webnovel

Catch Me Señorito [Atrapame señorito]

Unang linggo ng pag apak ko dito sa Maynila ay naging pagsubok agad. Nanunuluyan ako sa tiyahin pansamantala dito sa lugar ng Colorado. Kailangan ko makipagsapalaran dito sa syudad sa paghahanap ng trabaho para may maipadala akong pera para kay tatay. Naiwan ko sa probinsiya si tatay na may edad na at nasa pangangalaga ng mga kapatid ng niya samantalang bata palang ako wala na akong ina dahil sumama ito sa lalaki niya, wala naman akong tanim na galit kay nanay kase gumawa si tatay para iwan siya ni ina. Ang tatay ko dati ay sugalero at babaero at kung minsan may mga pagkakataon na napag-buhatan ng kamay ni tatay si nanay pero ngayon nagbago na si tatay, natuto na siya sa mga pagkakamali niya. Ang mga kapatid ko naman ay mga nasa ibang bansa na, dun sila nagtatrabaho at may mga pamilya na bale apat kaming magkakapatid ang dalawa kong ate ay nasa bansang Brunei samantalang si kuya naman ay nasa poder ng nanay ko at hindi ko alam kung nasan na sila. Sa kakapusan ng pera at pangtustus sa araw na gastusin namin ni tatay sa probinsiya naisipan kong manatili muna sa poder ng tiyahin ko habang naghahanap ng trabaho, kahit papano kasundo ko naman ang kaisa-isang anak niya na si Jaemi. Hayskul lang ang natapos ko kaya medyo nahihirapan ako makapasok sa mga kumpanya dahil mas gusto nila yung may pinag-aralan. Sa loob ng isang linggo ko rito ay walo na ang naaplayan kong trabaho at ni isa ay walang tumawag kaya siguradong hindi ako tanggap pero patuloy lang ako sa paghahanap. Hanggang sa natanggap ako bilang kasambahay sa mansiyon sa loob ng Amarillo Village. Ang amo ko ay isang espanyol na mas kilala bilang señorito Lincoln ang inaasahan kong isa siyang mabait ay kabaligtaran pala. Pero may nakilala akong lalake na handa akong damayan at ipagtanggol siya si Charles. Dumating ang araw na hindi ko inaasahan nahulog ako sa señorito na kinamumuhian ko at kinaiinisan. Sasaluhin niya ba ako? o hahayaang mahulog ng tuluyan sakanya at itataboy na lamang? "Catch Me Señorito, I'm falling..." "Atrápame Señorito, me estoy cayendo ..." by; yourclandestinee

yourclandestinee · Teen
Not enough ratings
7 Chs

3. CATCH YOU AGAINシ︎

"Fire her"

what???

Seryosong sambit nito at hindi man lang ako nililingon, kay Lola Celis lang ito naka tingin.

"Señorito?"

Tanong ni Lola Celis dito. Tinignan ko si Charles na nasa likod lamang ni señorito Lincoln, pinapahatid ko na nais kong tulungan niya ako. Pero diresto lang ang tingin nito sa akin at parang hindi niya nakuha ang tingin ko sakanya. Gagi, ayaw ko mawalan ng trabaho iiyak talaga ako nito. Ipinaalam ko pa naman na sa probinsiya na may trabaho na ako kaya ako na bahala sa gastusin ni tatay.

 "ven aquí, tráeme un café" [you, come here bring me some coffee]

Hanudaw? Naka tingin pa rin siya sa akin. Hindi ko alam sinasabi niya. Dapat pala nag-aral muna ako mag espanyol.

"sir?-"

"señorito"

Putol sa iba pang sasabihin ko ni Lola Celis. Diniinan niya pa ang pagkakasabj nito.

"este señorito, I can't understand spanish"

Nakayukong sabi ko. Nilingon ko muli ang nga kasama ko ang iba sa kanila ay napapabuntong hininga na lamang at umiiling-iling na para bang na dissapoint sila sa akin.

"Ipag-timpla mo ako ng kape"

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang magsalita ng tagalog. Para bang natural sakanya ang pag sasalita nito. Dire-diretso at walang bulol. Marunong din naman pala mag tagalog eh. Pinapahirapan pa ako.

"Ok po señorito"

Yumuko din ako para kahit papano nagpakita pa din ako ng paggalang sakanya. Siguradong grabe ang sermon nito sa akin ni Lola Celis. Baka matanggal na talaga ako.

Agad na tumalikod na lamang ako at nagpunta sa kusina para ipagtimpla siya ng kape.

