webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB6

"Threya.." tumingin ako sakanya at nakita ang lungkot sa mga mata nito.

"Hmmm?

Tanging sagot ko lang sakanya.

"Love, kalimutan mo na yung nangyari kahapon, okay? Sobrang mahal kita, threya. Kung sakaling lalapit man siya sayo ulit, tell me, okay? If something bad happens to you, hindi ako magdadalawang isip na patayin siya."

Hindi ko alam kung anong nakikita ko sa mga mata ni jero. Hindi ko kayang makikipagtitigan pa, dahil napapaso lang ako sa galit at pang-gigil niya.

Kahit gusto ko man siyang tanungin kung bakit ganoon nalang siya magalit kay creig, pero may parte parin saakin na huwag ng itanong iyon sakanya.

"Ayokong madamay ang anak ko sa gulo, jero. Hindi ako papayag na makalapit pa siya saamin. Lalong-lalo na kay diam. Hindi na 'yon mangyayari pa. Kung kukunin niya man si diam saakin, ay magkakamatayan muna kami bago niya makuha ang anak ko."

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ulit ng mga luha ko.

Naramdaman ko ang paghila niya saakin at mabilis na niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik at agad na isinubsob ang sarili sa matigas nitong dibdib. Naging ganoon lang ang posisyon namin ni jero at dinama ang init na yakap.

Lumipat ang tingin ko sa gilid at nakita ang anak ko na patakbo palapit saamin.

"Jero, tapos na si diam."

Agad na kumalas kami sa yakap at hinarap na ang anak ko.

"Mommy, mommy.."

Lumalabi na pagtawag niya saakin. Kumunot naman ang noo ko.

"Yes, baby, what's wrong?"

Tanong ko habang sinusuklay ko ang basa nitong buhok.

"Mommy, I want baby brother or baby sister. I want to be kuya, wike my friends. Can you give me one, mommy?"

Napahinto ako sa pagsuklay at nakaawang ang labi dahil sa gusto ng anak ko.

Oh, god..

Gusto kong mahiya para sa anak ko. Laking pasalamat ko at tanging kami lang ni jero ang nakakarinig sakanya.

Nakita ko sa mata ni diam ang walang halong bakas na biro doon. Seryosong- seryoso na tinitigan ako ng anak ko at mukhang naghihintay sa isasagot ko.

You're really straight forward like your father.

Agad lumipat ang tingin ko sa katabi ko nang marinig ko ang malakas na pagtawa niya.

Mukhang masaya pa yata siya sa tanong ni Diam!

Sa inis ko ay siniko ko ito sa tagiliran  kaya napa aray naman ito sa ginawa ko.

Buti nga sa'yo!

"Do you really want your mommy and dada make one for you, little boy?

Tanong ni jero kay diam.

Nakita ko ang mabilisan na pagtango ng anak ko.

"Yes, Dada! can you gwet me one, later? Or maybe, tomowow."

This is so embarrasing!

Pilit ko man na hindi matawa sa kalokohan ni jero ay hindi na kumawala iyon mula sa bibig ko. Napansin ko naman ang pagkalito sa mata ni diam at kunot noo na tinignan kami.

"Why aw you two laughing?"

Nakasimangot ito at pabalik-balik ang tingin niya saamin.

Oh, god.. My poor innocent boy.

---

Alas otso na ng gabi nang hinatid  na namin si diam sa sarili niyang kwarto. Dahil siguro sa pagod at kakatakbo kakalaro kaya ito nakatulog ng maaga

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay may narinig na akong ingay sa baba. Dumilat ako at nakitang madaling araw pa. Tumingin ako sa tabi ko at wala na doon si jero.

Bago pa ako makatayo ay rinig na rinig ko na rito ang malakas na iyak at sigaw ni diam sa pangalan ko. Nandilat ang mata ko at natarantang lumabas sa kwarto.

Shit!

Mabilis na pinihit ko ang pinto at agad nakita ko ang pagtaas-baba na iyak ni diam. Napatakbong dinalo ko ito at niyakap.

