1 Chapter 1

Parang gustong sumabog ng ulo ni Vayne nang makausap ang abogadong nagpadala ng notice sa kanya. A notice for marriage. Something she never dream.

"Miss Kristoff, alam kung masyado kang nabigla sa ngayon pero iyon ang gustung mangyari ni Mr. Meiji. Iyon ang nakalagay sa kanyang Last will." Paliwanag ng abogadong si Mr. Kojiro. Matalik na kaibigan ito ng kanyang adopted father na siyang nagpaaral sa kanya. At dahil isa ito sa huling kahilingan ng yumaong ama ay wala siyang magagawa kundi ang sumunod.

"Im sorry, hija." Sambit nito matapos niyang basahin ang nilalaman ng kasunduan. She have to marry the man of his choosing. Isang lalaking kahit sa panaginip ay hindi pa niya nakikita. At pwede niya lang makita at makilala sa araw mismo ng kasal.

"May tanong ka pa ba hija? " tanong nito.

"Wala na po." Sambit na lamang niya at huminga ng malalim. Kahit ang magandang tanawin sa villa niya ay walang nagawa para pagaanin ang loob niya. Kilala niya si Meiji. Hindi ito magrereto ng kung sinu-sino lang but then, a part of herself felt betrayed. Hindi sa ayaw niyang magpakasal o ayaw niyang niyang magka-boyfriend, hindi lang talaga niya magustuhan kung paano paikutin ng mga lalaki ang buhay nilang mga babae. She is a woman of her own. Ayaw niya ng pinapaikot o sinasakal. Ayaw din niya ng nagpapaikot kung hindi din lang naman sa negosyo. She played her own game at sinisigurado niyang wala siyang naapakan kahit madalas siyang nananalo. Ngayon ay daig pa niya ang nalugi sa negosyo. She felt worst than watching her business crumble into dirt. Muli siyang napabuntong-hininga at saglit na napatingin sa relo.

"Ma'am Vayne, naka-ready na po ang lunch meeting ninyo sa korean guest natin sa fuji resto." Pukaw ni Allison na tumatayong assistant niya. Wala siya sa mood humarap sa mga bisita pero wala siyang magagawa. Matagal nang nakaset iyon at hindi niya pwedeng ipahiya ang Castellaine para lang sa personal niyang problema. She must stay in control and not lose her cool. Pasimple niyang itinali ang magulong buhok bago lumabas ng villa kasama si Allison.

"Thank you again for having us here in your Empire Ms. Kristoff." Bati ni Mr. Sung na siyang head ng grupo.

"You are most Welcome Sir. Enjoy your stay and please don't hesitate

to call my assistant if you need anything." Pormal niyang sagot at kinamayan na ito. She already close the deal with Mr. Sung. Tuwang-tuwa naman si Allison habang pinapapirma sa kontrata ang mga ito. Castellaine Ville Empire was an exclusive state. Noong una ay balak niyang maging ekslusibo lang ito para sa babaeng myembro but then dahil na rin sa kakulitan ng kanyang mga alipores ay ginawa niya itong Co-Ed. The empire was divided into two sectors. The Castellaine Maidens and the Castellan Knight. She and her friends belong to the maidens. Hindi naman tumutol ang mga ito at natuwa pa nga.

"Congratulations, another deal is close. " bati ni Bradt, one of the Castellans. Ito ang may-ari ng Elf State na pinasadya pa niya. Sumalubong agad ito paglabas niya ng conference room.

"Good morning Sir Bradt. " bati ni Allison na nakasunod lang sa kanila. Isang matamis na ngiti ang itinugon nito sa kasama.

"Siyanga pala Vayne, may usapan ang grupo na magparty mamayang gabi sa Dragon Bistro and I was thinking of inviting you kahit sinabi nilang hindi ka papayag and that you are busy."

"What time? " tanong niya at halatang nagulat ang binata sa naging sagot niya. Saglit itong natulala bago gumuhit ang isang ngiti sa labi nito. Sumilay tuloy ang mapuputi at tuwid nitong mga ngipin.

"Really? That's great. Its 8pm. Siguradong magugulat sila kapag nakita ka doon. " tatawa-tawang sambit nito. Ito kasi ang unang pagkakataong pumayag siyang makipag-party sa mga ito. Hindi naman siguro masama kung makipag-party siya sa mga ito paminsan-minsan at isa pa, kailangan niyang makalimot saglit para makapag-focus siya sa trabaho niya.

Forty-five minutes before eigth ay nakagayak na siya. Maaga niyang natapos ang trabaho dahil na din sa pagmamadali ni Allison. Isa din kasi ito sa dadalo. At dahil wala na din naman siyang gagawin ay dumiretso na siya sa dragon bistro para makapagrelax.

"Good evening Ma'am." Bati ng isang waiter sa kanya pagpasok niya. Tinanguan lang niya ito at tinungo ang isang bakanteng mesa sa veranda. Kahit papaanu ay makakapagrelax muna siya bago magsidatingan ang iba. Umorder muna siya ng kape at kumuha ng magazine. Its her way of killing time. Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang mga makakasama niya sa gabing iyon. Kanya-kanya ng reaksyon ang mga ito nang makita siya.

