webnovel

Carrying The Gangster's Baby

Avamrlle · Urban
Not enough ratings
16 Chs

CTGB THE TRUTH

Hindi parin ako makapaniwalang magagawa ni jero ito saakin. Sinabi lahat ni crieg, lahat-lahat, How it's all started. Pagkatapos ng gabing may nangyari saamin ni crieg ay halos nasagot niya na lahat ng katanungan ko.

"Threy, believe me, Jero is not real. He trapped me. Kasamahan pala ni jero ang gustong pumatay at magtangka sayo noon. Noong sabihin niya saakin na layuan kita ay ginawa ko. Akala ko nag-alala lang siya para saakin at sayo, pero hindi. That asshole! Baby, he fooled me, he played us. I fucking trusted him. Siya ang nag utos sa mga gagong yun para patunayan saakin na nasa kapahamakan ka, para maisip ko na dapat kitang layuan. That idiot loves you. Yan yun paraan para makuha ka niya saakin, at nang malaman kong magkasama na kayo sa isang bubong ay gusto kong sumabog sa sobrang galit. Threya. Gustong-gusto ko siyang patayin. Hindi mo alam ano pang kayang gawin ni jero. At ayokong hayaan ka lang na mapunta ka sa gagong yun!"

I can believe it! Hindi ako makapaniwala sa mga detalye na narinig ko mula kay creig. Sana noon pa pinakinggan ko

"I even investigate him. Fuck! Siya ang pumatay sa kapatid ko."

Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi ko rin maigalaw ang mga kamay sa sobrang gulat at takot sa narinig.

"He killed my sister, threya. He fucking killed my sister! Ang pagkakaalam ko, pinatay niya ito dahil hindi siya minahal pabalik. Threya, He is a damn psycho! may sakit siya sa utak, at ayokong mangyari iyon ulit sa'yo."

Hindi ko maisip kung paano niya pinatay ang kapatid ni creig. Ngayon ko lang din narealize na wala akong masyadong alam kay jero.

Sinabi din saakin ni crieg ang pagtigil niya sa grupo bilang leader. Alam ko ang grupo na ito, noon paman. Dahil din naman sa mga kaibigan niya ay dito ko siya nakilala.

"Anong sabi nila?" Tanong ko.

"They are fine with it. They wanted to help me, pero ayokong madamay pa sila dito. Kaya ko naman."

Naalaa ko ulit ang gabing iyon nang biglang may humarang na mga kalakihan sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga suot nila. Hindi simpleng damit. Madaming gusot at ang laki pa ng pang-itaas. Napansin ko rin ang nakataling panyo sa ulo.

Hindi ko alam anong gagawin ko sa gabing iyon. Naalala ko ang pangininig at takot ko para sa sarili. Halos hindi ko na rin maramdaman ang lamig ng hangin dahil sa sobrang kaba na bumalot sa katawan ko.

Hindi ko maisip na mangyayari iyon saakin, ang hipuan nila ako! Akala ko katapusan ko na, pero hindi pa pala. Laking pasalamat ko ng may biglang dumaang kotse at may dalawang police pang nakasakay doon! Agad nagsitakbuhan sila sa nakita. Hindi ko nga napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga. Ramdam ko ang pawis na namuo sa katawan ko.

Sa pagkakataong iyon ay walang takot na isinumbong ko sa mga police ang pangyayari. Hindi ko alam bakit nalaman ni creig ang nangyari saakin. Ilang beses ko siyang tinanong pero niya naman akong sagutin.

"Paano mo nalam—"

"God damn it, threya! I'm so damn worried about you! Hindi mo na dapat itatanong 'yan! Papatayin ko sila!"

"Creig, ano ba! Marami sila. Okay naman ako, e!" Sabi ko at sinubukang hawakan siya.

"No, Hahanapin ko sila. Paano kung walang dumating kotse doon? Gad damn it!" sabi nito at hinilot ang sentido.

Naramdaman ko ang paninigas ng braso niya dahil sa galit nito. Noon paman, ayaw niya na akong sinasaktan at binababoy ng iba kaya alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya makikita at mahanap ang mga ito..

Kaya hindi ako makapaniwalang si jero ang nag utos sa mga iyon. Paano niya nagawa ang lahat na iyon? Para lang ba makuha ang gusto niya? Damn you, jero. Kinukuha at iniipon ko ang impormasyon mula kay creig, at wala ng dahilan para magdadalawang isip na totoo nga ang mga sinasabi niya.

Naalala ko ulit nang maglasing si jero at nakatulog ito sa couch nang bigla akong napahinto sa pagpunas sakanya nang magsalita ito.

"Love me back or else I'm going to grave and kill you like her."

Kunot noo at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. I didn't paid it attention dahil akala ko wala lang iyon, panaginip lang iyon. Pero totoo nga! Totoo nga na may pinatay siya!

Alam kong hindi pa tapos ito..Alam kong may mangyayaring pang hindi maganda..

Natatakot ako..natatakot ako, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa anak ko. Ayokong madamay si diam dito. Ayokong madamay ang mag-ama ko. Kahit ako nalang, kahit ako nalang ang kunin niya. Iyon naman ang gusto niya 'diba? Ang makuha ako at sumama sakanya. Sana matapos na ang lahat na ito.

Ayokong paniwalaan ang lahat ng ito, ang tungkol sa impormasyon na nakuha ko kay creig. Naging mapagmahal naman si jero saakin, at kay diam. Kaya paano ko paniniwalaan ang mapanakit niya? O dikaya ako ang nahulog sa mga patibong niya? Siguro nga hindi pa totoo ang mga pinapakita niya saakin.

Kung ano man ang plano niya, sana hindi niya  na dapat gawin ang lahat na iyon.

Gusto ko ng matigil ito. Gusto ko ng tumigil sila sa paghihiganti.