito pa tungkol sa kanya.

"Magaleng! Kung ganon patunayan mo sakin ngayon kung gaano mo sya kinamumuhian…Julio, ilapit dito ang babaeng yan."

"Ye—Yes boss…"

At inilapit nga si Ricai dun sa boss na nakayapak ang kanang paa sa dibdib ni Chase "gusto kong ikaw mismo ang bumaril sa kaniya."

"P—Po?"

"Hindi ko naman sinabing patayin mo sya syempre…"hinaplos haplos pa nya yung mukha ni Ricai at inamoy ang buhok "who told you na gawin mo yan sa kaniya?!!!!" Ang galit na galit na sambit ni Chase at dali-dali naman nyang kinuha yung baril na ibinato ni Ricai sa kanya pero bago nya makuha yung barili hinila nya muna yung paa nung boss kaya naka bangon syang agad at sya na ngayon ang may hawak sa buhay nung boss ng mga gangster.

"Sige subukan nyong gumalaw…ako mismo ang tatapos sa buhay ng mahal nyong amo." sakal-sakal nya ito at nakapulupot rin ang paa at binti nya dun sa boss ng mga gangster para hindi makawala.

"Sundin nyo ang sinasabi niya!!!" Ang ninenerbyos na sagot nung boss kahit na nahihirapan syang mag salita dahil sa sakal-sakal sya ni Chase.

"Ngayon, bitawan nyo yung dalawang babae!!!"

Hindi naman malaman nung apat na lalaki ang gagawin nila "gawin nyo nalang ang sinasabi nya!!!"

Nung pinakawalan nung mag lalaki yung dalawa dali-dali ang mga itong pumunta sa tabi ni Chase.

"Bakit nandito pa kayo?! Lumabas na kayo!!!"

"Pe—Pero paano ka?"

"Hindi ba, ang sabi mo kinamumuhian mo ko kaya dapat kamuhian mo lang ako! LABAS!!!"

"Rica, tara na kapag hindi tayo lumabas ngayon baka hindi na talaga tayo makalabas! Ayoko pang mamatay." Ang sabi ni Tasha na sobra-sobra na ang kaba.

"Ayoko... kung gusto mo ikaw nalang pero hinding hindi ko tatakbuhan ang taong…" napatingin pa sya kay Chase at ganoon rin naman ito sa kanya "ang taong hinding hindi mangiiwan kahit na… iwan pa sya ng lahat."

Ahhhh... ang sweet nemen... kayo ba naranasan n’yo na bang maiwanan o kayo parati ang nang iiwan? Hala! Char! Comment na usap tayo. HAHAHAHA... (≖‿‿≖)

lyniarcreators' thoughts