  Akala ko ang pagtitimpla ng kape para sakanya ay napakadali pero kabaligtaran pala ito. Ampupu, anong brand ng kape ang tinitimpla sakanya. Sobrang dami ng klase ng kape niya, 3 in 1 ba? dapat pala tinanong ko muna kung anong kape ang tinitimpla niya. Nakakahiya naman ang hirap ano ba dapat dito? First day ko ang tanga tanga ko pa. Ampupu.

 

  Hindi ko alam ang titimplahin ko kaya  kung ano na lang ang makuha ko yun na yon. Hindi ko tinikman at baka masapak na ako ni Lola Celis. Maingat ang hawak ko sa tasa.

  Pag dating ko doon sa may sala ay nandoon parin ang kasamahan ko at nakapila pa din at lahat sila napalingon sa akin. Si Lola Celis naman ay nakatayo na sa gilid ni Charles. Ang señorito naman ay naka upo na ito sa magarang silyang kahoy. Napalingon din ito sa akin.

  

   Sa tingin pa lang niya ay mukhang huhusgahan niya na ako na ang tanga ko talaga tas masisante na ako.

   Nanginginig na ang tuhod ko pahakbang papunta sa harap ng señorito. Akmang iaabot ko ito sakanya nang humarang sa harap ko si Charles at siya ang tumanggap ng kape.

"alis na, pila ka dun dali"

bulong nito sa akin at pinanlakihan pa ako ng mata. Pati ata siya nahihiya para sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Agad na luminya ako sa dulo. Iniabot ni Charles ang kape kay señorito. Sumulayap muna sa akin ang señorito bago niya tanggapin ang kape.

Paggawa lang ng kape marami na ang nangyare. Ampupu.

Kinakabahan na tumingin ako sakanya ng tanggapin niya na ang kape. Inamoy niya muna ito at akmang iinom na siya sa kape ng bigla niyang ibinato ang tasa sa sahig dahilan para mabasag ang tasa at matapon ang laman nito. Natalsikan pa nga nang mainit na tubig ang isa mga kasambahay niya.

  Pinakititigan ko ang nabasag na tasa sa baba. Tingin ko iiyak na ako. Ang sama ng ugali niya. Naikuyom ko na lamang ang kamao ko. Gusto kong basagin ang mukha niya pero lalo lang ako mapapahiya at matatanggal sa trabaho. Kitang ko pa den ang walang emosyon pa rin siya.

Walang nag abala na linisin ang nabasag at ang tapon nito sa sahig. Nanatiling lahat padin ng kasambahag ay nasa linya. Si Lola Celis ay halatang hindi natutuwa sa nangyayare. Grabe ang sama ng ugali niya. Scammer pala itong si Charles sabi niya mabait raw ito.

Tumayo na ang señorito bago ito umalis lumingon muli ito sa akin. Bakas sa mukha niya ang walang emosyon. Pero nang tignan niya ako iba ang hatid nito, kinakabahan ako. Nanatili kaming lahat na tahimik at sinundan ng paningin ang señorito bago ito tuluyang maglaho sa paningin ko.

Nagpakawala ng buntong hininga ang karamihan. Parang naginhawaan sila nang umalis na ang señorito. Gusto ko na lang lumubog sa kinakatayuan ko nang lahat sila ay dumako ang tingin sa akin. 

"Pabongga mo naman, baguhan ka palang gusto mo na agad landiin si señorito Lincoln"

Hindi ko kilala kung sino nagsabi non' halatang hindi ko siya makakasundo.

"Landi agad?"

Sinagot ko naman siya.

"Tama na nga kayo! Ikaw bata ka kay bago mo dito ganyan ugali mo. Hala sige, sumunod ka sakin!"

Nagsibalikan na sila sa trabaho at ang naiwan ay kami na lang dalawa ni Lola Celis. Sumunod naman ako sakanya papunta sa isang silid sa dulo mansiyon.

Sinusian niya ang pinto nito. Narinig agad ang lagitnit ng pinto. Parang ngayon palang ito nabuksan sa tagal ng panahon.

"Pumasok ka, sumunod ka sakin"

Pagka-silip ko sa loob ng silid. Naubo agad ako sa sobrang dami ng alikabok. Nakita ko ang mga nagtataasang mga lalagyan ng libro at nagsikalat ang iba pang libro at mga papel sa sahig. Sobrang gulo. Ang daming sapot ng mga gagamba. Nakatambak din ang mga karton na may laman na mga papeles.

"Lola Celis bat' ho tayo nandito?"

