webnovel

Tasha's Secret

Lumipas ang mga araw after the incident parati ng kinakausap ni Ricai itong si Arkin at napanain iyon ng mga ka workmates nila.

"Good morning guys!" Masayang pagbati ni Ricai sa mga katrabaho nya at tanging sya lang ang pinansin ni Arkin kaya naman hinila sya ni Emman kasama ang iba pa nilang ka workmate para maki chismis.

"Ha? Huy! Grabe kayo wala kaming relasyon ni Arkin. Sadyang close lang kami yun lang yon. Isa pa may bf na ko remember."

"Sus... Eh bakit ganyan sayo lang nakiki pag usap yung cold na si Arkin." Sabi ni Emman.

"Oo nga." Pag sang ayon naman ng ibang mga "marites" dito kay Emman.

"Tumigil nga kayo, loyal ako sa bf ko tsaka baka nahihiya lang kayo i-approach nung tao kausapin nyo kasi ng malumanay."

"Wehhh..." Anila.

"Nung nakaraan nga eh nakita ka namin na halos sabay kayo pumasok dito sinundo ka nya sigurado no?" Sabi nung isang Marites.

"Tsk! Yun lang ba? Di nga ko sinundo dahil mag kapitbahay lang kami kaya akal nyo sabay kami pumasok pero ang totoo hinde nagkataon lang na sabay kami."

"Mag kapitbahay kayo???" Anila.

"Shhh... Wag kayong maingay! Pero oo di ko rin naman yun inaasahan kala ko nga nung una nag kakamali lang sya ng place pero totoo magka kapit condo kami."

"Ang syala naman. Sana all may condo." Sabi ni Emman.

"Heh! Lam nyo namang fiancé ko si Chase kaya yun... Anyways, tama na nga ang kaka "marites" nyo bumalik na tayo sa pwesto nayin. Baka nakakalimutan nyo ngayon dadating ang Chief. Sige kayo baka di ma-approve yang mga leave nyo ber months na."

At dali-dali namang nagai balik nga ang nga ito sa kani-kanilang area nila doon sa bank.

"Tsss! Basta pag dating sa leave ang bibilis nyo."

Samanatala,

Nasa shooting naman si Chase ng kaniyang cooking show...

Nilalagyan ng mga oras na iyon si Chase ng make up habang kausap nya si Belj.

"Ano? Bakit naman di mo sua hinatid?"

"Sorry Boss, pero wag kayong mag alala wala naman silang kasamang iba. Si Ms. Tasha lang po ang kasama ni Miss."

"Speaking of Tasha, may nalaman ka na bang info.? Kung bakit sya nasa gynecologist na clinic nung nakaraan?"

"Sa ngayon, masyado pong mailap yung doctor ni Ms. Tasha pero yung secretary mukhang malambot kaya konting himas pa mapapasagot ko rin yon."

"Siguraduhin mong may malalaman ka at yang pananalita mo ayusin mo nga para kang manyak diyan."

Natawa naman yung nag aayos kay Chase "idiomatic expression lang po yun Sir." Anito.

"Nga naman Boss. Masyado kasi kayong conservative parang nag bago na kayo."

Chase bonked him "Boss naman!"

"Gusto mong ingud-ngud kita!"

"Hehe... Sorry na po. Nga pala, may nalaman po ako tungkol kay Mr. Xitian na ikagugulat nyo."

"Hmm? At ano yon? Business matters?"

"Ahm. Hindi po Boss, pero parang may connection sila ni Ms. Tasha."

"What? Ugok! Malamang close si Barbie sa mokong na yon! Natural lang na close rin si Tasha kay Xitian."

"Hindi po brotherly connected."

"Then what? Ahm... Wait, I heard from Ricai na crush na noon pa ni Tasha si Xitian."

"Boom! Nadale nyo Boss."

"Hmm?"

"Kasi recently madalas sinusundan ni Mr. Xitian si Ms. Tasha. Feeling ko mah relasyon po sila pero secret lang."

"What? Sila? Pero walang nababanggit sa akin si Ricai. Parati nya lang sinasabi sakin na ang weird ni Tasha at nanaba nga raw."

"Baka po buntis yung friend nya." Sambit ng make up artist ni Chase.

"Eh?"

"Um. Sabi nyo kasi weird at nanaba. May possibilities na fregnant yung si Ms. Tasha sabi nyo kasi nakita nyo rin sha sa isang gynecological clinic. Ehhh... madalas naman nandodoon ay ang mga buntis para ma check ang kanilang baby."

