webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

WAKAS

It was a great experience for me to be part of this wattpad world. Hope you really had enjoyed my first ever story as much as I am writing this one.

WAKAS

"Momyyy! Where's my shoes?"

Sigaw ni diam mula sa sala.

Tatlong taong gulang na si diam, at hindi mapagkailang naging kamukha niya na nga si crieg.

"Mimi, I want too see daddy too!"

Lumabi na sabi ni miracle, ang pangalawang anak namin ni creig.

Nalaman ko lang last two years na buntis pala ako kay miracle. I was so happy that day nang malaman ko iyon at ibinalita agad kay crieg. Hindi ko man makita ang reaksyon niya, sigurado akong tumalon-talon na siguro iyon sa saya pagnakita niya itong anak namin.

"Yes, baby, you'll fsee your daddy later, okay?"

Sumilay ang ngiti niya sa labi at masayang tumango-tango saakin.

Abalang- abala pa ako sa paghanda ng pagkain para saaming apat. Sinubukan ko ring hiwain ang mga prutas na pinamili ko. Well, iyon ang gusto ni diam. He loves apple.

"Mommy, Faster! I wanna see daddy!" Si miracle.

"Miracle, don't jump too much baka mahulog ka pa. Malapit na ito. Wait for mommy, okay?"

"Owkay, dowki!"

Nang matapos na ang lahat ay dumiritso na agad kami sa kotse. Mabilis at excited naman nakaupo sa likod ng kotse si diam. Kahit si miracle ay mabilis nakasalpak sa passenger seat at inayos ang sarili, pati ang laruan nito.

Laking pasalamat ko at hindi masyadong traffic kaya mabilis kami nakaabot sa destinasyon namin.

"We're here!" Sigaw ng dalawa.

"You're both really so excited, aren't you?"

"Oo naman, mommy!" Si Diam at mabilis na nakababa mula sa likod ng kotse.

Lumabas muna ako sa kotse at pinagbuksan si miracle bago ito kinarga sa braso ko.

"Diam! Halika dito."

Sigaw ko at baka kung saan pa ito mapunta. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ko at sumunod na sa lakad ko tungo kay creig.

Sa bawat paglakad, tinitingnan ko lahat ng lapida at nakasulat na pangalan dito. Nang sa wakas ay nakita na namin siya ay hindi na nawala ang ngiti saaking labi.

"Finally.." bulong ko sa sarili.

"Daddy!" Si diam at mabilis na dinalo ang ama niya.

Ewan ko ba at bakit parang sariwa parin saakin ang lahat. Dalawang taon na simula noong hindi namin siya makita at mabisita dito. Kaya ito kami ngayon hindi maiwasang mamiss siya ng sobra.

"We're here, daddy!"

Si diam at agad na inilagay ang bulaklak kung saan inilibing si creig. Umupo narin ako kagaya ng anak ko. Kinarga ko naman si miracle at pinaupo ito sa mga hita ko.

"Say hi to daddy." Sabi ko kay miracle.

"Hi, hi, daddy!" Masayang bati naman nito. Napatawa ako at hindi na napigilang pang-gigilan ito.

Hinawakan ko ang lapida at dinarama ang nakasulat na pangalan niya dito. Hindi maiwasang maalala ang masayang ala-ala namin noong highschool.

"Hi, creig..Miss na miss na kita, sobra. Sana kasama ka namin ngayon dito, Sana naabutan mo itong bunso natin. Alam mo ba, sobrang bait at ang kulit nito." Sabay pisil ko sa pisngi ni miracle.

Nangingilid ang luha ko na hinawakan ang lapida nito. Hindi ko maiwasang masaktan at magalit sa nangyari noon. Kung pwede lang sana maibalik ko ang panahon na iyon at subukan siyang pakinggan, 'di sana hindi ito mangyayari. Pero kahit anong luhang pagsisi pa ang gawin ko ay hindi na maibabalik pa ang pangyayari noon.

Nang tuluyan na nga kaming iwan ni creig ay napagisipan namin ni mommy at daddy na bumalik muna sa San Fernando para malimutan ang trahedyang pangyayari dito.

Doon ko rin nalaman ang pagdadalang tao ko kay miracle.

Siguro nga totoo ang mga sabi-sabi na pagmerong nawala, may darating na panibago.

Laking pasalamat ko at dumating sa buhay ko si Diam at Miracle. Kung hindi sakanila, siguro hindi ko na makilala ang sarili ko. Sakanila ako kumukuha ng lakas na loob para harapin ang panibagong bukas.

Biglang naputol ang mga iniisip ko nang biglang nagsalita ang dalawa. Mabilis ko naman pinunas ang luha ko.

