webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB9

Alas otso na ng gabi ay nakatulog na si diam sa kabilang kwarto, kung saan matutulog si crieg ngayon. Dahil narin siguro sa pagod ay maagang napuyat ang anak ko.

Tinanong niya ako kanina kung okay lang ba na tabi sila ni diam sa pagtulog, kaya wala na akong magawa kung hindi sumang-ayon nalang din sa gusto niya. Alam ko namang bumabawi siya sa anak niya, at ayoko ring pagkaitan ng ama ang anak ko.

Sa loob nang napakatagal na oras ay hindi parin kami nag-uusap ni crieg.

He actually tried to talk to me, but my pride eats me whole. Kaya wala pa akong balak na kausapin ito at pansinin.

Dumiritso na agad ako sa kwarto pagkatapos kong kumain. Sinubukan din ni diam na makipaglaro saakin kanina, pero lagi kong sinabi sa kanya na may ginagawa pa ako, kahit wala naman talaga. Well, Dinadahilan ko lang naman talaga iyon para maiwasan ang ama niya. Kaya sa huli kay crieg nalang siya nagpupumilit na maglaro.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at para makatulog narin pagkatapos. Habang naliligo ay nakatunganga lang ako, ni hndi ko man lang namalayan na nag-iisang oras na pala ako sa loob!

Tanga-tanga ka kasi!

Naging mabilis rin ang kilos ko, kalaunan. Halos nag-iisang kalahating oras din ako sa loob.

Tagal natin, ah?

Pagkatapos kong inilibot ang tuwalya sa katawan ko ay napagdesisyunan ko narin lumabas ng banyo. Nang makalabas ako ay biglang nanlaki ang mata ko nang makakita ng anino sa dulo ng kama.

Creig..

Mukhang bagong ligo rin ito dahil sa basa niyang buhok. Nakasuot na ito ng grey short at white t-shirt. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha at ang katawan nito. Ang hubog at ang ganda niyang katawan ay ibang-iba noon. Naging malapad na ang balikat nito. I can't deny na kamukha talaga ni diam ang ama niya. Ganyan din kaya ang itsura ng anak ko paglakim

Nakayuko lang ito, na para bang may malalim na iniisip. Dahil siguro sa narinig na pagbukas ng pinto ay agad napaangat ang ulo nito at tumingin sa direksyon ko. Ang paraan na pagtitig niya saakin ay ang paglambot din ng tuhod ko.

"Crieg.. a..anong ginagawa mo dito?"

Halos pabulong na tanong ko.

Tumaas ang balahibo ko sa biglaang paglapit nito saakin. Mas nagulat pa ako nang bigla niyang hinila ang baywang ko at agad akong niyakap.

Nanlaki parin ang mga mata ko. Ni hindi ko man lang siya magawang maitulak dahil sa kahinaan na binigay niya sa katawan ko.

Dahil sa pagdikit ng katawan namin ay parang nagbalik yung dati. Ang kakaibang tensyon na kailanman ay hindi ko maramdaman sa iba. My soul feels peaceful dahil sa yakap niyang ito.

"Baby.."

Bigla akong napasinghap nang marinig ko ang pagpiyok ng boses nito. Umangat ang ulo niya at tinitigan ako na para bang ako lang ang babaeng minahal niya sa mundong ito.

Hindi parin maproseso saakin, nasa loob ng ilang taon ay nagkasama ulit kami ngayon sa iisang bubong. At kasama na ngayon ang anak namin.

Sa hindi inasahan ay biglang bumuhos ang mga luha niya sa harap ko, sa harap ko pa mismo!

Omygod..

Umaawang ang mga labi ko at hindi maitanggi na nakaramdam ako ng awa para sakanya. Nasasaktan at sumisikip ang dibdib ko dahil sa nakita. Tangina! Ni hindi ko alam kung bakit kailangan kung maramdaman ito!

Hindi umiwas ang mga titig niya saakin. Puno ng lungkot ang mga mata niya. Noon pa man, ay gusto ko na ang mga mata na iyan dahil sa paraan na pagtitig niya saakin.

Nawala ako sa mga iniisip ko nang maalala ko si jero.

Shit si jero nga pala!

Kamusta na kaya siya?

Ni hindi ko pa siya matawagan o matext man lang dahil naiwan ang phone ko sa bahay namin!

Hindi ko parin maiwasang mag-isip nang kung ano-ano sa pagitan ng dalawa. Meron akong kakaibang naramdaman. Alam kong may hindi ako alam. May mali, eh..Alam kong meron siyang tinatago saakin. Hindi lang si jero, pati narin si crieg. Ramdam ko sa mga mata nila ang tensyon noong gabing iyon.

"Baby.. anong iniisip mo, siya ba, is it him, again?"

Shit!

Natigil ako sa mga iniisip ko at ibinaling na sakanya ang atensyon ko. Napansin ko parin ang mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mga mata niya. May parte saakin na gustong punasan iyon.

"Mahal mo ba siya? Are you inlove with him? Please tell me you're not, threya."

Bakas sa gulat at reaksyon ko nang tanungin niya sa akin iyon. Umiling-iling ako at hindi alam kung ano ang dapat sabihin.

"Baby.. you can't love him."

sabay hawak niya sa pisngi ko habang pababa sa mga labi ko.

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Halos mawalan na ako ng paghinga dahil sa ginawa niyang ito.

"I really missed you..So damn much, Everyday..." Si creig.

Hindi parin ako nakapagsalita at nakititig lang sa mga mata niya na minana ni diam.

I want to hear his side. This is all I want to do now. I just want to listen to him, just now.

"My life just seems so fucking.. damn it! I was so depressed and stupid and coward the day I left you. I'm so fucking miserable, threya. Life without you is like death to me. Sobrang mahal na mahal kita, at mas sumobra pa iyon dahil sa pagpapalaki mo sa anak natin. You were so brave and strong, unlike me.

I couldn't stopped myself anymore at bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kung mahal mo ako bakit mo nagawang iwan kami, creig. Bakit?

Gusto kong tanuning sakanya iyon pero natatakot ako kung ano man ang isasagot niya. I'm not yet ready. Hindi ko makakayang marinig lahat ng sagot niya sa mga tanong ko.

Unti-unti ay inilapit niya ang mukha saakin. Sabay dun ang pagpikit ng mga mata niya. Alam kong isang hakbang ay magkakahalikan na kami sa sobrang lapit sa isa't-isa. Dumepina pa lalo ang pilik mata niya dahil sa pagpikit nito. I could feel his same minty breath. Still not moving at matapang na pinagmasdan ko ang buong mukha niya.

Mabilis na umiwas ako ng tingin nang makitang bumukas na ang mga mata niya. Pansin ko sa gilid ng mga mata ko ang paninitig niya saakin. Parang bumabara ang lalamunan ko sa sitwasyon na ito.

Sobrang nasasaktan ako sa ginawa mo..wala akong maintindihan. Ang daming tanong na bumagabag sa isip ko.