"See, I told you. " pambibida ni Bradt. Tila ba ang pagpunta niya nang gabing iyon ay isang malaking accomplishment para kanya. Nakita pa niya kung paanu nakipag-apir ito sa kasama. Akala mo nanalo sa lotto.

"Don't mind them. Buti naman naisipan mu ding lumabas. " wika ni Jaeryn na halatang natuwa din sa desiyon niyang sumabay sa kanila nang gabing iyon.

"Wala na naman akong ginagawa. Hindi din masama na paminsan-minsan ay mag-enjoy naman ako. Sabi niyo nga di ba." Wika niya at ibinalik na sa estante ang magazine. Nagulat pa siya nang biglang salatin ni Hazeline ang noo niya.

"Wala kang lagnat. At mukhang normal naman ang pulso mo. Anyare? "Nakakalokong tanong nito.

"Magugunaw na ba ang mundo at nahatak ka ni Bradt dito." Si Gaby ang nagsalita.

"We need to celebrate. Once in a blue moon lang ito."wika pa ni Alexa.

"Tange, hindi naman blue ang moon ngayon at walang buwan ngayon." Pagtatama ni Ady. At nginisihan lang niya ang mga ito. Tama minsan lang ito kaya susulitin niya na. Bahala na kung anu mangyayari bukas. Ang mahalaga masaya siya ngayon.

Masakit ang ulo ni Vayne kinaumagahan pagising niya. Alas-tres na nang madaling araw nang matapos ang party nila at makauwi sa villa niya. Ito ang unang beses na nagkahang-over siya at huli na para bawiin pa ang mga nangyari kagabi. Dahil sa gusto niyang kalimutan ang malaki niyang problema ay idinaan niya sa alak ang lahat.

"Ma'am gusto niyo ng kape? " alok ni Allison nang dumating siya sa opisina niya sa fuji resto.

"Yes ,please. " sagot lang biya at dumiretso na sa upuan. She's still having a hard time with her head. Mukhang aatakihin na naman siya ng kanyang migraine. "Al, can you please turn off the extra lights, its blinding me." Utos niya at isinuot ang salamin bago pinasadahan ng tingin ang mga folders sa ibabaw ng mesa niya.

"Gustu nyo bang ikuha ko kayo ng gamot?"

"No thanks, kaya ko pa naman. By the way nakausap mo na ba si Mr. Smith sa plano nitong bumili ng Villa sa green forest?"

"Yes? Ma'am, sa katunayan nakapirma na siya ng kontrata at pasisimulan na ding ipaayos ang magiging bahay niya doon. Mukhang may sarili itong designer sa bahay nito. Nakilala ko din ang babae kahapon. She's quiet a fighter at mukhang hindi magkasundo ang dalawa. I bet something is going on with the both of them."

Hindi malaman ni Vayne kung matatawa siya o maiinis habang nag-uusap sila ni Allison. Pati kasi personal issue ni Mr. Smith ay nakuha na nito. Well, as expected from her assistant. Patunay lang ito na walang nakakalusot sa paningin nito.

"Ryujin Grey! Bro, how's life?" Mabilis na umiwas si Ryujin nang makitang papalapit na si Riko. Malamang ay nandoon na naman iyon para guluhin ang buhay niya. "Hey, wait! " humarang ito sa kanya.

"What now , Riko."

"Is it true? " tanong nito at sumabay na ito pababa sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa malaking hospital sa tokyo kung saan siya nagtatrabaho bilang doktor.

"What's true? "

Tumawa ito at tinapik ang balikat niya. "You're getting married. And when is that , a week from now? " natatawang wika nito at napasimangot lang siya. May pagkatsismoso talaga ito. Kung hindi lang niya ito kaibigan ay kanina pa niya ito itinapon palabas ng elevator. "So who's the girl? "

"I don't know. " totoo iyon. Hindi niya kilala ang babaeng ikakasal sa kanya. Napabuntong hininga siya ng bumukas ang elevator. Isang umiiyak na babae ang biglang yumakap sa kanya.

"Mika? "

"Tell me its not true." Humihikbing wika nito. Girlfriend niya ito at kinailangan niya itong hiwalayan dahil na din sa utos ng kanyang lolo.

"Im sorry Mika." Tanging nasabi niya. He cant find the right words to soothe her. Masyado nang magulo ang lahat at kasalanan iyon ng babaeng ipinagkasundo sa kaniya. Kung hindi lang sana ito nag eexist. Sana ay matiwasay pa rin ang buhay niya. She ruined everything. He loses her girlfriend. Got himself in a chaos.

Hindi malaman ni Vayne kung anong ayos ang gagawin niya sa pag-upo habang kaharap ang binatang pinakasalan niya. Kasalukuyan siyang nasa mansion nito sa Kyoto kung saan ginanap ang kanilang reception. Sumasakit ang ulo niya sa dami ng taong dumalo at nangalay na din siya sa kakatayo kaya naman napagdesisyunan na niyang umupo. Subalit sa halip na makapag-relax ay utak naman niya ang napagod sa kakaisip kung paano ito pakikisamahan ng maayos. His aura was telling her to back off at simula noong magstart ang seremonya hanggang sa matapos ay wala din itong imik na tulad niya. Mukhang wala din sa plano nito ang mag-asawa sa ngayon.