"Mommy, aw you cwaying?" Tanong ni miracle saakin.

"Mommy, you're crying.."

Diam pointed my face.

I shooked my head and kissed their forehead.

"Masaya lang si mommy." I smiled.

Napansin ko ang ugali ni diam sa ama niya. Naalala ko pa noon ang lagi niyang sinasabi saakin. Ewan ko ba dito sa anak ko at kung ano-ano nalang ang mga iniisip.

"Mommy, malapit na ako mag big, diba? Pag big na ako, I can punch all the guys out there pag they hurt you."

Hindi ko alam kung matatawa ako or magalit sa mga sinasabi niya.

Nang dahil sa nangyari noon, lagi niya ng binabanggit na ayaw niya ng mangyari ulit iyon. Kuhang-kuha niya ang ugali at katigasan sa ama niya, ang walang takot na makipag-away at laban sa lahat. Ayokong mangyari at gumaya siya sa ama niya. Natatakot akong masaktan ang anak ko.

Bumaling ulit ako sa dalawa at pilit na ngumiti dito.

"Mommy, can we play?"

"Yes, mommy. Can I pway with kuya diam?"

"Yes, but be careful okay? Doon lang kayo sa playground, huwag na huwag kayong lalayo."

Mabilis na tumango ang dalawa at excited na pumunta doon. Isang malawak na harden kung saan inilibing si crieg. Maganda at sariwa rin dito ito. Naramdaman ko naman ang paglipad ng buhok ko dahil sa lakas ng hangin.

Hindi ko alam kung may naalala pa si diam sa buong nangyari noon, pero may pagkakataong nababanggit ko si jero. Minsan ay wala siyang masyadong maalala.

"Wala naman akong masyadong maalala, eh!" Nakakamot sa ulo na sabi niya.

Nagpapasalamat naman ako doon. Dahil kung meron man, hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Pero isa lang ang hindi niya

malimot-limot, 'yong araw kung paano at saan nabaril ang ama niya. Hindi ko maiwasang masaktan para sa anak ko pag hinahanap niya si creig saakin.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya noon na wala na si creig, na wala na ang ama niya. Umabot ng ilang buwan ay hindi ko na napigilan ang sariling sabihin sakanya ang totoo. Laking pasalamat ko naman at matalimong bata si diam at naintidihan niya agad iyon.

"Nasa heaven na siya mommy?"

Tumango ako at sinuklay ang buhok nito.

"He will come back naman, hindi ba?"

"He will never be, diam, but daddy will always watch you from heaven."

"Talaga? Can we just build a long, long, long, stairs, mommy? Para makaakyat tayo sa heaven?"

Hindi ko na napigilang kurutin ang pisngi niya. Madami pa siyang tanong tungkol sa daddy niya. Syempre, wala akong magawa kung hindi sagutin ito lahat.

Two years I remember how unbearable and weak I was.

Papasok na kami sa hospital at hindi ko na mapigilan ang humagulhol ng iyak habang sinusundan ang pagtulak nila kay creig.

"Ilove you so, much..tandaan niyo yan t-threya..sabihin mo sa anak natin n-na m..mahal na m-mahal ko s-siya..."

'Yan ang huling salitang nataandaan ko bago siya ipinasok sa ER. Agad na tumawag ako kay mommy at daddy at mabilis na kwinento ang pangyayari. Nagulat sila ng malaman nila iyon. Hindi mapigilan ay umiyak din sila katulad ko. Hindi mag-iisang oras ay dumating sila.

"Iha.."

"Ma, pa!" 

Mabilis na niyakap ko ang dalawa.

Hindi ko alam kung ilang oras ang hinintay ko sa labas. Dahil narin sa pag-alala ay pinauwi ko muna si mommy at daddy, kasama si diam kasi ayokong malaman niya ang kondisyon ng ama niya. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng anak ko.

"Sino ang kamag anak o asawa dito ng pasyente?"

Mabilis na tumayo ako at agad na lumapit sa doktor.

"Ako po!"

"I'm sorry to say this, pero ang daming dugong nawalan sakanya, misis. Ginawa na namin lahat, pero siya na mismo ang bumitaw."

Nanginginig na itinulak ko siya.

Hindi yan totoo! Lalaban siya! Matapang si creig kaya alam kong hindi niya kami iiwan!

"Hindi y-yan totoo!"

Umiling iling ako at parang hindi parin makapaniwala sa sinabi ng doktor

"Sorry po sa nangyari. May I excuse myself, misis."

Hindi ko alam anong sasabihin ko. Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Bawat hinga ay hinahabol ko.

I froze. Hindi ko maproseso ang sinabi ng doktor. Wala akong masabi, nakatulala lang. Ilang segundo ay naramdaman kong may tumapik saakin at nakita ko si mommy sa tabi ko.