Hindi ako natuwa sa paraan ng pag ngisi niya. Hinuha ko na kung ano ang nasa isip ng matandang to'. Ampupu. Wag naman sana.

"Lahat ng ginawa mo kanina ay hindi ko nagustuhan. Ayokong sisantihin ka dahil alam ko ang family background mo, kaya sa kawalan mo ng modo parusa ang ipapagawa ko sayo. First day mo ngayon at napaka tanga mo. Lilinisin mo ang lahat ng nakikita mo sa loob nito. Simulan mo sa pag aayos ng mga libro jan. Isaayos mo sila kung anong genre ang bawat libro."

"Teka lang po? ako l-lang?"

"bakit may kasama ka ba kanina sa katangahan mo?"

Nakapanglulumo. Gusto kong maglupasay na lamang at umiyak hanggang bukas kesa linisin ang silid na ito. Sa sobrang taas ng mga libro kakailangin ko pa ng hagdan. Hula ko bago malinis ito ay aabot ako ng tatlong araw dahil mag-isa lamang ako.

"Ilang araw po ba kakailanganin ko?"

"Isa't kalahati"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda. Hindi ko yun kakayanin. Loko talaga to'

"parang imposible naman po ata"

Tinaasan ako nito ng kilay.

"gawin mong imposible. May reklamo ka ba?"

Matandang dalaga ba to'? Bat' sobrang taray.

"Hindi ko po kase kakayanin-"

"sige, sisante ka na"

"ho?!"

"umalis ka na lang sa trabaho mo"

"Masakit po ang tiyab ko kase"

Palusot ko baka kase payagan niya ako na maging kahit dalawang araw man lang ang deadline. Napaka imposible kase talaga dahil mag-isa lamang ako.

"Bat' naman yan sasakit?"

"kumain po kasi ako kanina ng fishball sa labas naisasaw ko sa babaran ng sandok"

Uso ngayon yan sa tiktok kaya naisipan ko yun na lang ang palusot ko.

"Aba waka akong pake jan, kayanin mo. Bahala ka na jan. Aalis na ako"

"t-teka"

Hindi na niya ako pinakinggan dirediretso lamang ito sa paglalakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Ampupu.Lord naman help me!

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lilinisin ko. Sobrang dami talaga at hindi kakayanin ng isa't kalahating araw. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maglinis dahil napakarami talaga. Napaluhod na lamang ako agad na nagsisi ako ng lumuhod ako dahil dumikit na ang mga alikabok sa tuhod ko.

Naghanap ako ng walis at magsimula ng alisin ang alikabok. Wala ba silang Vacuum cleaner dito? ayt. Nevermind hindi pala ako marunong gumamit non. Sasabak na lang ako sa hand to hand combat.

Sinigurado ko na bawat sulok ay mawawalisan ko. Pinupulot ko ang mga nagkalat na aklat at papel at iniimbak muna para mamaya ko na lang aayusin.

Sa pagwawalis pa lang ay sobrang hirap na ako.

Naupo muna ako sa maliit na couch. Inilibot ko muli ang paningin ko pero wala padin ako sa kalahati ng lilinisin ko. Hindi ko talaga ito kaya. Umalis na lang kaya ako sa trabaho at maghanap ulit? Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maluha.

Napagisipan ko na susuko na lang ako. Aalis na lang ako. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Pinagpagan ko muna ang sarili ko bago lumabas

Akmang pipihitin ko na ang dood knob nang may nagbukas nito. Itinulak pa niya ako ng konte para makapasok siya agad. Nang makapasok siya inilock niya ang pinto.

I-inilock??!! T-TEKA NAMAN.

"Bat' ka nandito? ano ginagawa mo? bat' mo ni-lock ang pinto-"

Marami pa sana akong sasabihin nang bigla niya takpan ang bibig ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko inaasahan na naiangat ko na ang paa ko at sinipa ko ang pribadong parte ng katawan niya. Naialis niya ang palad niya bibig ko. 

"Bakit m-mo ginawa yun?"

Impit na salita ang pagkakasabi niya. Sapo sapo niya pa rin ang pribadong parte niya. Pumipikit pa ito na para bang maiiyak na.

"Ano ba ginagawa mo kase dito?"

"wag ka nga maingay baka mahuli tayo ni tandang Celis."

Bulong nito. Mabuti naman ay nakatayo naman na siya ng maayos. Nakakatakot kawawa naman siya baka mabaog siya.  

"Anong mahuli ka jan? May gagawin ka bang masama sa akin?"

