webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB4

"Sorry? That's it?"

Sarkisto kong sabi sakanya. Nakayuko parin siya saakin at mukhang walang balak na magsalita sa harap ko.

"Say something! Ano?! Wala kang masabi kasi guilty ka, 'diba?! You coward dumb ass!"

Inangat niya ang ulo niya at laking gulat ko nang makita ang luha sa pisngi nito.

Agad na umiwas ako at hindi  kayang matignan sa mga mata.

Please..Don't do this to me creig.

Huwag na huwag kang magpapaapekto sakanya, threya. Iniwan ka niya, hindi ba?

Pinilit kong kombinsehen ang sarili na huwag maawa sakanya.

Hindi ko kayang makita siyang ganito, hindi ganitong creig ang nakilala ko. Hindi siya ganito. Siguro, patibong lang 'to lahat para maawa ako sakanya. Ganoon ba?

Bakit siya umiyak? I should be the one who weep, not him!

This is bullshit!

"Sorry, Threya. Please, listen. Just..listen to me..Just give me time baby, please?"

Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na ganun nalang ang itawag niya saakin. The endearment na nakasanayan namin noon. Parang bumalik yung dati, yung dating kami.

The way he calls me baby it sent shivers down my spine.

Matapang na tumingin ako sa mga mata niya. Bigla akong napatalon nang hinawakan nito ang braso ko. Babawiin ko sana iyon pero mahigpit ang pagkahawak niya saakin, na para bang ayaw niya na akong bitawan pa.

I couldn't hide my frustration.

"Fine. Explain, crieg! Try to convince me with your stupid excuses!"

Sige, subukan mong paniwalain ako sa mga kasinungalingan mo!

Walang bakas na takot o gulat ang nakita ko habang sinigawan ko siya.

"Baby..Hindi ko ito ginusto, hindi ko kailanman ginusto na iwan kayo. Ang hirap, tangina! dahil alam kong hindi mo ako paniniwalaan. Just give me more time, tapos kukunin ko na kayo dalawa. Ay---"

Hindi na natapos ang sasabihin niya sa biglaang pagtapon niya sa damuhan. Nanlaki ang mga mata ko at hindi na halos maigalaw ang katawan. Nakaupo ito sa damuhan habang hawak-hawak ang labi nitong may duguan. Gusto ko man siyang tulungan ay hindi ko magawa dahil sa gulat at takot.

Agad na tumingin ako sa gilid ko at laking gulat nang makita ko si jero na halos papatay na ng tao sa sobrang galit at usok ng mata. Nakakuyom ang panga at ang mga kamao nito. Susugod na sana ito ulit pero mabilis na naunahan siya ni creig sa pagsuntok. Lahat ng mga bata ay nagsiktakbuhan. Nataranta ako at inilibot ang mata para mahanap si diam.

Nabuhayan ako nang loob nang makita ang anak kong patakbo dito. Mabilis na sinalubong ko siya ng yakap at binuhat saakin. Agad na isiniksik ko ang mukha niya sa leeg ko. Napatingin ako sa braso nang maramdaman ang paghawak na malaking kamay doon.

"Let's go.." he demanded.

Hindi ko namalayan ay hila-hila napala ako ni jero paalis dito.

Malaki ang hakbang niya tungo sa kotse. Pagkapasok namin ay agad nakita ko si creig na nagmamadaling tumakbo palapit saamin kung saan kami nakaupo. Nang makalapit na ito ay hindi ko inasahan ang malakas na paghampas niya sa salamin ng kotse. Napatalon ako sa gulat. Naramdaman ko rin ang pagungol at pagtawag ni diam sa pangalan ko dahil sa takot.

Walang hiya ka talaga creig!

"Threyaaa! Stay away from her! Threya get ou--"

Gusto ko man marinig ang sasabihin niya, pero hindi ko na iyon masundan dahil mabilis na hinarurot ni jero ang kotse.

Stay away? Para saan?

Tahimik at tulala ako sa loob ng kotse. Kahit si jero ay hindi rin nagsalita. Hindi ko maproseso ang lahat na nangyari ngayong araw na ito.

Ilang sandali rin ay nasa tapat na kami ng bahay. Walang pagalinlangan na binuksan ko ang pinto at mabilis na bumaba. Nang makalabas na kami mula sa kotse ay naramdaman ko ang pagmamadali ni jero na ipasok kami sa bahay.

Iginaya niya kami  sa loob at kinuha niya saakin si diam.

"Dada, I'm scawed dada."

Sabay hikbi niya at yakap nang mahigpit sa leeg ni jero. Hinagod ko ang likod nito at halos maiyak na sa kagaguhan na ginawa ng ama niya.

Pati ang anak namin ay nadamay. Sana inisip man lang ni creig ang kalagayan ng anak niya! He's being impulsive, right now!

Magiisang oras din ay napansin namin ang mahimbing na tulog ni diam sa balikat ni Jero. Agad niyang hinatid ito sa kwarto at bumalik din kung saan ako nakapwesto.

Naramdaman ko ang paglubog ng sofa nang umupo siya sa tabi ko.

"Love, did he hurts you?"

Ramdam ko ang takot at concern sa tono ng boses niya.

Walang lumabas na sagot sa bibig ko kung hindi ang takot at pagnginginig lang sa kamay.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari ngayong araw na ito. Parang Kani-kanina lang ay ang saya namin ng anak ko.

"Love, tell me, did he fucking hurts you? Kasi kung meron man, no one can stop me to kill him for you."

Nagulat ako sa sinabi ni jero saakin. Parang ibang tao siya kung magsalita. At ngayon ko lang din narealize kung bakit ganoon nalang siya magalit kay creig, ni hindi nga niya kilala ang ama ni diam. Kahit isa ay walang litrato ang pinakita ko sakanya. Pwera nalang kung nag imbestiga siya dito o may nakita siyang hindi ko alam.

Kung nagseselos man siya, hindi naman niya kailangan suntukin ang isang tao dahil nakikipag-usap lang ako dito.

Gusto ko din siyang tanungin tungkol sa sinabi ni creig saakin kani-kanina lang, pero may pumipigil saakin na huwag ng isipin at itanong iyon sakanya.

Tapos, kanina. Sasabihin niyang layuan ko si jero? Bakit? Anong dahilan ko para layuan siya?

Wala na siyang parte sa buhay namin ni diam. Labas na siya sa mga desisyon ko.

Iniwan niya na kami, hindi ba? Ano pa ang kailangan niyang balikan saamin.

"Bakit mo siya sinuntok, jero? Naguusap lang kami, kilala mo ba siya?" Dirsito kong tanong sakanya.

"O-oo. S-siya lang naman ang gagong ama ni Diam Greg, Threya."

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga mata niyang naninilsik sa galit.

"Pero paano mo nalaman na siya nga a--"

"Love, let's not just talk about it, okay? Just..just..stay away from him. That asshole! Alam mo naman na mapanganib ang taong iyon, hindi ba?"

Ito ang kauna-unahang makita ko siya ng ganito.

Dahil narin sa pagod ay tumango nalang ako dito. Gumapang ang kamay niya sa baywang ko at hinila ako para yakapin.

Tama ang sinabi ni jero.

Kailangan konh lumayo sa kanya. Ipapahamak niya lang kami ng anak ko, at ayokong mangyari iyon.

Kung pwede ako nalang, huwag na si Diam at Jero. Ayokong madamay sila sa away namin ni creig.