"Threya, anong nangyari?"

"Ma, s-si creig.. wala na."

Pagkasabi ko nun ay niyakap agad ako ni mommy at doon na bumuhos ang mga luha ko. Sumigaw ako sa galit at gusto kong ihagis ang ano mang bagay na makikita ko ngayon.

Akala ko lalaban siya. akala ko hindi niya kami iiwan. Umasa ako sa sinabi niya. I know he'll fights for us, pero hindi ko kayang isipin na tuluyan niya na kaming iwan.

Hindi ko makakaya..

Parang nahiwa ang puso ko sa sobrang sakit. Parang dinurog iyon at hindi na maibabalik pa kailanman.

Ayokong unahin ang pangulila ko kay creig. Kailangan ako ng anak ko. He needs me. Kahit wala na ang ama niya, kailangan kong akuin ang pagiging ama at ina ko para kay diam.

Oo, ang sakit, sakit, pero nangyari na ang nangyari, hindi na namin mababalik si crieg.

I've never forgotten him. I miss him. I still see him in my dreams. They are nightmares mostly, but nightmares tinged with love.

Ang sakit parin pag-iniisip ko ang pagkawa niya. Without any sort of last goodbye.

Pain and death is inevitable, let's face it.

"Miss na miss na kita, creig. Your son misses you too. Alam mo ba, everynight they keep on pushing me to share our lovestory, simula noong highschool pa tayo, but don't get me wrong, hindi ko sinabi ang lahat ng mga pinanggagawa mo." Natatawang sabi ko.

Bumaling ako sa mga anak ko at masayang pinagmasdan lang sila sa malayo.

May lumabas na ngiti sa saaking labi. I thank God for giving me this two. Hindi ko sasayangin ang oras na makasama sila. I will do everything to make them happy.

Ilang sandali rin ay bumalik na si miracle at diam, kaya sabay- sabay na kaming kumain. Syempre, kasali na doon si crieg na pinaghandaan rin namin.

Ang daming kwento si diam sa nangyari doon sa states sa daddy niya habang nginunguya ang pagkain sa bibig. Nakinig lang ako at minsan hindi maiwasang matawa dahil sa narinig.

"I also saw bumble bee!" Si Diam.

Hindi rin nagpatalo si miracle at sumasabat sa kapatid niya. Umiling-iling ako at natawa na lamang.

"Ako rin! Nakita ko si bambow bee!"

"It's bumble bee, honey.." koreksyon ko dito.

"Tapos daddy si mommy hindi ako binilhan ng toys!" Lumabi pa ito. "Kung ikaw iyon daddy, ibibili mo ako nun!"

Umawang ang labi ko dahil sa narinig mula kay Diam. Gusto ko sanang umapela pero hinayaan ko nalang ang dalawa. Kung andito lang sana si creig ngayon kasama namin..

"Yes, daddy, me too daddy," si miracle.

"I love the toys there also!"

Hindi ko maiwasang makita ang tuwa at saya sa mga mata nila habang kinukwento ang lahat. Na para bang nasa harapan lang talaga nila ang ama nila. Kinagat ko ang labi ko at pilit na alisin ang nagbabadyang luha sa akin.

"Yes, I love the toys thew!" Miracle interuppted again.

"Hey, Stop interupting me! ako pa yung una nag share kay daddy!"

"Mommy, oh! Si kuya!" Mabilis na tumakbo ito saakin. Natawa nalang ako.

Minsan para silang pusa at aso sa bahay. Everything I thought I'd hate about having children. The crying, the screaming. I love it all, and it's relaxed me. Nothing fazes me when it comes to them. They are my life.

Siguro nga, ito na ang nakalaan na libro para saakin. I learned that not every story has really a happy ending and not everything has an ending. Every chapter of my story has taught me to learned from those pain and heartaches. Learned to let go from things that might invetibly hurt you. At ang magagawa ko lang ngayon ay tanggapin ang ngayon at kalimutan ang nakaraan. Hindi ako makakabangon kung ipagpatuloy ko lang isipin ang mga negatibo sa buhay ko. Diam and miracle are there for me to give me reason to live and stand on my own.

"You two are my everything.." bumaling ako sa dalawa. They are my life. Gagawin ko ang lahat kahit buhay ko man ang kapalit. Nangingilid ang luha ay hinalikan ko sila isa-isa sa noo.

"We love you, mommy..and daddy also!"

Namumula pa ang mga mata ng dalawa. Hinayaan ko pa talagang mahawa sila dahil sa pag-iyak ko.

Ngumiti ako at niyakap sila nang mahigpit na para bang takot akong mawala sila saakin.