webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB5

Kaumagahan ay nagising nalang ako na wala na si jero sa tabi ko.

Agad na umupo ako sa kama at biglang naalala ang nangyari kahapon.

Tama si jero kailangan kong kalimutan ang nangyari kahapon. Kailangan kong lumayo sakanya para hindi madamay pa si diam dito o kahit si jero.

Kung sana hindi nalang siya nagpakita saamin ni diam, hindi sana mangyayari ang lahat na ito.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari at ngayon niya pa pinakita ang anino saamin ng anak niya.

Alas otso na ng umaga ay ginawa ko na ang morning routines ko. Pagkatapos kong magsuot ng shorts short at spaghetti strap ay lumabas na ako sa kwarto. Pagkababa ko ay sina jero at diam agad ang naabutan ko sa kusina habang nakakandong ang anak ko sa kanya. Masayang nilalaro niya si diam habang sinubusubuan ito.

Napangiti akong pinagmasdan ang dalawa sa malayo.

Minsan iniisip ko na sana si jero nalang ang una kong nakilala at hindi siya. Sana siya nalang ang naging ama ng anak ko at hindi siya. Kung alam ko lang na takot pala ang gagong yun magkapamilya, 'di sana hindi ko nalang binigay ang sarili ko sakanya. Pero wala eh, ito na ang binigay na buhay saakin.

Umiling iling ako sa mga iniisip ko at napagdesisyunan ng lumapit sa kanila. Napansin naman nila ang pagdating ko kaya napaangat ang ulo nilang dalawa saakin. Lumapit ako kay diam at yumuko para halikan siya sa noo.

"Goodmowning, mommy. Eat! Dada cooked these fow us, right dada?" Maligayang sabi ni diam habang hawak hawak ang kutsara at tinidor sa ere.

Inangat niya sa diam at pinaupo sa kanang upuan.

"Goodmorning, love." Bati agad niya saakin.

Pagkaupo ko sa tabi ni jero ay agad nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. I caught off guard ng hinalikan niya ako sa labi at pagkatapos ay pinisil-pisil ang kamay ko. Nakita niya ang pag kagulat ko pero binigyan niya lang ako ng ngiti.

I know he's my long time boyfriend, pero bakit big deal lahat saakin ang paghalik niya?

Ayoko mang aminin sa kanya pero ayokong hinahalikan niya ako. Minsam binibigyan ko ng limitasyon ang mga kilos niya para saakin.

Nakasama na namin siya ni diam pero bakit ganun? Bakit hindi ko kaya? Bakit ayaw ko?

May mali ba sakanya o saakin yung mali?

Hindi ko maiwasan na ikompara ang pagmamahal ko noon kay creig at sa kanya. Hindi naman ako ganito dati. Siguro natatakot lang ako. Natatakot lang ako na pagibigay ko na yung sarili ko sa kanya ay iiwan din niya ako gaya ng ginawa ni creig saamin.

Pilit kong kinombinsi ang sarili ko na yun nga dahilan kong bakit hindi ko pa kayang gawin ang mga bagay na iyon.

Gusto kong tanungin ang sarili ko. Pero paano? Wala akong masagot ni kahit isa man lang.

Siguro kailangan ko ito. I should atleast indulge myself to give things out. Just once threya.

Try it, Just try it.

Hindi nagdadalawang isip ay agad sinunod ko ang nasa isip ko.

Nabigla si jero sa paghila ko sa likod ng ulo niya at siniil siya ng malalim na halik. Matagal tagal iyon pero yung naramdaman ko ay parang isang boteng walang kahit isang laman. It's empty.

Wala akong maramdaman.

Tangina! Bakit!

Kita ko sa mata ni jero ang pagkagulat sa ginawa ko. His lips parted. Nalipat ang tingin namin sa isa't-isa ng marinig namin ang tili ni diam.

"Ewww mommy and dada! I can see you hewe." Sabay takip niya sa mata gamit ang maliliit niyang kamay.

Siguro halos sing pula na ng kamatis ang buong mukha ko. At ngayon ko lang din napansin na andito pala si diam sa harap namin.

Tanga tanga ka kasi threya!

Nakakahiya ka threya! Andiyan pa naman anak mo sa harap!

Gaga!

Patuloy ang pagmumura ko sa isip sa kahihiyan na ginawa ko.

Napasimangot ako nang marinig ko ang halakhak ni jero sa gilid ko at parang natutuwa pa talaga sa nangyari. Hindi ko nalang siya pinansin at pilit na ngumiti sa harap nila kahit nalunod na ako sa kahihiyan.

Pagkatapos namin kumain ay nagpagisipan na namin iligo si diam sa maliit na pool na ipinagawa ko para sa kanya.

Tahimik na pinamasdan lang namin si diam sa malayo habang naglalaro ito ng tubig. Kahit isa ay walang balak na magsalita saamin.

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang nagsalita si jero sa tabi ko. Napahalakhak naman siya sa naging reaksyon ko.

Jerk!