webnovel

CHAPTER 10

Aaron's POV

Sa wakas may nakikita na akong liwanag. Nasa exit na kami. Paglingon ko biglang nawala sa paningin ko si Alexandra.

Where is she? Damn! Kaya naman iniwan ko nalang muna saglit sa may exit si Keith at agad na bumalik sa loob.

Hinanap ko siya kung saan saan and suddenly may nadinig akong sumigaw na babae na familiar sa akin ang boses malapit sa kinatatayuan ko.

Takot na takot na siya kaya agad ako tumakbo para mailabas ko na siya agad dito.

*BOOGS*

Saktong tumama yung mukha niya sa dibdib ko. Pareho kaming natumba kaya sinalo ko siya at nagpagulong gulong na kami sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagkabangga namin.

Saktong tumama sa amin ang ilaw mula sa labas at ang paglapat ng mga labi ko sa labi niya.

Parehong nanlaki ang mga mata namin sa nangyare.

Marami na akong nahalikang babae.

So anong bago?

Ang baduy pakinggan pero pakiramdam ko unang beses palang ako nakahalik ng babae sa buong buhay ko.

Hindi pwede 'to.

Alexandra's POV

Isang mainit at malambot na labi ang lumapat sa mga labi ko sa unang pagkakataon na siya namang nagbilis ng tibok ng puso ko. Agad namang napalitan ang takot na naramdaman ko ng isang hindi ko maipaliwanag na emotion.

Halos isang minuto din kaming nasa ganung position.

*CLICK!*

Tunog iyon ng camera na siyang nagbalik naman samin sa reality. Agad naman kaming naghiwalay.

Pareho kaming hindi makapagsalita at hindi makatingin sa isa't isa.

IT WAS TOTALLY AWKWARD UGH!

"Hey!" I've heard some familiar voice here kaya napalingon ako. It was Ralph and beshi? Shocks! What are they doing here and bakit magkasama sila?

"Be--shi?" She said habang nakaangat yung phone niya. Sa phone niya pala galing yung tunog ng camera.

Whut? Did she take pictures? Omg share it natin yan mamaya lols.

Argh! Enough! Hindi ako makapag isip ng maayos.

"Kuya Ralphhh!" hiyaw naman ni Keith na siyang bumasag sa katahimikan na namagitan sa amin.

"Teka...magkakilala kayo?" tanong ko kay Ralph.

"Ah...yes." parang nagdadalawang isip na sagot ni Ralph sakin habang sinusulyapan si Aaron ng tingin.

"He's my brother too." sabi naman ni Keith na parang nagpaikot ikot muna sa buong katawan ko ang sinabi niya tsaka nagsink in sa utak ko.

WHAT?

Wait...

Did I heard to correctly? You mean...

"MAGKAPATID KAYO?" Mj and I say it in chorus. Habang nakaturo pa kami kay Aaron at Ralph.

Oh my God! Kung kapatid ni Keith si Aaron and kapatid din niya si Ralph and therefore magkapatid din si Aaron at Ralph? Argh! Some sort of logic! Ang gulo o nabopols lang talaga aki dahil kiss.

Ralph's Pov

Napanganga ako dahil sa mga eksenang nadatnan ko sa exit.

Parang gumuho ang mundo ng makita ko sila sa ganung position. My elder brother Aaron and My Highschool Sweetheart are...

Kissing.

*CLICK*

Alexa's bestfriend captured them. Wtf?

Argh! Ang sarap magwala!

At last naghiwalay na din sila. Agad naman akong lumapit kay Alexa and acting like I've seen nothing.

"Hey!" Bati ko sa kanya mula sa likuran and I think she recognized my voice at napalingon siya sa direction ko.

"Be--shi?" sabi naman ng bestfriend niya na parang gulat padin sa nangyari.

Alexa's also in the state of mind floating.

"Kuya Ralphhh!" shit! Bakit nandito si Keith? Oh! I forgot it's sunday.

So it means she saw everything happens in here a while ago? Ano bang ginagawa ni Aaron? Tsk! Those scenes are not good for my little sister.

Bahagyang kumunot ang noo ni Alexa at ng bestfriend niya. Napalingon ako kay Aaron. He's glaring at me.

"Teka...magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Alexa.

"Ah...yes." nagdadalawang isip na sagot habang sumusulyap kay Aaron na masama parin ang tingin sa akin.

There's no reason for us to hide the truth right? I think so. Napakamot nalang ako sa batok ko.

"He's my brother too." Dugtong pa ni Keith.

A moment of silence...

"MAGKAPATID KAYO?" Magkasabay na sabi nilang dalawa.

Hindi pa man nakamove on sa nangyari kanina and here they are facing into another shocking moment.

"Yes we are." Aaron answered them.

Aaron's Pov

Mukha silang gulat na gulat sa nalaman nila. Maybe dahil matagal na silang magkakilala ni Alexa at Ralph and she doesn't even know na magkapatid kami.

I cleared my throat. "Yes we are." Tipid kong sabi.

Ano ba kasing ginagawa ni Ralph dito?he's ruining my day. Tsk!