Nag katinginan sila Chase at Belj at sasabay sabing "buntis si Tasha?"

"Pero bakit hindi alam ni Miss?"

"I don't know wala rin kasi syang nababanggit sakin."

"Or maybe ayaw banggitin ng friend nya sa kaniya dahil baka ma disappoint eto." Sabi na naman ng make up artist.

"Oo! Tapos kaya naman parating na sunod si Mr. Xitian kay Ms. Tasha dahil iniisip nyang baka anong gawin nito sa sarili nya gawa sa depression."

Chase bonked him "depression ka diyan!"

"Ehhh... Baka lang naman. Tignan nyo close si Mr. Xitian kay Miss and hindi pa sinasabi ni Ms. Tasha ky Miss yung tungkol sa pag bubuntis nya baka nga kasi nahihiya tapos ipapalaglag nya yung baby. Pero nalaman ni Mr. Xitian kaya simula nun parati na nyang sinusundan ito."

"Ewan! Napaka dami mong sinasabi."

"What if yung sinasabi nyong si Xitian ang amang dinadala ni Ms. Tasha kaya parati itong palihim na sumusunod dito." Opinyon na naman ng make up artist.

"Oo nga Boss! Kaya siguro hindi masabi ni Ms. Tasha kay Miss kasi si Mr. Xitian ang ama ng dinadala nya."

"But why? Alam naman ni Ricai na crush ni Tasha si Xitian if I were her magiging masaya ako para sa bff ko."

"But nowadays people change. Hindi na rin natin masasabi kung ano ang mali sa tama. Malay nyo isa lang aksidente ang lahat kaya di matanggap ni Ms. Tasha ang nangyayare. Sabihin na nating crush nya itong si Mr. Xitian and anytime gusto nya itong maging bf pero ang pag buo ng pamilya? Sa tingin nyo handa na si Ms. Tasha? Lalong lalo na si Mr. Xitian? In my opinion yung si Mr. Xitian hindi sya yung tipo ng tao na basta-basta lang am I right?"

"Ye-- Yes..." Sabay sambit nila Chase at Belj.

"Bilang family person na ako masasabi kong sa edad nyo hindi pa kayo handa para mag ka pamilya kaya para sa kaibigan nyo sigurado akong tama ang hinala ko. Kung kayo ba ang tatanungin ko handa na ba kayo mag ka pamilya?"

"Um. Ako hindi pa ko handa dahil di ko pa natutupad ang pangarap ko sa mga magulang ko. Kaya mag sesettle lang ako pag financially stable na ko. Kayo boss? Ready na ba kayo ni Ms. Ricai?"

Di naman kumikibo si Chase na para bang lumilipad ang isip nito

"Boss!"

"Ha? Ano?"

"Tsk! Wala ho. Madam, tapusin nyo na nga lang ang make up nyan."

Napaisip si Chase sa mga sinabi ng make up artist nya.

Pumuslit si Belj sa isang gilid dahil tinawagan nya si Ricai.

Belj: Opo Miss, okay naman po si Boss.

Ricai: Oh, ayos naman pala eh bakit may pag tawag ka pa? Isa pa nag kita naman kami ni Chase ah. Belj mag o-oa ka na naman diyan! Anong problema ha?

Bigla namang kinuha ni Chase ang phone ni Belj "Babe?"

Ricai: Chase? Nasan si Belj? Ano bang nangyayare?

Chase: Don't worry ayos lang kami itong si Belj kasi.

Ricai: Bakit ba?

Chase: Chill ka lang gusto lang sabihin na si Belj na muna ang susundo sayo pero don't worry nag pa reserved amo sa isang restaurant for dinner. Okay lang ba?

Ricai: Um. Namiss ko na nga din kumain sa labas.

Chase: So its a deal na sa favorite nating resto wait kita dun okay?

Ricai: Okie. See yah!

Chase: Yes. Ingat ka okay? Love you.

Ricai: Yep. Ingat rin kayo . Love you too.

Chase: Mag grab ka na okay? Wag kang sasabay dun sa Arkin na yon mag tatampo talaga ako."

Ricai: Opo Boss. Sige na tapos na ang break ko. Love you na.

Chase: Um. Love you more...

Pag tapos ng conversation iniabot na ni Chase kay Belj yung phone nito.

