webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB3

Habang nasa kusina kami ay hinanda ko na ang lahat para sa pupuntahan namin ni Diam.

"Baby, you should eat first bago tayo pupunta sa playground, okay?"

"Okay, mommy." maligaya niyang sagot saakin

Pagkatapos namin kumain at magbihis ay inihanda ko na ang mga pagkain at damit para sakanya. Sayang lang at hindi namin makakasama si jero dahil may ginagawa pa ito. Pero tinext ko naman ito, at sabi'y susunod nalang siya saamin ni diam doon.

Buong biyahe patungong playground ay kita ko ang pagka excite at saya ni diam.

"Mommy, Drive fwaster, please.." sabay talon-talon niya.

"Baby, behave. Aabot din tayo, okay? My baby is so excited naba?" Sabay sulyap ko sakanya.

"Yes, mommy. Reawy, reawy, excited." Napangiti ako sa gulat nang naramdaman kong lumapit siya saakin at hinalikan ang pisngi ko.

Saktong andito na kami sa playground ay agad humarap ako sakanya at kinandong siya saakin.

"I love you, Diam greg."

Hinalikan ko din siya pabalik at pagkatapos ay kinurot ang matatabang pisngi nito. Napa aray naman ito sa ginawa ko.

Ilang segundo ay lumabas na kami mula sa loob ng kotse. Kinuha ko ang anak ko saakin at binuhat ito sa braso ko. Pumunta ako sa back seat at agad kinuha ang mga pagkain at damit na inihanda ko kanina.

Isang oras at kalahati ay wala akong magawa kung hindi pagmasdan lang si diam sa malayo habang tumatakbo kasama ang mga bata. Minsan napatigil din siya saglit para kumain at uminom ng tubig pero agad din naman itong babalik.

Biglang nakuha ang atensyon ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko sa gilid. Binuksan ko iyon at napangiti nang makita ang pangalan ni jero doon.

"I'm on my way, love. I Love you."

Agad nag tipa ako at sinagot ang mensahe niya paraa saakin.

"Take care, I love you too."

Nang inangat ko na ang ulo ko ay agad naaninag ko ang anak ko na patakbo saakin. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang laruan. Kumunot naman ang noo ko sa nakita.

At saan naman nanggaling yan?

"Mommy, Wook A car." Mangha niyang pagmamayabang saakin.

Agad na umupo na ito sa tabi ko at nilalaro ang laruan na hindi ko alam saan galing. Kinuha ko naman ang panyo sa bag at pinunas ang pawis na namumuo sa noo at leeg niya.

"Diam, baby. Saan mo 'yan nakuha? Baka hinanap na yan ng may-ari."

Sabi ko habang sinusuklay ang blonde niyang buhok.

"No, mommy. Bigay niya ito sa akin. Oh, I fowgot to say thank you."

Binigay? Kanino?

Tatayo na sana ito pero agad ko rin pinigilan.

"Baby, ano nga yung sinabi ni mommy sa'yo nang paulit-ulit?

Hindi siya sumagot at tinignan lang ako.

"Hindi ba, sabi ko huwag kang kuma-usap sa hindi mo kilala Sino ba nag bigay niyan sa'yo. Ituro mo nga."

"But, mommy he's nice and he said I wook wike him daw. He said we're both transformers." hagikhik niyang sabi.

"Talaga? Saan na siya ngayon? So you could say thank you to him. Nakakahiya pa naman." Sabi ko

Bigla siyang lumingon-lingon sa paligid at parang hinanap ang lalaki na tinutukoy niya. Ilang sandaling paghahanap ay napahinto ang mga mata niya sa lalaking halos lahat ng suot ay itim, pati rin ang sumbrero nito.

Napaawang ang labi ko sa gulat. Halos hindi ko na rin masundan at marinig ang sinasabi ng anak ko. Hindi inasahan ay nagtama ang mga mata namin. Nanigas ako sa kina-upuan ko at parang naubusan ng hangin sa katawan. Nakita ko ang pagigting ng panga niya at pagkuyom ng kamao nito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero nakita ko ang sakit at pangulila niya, o hindi kaya ay guni-guni ko lang iyon.