At the Restaurant...

I don't know what hits into his mind at nagfefeeling close siya ngayon sa akin and sumama pa dinner naman. Well, maybe because of Alexa?

Kung wala lang si Keith dito baka kanina ko pa siya sinipa.

"Dito kana..." sabay pa naming sabi na parehong nagoffer ng sit kay Alexandra.

"Ahh..." naguguluhang sabi niya.

But of course sa tabi ko siya umupo. Si Mj na bestfriend naman ni Alexa ang nasa tabi Ralph at si Keith ang nasa gitna.

Napansin ko namang tinititigan ako ng masama ni Ralph. Hmm...hinawakan ko naman ang kamay ni Alexandra tsaka nagsmirk sa kanya na siyang lalong kinaiinis niya.

"Kuya Ralph...who's the girl beside you? Is she your girlfriend?" Keith broke the silence.

"No." Diretsong sagot naman ni Ralph.

"Hi ako nga pala si Ate Mj bestfriend ni Alexandra." Marahang sagot naman ni Mj habang nakaturo kay Alexa.

Napatingin ako kay Alexa. Something flashback into my mind. Argh! Erase that freakin' thought!

Alexandra's POV

Nilingon ko si Aaron and I caught him staring at me then agad din namang niyang inalis yung tingin niya kahit nahuli ko na siya. Bakit? May dumi ba ako mukha?

Teka...oo nga pala!

"Bakit nga pala kayo andito at magkasama pa kayo? Close na kayo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanila.

"Ah ano...kasi...ganto----" parang nagpapanic na sabi ni Mj. "Basta!" Dugtong niya.

Hmm...I smell something fishy here. Mamaya ka lang sa akin Mj.

So yun habang kumakain kami nagtanong naman ako ng unting bagay about sa pagiging magkapatid nila. Unti lang, baka kasi magkamali ako at may masabi akong hindi maganda. Napansin ko kasing hindi talaga sila close and parang hindi pwede ipagtabi.

After naming kumain bumyahe na agad kami pauwi since gumagabi na din. Nasa front sit na ako ngayon since nakatulog na Keith dahil sa pagod siguro kaya dun na namin siya nilagay sa backsit.

Habang nasa byahe. Iniisip ko lahat ng nangyari sa araw nato. Grabe ang dami palang nangyari. And most importantly nangyari na yung first kiss sa HORROR HOUSE. Lels.

Omg! Si Aaron ang first kiss ko.

Napatingin ako sa wallpaper ko yung picture namin yun kanina na mula sa phone ni Mj. Pinasa namin kanina habang nasa cr kami.

Palihim akong napahagikhik sa tawa.

"What's funny?" biglang tanong niya sakin. Shocks! Naririnig niya pala ako.

"Ah wala naman...mahal este Aaron." napangiti lang ako sa kanya. Eto na yun mga bes baka magiging kami na. Baka narealized na niya kung gaano ako kaganda. Hekhek.

Sa haba ng byahe hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Mj's POV

Kaya pala magkahawig sila ni Aaron. Grabe nagulat din ako dun ah. Pero mas nagulat ako sa nadatnan ko kanina sa exit ng horror house. Malamang ngiting tagumpay ngayon si Beshi.

May naalala tuloy ako. Napahawak ako sa labi ko tsaka napatingin sa katabi kong nakakunot noo habang nakafocus sa road.

"Argh!" Inis niyang pindot sa busina. Dito na pala kami sa edsa. As usual traffic. Tsk!

Kanina pa siyang ganyan. Ano ba problema nito? Nagseselos ata tong mokong nato sa kuya niya tsaka kay Alexa.

Andito naman ako hmp!

Whut? Argh! Forget what I've said.

"What's your name again? Kanina pa kita nakakasama but hindi ko alam name mo." Bahagya siyang napatingin sa akin.

"Maria Jade. Mj nalang!" sagot ko naman sa kanya habang umiiwas ng tingin sa kanya. Naiinis talaga ako tuwing kinikindatan niya ako. Sarap dukutin ng mata niya tsk! Anyway, weirdo ng name ko nuh? Hahaha.

Aaron's POV

Ang bigat naman ng ulo ng babaeng to. Kanina pa kami dumating. Pero anong gagawin ko? Ang himbing ng tulog niya sa balikat ko.

Habang minamasdan ko siya unti unti ko namang naramdaman ang tibok ng puso ko. Nahawa na ata ako sa weirduhan ng pangit na'to.

"Hmm..." she groaned. Sa wakas gising na din siya. "San na tayo?" Parang naalimpungatan niyang tanong.

"Nasa inyo." Tipid kong sagot.

"Ah ganun ba." Agad niya naman siyang nagtanggal na ng seatbelt tsaka nag ayos at binuksan ang pinto. Akmang lalabas na siya ng hawakan ko siya braso dahilan para tumingin siya pabalik sa akin.

Without any hesitation i kissed her on her cheek.

Geez. Ano bang ginagawa ko?

"Ahh...goodnight bye." nahiya kong sabi sa kanya tsaka umiwas ng tingin.