Niyakap ko ang sarili para matakpan ang hinaharap ko.

"Luh? assuming?"

Humagalpak ito ng tawa.

"Gagi ka ha ano ba kase g-ginagawa mo rito?"

"Chill ka nga, bat' ka ba nuutal? Feeling mo naman pagsasamtalahan kita?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik.

"Hindi kita type no', luh asa ka"

"Ampupu mo Charles"

"Ampupu?"

"Mukha kang tae. Hindi rin kita type"

"Talaga lang ha?"   

Nilalayo niya na ang usapan sa tanong ko.

"Ano nga ba kase ginagawa mo rito?"

Nakita nito ang couch na inuupuan ko kanina. Umupo siya rito at nilibot ang paningin sa loob ng sikid at tumingin muli sa akin.  

"Dadamayan kita sa katangahan mo"

Sinamaan ko ito ng tingin.

" Bawal baka mahuli tayo-"

"Kung papahuli tayo"

Tama nga naman may point siya. Hindi kami mahuhuli kung hindi din kami papahuli.

"bakit ayaw mong tulungan kita? Payag ka na mawalan ka na lang ng trabaho sa katangahan mo?"

Sinamaan ko ulit ito ng tingin.

"Ulitin mo pa, at sisipain ulit kita sa betlog mo"

Agad naman na sumeryoso na siya. Mabuti naman kung ganon.

"Seryoso, tutulungan kita maglinis. Kilala ko si tandang Celis hindi ka talaga papalagpasin kung may mali kang nagawa."

seryosong sambit nito. Iniunat pa nito ang kamay at humikab.

"Sabi mo kase mabait si señorito Lincoln"

Tumingin siya muli sa akin.

"Mabait siya"

"Hindin-"

"Magsimula na lang tayo maglinis nasasayang oras natin"

Hindi niya na ako pinatapos magsalita. Tumayo siya at pumunta sa may dulo para kumuha ng hagdan. Mabuti na lang at dalawa ang hagdan dito.

"Sisimulan ko na dito sa mga libro para ayusin, jan ka na sa baba ayusin mo na yung mga papel na nasa kahon"

"sige"

Nagsimula na kaming maglinis at mag ayos. Tinitignan ko ang mga papel at nililinis na rin dahil napaka alikabok na nito. Madali ko naman atang matatapos itong nasa kahon.

Dalawang oras na ang nakalilipas at hindi padin kami nangangalahati. Pero matatapos ko na din naman itong mga nasa kahon. Medyo madilim na din sa labas.

Walang nagiingay sa amin. Panay ang hikab ko, maaga kase akong nagising kaninang umaga. Hindi pa naayos ang tulog ko kagabi. Sinulyapan ko siya, abalng abala siya sa pag aayos at pagbabasa ng mga pamagat ng aklat. Mabilis siyang gumawa kumpara sa akin.

Isang oras mula ang lumipas at sa wakas na tapos ko na ang sa kahon. Nakapag pahinga na din ako ng konte.

"Charles, tulungan na kita jan"

Sumulyap ito sandali sa akin at muling humarap sa hinagawa niya.

"Jan ka na muna, magpahinga ka saglit at tulungan mo ko mayamaya"

"Nakapag pahinga na ako, tutulong na ako jan para mas mapabilis. Dalawa naman ang hagdan kaya tig isa tayo"

"Sige na nga"

Umakyat na ako sa hagdan, magka opposite sides kami. Maingat na umakyat ako ng hagdan.

Tumingin ako kay Charles nang makita ko na bumaba na siya sa hagdan.

"Tapos ka na?"

"Mag papahinga lang ako saglit"

"sige"

Hindi ko inaasahan na biglang nahulog ang aklat na hawak ko. Baba na sana ako para kuhanin ito nang mamali ang hakbang ko, natapilok ako. Pinikit ko na lang ang mata ko at handa nang mahulog. Akala ko tatama sa sahig ang aking likod. Pero hindi ko inasahan na bisig ang sumalo sa akin. Parehas kaming natumba sa sahig. Nasa ibabaw niya ako at siya naman ay nasa ilali.

Mabili na dinaluyan ako ng kaba at baka mapano siya, tumayo agad ako dahil nadadaganan ko siya.

"Hoy Charles ayos ka lang?"

Maingat naman na bumangon ito. Nagpakawala ako ng buntong hininga nag masiguro ko na okay siya.

"Mag-iingat ka, mabuti nasalo kita nang mahulog ka"

"salamat"

"Next time you'll fall I'll surely catch you again"

_______________________________________

|yourclandestinee|