Halos wala siyang kakilala doon. Sana pala ay inimbitahan na lamang niya ang mga kaibigan na pumunta. Napabuntong-hininga siya nang maalalang may kanya-kanya ding lakad ang mga ito, kaya imposible ding makadalo ang mga ito kahit pa mang-imbeta siya. Pasimple niyang nilingon ang binata sa tabi niya at pinagmasdan ito. Gwapo naman ito kung tutuusin. Matangos ang ilong, maganda ang singkit nitong mata at mahahaba din ang pilik-mata nito. And as for his body, all she can say is 'perfect'. Kahit sinong babae ay titili kapag nakita ito. At sigurado din siyang pagkakaguluhan ito ng lahat ng babae sa mundo. According to what she heard. Isa itong doktor sa pinakamalaking hospital sa tokyo at hindi lang iyon, pamilya nila ang may-ari ng naturang hospital. Hindi lang ito gwapo. Mayaman at sikat din ito. Lalo siyang napabuntong-hininga.

"Are you alright? " tanong ng matandang nagseserve sa kanila ng inumin. Ngumiti lang siya at tumango. Patuloy niyang pinagmasdan ang mga nagkakasiyahang tao habang siya ay tahimik lang na nakaupo sa gilid. So much for her dream wedding. Hindi ito ang pinangarap niya.

"Are you bored? " maya-maya ay tanong ng binata sa kanya. Nang lingunin niya ito ay nakatingin din ito sa mga bisita. "I heard you like your party to be wild and noisy." Dagdag nito at napaawang ang bibig niya. Saan naman niya napulot iyon. Kabaliktaran iyon ng mga gusto niya. She likes quiet and peaceful. Iyong mag-isa lang siya at walang ibang tao. "Filipinos are like that, so you must be one." Humugot siya ng malalim na hininga at hindi na lamang ito pinansin.

Inis na inis na hinubad ni Vayne ang suot na traditional na kimono at nagpalit na ng damit. She really hates this day. Padabog niyang inilapag sa sahig ang dalang bag at kinuha ang laptop niya. Nagpadala siya ng email kay Frances para magpabook ng ticket pauwi sa pilipinas. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya at agad niyang sinagot iyon.

"Just don't ask why, book me a ticket back to the phil this week. I know, I just want to go home. I have no time for souvenirs, now if you cant do me a favor, just tell Frances and stop getting into my nerves. " ibinaba na niya ang telepono at ibinalik iyon sa bag niya. Mabuti na lamang at hindi na siya nag-abalang impakehin ang mga damit niya.

"Are you leaving so soon?"

"Stop asking." Inis na tugon niya at inayos ang mga gamit sa bag. "Kung pwede lang umalis ngayon, bakit hindi. Perhaps, you don't even like me here and I don't like spending my days with you here. So bakit pa."

Is it because of how I act a while ago?"

Smart ass.

Pakiramdam niya ay umakyat sa ulo ang lahat ng dugo niya sa tanong nito. Pinakalma niya ang sarili bago ito hinarap. She gave him her best smile ever.

"FYI , Mr. Tomohira, you dont know me, so stop throwing stupid accussations." Angil niya at dinuro ang dibdib nito. Hindi naman ito nagpatalo. Nahuli nito ang kamay niya at walang kahira-hirap na ikinulong iyon sa kamay nito.

"You are Mrs. Tomohira now, baka nakakalimutan mo." Wika nito bago pakawalan ang kamay.

"Hindi ko nakakalimutan iyon. At isa pa nga pala, ang pangit ng apelyido mo. Hindi bagay sa akin." Sambit pa niya at tinalikuran ito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bigla-bigla na lang kasing bumilis ang tibok ng puso niya nang hulihin nito ang kanyang mga kamay. Something she never experience before.

"Bakit ka nagmamadaling umuwi sa pilipinas. May naiwan ka bang boyfriend doon? "

"So what? " tanong niya at inismiran ito. Ano naman ang pakialam nito kung may boyfriend nga siya. Nakita niya kung paano dumilim ang mukha nito at nakaramdam siya ng kaba.

"Hindi ako magpapakasal sayo kung meron. I would rather die than betray the one I love ." Sagot niya. "At isa pa busy ako para umintindi pa ng lalaki."

"That's good to hear then. Hindi tayo magkakaproblema if that is the case then."

Napalatak lang siya nang umalis na ito. Muntik na niyang masipa ang dingding sa sobrang inis dito. Matapilok ka sana. Tinapos na niya ang pag-aayos ng kanyang mga gamit nang muling tumunog ang cellphone niya. This time it was Frances calling. Nakangiti niyang ibinaba ang cellphone at naglatag na ng futon sa sahig para makapagpahinga ng maayos.

avataravatar
Next chapter