"Mag pa reserve ka for dinner dun sa paboritong resto ni Ricai."

"O-- Opo. Sorry Boss."

"Wag mo kong pangungunahan remember that Belj kung ayaw mong mag ka sira tayong dalawa. Kilala mo ko kapag na galit ako."

"Ye-- Yes Boss. Sorry po talaga."

"Sige na mag pa reserve ka na. At... wag mong mababanggit kay Ricai ang lahat ng napag usapan kanina."

"Opo Boss. Promise."

"Gawin mo! Wag kang mag promise!"

"Opo!"

"After the shoot gusto kong makita si Tasha kaya sabihan mo sya na magkikita kami mamaya."

"Po? Balak nyo po syang..."

"I know, this is not right thing to do but Tasha is Ricai's bff at bilang bf ni Ricai I need to protect every person na malapit sa kaniya. Gusto ko lang malaman kung ginugulo ba sya ni Xitian baka kailangan nya ng tulong ko."

"Opo Boss, ako na pong bahala."

At the same time,

Sa balcony ng room ni Xitian...

"Wait what? Tasha is pregnant to your son?!" Pagulat na sambit ni Brilliant.

"Um... About a month or 2months I guess?"

"What the heck? Did you ask her doctor? At sure ka bang ikaw nga ang tatay ng dinadala nya?"

"Oo, nag pa imbestiga ako almosy 3years na ang last relationship nya."

"Eh? Pero may lalaki nung nakaraan sa condo ni Tash. Nakita mo rin yun di ba? Andun pa nun si Baby girl."

"Um. Pero hindi bf yun ni Tasha bff rin sya nila Ricai."

"Malay mo naman na salisihan."

"Malabo napag alamanan kong binabae pala yon."

"Ano?!"

Napaupo nalang si Xitian at para bang problemado "hindi pa ko ready bro! Isa pa anong sasabihin ko kay Ricai? Baka layuan nya ko baka akalain nya pinilit ko si Tash."

"Bro, hindi ka pa nga ba ready o may inaantay ka lang?"

Hindi naman sumagot si Xitian.

"Bakit kasi di mo pa aminin sa sarili mo na gusto mo si Ricai bilang sya at hindi baby sister."

"Wag mo kong..."

"Bro, tigilan mo na halata namang di na bilang kapatid ang tingin mo kay Ricai. Kahit ang kuya Wram mo pansin yon. Wag mo ng itago sa sarili mo dahil ikaw lang naman ang mahihirapan. Bakit di mo nalang ituon ang atensyon mo kay Tash? Hindi ka ba masaha na magkakaroon ka na ng anak? Hindi at yun ang gusto ni Uncle ang panindigan mo si Tash?"

"Hindi ko na alam... Gulong gulo na ko!"

"."

At dahil nga parating sinusundan ni Xitian si Tasha sumama si Brilliant at hindi nila inaasahan na makita si Chase na kasama si Tasha sa isang café.

"Hindi ba si Chase Alcantara yon? Ba-- Bakit kasama sya ni Tasha? Mukhang wala rin doon si Babysis." Sambit ni Brilliant habang nasa kotse sila ni Xitian at nag tatago.

"Dang it!"

Lalabas sana ng kotse si Xitian pero pinigilan sya ni Brilliant.

"Brill! Bitawan mo ko!"

"Teka muna! Masyado kang atat eh kararating palang natin dito. Selos na selos ka namang agad dyan. Akala ko ba di si Tasha ang gusto mo?"

Kinuha ni Xitian ang baril nya at kinalabit "Bo-- Boss naman. Kalma lang ang akin lang naman eh baka nag uusap lang sila. Isa pa di lang naman silang dalawa ang nasa café nakita ko din yung alipores ni Chase na si Belj yun ba name nun?"

"Bwiset! Oras lang talaga na malaman ko na nag che-cheat yung dalawa kay Ricai ako mismo ang..."

"Ano? Puro ka namang ganyan eh. Bakit kasi ayaw mo pang aminin na kahit papaano may selos ka ring mararamdaman. Baka nakakalimutan mo crush ka na ni Tash college palang sila ni Rics. Isa pa ikaw rin ang naka kuha ng perlasnya."

Tinutok naman ni Xitian ang baril nya sa ulo ni Brilliant "isa pang salita mo na di angkop ipuputok ko talaga ito sayo."

"So-- Sorry na... Napaka seryoso mo kasi."

"Tahimik!"

Next chapter