Nawala ako sa mga iniisip nang marinig ang pagtawag ni diam saakin. Hindi ko na namalayan ay hinawakan niya na pala ang pulsohan ko para makatayo na rin gaya sakanya.

"Mommmy, faster, Siya yun, oh!" Sabay turo-turo nito sa ama niyang gago.

Nang nakalapit na kami sa lalaking ito ay halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

Nanigas ako sa kinatayuan ko at parang walang isang salitang gustong lumabas nito. Gusto ko siyang sigawan at sampalin sa ginawa niya saamin ni diam noon, pero ni kahit ang kamay ko ay hindi ko na maigalaw. Ni isang isang salita nga ay walang lumabas saakin.

Hindi ko mabasa ang paraan na pagtitig niya saakin. Damn it.

Ang mahaba niyang buhok ay nawala na. His same minty scent that still lingered on my nose ay hindi parin nagbago. Ang tagal na ng panahong hindi ko siya nakita. His eyes darted on me at pagkatapos ay kay diam. Sa pagkakataong ito ay natitigan ko ang mukha niya. Nakadepina pa lalo ang panga dahil tinagilid nito ang ulo niya. Ayoko mang aminin ay nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya, na parang gusto ko siyang kamustahin at yakapin, pero merong parte saakin na huwag gawin iyon. Agad na lumipat ang tingin ko sa anak ko nang marinig siyang magsalita.

"Hi, Mister. Thank you for this!"

Nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya, na para bang nahihirapan siya ngayon. Nakangiting tumingin siya kay diam. Aktong luluhod na ito para mapantayan ang anak ko, pero bago pa mangyari iyon ay natarantang hinarangan ko na siya.

Hindi ko hahayang mahawakan mo ang anak ko. Ano, Ganito lang ba kadali para sakanya ang lahat?

Ganun ba talaga kadali para sa'yo, creig?!

Tangina!

Parang bumalik ang galit at sakit na ginawa niya saamin noon ng anak ko, ang pag-iwan niya saamin. Gusto ko siyang itaboy sa harap mismo ng anak niya kung gaano siya ka walang kwentang at modong ama!

Pero sarili kong bibig ay hindi sumang-ayon sa gusto kong gawin. Ayokong makita o marinig ng anak ko ang lahat ng pag-aawayan namin ng ama niya. Ayokong marami siyang tanong sasarili.

"Anak, maglaro ka muna doon kasama nila derek. Mommy and Mister will just talk. Huwag ka masyadong lumayo, okay?

"Okay, doki, mommy!"

Tumango siya at mabilis na tumakbo doon.

Creig was about to say something pero hindi ko na pinalampas iyon at agad na siyang inunahan.

"Bakit ka andito? Anong karapatan mo sa anak ko?" I gritted my teeth each word habang sinasabi ko sakanya ito. May namumuong luha sa mata ko pero ayokong ipakita sakanya ang kahinaan ko.

"I'm sorry t—

I cutted him.

"What now, crieg? Bakit ka andito? Ano, Natauhan ka naba, huh? Nagsisi kanaba sa lahat? Tangina! Wala ka ng karapatan na hawakan ang anak ko!"

Nakita ko kung paano siya nasaktan sa mga sinabi ko. 'Yan ang nababagay sa'yo! Kulang pa 'yan sa ginawa mo saamin ng anak mo!

"I'm sorry, Threya.." nakayuko niyang sabi saakin.

Sorry? At ngayon nagso-sorry siya?

Para saan pa? Tangina! Huli kana, huli na ang lahat!

Ayokong makaramdam ng awa sakanya. Dapat akong magalit sa pag-iwan niya saamin.

Ito naman ang gusto mo hindi ba, threya? Ang magalit at ipamukha sakanya lahat ng kamalian niya.

Sana hindi ka nalang nagpakita kasi wala ka ng babalikan pa.