webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB7

"Saan mo ba ako dadalhin creig?!"

Sigaw ko sakanya.

Hindi man lang niya ako pinansin at pinasok na kami sa kabilang pinto. Binigay ko ang lakas ko para itulak siya palayo, pero hindi parin iyon sapat para makatakas kami ng anak ko. Nang magtagumpay ito sa balak niya, ay agad na sinara niya ang pinto at nagmamadaling pumasok sa kabila para paandarin ang kotse.

Ang iyak at paghikbi lang ang tanging naririnig sa loob ng kotse.

"M..mommy, I'm scared. I want to see lolo and lola." Si Diam na walang tigil sa pagiyak.

Lagi niyang hinahanap si momny at daddy pagnatatakot na ito ng sobra. Gustong-gusto kong murahin ang ama niya. Ni hindi man lang niya naisip ang kalagayan ng anak niya!

Huminga muna ako nang malalim bago tumingin sakanya. Hindi ko maiwasang titigan ang braso nito. Kung gaano kahigpit ang pagkahawak niya sa manibela, na para bang gigil na gigil na siya sa dito. Paulit-ulit din na umigting ang pormadong panga niya.

Hindi ko maiwasan ibuhos sa kanya lahat, ang galit at sakit na ginawa niya para sa anak ko.

"Tangina, greg! Wala ka bang konsensya o awa, ha? Tignan mo nga itong ginawa mo sa anak ko! Lagi mo nalang kaming nilalagay sa kapahamakan. Tangina! Ano?! Papatayin mo rin ba kami?"

Narinig ko ang mahinang pagmura niya.

Tears stung in my eyes, pero pinigilan ko iyon na hindi bumuhos sa harap niya. Nakita ko ang pabalik-balik na pagtingin niya saakin at sa harap ng kalsada.

"Shit! Baby, pease calm down. Just pleassee, listen to me. Hindi ko kayo sasaktan ni diam. I promise. Hindi ko kayang gawin iyon. Damn it! Pagmamakaawa nito saakin.

"Tangina! Hindi kayang saktan? Gago kaba? Umpisa palang sinaktan mo na ako, Kami ng anak mo! Kaya huwag kang magbubulagan, kasi hindi mo alam kong paano mo ako dinurog crieg!"

Biglang huminto ang kotse sa hindi ko malaman kung saan. Agad na tumingin ako sa labas at nakita ang isang dalawang palapag na bahay o apartment. Nasa pinakadulo kami ng estasyo, at sa sobrang tahimik nito ay parang walang mga taong nakatira dito.

Humarap ito saakin gamit ang pagod niyang mata.

"Bab--

"Pwede ba, creig. Tumigil ka na? Pina-alala ko lang sa'yo, wala ng tayo, ikaw na ang tumapos noon, kaya tumigil ka na kakatawag saakin ng ganyan!" Sigaw ko rito.

Dahil sa galit ko ay hindi ko na napigilan ang sarili na sigawan siya. Mahinang napamura naman ako nang maalala na andito pala si diam sa bisig ko.

Shit!

Kanina ko pa gusto gawin ang bagay na iyon, ang sigawan at ipamukha sakanya ang lahat-lahat. Dahil sakanya nagka leche-leche na ang buhay ko, namin ng anak ko. Siguro, tama lang na sigawan siya.

Bumalik ang tingin ko sakanya at nakitang nakapikit na ito habang hilot-hilot niya ang sentido.

Mukha siya pa yata ang nahihirapan ngayon. Bakit ako, Hindi ba? Mas apektado ang bata dito!

Naramdaman ko ang pag-angat ng ulo ng anak ko at tumingin saakin.

"Mommy, what's wrong? Did he huwts you?"

Biglang lumipat ang tingin nito sa ama niya.

"Hey! What did you do to my momm-mister?"

Pansin ko ang gulat at pag-awang ng labi ni diam.

"Mister, why are you hewe? Why did you huwt my mommy?"

Walang ka alam-alam na tanong ni diam sa ama niya. Tumaas naman ang kamay niya para hawakan sana si diam, pero bago niya pa iyon magawa ay hindi ko na siya hinayaan sa gusto niyang mangyari, at agad iniwas ang anak ko.

"Baby, I need to talk to your mother. Help me, anak. Threya, we can talk inside. I'll tell you everything, just believe me." Pilit niya saakin at sa anak ko.

"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin? Sabihin mo na para matapos na 'to!"

"Alam kong hindi mo' ko paniniwalaan sa mga sasabihin ko pero kailangan mong malaman na masama--"

"Pwede ba, creig? Sobrang pagod na pagod na ako."

Pumikit ako at hinilot ang sentido. Hindi ko na nasundan ang mga sinasabi niya at napagisipan nalang na lumabas sa loob ng kotse. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili at kung ano pa ang masabi ko sakanya, sa harap pa mismo ng anak niya.

Nang makalabas ay narinig ko ang sunod na kalabog ng kotse at nakitang lumabas na din siya doon. Agad binuksan niya ang pinto at iginaya kami papasok ng bahay.

Sobrang pagod na pagod na ako sa nangyari ngayon. Hindi ko na maintindihan kung saan kami dapat lulugar. Kung saang lugar kami kailangan pupunta para makalayo at umiwas na sa gulong ito. Nahihirapan na akong makita ang anak ko na nadadamay na sa sitwasyong ito. Gusto ko siyang mabuhay na walang iniisip at tanong sa sarili kung bakit nangyari ang lahat ng bagay na ito. Kahit gusto ko man kalimutan ang lahat-lahat alam kong impossible iyon. The memories is indelible.

Ayoko na. I just want these to end

Nakakapagod na ganito nalang araw araw. Ang hirap..