webnovel

CARAMEL

Si Rommel ay isang weakling na may pagka-nerd. Masyado siyang matatakutin sa mga bagay-bagay at pag-aaral lang ang alam niyang gawin sa buhay. Hanggang sa isang araw ay may nagparamdam sa kanyang multo na nagbago ng takbo ng buhay niya. Ang pag-ibig ay masasabing misteryoso sapagkat sa pagtatagpo ng dalawang puso, ang kanilang kapalaran ay napuno ng maraming kuwestiyon, tensyon, aksyon, pero higit sa lahat ang pagtatagpong ito ay nagdulot ng malalim na koneksyon na naidulot ng kahapon. Tunghayan ang kuwentong mala-roller coaster ride na hatid ni Cara at Rommel.

RioRuth · Fantasy
Not enough ratings
5 Chs

CHAPTER TWO

June 15, 2017 @6:30am

"Rommel! Ano ba naman yan! 3rd year college ka na pero hapon ka na gumigising! Bilis, mag-ayos ka na! Naluto ko na yung almusal mo."

Daig pa ang sampung alarm sa boses ng ina ni Rommel kaya agad itong napabangon.

"Ma! Anong hapon eh di pa nga sumisikat yung araw eh. Tsaka college na nga ako diba? May mga araw na wala akong pasok tulad ngayon, Thursday no class. Di na ako elementary na everyday may pasok."

Matapos ang mahabang talumpati ni Rommel nakatitig lang ang kanyang ina na mukhang malapit ng umiyak dahil nangingilid na ang luha sa mga mata nito.

"Ma, sorry kung napagtaasan ko kayo ng boses. Puyat po kasi ako eh."

"Hindi naman dahil dun nak, naaalala ko pa kasing kanlong pa kita noon tapos malapit ka nang magtapos ngayon. Napakabilis ng panahon."

"Ang aga-aga pa nga nagdadrama ka na. Hay nako mama, ako parin naman tong cute mong anak, large size nga lang."

"Kahit pa double XL yung size mo anak, you'll always be my baby boy. Huhuhu payakap nga!"

"Ahemm, rinig na rinig ko sa sala yung drama niyong mag-ina ha. Hali na kayo, mag-almusal na tayo kasi gutom na ako."

"Si Mama kasi Pa eh hahaha"

At bumangon na si Rommel matapos niyang ayusin yung hinigaan niya. Pagkatapos sinuot niya yung salaming nakapatong sa mesa at tiningnan niya yung oras sa alarm clock.

"6:45 am. Wow! Manok pa yata ang gising ngayon eh."

Sabay na ngang nag-almusal ang pamilya. Only child lang si Rommel kaya doble alaga sa kanya ang kanyang mapagmahal na ina. Dahil rin dito, maraming naipagbawal kay Rommel dahil may pagka-over protective ang mga magulang nito lalo na ang kanyang ina.

Habang kumakain ay nagbabasa ng diyaryo ang kanyang ama at may kausap namang cliente ang kanyang ina sa telepono habang naglalagay ng ulam sa pinggan ni Rommel.

"Nak, subukan mo kayang magwork out? Gayahin mo akong may muscles oh! Hahaha para kasing isang ihip lang ng hangin, tumba ka na. Paano mo mapoprotektahan yung magiging jowa mo?"

Na-ubo agad si Rommel nung narinig niya ang salitang jowa. Medyo mababa kasi yung self-esteem niya kasi sino ba namang magkakagusto sa isang payat na nerd na ang alam lang gawin ay magbasa ng libro diba?

"Papa naman. Matagal pa yun. Studies first."

"Hahaha kung alam mo lang anak, mas payat pa yang papa mo sayo noon. Kaso nakilala niya ako eh kaya yan, nagpagwapo at nagpa-muscles."

"Suuuus, isa kaya yang mama mo na nag-aabang sa gate kapag papasok na ako. Likas kasi na gwapo ako noon."

"Yabaaaaang! Eh sino ba yung pasimpleng dumadaan sa classroom namin para makita lang yung ganda ko?"

"Aheeemmm, nakaka-bitter po kayo, alam niyo ba yun? Pero maliligo na po ako kasi sasabay ako sayo Pa."

"Oh sige, wag kang matulog dyan sa cr at baka hapon na akong makapasok."

"10 minutes tapos na po ako."

At nagmadaling pumasok sa kwarto si Rommel. Kinuha niya yung towel niya at tumingin siya sandali sa salamin at kinausap niya ang sarili niya.

"Studies first mukha mo Mel hahaha ang sabihin mo, walang nagkaka-interes sayo kaya hanggang ngayon single ka pa. Pero okay lang yan, mas makakapagfocus ka sa pag-aaral."

Kinindatan niya ang sarili niya sa salamin at tumakbong parang baliw papunta sa cr dahil naalala niyang 10 minutes ang nasabi niya sa kanyang papa.