"Mom..my.. I'm scawed."

"Shh, andito na si mommy.'

Umabot pa ng ilang minuto bago ko napatahan ang anak ko. Agad na binuhat ko si diam saakin. Napagdesisyunan ko na ring lumabas na kami ng kwarto.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa baba. Hindi maiwasang mas dumoble pa ang kaba ko sa dibdib. Napatalon kami pareho nang marinig ang malakas na kalabog sa baba. Mabilis na tinago ko ang mukha ni diam sa leeg ko dahil sa takot.

Nang makababa ay agad na hinanap ko ang ingay na iyon. Parang huminto at umatras ang paghinga ko dahil sa nakita. Halos dumikit na in ang mga paa ko sahig dahil sa takot at gulat.

Snapping myself from astonishment ay sumigaw na ako sa takot at halo-halong imahinasyon.

Hindi ako makapaniwalang kaya niyang gawin ito!

"Crieg!" Sumigaw ako.

Ayokong marinig ni diam ang nangyari kaya pilit kong takpan ang tenga nito. Sa takot at taranta ko ay agad na hinarang ki ang sarili kay jero.

"Threya, fuck-Move!"si jero.

Hindi ako sumunod sakanya at hinarap si crieg.

"What the hell are you doing?! Ano ba ang pakulo mo? Pleaaasee, put the gun down, crieg. Andito ang anak mo.." pagmamakaawa ko.

Nakita ko ang pabalik balik na pag-igting ng panga nito. Ang nag-aapoy na galit niya sa mata habang nakikipatitigan kay jero, na halos lagpas na sa kaluluwa.

Nakita ko ang paglambot ng mukha ni creig nang makita at marinig niya ako.

"Baby, pleaaase. Stay away from him. Please, baby, lumapit ka saakin. Hindi ko kayo sasa--

"Huwag na huwag kang lalapit sakanya, threya."

Biglang nawakan ni jero ang pulso ko at agad itinago sa likod niya.

Dahil sa bilis na pangyayari ay nagulat nalang ako sa malakas na pagbagsak ni jero. Naramdaman ko nalang na hila-hila na pala ako ni creig tungo sa labas ng bahay. Tumingin ako sa likod at nakitang nakahega na si jero habang duguan ito sa labi.

Gusto ko siyang tulungan pero wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkahawak ni creig saakin. Damn it!

Sinubukan ko namang pumiglas pero kahit anong pilit ko ay hindi ako makakawala. Sa huli ay wala na akong magawa kung hindi magpahila nalang sakanya.

Narinig ko naman ang paghikbi ni Diam sa balikat ko, kaya agad nakuha ko ang atensyon ng ama niya

Na-aawa na ako sa anak ko. Lagi nalang ganito!

Kahit wala man siyang maintindihan ngayon, ay meron paring malaking posibilidad na pwede niya itong matandaan at itanong saakin lahat paglaki niya. Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba sakanya kung gaano ka walang kwenta ang ama niya? Na wala siyang ibang ginawa kung hindi paiyakin, saktan at iwan lang tayo.

"Baby, pleaase sumama ka sakin. I'll tell you everything."

Nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. Ang sakit at pagodna hindi ko kayang makita.

Aktong lalapit sa amin si jero nang tinutok niya ang baril sakanya.

"One step, and I'll shoot you asshole! Hindi na ako papayag na kunin mo ang mag-ina ko! You mother fucker! You trapped me! Gustong-gusto na kitang patayin!"

"Try me, crieg. Hindi mo alam ang kaya kong gawin!"

Hindi ko maiwasan isipin na parang matagal na silang magkakilala. Ang mga titig nila na halos gusto na nilang patayin ang isa't isa.

Wala akong alam o ideya kung anong pinagsasabi nila.

Sobrang litong-lito na ako sa nangyari.

Gusto ko silang tanungin pareho, pero hindi ito ang tamang panahon para magtanungan pa.

Alam kong may hindi tama.

Alam kong may hindi ako alam..

Kung ano man iyon, gusto kong malaman.